로그인Pinagmamasdan ko ang mukha ni Mr. Alvarez—siya nga talaga ang ama ko, ’yung sumampal din sa akin. Kung alam na niya pala na anak niya ako, bakit pa niya ako sinaktan?
May kapatid ako—’yung mataray na ’yon, at ang pangit ng ugali. Nge, wala akong kapatid na masama ang ugali ah. Baka mana sa nanay niya ata.
“Huy, Zai, kanina ka pa nakatingin kay Mr. Alvarez. Anything wrong ba?” saad ni Zander. Napabuntong-hininga ako.
“Iniisip ko kasi ’yung sinabi ni Mama. Totoo ba talaga na ama ko siya?” naguguluhang saad ko.
“Oo naman, Zai. Kitang-kita mo sa pinakitang larawan ni Tita, ’di ba? Hindi naman magsisinungaling si Tita sa ’yo. Tsaka seryoso siyang nagsabi noon,” ani nito. Napa-tango na lang ako.
Hindi naman magsisinungaling si Mama sa akin kung alam niyang ikakasakit ko. Ama ko talaga ang lalaking ’to.
“I saw Knight a couple of minutes ago,” usal niya. Napatingin ako dito.
“Pake-alam ko sa kanya. Tsaka huwag mo muna siyang banggitin sa akin—naiinis lang kasi ako,” inis kong sabi.
“Ma-hi-high blood ka na naman. Si Dion pala, sino ang nagbantay?” tanong nito.
“Si Ava. Nakiusap ako—buti na lang pumayag siya at si Tito,” nakangiting saad ko.
“Mag-CR lang muna ako, Zan,” dagdag ko. Naiihi kasi ako.
“Sige, mag-iingat ka,” sabi niya. Ngumiti lang ako sa kanya at nagtungo na sa CR.
Papasok na sana ako sa CR nang makita ko ang anak ni Mr. Alvarez—’yung natapunan ng sarili niyang kape. Deserve niya ’yon, maarte kasi. Kasama nito ang mga clown niyang kaibigan.
Naglakad ito papalapit sa akin. Huminto ito sa harap ko at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.
“Oh! You again,” usal nito. Tumingin ako sa likod ko pero walang tao, kaya tumingin ulit ako sa kanya at tinuro ang sarili ko.
“Tsk, sino pa ba? Tayo lang naman ang andito.”
“Ah, ako pala kausap mo. Akala ko kasi kaibigan mong mga clown,” asik ko.
“HAHA, ’di ako nakaganti sa ’yo. Gusto mo ngayon, babawi ako sa mga ginawa mo sa akin?” pekeng ngiting saad nito.
“Bakit, natatakot ba ako sa ’yo?” matapang na saad ko. Pero agad hinila ng isang kaibigan niya ang buhok ko kaya napadaing ako.
“Aray!” agad ko ring hinila ang buhok ng humila sa akin.
“Stop! My hair! Ouch!” sigaw nito.
Hinawakan ako ng dalawa niyang alagad at sinampal ako nito.
“Ano ba! Bitawan n’yo ako!” sigaw ko.
Ang sakit ng mukha ko. Oo, natigil lang sila nang dumating ang ama niya. Agad akong binitawan ng mga kaibigan niya.
“What’s going on here?” saad ni Mr. Alvarez.
“Daddy, nauna siya. Bumawi lang ako—sinampal ba naman ako kaya sinampal ko rin po,” saad nito.
Ang sinungaling naman nito. Masama na ugali, sinungaling pa—tsk, mana sa ama niyang walang kuwenta.
“Liar,” sulpot na kung sino. Napatingin ako doon habang hawak-hawak ang mukha ko na namamaga pa rin sa sakit. Nabigla ako—si Knight ang nagsalita.
“Mr. Fuentes, magandang gabi. Ano ang ginagawa mo dito?” usal ni Mr. Alvarez.
“Nakita ko ang lahat, Mr. Alvarez. Nauna ang anak mo,” usal nito.
“Wala ka naman dito—nauna siya sa amin,” pagtatanggol nito.
Napatango si Mr. Alvarez at tumingin sa anak niya bago siya tumingin sa akin.
“Pangalawa na natin itong pagkikita. Huwag ka na sanang magpakita sa anak ko para wala nang maganap na gulo. Ayokong masaktan ang anak ko, Doc Santos,” seryosong saad nito.
Napatawa ako at inayos ang sarili. Magulo kasi ang buhok ko kakahila ng mga higad. Hinarap ko ito.
“Ayaw mong masaktan ang anak mo, Mr. Alvarez?” natatawang saad ko.
“Pwede ba, Doc, huwag kang mag-iskandalo dito. Pinapagalit mo lang ako lalo. Layuan mo na lang ang anak ko.”
“At isa pa, Zaiyena, wala akong pake-alam sa ’yo.” Nawala ang ngiti ko nang sabihin niya iyon sa akin.
Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang anak niya—ang kapatid ko.
“Alam ko naman na wala ka nang pake-alam sa akin, Papa. Pero kahit ganyan ang pakikitungo mo sa akin, may pake-alam pa rin ako sa ’yo dahil ama kita,” saad ko. Nabigla sila sa sinabi ko.
“What do you mean?” usal ng anak niya.
“Ano bang pinagsasabi mo?” inis na saad ng ama ko.
“Alam mo, hindi ko talaga maintindihan eh. Ayaw mo masaktan ang anak mo? Pero anak mo rin ako—nasasaktan din ako kapag sinasabi mong wala kang pake-alam sa akin,” seryosong saad ko.
Gusto kong umiyak sa harap niya, pero ayokong sabihin niya na madrama ako at mahina.
“Unawain mo sana ako. May pamilya ako. Ayokong masaktan ang anak ko—anak namin ng asawa ko ngayon,” usal nito.
“Anong klaseng pag-unawa ba ang gusto mo? Matagal kong pinangarap na makita ka, mayakap ka, matawag kang aking ama. Pero ngayong nakita na kita, sasabihin mo sa akin na ayaw mong masaktan ang anak mo? Eh ako, nasasaktan din ako. Sa mahabang panahon, ang ninanais ko ay makasama ka! Anak n’yo rin po ako—nasasaktan din po ako. ANAK N’YO. Hindi lang siya ang anak mo! Anak mo rin ako! Ngayon mo sabihin—anong klaseng pag-unawa ang gusto mong ibigay ko sa ’yo?” mahabang lintanya ko. Tinitigan lang niya ako.
“No! Never! Hindi ko matatanggap na kapatid ko siya, Dad. She’s so ugly!” reklamo nito.
“Ugly? You’re talking to yourself. I’m not ugly, b*tch! Ang sabihin mo, ikaw ang ugly—sa kapal pa naman ng make-up mo, kulang na lang parang babangon ka na sa burol mo! And so what? Hindi rin naman kita matatanggap na aking kapatid kasi wala akong kapatid na masama ang ugali!” depensa ko.
“Are you insulting me?” Napatawa ako sa sinabi nito. Napatingin ako sa ama niya na titig na titig lang sa akin.
“Hey! I’m not insulting you, Ms., because I’m describing you!” ngumiti pa ako sa kanya at napabuga.
Umalis ako doon. Ayoko nang lumaki pa ang gulo. Sapat na sa akin na malaman ng anak niya ang totoo—mapapanatag ako doon. Natigilan ako sa paglalakad nang may tumawag sa akin.
“Zai.”
Napatingin ako—si Knight iyon. Maglalakad na sana ulit ako nang tawagin niya na naman ako.
“Wait! Your bag!” ani nito. Napatingin ulit ako sa kanya—oo nga, ’yung bag ko.
“Salamat.” Tatalikod na sana ako ulit nang tawagin niya na naman ako. Nakakainis.
“Sandali lang.” Napapikit na lang ako.
Bumuga muna ako bago ko siya harapin. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Napa-irap na lang ako.
Pinagmamasdan ko ang mukha ni Mr. Alvarez—siya nga talaga ang ama ko, ’yung sumampal din sa akin. Kung alam na niya pala na anak niya ako, bakit pa niya ako sinaktan?May kapatid ako—’yung mataray na ’yon, at ang pangit ng ugali. Nge, wala akong kapatid na masama ang ugali ah. Baka mana sa nanay niya ata.“Huy, Zai, kanina ka pa nakatingin kay Mr. Alvarez. Anything wrong ba?” saad ni Zander. Napabuntong-hininga ako.“Iniisip ko kasi ’yung sinabi ni Mama. Totoo ba talaga na ama ko siya?” naguguluhang saad ko.“Oo naman, Zai. Kitang-kita mo sa pinakitang larawan ni Tita, ’di ba? Hindi naman magsisinungaling si Tita sa ’yo. Tsaka seryoso siyang nagsabi noon,” ani nito. Napa-tango na lang ako.Hindi naman magsisinungaling si Mama sa akin kung alam niyang ikakasakit ko. Ama ko talaga ang lalaking ’to.“I saw Knight a couple of minutes ago,” usal niya. Napatingin ako dito.“Pake-alam ko sa kanya. Tsaka huwag mo muna siyang banggitin sa akin—naiinis lang kasi ako,” inis kong sabi.“Ma-hi-hig
