NANG dumating si Athena sa ancestral house ng mga Ruiz , ay nadatnan niya lang ang isa sa mga katulong na kasalukuyang naglilinis sa harapan ng malaking bahay, "Magandang gabi po Maam.” bati nito sa kanya.
“Good evening din po, nandyan ba si Lolo at sina Mama at Papa?” tanong naman ni Athena dito.
“Uhm sina Maam at Sir po ay umalis pero si Don Simplicio po ay nasa loob Maam nasa study room niya po.”
“Ah okay, sige salamat at didiretso na lang ako kay Lolo.”
Ngumiti ng bahagya si Athena sa katulong at tuluyan na ring pumasok sa loob ng bahay.
Pumunta si Athena sa study room ni Don Simplicio at ng nagkataon na nakabukas ng bahagya ang pintuan nito kaya sumilip siya ng kaunti sabay katok sa pintuan.
Narinig at nakita kaagad ni Don Simplicio si Athena sa may pintuan na sumisilip kaya agad niya itong niyayang pumasok. Lubos naman ang kasiyahan ni Don Simplicio habang lumalapit si Athena sa kanya.
"Nandito ka pala apo. Halika dito, mag-isa ka lang ba at hindi ba't sumama si Mikael sa'yo?"
"Hindi po lolo, abala po kasi si Mikael sa kumpanya ngayon, kaya ako lang pong mag-isa."
"Ang batang ito, alam lamang ay ang maging abala sa trabaho buong araw." nasabi ni Lolo Don habang pailing-iling ng ulo.
"Alam mo naman po ang kalagayan sa kumpanya lolo, isa pa po siya ang presidente, at kailangan niyang maging mas masipag kaysa sa mga empleyado niya." saad naman ni Athena na nakangiti.
Kasalukuyang magkaharap sila ni Don Simplicio. Nakaupo silang pareho sa dalawang mahabang couch na may pagitan na center table na nasa harapan ng office table nito sa loob ng study room.
"Ikaw, na bata ka, lagi mong pinagtatanggol niyang si Mikael. Pero kahit papaano ay masaya ako dahil may kasama akong maghapunan ngayong gabi."
"Okay po, lolo." Tumugon si Athena ng may ngiti.
Hindi nagtagal pagkatapos na maghapunan nina Athena kasama si Don Simplicio ay bigla naman siyang nakatanggap ng tawag mula kay Sandro Villar.
“Athena, pasensya na ngunit nasa night bar kami ngayon at masyadong lasing na si Mikael, baka gusto mo siyang sunduin?”
Pagkarinig ni Athena sa sinabi at tanong ni Sandro ay di na siya nagdalawang isip.
“Okay, pupunta na ako ngayon, saan ba kayo?” agaran nitong sagot at tanong.
Agad naman na nagpaalam si Athena sa kanyang lolo at mabilis na umalis ng malaking bahay.
…
SA loob ng night bar, may apat na naggwa-gwapohang lalaki na nakaupo, at sila ay ang magbabarkada na halos di mapaghiwalay. Lahat sila ay sabay-sabay nang lumaki dahil na rin sa magkaka sosyo ang kanilang mga pamilya sa negosyo kahit noong mga bata pa sila.
Ang apat na ito ay lahat lumaki na magkasama, ang pinakamatanda ay si Mikael Angelo Ruiz , ang pangalawa si Bryan Uy, ang ikatlo si Damien De Silva,, at ang pinakabata si Sandro Villar.
Ang presensiya nila ay sumisigaw ng awtoridad sapagkat galing sila sa pinaka maimpluwensyang angkan hindi lang sa kanilang lugar kundi sa buong bansa at ang isa sa kanila ay nakahiga na sa couch at sobrang lasing na.
“Lasing na lasing na ata ako,” nakangising sabi ni Mikael, “gusto ko lang naman sanang magpahinga sandali but that alcohol hit me hard!.”
Lasing na sabi ni Mikael at itinaas nito ang kanyang kamay at hinilot ang kanyang noo.
"Ano bang problema ni Mikael ngayon at ang daming niyang nainom?" nagtatakang tanong ni Sandro sabay tungga ng alak na nasa sariling baso niya dahil nakikita niya na hindi ito masaya.
"Trisha Buenavista is back!" sabi ng isa sa mga gwapong lalaki, si Bryan Uy.
"Damn! Seryoso? Why did she come back?" Gulat na tanong ni Sandro Villar.
