로그인ZAIYENA SANTOS POV.....
Nakarating kami sa sinasabing resort mga 6 PM na. Malayo kasi ito sa amin. Pinagbuksan na kami ni Zander ng pinto, kaya lumabas na lang kami.
Nakita ko ang lugar—napakaganda. May pangalan pang ALVAREZ BEACH RESORT. Tsk, cheap. Buti na lang hindi ko dinala ang last name ng ama ko.
Inaya na kami ni Zander na pumasok sa loob, kaya hinawakan ko rin ang kabilang kamay ni Dion. Nasa kanan kasi si Zander. Parang totoong pamilya na talaga kami.
Pagkapasok ko pa lang, nakita ko na ang anak ni Mr. Alvarez. Naiinis itong tumingin sa akin. Problema na naman nito? Weird niya.
Inihatid kami ni Zander sa magiging kwarto namin. Dito—ang ganda nga eh, kasya-kasya lang kaming dalawa ni Dion. Okay na ’to.
“Zai, andoon lang ako sa tapat ng room n’yo. Puntahan mo na lang ako pag may kailangan ka. Tsaka sabi ni Doc Reyes, may laman na raw ’yung ref n’yo—lahat ng kailangan n’yo, andiyan na,” ani ni Zander kaya ngumiti ako.
“Sige, salamat sa paghatid sa amin dito. Punta ka rin mamaya, sabay na tayong pupunta doon.”
“Sure, aalis na ako! Dion, aalis na muna si Daddy Zan ha?” saad nito kay Dion.
“Opo, Daddy Zan. Balik po kayo ha, hehe,” ngiting sambit nito.
Umalis na nga si Zander. Inayos ko ang mga gamit namin ni Dion nang may kumatok. Agad naman akong pumunta sa pinto at pinagbuksan ito.
“Hi, Zaiyena?” ngiting sambit ni Ava.
“Ava, andito ka na pala. Pasok ka. Paano mo pala nalaman room ko?” tanong ko dito.
“Tinanong ko kay Doc Sullivan. Tinuro niya sa akin kwarto mo—nagkatabi lang daw kasi kayo.”
“Mommy Ava!” sigaw ng anak ko at niyakap niya ito. Napayakap na rin lang si Ava.
“Kumusta na ang baby Dion namin? Good boy ka ba kay mommy mo? ’Di ka ba nagpasaway?” tanong nito habang pinantayan si Dion.
“Mommy Ava, I’m not a baby anymore. How many times I told all of you? Napo, ayaw ko na. Hayst,” nagtatampong saad nito sabay walk out.
“Dion!” tawag ko, pero pumasok na siya sa isang kwarto kaya wala na nga akong nagawa.
“Pasensya ka na sa inaanak mo, besh. Ayaw lang talaga niya na tawagin siyang baby. Hayaan mo, susuyuin ko ’yon mamaya. Maupo ka muna,” saad ko.
“Ayos lang ’yon. Kahit bata pa ’yang anak mo, alam ko namang matured, katulad ng—ay, NVM,” saad nito at umupo. Alam ko na ang sasabihin niya eh.
“Ikaw talaga, nang-aasar ka ba?” asik ko.
“’Di ah. Pero besh, alam mo ba na dadalo rin ang mga FUENTES sa gaganaping party mamaya? One week tayo dito—one week mo siyang makikita!”
“Ano naman pakialam ko sa kanya? May girlfriend na ’yon, ’di ba? Tsaka masaya na ako kasama ang anak ko. Kontento na ako doon,” depensa ko naman. Ayaw ko kasing sabihin na naman niya na gusto ko pa ang lalaking ’yon.
“Asus, ’yan ang sinabi mo, pero alam kong hindi ’yan ang gustong sabihin ng puso mo. Kilala kita, Zai. Alam ko kapag nagsisinungaling ka, kaya huwag ako,” sabay irap niyang sabi.
“Hayst, huwag na natin pag-usapan ’yan.”
“Sige na, at baka hanapin ako ni Daddy at Mom. Aalis na muna ako ha, kita naman tayo mamaya doon.”
“Sige, ingat ka.”
“Ah, Ava, ’yung sinabi ko sana,” nahihiya kong sambit.
