Share

CHAPTER 7

HMH-7

3 MONTHS LATER

       Abala si Yanna sa kanyang shop nang araw na iyon. Nag sabay-sabay ang kanyang mga customer. Kahit ang kanyang mga staff ay hindi na rin magkandatuto sa kabi-kabilang customer. Kaya sa halip na manatili lamang sa kanyang opisina ay tumulong na lamang siya sa pag estima sa mga ito. 

        Halos hindi siya nakakaramdam ng pagod habang abala sa kanyang mga ginagawa. Nang makahanap ng sandaling pagkakataon ay kaagad siyang bumalik sa opisina upang sandaling mag refresh. 

        Habang naglalakad ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng matinding hilo at muntik na siyang matumba sa sahig. Mabuti na lamang at kaagad siyang nakahanap ng kanyang makakapitan. Sandali muna niyang pinalipas ang nararamdaman bago muling ipinagpatuloy ang paglalakad. 

        Inakala niya na muling bubuti ang kanyang pakiramdam ilang sandali lang. Subalit mas lalong hindi siya nakabalik sa kanyang ginagawa matapos ang patuloy na pagsama ng pakiramdam. Minabuti na lamang niya na ipahinga ang sarili. 

        Maaga pa lamang ay nagpasya na siyang lumabas sa kanyang shop para dumiretso sa hospital at mag pa-check-up. Hindi rin kasi siya kumportable kapag may hindi magandang pakiramdam. Hindi siya sanay na iginugupo ng kahit na anong sama ng katawan lalo na sa klase ng kanyang mga ginagawa. Kailangan niyang manatiling malakas ang katawan palagi at hindi lalampa-lampa.

         Dumiretso siya sa clinic ni Dra. Darla. Costumer na siya nito dahil dito siya palaging nagpapa-check ng status ng kanyang kalusugan. 

        "Good afternoon, Dra." nakangiting bati niya rito. May kaharap itong isang pasyente na tila panghuli na sa kliyente nito. 

        Nakangiting bumati ito sa kanya ng makita siya. "Good afternoon, too. Bakit hapon ka yata ngayon bumisita? Hindi ba dati tuwing umaga ka nag papa-schedule? Maupo ka muna dyan at tatapusin ko lang muna siya," anito na itinuloy ang pag estima sa pasyente nito. 

        "Busy ako sa shop, the whole day, kaya hinapon na tuloy akong nakabisita. Saka urgent lang din ito," aniya at lumapit sa sopang nasa gawing gilid at naupo. Hinintay niyang matapos muna ito bago siya muling tumayo at lumapit sa harapan ng mesa nito at doon naupo.

        "So, ano bang sa atin? Halos ilang buwan ka rin yatang hindi bumisita rito."

         "Oo nga, Dra. Anyway, medyo hindi ko kasi gusto ang nararamdaman ko kanina. Alam nyo naman kung gaano ako ka-concerned pagdating sa health ko kaya napabisita agad ako rito."

         "Bakit? May problema ba?" tanong ng Dra at mataman siyang pinagmasdan. "Mukhang ang laki yata ng ibinagsak ng katawan mo, ah. Payang nangangayayat ka ata? Don't tell me, na nag da-diet ka?" tukso pa nito sa kanya.

         "Naku, Dra. naman! Hindi na kailangan iyon. Sa liit na nga katawan ko mag-diet pa, baka mamaya niyan sa sementeryo ako pulutin kasi wala ng kalaman laman at sustansya sa katawan!" pabirong sagot niya na ikinatawa nilang dalawa.

       "O pa'no, bakit ka ba kasi biglang nag worry?"

        "Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko kanina. Yung tipong sobrang hilong-hilo na kulang na lang bumagsak yung katawan ko. Sa tingin ko naman, hindi ako anemic na tao."

        "Baka nagpupuyat ka, lately? Or napapagod ng husto?" 

        "Hindi rin naman po, Dra." 

        "Akin na! Check natin blood pressure mo." Inabot nito ang kanyang braso at sinimulang i-check ang BP niya. " Normal naman. Pwede bang sabihin mo yung iba pang nararamdaman mo?"

         "Kaninang umaga, pagbangon ko, sumama rin ang pakiramdam ko. Saka iyong parang naduduwal ako." 

        Kumunot ang noo ng Dra. "Tell me, kailan ka pa huling dinatnan ng dalaw mo?" 