"Who knows." kibit balikat na sagot ni Damien De Silva."Bryan, how do you know she's back?" tanong ulit ni Sandro dito na di talaga makapaniwala."Sinabi sa akin ni Mikael.""Hmph! Kung sabagay lahat-lahat sinasabi niya sa iyo." medyo nagtatampo na sagot ni Sandro." Naks nagtatampo ka ata, ha!" biglang singit ng lalaking naka black suit, si Damien."Tss! Damien!" At nagtawanan ang lahat. Nang humupa ang tawanan ay nagsalita ulit si Sandro."Ano ba ang plano ni Mikael? Alam naman natin kung gaano niya kamahal si Trisha at posibleng mangibabaw iyon pag nagkita sila, pag nangyari iyon paano si Athena?" Worry na tugon ni Sandro."Huwag na tayong mangialam, I believe Mikael will handle it himself." agad na sagot ni Bryan, " Anyway, I'm leaving since Mikael has told me to arrange a task for his business trip early tomorrow morning ,so...""O ayan nag withdraw kami ng pera ikaw na bahala diyan kay Mikael, siguraduhin mo na makakauwi iyan ng ligtas." Sabay-sabay na nagsalita sina Bryan at Damien.
Sinabi ng dalawa na sila ay aalis na at inis na inis naman si Sandro.
"Hala grabe bakit kayo ganyan?IIwan niyo na lang talaga dito si Mikael na ganito ang sitwasyon?" reklamo ni Sandro.
"Ikaw ang pinaka tamad sa amin, kaya't natural na ikaw ang responsable sa paghahatid sa kanya." si Damien.
Hindi na nakapagsalita pa si Sandro sa tinuran ni Damien, kung sabagay totoo naman sinabi nila siya ang walang ginagawa kung baga 'happy go lucky' lang ang buhay niya,kaya hinayaan niya na lang na makaalis ang dalawa.
Tiningnan ni Sandro si Mikael na nakaluhod na sa sofa at napangiti siya ng maalala ang mahinahon, maganda, at maunawaing asawa ng kaibigan. Kaya't kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Athena at hiniling na kung pupwede na sunduin ang asawa nito.
Nang dumating si Athena sa night bar, nakita niya lamang si Sandro na nakaupo roon na nagbabantay kay Mikael mag-isa habang nakatutok ang atensyon sa cellphone nito.
"Pasensiya na at ngayon lang ako nakarating, ikaw lang ba?"
"Salamat naman at nandito ka na!" masayang tugon ni Sandro sabay baba ng kanyang cellphone sapagkat naglalaro siya ng paborito niyang online games dito habang naghihintay sa pagdating ni Athena.
" Sina Damien at Bryan ay nauna nang umalis mayroong pa kasi silang gagawin at samantalang ako naman ay may appointment akong laro mamaya kaya't tinawagan na kita upang ikaw na mag uwi sa kay Mikael sa bahay niyo." pagpapatuloy nitong sabi.
Nakikinig lang si Athena sa sagot ni Sandro habang nag-iisip ng malalim.
'Ano ba ang nangyayari sa iyo, Mikael?'
TUMANGO na lang ng ulo si Sandro bilang tugon sa tanong nina Damien at Bryan. “See kahit sila ay nagulat so ako pa ba?” singit naman ni Trisha. “Oo na hindi naman ako nakikipag argue at sinasabi ko lang naman sa inyo ang totoo.” “How even is that possible? O baka fraud lang iyan at nagdedelusyon lang yung bata!” inis na inis na reklamo ni Trisha. She can’t accept the fact na may anak si Mikael. ‘It can’t be true.’ sa isip niya. “P{wede mag chill ka lang di pa nga sure iyon kaya nga aalamin muna ni Mikael pero kasi…” naputol ang sasbaihin ni Sandro ng sumingit si Damien. “Pero ano?” si Damien. “Ganito kasi yung batang babaeng tumatawag sa kanya ng papa doon sa hotel na tinutuluyan natin, pag nakita nyo iisipin niyo talaga na si Mikael ang papa kasi halos kamukha niya, carbon copy kaso girl version niya lang!” “My god Sandro maghunos dili ka nga sa mga sinasabi mo!” nakabusangot at insi na sabat ni Trisha. “Eh totoo lang naman ang sinasabi ko, if kayo makakakita talagang mag a
PAGKAPASOK ni MIkael sa loob ng penthouse ay doon niya namalayan na nakatulog na pala ang batang babaeng inaakay niya. Agad niya naman inayos ito at pinahiga sa kama niya. He carefully tucked her in with the blanket at agad na tumayo at kinuha ang cellphone sa bulsa nito ng marinig niyang nag ri-ring ito. Tiningnan niya ang screen ng kanyang telepono at nakita niya ang pangalan ni Sandro. “Yes, Sandro kumusta?” tanong nito kaagad. “First of all, I am telling you na nandito na kami sa function hall Dela Rama kung saan ginaganap ang birthday party ng anak ni Armando Dela Rama.” pagkwe-kwento ni Sandro then napatingin siya sa likod niya ng may kumalabit sa kanya.It’s Trisha Buenavista, mouthing to him asking if si Mikael ba ang ang kausap niya. Tumango naman siya to confirm sa kay Trisha na si MIkael. At ng makumpirma ni Trisha na si Mikael ang kausap ni Sandro ay agad itong nakiusap kung pupwede na kausapin niya rin. Sumenyas si Sandro kay Trusha, na maghintay. “And by the way, Tri
