Share

CHAPTER THIRTY-NINE

"Mali ba ang naging desisyon ko, Mike?" tanong ko na may pagaalangan.

"Kahit mali man o tama, nangyari na ang hindi dapat kaya wala na tayong magagawa tungkol diyan," sagot niya habang magkasaklob ang mga palad na tila kay lalim ng iniisip.

"Nagkaroon ako bigla ng mga aga-agam," wala sa loob kong sambit kaya napabaling ang tingin niya sa 'kin.

"Dahil? Alam mo sa sarili mong attracted ka kay Stefan kaya nangangamba ka sa sinabi ni Dana na posible kang mahulog sa lalaking 'yon?" tanong nito ngunit umiling ako.

"Hindi iyan mangyayari," pananalungat ko sa kongklusyon nila.

"H'wag kang magsalita ng tapos Ruby, kapatid kita kaya kilala ko ligaw ng bituka mo. At lalaki rin ako gaya ni Stefan, alam kong may dahilan kung bakit 'to nangyayari at ayokong sisihin ka, pero sana nga lang hanggang doon lang kayo dahil ayokong mahati ang prinsipyong pinanghahawakan mo dahil lang iibig ka sa isang kriminal," mahabang lintanya niya at kasabay ng pagtayo.

Hindi ko magawang nakapagsalita, ni hindi ko ala
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status