         Biglang natigilan si Yanna na hindi malaman ang isasagot. Ngayon lang niya na-realize na hindi na nga pala siya dinadatnan ilang buwan na.

        "Sa mga sinabi mo kasi, sintomas iyan ng isang nagdadalang-tao. Kailan ka ba huling dinatnan?"

        "Actually, Dra. Iyon na nga, eh. Ilang buwan na pala akong hindi dinadatnan at ngayon ko lang ulit na realize iyon!" aniya na naihilamos ang palad sa kanyang mukha. Nakita ng Dra ang kanyang ekspresyon na tila nalilito kaya napailing ito.

        "Kailangan nating makasiguro kung tama ang hinala kong buntis ka. Kailangan mong mag undergo ng ilang test para mas malaman natin." anito at kumuha ng maliit na botelya at inabot sa kanya. "Go and fill this with your urine. And later, I will get a sample blood of yours," anito. 

         Kaagad na tumalima siya at ilang sandali lang ay muli ring bumalik. Kumuha ito ng sample na dugo sa kanya bago nito ipinasa sa assistant nito. 

        "You'll need to wait a little longer for the result."

        "It's okay, Dra." aniya na bahagyang ngumiti. Ngunit ang malakas at mabilis na kabog ng kanyang dibdib ay hindi nabawasan sa isiping baka nga buntis siya. Hindi pa man ay sari-saring emosyon na kaagad ang nagsalimbayan sa kanyang isipan. 

       Paano kung buntis nga ako? Paano ko siya mapoprotektahan sa mundong ginagalawan ko? Paano kung malaman ng mga kalaban ko at gamitin nila itong panglaban sa akin? No! Hindi maari! Hindi ako papayag! Kahit na hindi ko kilala kung sino ang ama niya kung sakali man na buntis nga ako, iingatan ko pa rin siya at aalagaan na mag-isa ko. Palalakihin ko siyang isang mabuting bata na malayo sa magulong mundo na mayroon ako. Oh, God! Please help me! 

         "Nervous? or excited?" tanong ng Dra ng muling lumabas galing sa loob at tila may dala ng balita para sa kanya.

        "Actually, Both, Dra! Hindi ko talaga alam kung anong mararamdaman ko this time. Kung ano man ang maging resulta, malugod kong tatanggapin!" aniya na ngumiti kahit pa pilit nilalabanan ang matinding kaba.

        "Well, dala ko na ang resulta, and… I'm happy to say that you are eleven week's pregnant. Congratulations!" ani Dra. Darla. Nakangiti nitong inabot sa kanya ang papel na hawak nito. 

        Hindi makapaniwalang naitakip niya sa bibig ang kanyang palad. Hindi pa siya handa na maging isang ina ngunit kung ito ang gusto ng langit para sa kanya, tatanggapin niya. 

         "Talaga, Dra? Buntis nga talaga ako? Oh, God!" nanlalaki pa ang mga matang nakatitig siya sa munting papel kung saan nakasulat ang resultang 'positive.' Mayamaya ay awtomatikong naglandas ang kanyang mga palad sa ibabaw ng impis na naman niyang puson at doon humimas.

         "Ingatan mo ang baby mo! Bibigyan kita ng mga gamot at vitamins na kailangan mong i-take. Always, take enough rest and avoid stress, okay?"

        "Thank you, Dra! Tatandaan ko po!" aniya. Marami pang ibinilin ang doktora at lahat iyon ay tinandaan niya. 

        Pag-uwi niya sa kanyang sariling condo ay nag-isip kaagad siya ng magandang plano para hindi malaman nang iba ang kanyang pagbubuntis at masigurong ligtas ang kanyang anak. Hindi pa siya tapos sa misyon niya kaya hindi niya hahayaan na malagay sa alanganin ang magiging anak niya at ang magiging buhay nito sa klase ng mundo na mayroon siya. 

         Ilang sandali pa at nakaisip siya ng isang magandang solusyon sa kanyang plano.

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Oroceo Lago Nieva
Dra said, im happy to say that you are eleven week's pregnant.
goodnovel comment avatar
Oroceo Lago Nieva
11 weeks, kayo yata nagkamali ng pag basa. Si autor pa sinisi.
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
grabe 11months siguro nagkamali Ka Author baka 11 weeks
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status