Hindi siya agad nakapagsalita. Nakatitig lamang siya sa nakayukong lalaki sa harap niya ng mga oras na iyon. Hindi niya alam ngunit tila ba gusto niyang hilahin ang kamay niya mula rito. Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman niya ng mga oras na iyon kung bakit ganun na lamang ang naramdaman niya.
Napaiwas siya ng tingin at ilang sandali pa ay tila napapaso siyang binawi ang kamay niya mula rito. Awtomatiko namang napaangat ito ng tingin sa kanya na may halong pagtataka kung bakit ganun na lamang ang naging reaksiyon niya."Ayaw mo ba?" Nakakunot ang noong tanong nito na may halong pag- aalala na baka hindi niya nagustuhan ang ginawa nito.Isang tipid na ngiti ang naging sagot niya rito at isang mahinang pag- iling. Hindi naman sa hindi niya nagustuhan ang ginawa nito, kundi ang katawan niya ang hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lamang ang epekto ng isang simpleng pagdaiti lamang ng labi nito sa kamay niya.Hindi niya naiwasan ang palihim na pagalitan ang kanyang sarili. Mahirap mang aminin ngunit alam niya kung bakit ganuon na lamang ang naging reaksiyon ng katawan niya."Hindi naman sa ganun. Nagulat lang ako sa ginawa mo," nakangiting saad niya rito at pagkatapos ay nag- umpisa na naman siyang maglakad kahit pa nag- uusap pa sila."Teka lang Miss!" Habol nito sa kanya. Hinayaan lamang niyang habulin siya nito, dahil iyon naman talaga ang gusto niya mula umisa, ang hinahabol siya nito upang makuha lamang ang atensiyon niya.Unang- una ay iyon naman talaga ang gusto niya ang habulin siya nito, isa pa ay iyon ang magiging rason upang mas maging eager pa ito na makilala at makuha lamang siya. Kailangan niya munang magpakipot bago siya nito matikman, pero agad niyang ipinilig ang kanyang ulo upang iwaksi ang isiping iyon na pumasok sa kanyang isipan.Plinano niya ang maghiganti dito gamit ang kanyang alindog ngunit wala sa isip niya ang magpatikim dito. Itinatak na niya sa isip niya iyon dahil siya ang magiging talo sa ginagawa niyang paghihiganti kapag nangyari iyon.Hindi siya lumingon mula sa pagtawag nito sa kanya o ni tumigil man lang. Nagtuloy- tuloy lamang siya sa kanyang paglalakad na akala mo ay walang naririnig, hanggang sa maramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang braso upang pigilan siya sa kanyang paglalakad. Wala siyang nagawa kung hindi ang tumigil ng mga oras na iyon at lingunin ito dahil hawak - hawak nga nito ang kamay niya.Hindi siya nagsalita bagkus ay tinaasan niya lamang ito ng kilay at pagkatapos ay sinundan niya ng tingin ang kamay nitong nakahawak pa rin sa kanyang mga braso hanggang sa mga oras na iyon.Tila napapaso naman itong bumitaw mula sa pagkakahawak sa kanyang braso at ngumiti ng bahagya."Sorry," hinging paumanhin nito at alanganing nginitian siya. Pinanatili niya ang kanyang postura sa mga oras na iyon kahit pa halos lumundag ang kanyang puso habang nakatitig siya sa gwapong mukha nito habang bahagya lamang nakangiti.Hindi niya maiwasanang mapatitig sa mga mata nito, mga matang nitong mapang- akit na tila hinihigop siya. Hindi niya maigalaw ang kanyang mga paa o ni hilahin man lang ang kanyang kamay mula dito dahil napakalakas ng epekto ng titig nito sa kanya.Hanggang sa ilang sandali pa ay nakabawi din siya at bahagyang iniiwas ang kanyang titig mula dito."Ano iyon?" Tanong niya rito na hindi ito tinitingnan, itinuon niya ang kanyang paningin sa mga taong pumapasok sa gym na iyon.Narinig niya ang pagtanggal nito ng bara sa kanyang lalamunan at pagkatapos ay