Share

Chapter 34: Pag-iimbot

last update publish date: 2026-09-08 06:54:22

Nawala ang liwanag, pero hindi ang kabaliwan sa mukha ni Cindy.

Sa loob ng ilang segundo, naging parang kulungan ng mga multo ang terrace. Ang mga ilaw sa loob ng ballroom ay sumisingit mula sa salaming pinto, lumilikha ng mga anino na sumasayaw sa dingding. Rinig ko ang mga bulungan at bahagyang pagpapanik ng mga bisita sa kabilang bahagi, pero dito sa labas, ang tanging tunog na malinaw sa pandinig ko ay ang mabibigat na hininga naming apat.

"Cindy, ano na namang katarantaduhan 'to?!" bulyaw
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • MARRIED FOR A DEAL, BOUND BY SECRET    Chapter 76: Hindi Pagsuko

    Ang hangin sa labas ng ancestral mansion ng mga Mondragon ay nanatiling malamig at mabigat, ngunit sa loob ng pribadong opisina ni Tylane sa kabilang bahagi ng lungsod, ang init ng galit at pagnanais na maghiganti ay abot-langit.Matapos niyang masaksihan mula sa malayo ang kabiguang tuluyang mapag-hiwalay nina Don Luke at ng mag-asawang Lucas at Kiarah, na-realize ni Tylane na hindi sapat ang mga lumang larawan at ang isyu tungkol kay Dr. Kent. Ang mga matatandang Mondragon ay masyadong makapangyarihan at mapanuri; kapag nalaman nilang totoo ngang nagmula sa dugo ng kanilang anak ang batang si Sky, ang galit nila kay Kiarah ay madaling mapapalitan ng pagnanais na angkinin ang apo—at sa huli, magiging buo at mas matatag pa ang pamilya Mondragon."Hindi ko hahayaang mangyari 'yun," pabulong na wika ni Tylane habang naglalakad pabalik-balik sa ibabaw ng kanyang mamahaling carpet sa opisina. "Kung ang dugo ni Lucas ang nagdurugtong sa kanila... ang dugong 'yun din ang gagamitin ko para t

  • MARRIED FOR A DEAL, BOUND BY SECRET    Chapter 75: Ang Katotohanan

    Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo sa loob ng malawak at marangyang sala ng ancestral mansion ng mga Mondragon. Ang bawat mata sa loob ng silid—mula sa matigas at naghihinalang titig ni Don Luke, sa nag-aalalang mukha ni Donya Lorena, hanggang sa tahimik at naghihintay na paningin ni Lucas—ay nakatutok kay Kiarah.Ang hangin sa paligid ay naging kasing bigat ng tingga. Ang mga lumang larawan at dokumento tungkol sa buhay ni Kiarah sa probinsya ay nananatiling nakakalat sa ibabaw ng glass table, tila mga saksi sa isang kasinungalingang pilit pinaniniwalaan ng mga kalaban.Unti-unting inangat ni Kiarah ang kanyang mukha. Ang mga matang kanina ay basang-basa ng luha ay ngayon ay nagtataglay na ng isang kakaibang tapang at kalmado. Hindi na siya nanginginig. Ang kanyang paghinga ay naging steady habang ang kanyang mga mata ay dahan-dahang lumipat mula sa kanyang biyenan patungo sa lalaking nakatayo sa kanyang tabi.Tinitigan niya si Lucas. Sa mga mata ng kanyang asawa, nakita niya ang wal

  • MARRIED FOR A DEAL, BOUND BY SECRET    Chapter 74: Oras Na

    Magsasalita pa sana si Lucas upang ipagtanggol ang kanyang asawa at patigilin ang walang habas na pag-akusa ng kanyang ama, subalit mariin siyang sinaway ni Don Luke."Manahimik ka, Lucas!" maawtoridad at dumadagundong na sigaw ng Don habang itinuturo ang anak. "Hayaan mo siyang magsalita sa sarili niya, no need to defend her! Kahit isang salita!Hayaan mong ang babaeng 'yan ang magpaliwanag sa harap natin!"Nagbabaga ang mga mata ng Don habang nakatitig kay Kiarah. Ang dalaga ay patuloy na lumuluha habang nakatunghay sa mga larawan at iba pang mga dokumentong nakakalat sa ibabaw ng glass table—mga patunay at ulat ng kanyang naging buhay sa probinsya limang taon na ang nakararaan. Ang mga litratong iyon, na pinalabas ni Tylane bilang katibayan ng pagtataksil, ay naglaman ng mga alaala ng kanyang pinakamadilim at pinakamahirap na mga araw.Mariing pinalapit ni Don Luke ang kanyang mukha, ang boses ay punong-puno ng galit at hinala."Explain yourself, Kiarah!" malamig at matigas na utos