ZAIYENA SANTOS POV.....Nakarating kami sa sinasabing resort mga 6 PM na. Malayo kasi ito sa amin. Pinagbuksan na kami ni Zander ng pinto, kaya lumabas na lang kami.Nakita ko ang lugar—napakaganda. May pangalan pang ALVAREZ BEACH RESORT. Tsk, cheap. Buti na lang hindi ko dinala ang last name ng ama ko.Inaya na kami ni Zander na pumasok sa loob, kaya hinawakan ko rin ang kabilang kamay ni Dion. Nasa kanan kasi si Zander. Parang totoong pamilya na talaga kami.Pagkapasok ko pa lang, nakita ko na ang anak ni Mr. Alvarez. Naiinis itong tumingin sa akin. Problema na naman nito? Weird niya.Inihatid kami ni Zander sa magiging kwarto namin. Dito—ang ganda nga eh, kasya-kasya lang kaming dalawa ni Dion. Okay na ’to.“Zai, andoon lang ako sa tapat ng room n’yo. Puntahan mo na lang ako pag may kailangan ka. Tsaka sabi ni Doc Reyes, may laman na raw ’yung ref n’yo—lahat ng kailangan n’yo, andiyan na,” ani ni Zander kaya ngumiti ako.“Sige, salamat sa paghatid sa amin dito. Punta ka rin mamaya,
DAYANA SANTOS POV(MOTHER OF ZAIYENA)--"Ali, magkano po ito?" tanong sa akin ng isang dalaga, tinuturo ang chocolate cake."Ay, tag-275 lang iyan, hija. 'Yan na lang ang natira," ani ko dito."Kukunin ko na po ito. Ito po!" nakangiting sambit nito. Binalot ko na ito at inilagay sa lalagyan ng cake."Oh, ito. Balik ka ulit ha.""Sige po, magpapaalam na po ako," ani nito. Ngumiti na lang ako, ang gandang bata.Nasa bakery ako ngayon, nagtyatyagang magtinda at mag-bake. Dati kasi maliit lang itong negosyo ko at ito ang bumuhay sa anak ko at napag-aral ko siya. At ngayon, ganap na doctor na siya. Sabay naming pinalago itong negosyo namin hanggang sa nakatayo kami ng shop. Ang bilis lang ng pangyayari."Mama!" sigaw ni Zaiyena, kasama niya si Zander."Oh, Yena, andito ka na pala!" sinalubong ko ito ng yakap."Mamala." Bumaba ito mula sa pagkakarga ni Zander. Pinantayan ko ito at niyakap."Oh, apo, nag-enjoy ka ba doon?""Opo, Mamala! Daddy Zan brought me this toy. Isn't it beautiful, Mam
“Daddy Zan!” sigaw ng anak ko kay Zander. Napatingin si Zander sa amin at sinalubong niya ito ng yakap.“Oh, napasama ka ata sa mommy mo dito?” tanong nito sabay tingin sa akin.“Ah, Daddy Zan, na-miss po kita kaya gusto kitang bisitahin hehe. Ayaw mo ba andito ako?” nakanguso nitong sabi at kunwari nagtatampo.“Nah, Dion! Miss ka rin ni Daddy Zan.”“Hehe.” saad ng anak ko. Lumapit ako sa kanila.“Zander, kamusta na pala ’yung pasyenteng inaasikaso ko? Napadalaw ka ba doon?” tanong ko.“Okay naman siya. Kanina nga may dinalang pasyente dito,” saad naman nito.“Huh? Na-ano daw?” tanong ko.“Ewan, si Doc Santiez ang nag-asikaso eh. Tara, sa cafeteria tayo.”“Can you buy me a burger, Daddy Zan?” saad ng anak ko. Tinakpan ko naman ang bibig nito, nakakahiya.“Sure naman, Dion.”“Huwag na, Zan. Nakakahiya naman kasi eh, huwag na,” singit ko.“No, Zai. Ayos lang, basta para naman sa inyo, lalo na sa anak mo. Mahal ko kaya ’to,” nakangising sambit niya.“Naku! Diba may duty pa ako? Pwede ba
FLASHBACK///“Please don’t leave.” Naiiyak kong sambit sa boyfriend ko. We're almost 3 years, at ngayon tinatapos niya na ang lahat sa amin. Hindi ko matanggap. Mahal ko siya.Andito kami ngayon sa unang lugar kung saan kami unang nagkita. Akala ko nga magde-date kami, pero sa mga sinabi niya, hindi ko magawang tanggapin na iiwan niya ako.“We’re done, and I’m really sorry, pero kailangan kong sundin ang mga parents ko.”“Paano ako ha? Iiwan mo na lang ako pagkatapos ng lahat?” umiiyak kong sambit.“Alam kong nasasaktan ka, pero kailangan ko ito. Kalimutan mo na lang ako.”“Paano kita magagawang kalimutan kung nakatatak ka na sa puso ko? Please, huwag mo akong iwan. Hindi ko kaya.” Saad ko, nagmamakaawa ako.“Kailangan na nating isara ang pahinang sinimulan natin. I’m sorry, but I have to go.” Winaksi nito ang kamay ko. Huminto pa ito. “Pero always remember, minahal kita ng totoo. Hindi ko kayang suwayin sina mommy at daddy. Masakit din para sa akin ang lahat, pero kailangan kong g