nagsalita."Pwede ko bang makuha ang number mo?" Rinig niyang tanong nito kaya napalingon siya rito. Napataas ang kilay niya dahil sa tanong nito at tinitigan lamang ito at hindi niya sinagot ang tanong nito. Bigla itong napakamot sa ulo nito at pagkatapos ay bahagyang ngumiti. "Ayaw mo ba? Its okay, or baka gusto mo na lang na kumain sa labas my treat." Nakangiting aya nito sa kanya na ang mga mata ay tila nahihiya dahil sa inaasta niya. Tila naguguluhan ito dahil sa inaasta niya, dahil sino ba naman ang tatanggi sa isang katulad nito na isang hunk, bukod pa doon ay napakayaman nito kaya kahit sinong babae ay magkaka- interes na lapitan o na mapansin lamang nito.Agad sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi at pagkatapos ay umakyat ang kanyang kamay upang haplusin ang mukha nito na may kahalong lambing.Tila nanigas naman ito sa kinatatayuan dahil sa kanyang ginawa lalo na nang ilapit niya ang kanyang mukha sa tenga nito at binulungan."Pick me at 7 at the Hermione Subdivision," she whispered naughtily.Mabuti na lamang at walang halos tao sa parking lot nang dumating sila. Maganda iyon dahil walang makakakita sa kaniya na bababa siya mula sa sasakyan ng boss niya. Iniiwasan pa naman talaga niya ang ma- issue dahil gusto niya ay hindi siya paghinalaan ng mga tao lalo pa at gusto niyang malamang pasikot- sikot sa kumpanya.Nauna siyang bumaba ng kotse at hindi na niya hinintay pa si Steffano na pagbuksan siya ng pinto dahil baka nga may makakita sa kanila. Mahirap na. Ilang sandali pa ay sumunod na rin naman ito sa kaniya at pagkatapos ay nauna ng naglakad kaysa sa kaniya.Mabuti na lag din at hindi na siya nito kinausap pa katulad kapag dadalawa lang sila. Tahimik siyang sumunod rito at kapansin- pansin na pagkapasok na pagkapasok nito sa building ay kaagad na nagsisiyukuran ang mga tao rito na animoy tila isang kagalang- galang na tao.Bigla naman niya naisip na ano kaya ang nakita ng mga ito kay Steffano, o baka hindi pa lang nakikita ng mga ito ang dark side nito at ang akala lang
Paglabas ni Steffano mula sa silid ay tumayo siya. Kailangan na niya itong makausap tungkol sa pagpasok niya sa opisina. Ayaw niya namang unang pasok pa lamang niya sa opisina nito ay magkaroon na siya kaagad ng issue. Hindi naman maiiwasan na magka- issue siya kapag nakita siya ng mga taong nakasakay sa kotse nito dahil knowing sa mga tao ay hindi nga malayong mangyari iyon.Hindi niya maiwasang hindi mapatitig rito nang lumabas ito sa silid nitong nakabihis na. Paano ba naman kahit saang anggulo talaga ito tignan ay talaga namang napaka- gwapo nito. Bahagyang bumuka ang kaniyang bibig ngunit nagsara rin at hindi makaapuhap ng salita.Ilang sandali pa ay tinignan siya nito at pagkatapos ay sinuyod siya ng tingin nito. Ilang sandali pa ay gumuhit ang isang ngiti sa labi nito at kitang- kita sa mga mata nito ang paghanga pagkakita sa kaniya.“You look gorgeous baby.” nakangiting sabi nito sa kaniya.Hindi naman niya naiwasang hindi pamulahan ng pisngi dahil sa papuri nito sa kaniya. Gu