HALOS mabulunan si Sandro ng marinig niya ang batang babaeng tumatakbo at agad na yumakap sa mga binti Mikael at tinatawag nitong “papa’.“OMG! Bro… kailan ka pa nagkaroon nga anak?” gulat at natatawang tanong nito sa kay Mikael. Agad naman binalingan ni Mikael si Sandro at tinapunan ng masamang tingin, “ Shut up Sandro or I’ll kill you!” Agad naman nag hands up si Sandro pero pilit na pinipigilan ang tawa nito dahil sa gulat na mukha ni Mikael kanina. “Oh ayan ka naman di ka mabiro, chill lang bro! Chill lang!” Si Miss Santos naman ay agad na kinuha ang si Lily sa pagkakayap kay Mikael at agad na nagpaliwanag. “Pasensiya na po Mr. Ruiz, nawawala kasi ang batang ito ang hinahanap niya ang kanyang Papa.” Nagbabalikawas naman si Lily sa hawak ni MIss Santos at gustong kumawala. “Please let me go, Papa…” paulit-ulit na sambit naman ni Lily. Kahit si MIkael na naguguluhan ay inutos niyang bitawan ni Miss Santos ang bata dahil paulit ulit ang tawag sa kanya ng Papa nito at mangiyak
“SABI kasi sa iyo Ma’am halos magkamukha eh, girl version lang po kaya di namin alam kung tatawagan ba namin o sa iyo muna sasabihin since mukhang sekreto ata ang tungkol sa bagay na ito.” Nag buntong hininga si Miss Santos at sumang ayon naman sa ginawa ng kanyang receptionist, “ kung sabagay tama lang na tinawagan mo ako muna dahil dapat tayong makasiguro.” Umupo si Miss Santos sa kaharap na upuan ng sofa na inuupuan ni Lily dahil balak niyang tanungin ito. “Hello Hija.” bati niya dito wearing her biggest sweet and friendly smile. Sa isip ni Miss Santos that time if nagakataong totoong anak ni Mr. Ruiz ang bata ay tiyak na magiging alas niya ito para mapalapit sa ama nito. Matagal na rin siyang may paghanga sa kay Mr. Ruiz kaso di siya nito pinapansin though nakuha niya naman ang atensyon ng isa sa mga associate nito at matalik na kaibigan pero iba pa rin pag si Mikael Angelo Ruiz. Napansin naman ni Lily ang magandang babae nakaupo sa katapat ng inuupuan niya. Napaka friendly n
TATAWAGIN pa sana ng receptionist ang isa sa mga bodyguard ni Mikael ng maalala niya nagbilin ang kanyang manager na isabi dito kung meron mang problema o issue tungkol sa kay Mikael dahil sa isa ito sa pinakamahalaga nilang panauhin at hindi pwedeng magkaproblema ang kanilang serbisyo. “Dito ka na muna Hija, umupo ka dito sa tabi ko.” sabi ng receptionist sa kay Lily at pinapasok nito sa reception area nila at pinaupo sa stool habang inalalayan. “Salamat po!” masiglang sabi ni Lily. Ngumiti naman ang receptionist sa kanya at napa smile dahil aliw na aliw siya kay Lily dahil sa ganda at cuteness nito. “Ang cute mo talaga!” gigil nito. Humagikhik lang si Lily at pagkatapos ang receptionist naman ay agad na nag dial ng numero ng kanilang manager. “Hello Ma’am may kaunting problema po.” pagkasabi nito ng receptionist ay agad naman ng hysterical ang manager sa kabilang linya at medyo napalakas ang boses. “Anong problema!?” sagot ng manager sa kabilang linya ng marealized niyang med
NAKANGITING umuupo si Lily sa likod na upuan ng taxi na kanyang sinasakyan. Tapos napapa ‘wow’ pa siya sa tuwing dumudungaw siya sa bintana upang makita ang malalaking gusali sa kabila’t kanan ng kalsada na kanilang dinaraanan. At dahil sa bibo na persdonality ni Lily ay nakumbinse ang driver sa ideya na naiwan nga siya ng limousine na kanilang sinusundan. Natuwa ang driver sa kay Lily dahil di bakas ang takot sa mukha nito. Kaya na curious ang driver sa kung ilang taon ito dahil para itong matanda kung mag-isip at magsalita. “Hija…” tawag pansin ng driver sa kanya. “Hmmm, po?” sagot naman ni Lily at tumingin sa driver. “Ilang taon ka?” “Uhmm, ano po 5 years old po!” bibong sagot nito sa driver. Halos muntik ng matapakan ng diriver ang preno ng marinig ang sagot ni Lily. Nagulat siya at di makapaniwala na sa murang edad na 5 years old ay napaka bibo ng batang kayang sakay. Nakakapagtataka pero nakakamangha rin. “Ang bata mo pa pala Hija…”Medyo confused si Lily sa sinabi ng