  • MARRIED FOR A DEAL, BOUND BY SECRET    Chapter 73: Ang Galit Ng Don

    Ang bawat tawag mula sa ancestral home ng mga Mondragon ay may katumbas na matinding bigat, subalit ang tawag na natanggap ni Lucas noong hapon na iyon ay ibang-iba. Ang boses ng sekretarya ng kanyang ama ay pormal, mabilis, at may kasamang kakaibang panginginig—isang tahimik na babala na ang matandang Don ay kasalukuyang nasa gitna ng napakatinding galit.Hindi na nag-aksaya ng panahon ang CEO ng Mondragon Group. Kahit na nakapila ang ilang mahahalagang executive meetings at mga kasunduan sa negosyo para sa hapon na iyon, walang alinlangan niyang ipinag-utos sa kanyang personal assistant na ikansela ang lahat."Sir, paano po 'yung kontrata sa mga foreign investors?" tanong ng kanyang assistant habang mabilis na sumusunod sa mga hakbang ni Lucas patungong elevator."Ipagpaliban mo," malamig at maawtoridad na utos ni Lucas habang inilalagay ang kanyang suit jacket. "May mas importanteng bagay na kailangan kong ayusin sa ancestral home."Mabilis na nagmaneho si Lucas patungo sa kanilang

  • MARRIED FOR A DEAL, BOUND BY SECRET    Chapter 72: Panlilinlang Ni Tylane

    Bago tuluyang lumipad pabalik ng Maynila mula sa lalawigan, hindi pa rin lubos na tanggap ni Tylane ang naging maanghang na pagtanggi ni Dr. Kent. Sa loob ng kanyang pribadong sasakyan habang nakatigil sa gilid ng highway, muli niyang ipinatawag ang kanyang private investigator. Ang galit sa kanyang mga mata ay pinalitan ng isang malamig at determinadong pagnanais na baluktutun ang katotohanan ayon sa kanyang kagustuhan."Makinig kang mabuti," utos ni Tylane sa investigator habang mariing nakahawak sa telepono. "Huwag mong titigilan ang pagsubaybay sa Kent na 'yan. Magsaliksik ka pa! Maghanap ka ng kahit anong anggulo, dokumento, o saksi na mag-uugnay sa kanila ni Kiarah. Kailangan kong mapatunayan sa mundo na ang doktor na 'yan ang tunay na ama ni Sky at walang alam ang tangang si Lucas sa kalokohang ito!"Inipon ni Tylane ang lahat ng mga kinuha ng kanyang investigator—mga lumang larawan at mga dokumento na nagpapatunay na sa loob ng limang taon sa probinsya ay magkasama at madalas

  • MARRIED FOR A DEAL, BOUND BY SECRET    Chapter 71: Tylane's Step

    Napakunot ang noo ni Dr. Kent habang matalim na nakatitig sa babaeng bigla na lamang pumasok sa kanyang silid. Ang bawat salitang binitiwan ng hindi kilalang bisita ay nagdulot ng matinding pagtataka sa kanyang isipan. Sa kabilang banda, napakalapad ng ngiti ni Tylane—isang ngiting punong-puno ng sigurado at arroganteng kumpiyansa. Bago pa man siya yayain ng doktor, kusa nang umupo si Tylane sa tapat na upuan ng mesa, dahan-dahang nagkrus ang kanyang binti, at inayos ang kanyang mamahaling jacket."Diretsuhin na kita, Dr. Borromeo," pormal at may kasamang yabang na panimula ni Tylane habang itinutukod ang kanyang mga siko sa mesa. "Name your price. Maglabas ka ng halagang gusto mo—isang milyon, limang milyon, o higit pa—para lang magsalita ka ng pawang katotohanan. Ang kailangan ko lang ay sagutin mo nang buong tapat at walang pag-aalinlangan ang mga itatanong ko sa 'yo."Mas lalong naguluhan si Kent sa inasal ng dalaga. Hindi siya sanay sa mga taong gumagamit ng pera upang pilitin an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status