Pagmulat ng mga mata ni Nicole ay sumalubong sa kaniyang mga mata ang bakanteng kama. Medyo lubog pa ang kama tanda na may humiga doon. Nag- inat siya at pagkatapos ay bumangon pagkatapos ay inalala ang mga pangyayari kagabi. Sa pagkakatanda niya ay nasa sala sila at kumakain pagkatapos ay nakita niyang tulog si Steffano at—- hindi niya na maalala pa ang sumunod doon. Paano siya nakarating sa kama kung ganuon? Isa pa ay niyuko niya ang kaniyang sarili. Iyon pa rin naman ang suot niya kagabi ibig sabihin ay nakataulog din siya kagabi?Hindi na kasi niya maalalang nakatulog pala siya. Naaalala pa nga niyang nilalabanan niya ang antok niya dahil ayaw niyang makatulog siya doon pero nakatulog pa rin pala siya. Binuhat siguro siya ni Steffano. Hindi na lamang siya nito ginising.Kaagad na siyang bumangon at nagtungo sa banyo upang maghilamos. Nasaan kaya ang lalaking iyon? Tanong niya sa kaniyang isip. Wala naman ito sa banyo. Saan kaya ito nagpunta?Pagkatapos niyang maghilamos ay kaagad
Hindi niya namalayang nakatulog pala siya sa byahe nila. Siguro ay dahil na rin iyon sa puyat niya kagabi at isa pa ay maaga pa siyang nagising kanina. Nagising nga siya dahil naramdaman niya ang paghalik sa kaniya ni Steffano.“We’re here.” nakangiting sabi nito nang magmulat siya ng knaiyang mga mata.Kaagad naman niyang inilibot ang tingin sa kaniyang paligid at nasa parking area na sila. Ilang sandali pa nga ay napahikab pa siya at pagkatapos ay napainat. Hindi niiya tuloy alam kung gaano ba siya katagal na nakatulog dahil umpisa pa lamang yata ng byahe nila ay nakatulog na siya. Hindi niya na naman tuloy nakita ang mga dinaanan nila katulad noong una siyang dinala nito sa condo nito.Umayos siya ng kaniyang upo at napatitig lamang s alabas ng bintana. Samantalang si Steffano ay bumaba na ng sasakyan at pagkatapos ay binuksan na ang pinto sa likod nila para ilabas ang maleta niya. Pagkatapos nitong maibaba ang maleta niya ay umikot ito patungo sa tapat niya at binuksan ang pinto.
Napabuga ng hangin si Nicole at pagkatapos ay napaupo sa kaniyang kama, katatapos niya lang mag- empake ng kaniyang mga gamit ng mga oras na iyon. Medyo napagod siya dahil madami din siyang mga damit pero hindi naman lahat ay ikinarga niya sa kaniyang maleta. Pinili lamang niya ang mga inilagay niya, mga damit pang opisina at syempre ang mga damit na pang- akit niya kay Steffano. Hindi pwedeng mawala ang mga iyon dahil unang- una ay iyon naman talaga ang plano niya. Ilang sandali pa nga ay napatitig siya sa isang maletang damit niya. Hanggang kailan kaya siya mananatili sa tabi nito? Hindi niya alam kung gaano katagal ang gugugulin niyang panahon para tuluyang maisakatuparan ang paghihiganting hinahangad niya. Pero kailangan niyang bigyan ng palugit ang sarili niya dahil hindi naman pwedeng ubusin niya ang kaniyang oras sa paghihiganti lamang kay Steffano. Napatitig siya sa kisame, ganun na rin sa kabuuan ng silid niya. Ilang buwan niya kayang hindi makikita ang condo niya. Muli siya
Malakas na ring ang gumising kay Nicole. Nakapikit pa niyang inabot ang walang planong tumigil sa pagtunog na alarm- clock na nakapatong sa kaniyang drawer na nasa tabi ng kaniyang kama. Nakapikit pa niyang inabot ito at pinatay. Napakaaga naman yata ng alarm niya masyado dahil inaantok pa siya. Pagkapatay nga niya ng alarm clock ay nagtalukbong siya ng kumot. Inaantok pa siya. Puyat pa siya kagabi dahil halos ala- una ng madaling araw ng umalis si Steffano sa condo niya. Masyado siya nitong sinulit na akala mo hindi sila magkikita ng matagal. —------ Isang ring na naman ang nagpagising kay Nicole, sa punto namang iyon ay hindi na tunog ng alarm clock kundi tunog na ng kaniyang cellphone. Ring ng ring ito at tila ba wala itong balak tumigil. Napilitan tuloy siyang bumangon upang hanapin ang kaniyang cellphone na hindi niya alam kung saan niya nga ba nailagay kagabi. Isa pa ay sino ba iyong tawag ng tawag sa kaniya na umagang- umaga. Halos katutunog lang ng alarma clock niya at nga