“Ay, oo. Sige, sasabihin ko lang kay Daddy ’yon. Alam ko namang papayag ’yon. Malakas si Dion kay Daddy,” ngiting sambit niya.
“Salamat talaga, Ava ha,” hinawakan ko ang kamay nito.
“Naku, wala ’yon. Aalis na ako ah. Punta na lang ako dito mamaya.”
“Sige, Ava, mag-iingat ka,” ani ko. Ngumiti sa akin bago ito umalis. Pinuntahan ko na lang si Dion—kailangan ko at magpapaalam na rin ako.
Pumasok na ako sa kwartong pinasukan ni Dion. Nag-talukbong agad ito ng kumot. Nang makita ako, agad ko naman itong nilapitan.
“Dion, anak,” paglalambing ko dito pero hindi niya ako pinansin.
“Gusto mo ba ng ice cream?” usal ko. Agad naman niyang tinanggal ang kumot na nakabalot sa kanya at nakatingin lang ito sa akin.
“Are you still mad at me, Dion?” saad ko at nilapitan siya sa kama niya.
“Hmm! You always say that I’m a baby, but I’m not a baby na, Mommy,” inis na saad nito.
“Okay! I’m sorry na, anak. Pero baby ka pa rin naman ni Mommy, ’di ba?” usal ko.
“Hayst.”
“Aalis si Mommy mamaya,” usal ko.
“Where are you going, Mom? Can I come po?” saad nito.
“No, anak. Hindi pwede kasi importante ang pupuntahan ko,” saad ko dito. Agad siyang napasimangot.
“Yen²,” tawag na naman niya.
“Yes, anak?”
“Can you buy me ice cream doon, plsss.”
“Oo naman. Tsaka, Dion, si Mommy Ava mo ang magbabantay sa ’yo dito.”
“Sige, Mommy. Basta mag-iingat po kayo ha,” paalala niya.
“Opo! Magpakabait ka sa Mommy Ava mo ah.”
“Opo, Mom. I promise,” saad nito sabay taas pa ng kanang kamay.
“Zai²,” lingon ko—si Ava na ’yon, kaya pinalabas ko muna si Dion. Sinunod niya naman agad iyon. Magbibihis kasi ako—oo.
KNIGHT ARKIE FUENTES POV…
Andito na ako ngayon sa resort. Ang ganda nga tingnan dito—ang linis. Kasama ko ngayon sina Yuan at Marcos.
“Ang ganda naman pala kasi ng lugar na ’to,” pagpupuri ni Marcos.
“Halata naman kasi.”
“Pumasok na lang tayo. Huwag maraming dada—nagsisimula na ang party,” usal ko naman.
Bigla namang sumulpot ang secretary ko.
“Boss, hinahanap na po kayo nina Sir at Ma’am. Nagsisimula na po ang party,” nakayukong sabi niya.
“Sige, pupunta na kami,” usal ko.
Naglakad na kami papunta sa loob. Nakita ko agad ang mga doctor na kilala ko lang. Nagsisimula na ang party. May tao na kasi sa stage at tinatawag ang mga doctor o mga nagmamay-ari ng malalaking kumpanya.
“Good evening, Mr. Fuentes. Tuloy po kayo,” saad ng guard.
“Good evening din po,” usal ko at pumasok na. Sinundan naman ako ng mga kaibigan ko. Umupo kami sa bakanteng upuan.
“Ang daming babae, Knight. Mamili ka na, HAHA,” natatawang sambit ni Yuan.
“’Tsk, kayo na lang. Huwag n’yo akong idamay.”
“Pabebe pa. Alam ko naman na gusto mo eh. OA ka nga lang, HAHA,” singit ni Marcos.
“Shut up!”
Lumagok na lang ako ng alak nang may nakita akong babaeng binabastos ng dalawang lalaki. Hinaharangan siya para makapasok sa party.
Namukaan ko ang babae. Tumingin kasi ito sa akin kaya nakita ko ang mukha niya—it’s Zaiyena. Agad akong naglakad doon. Hindi naman ako napansin ng mga kaibigan ko, busy kakalandi.
“Umalis na nga kayo diyan. Kailangan ko nang pumasok sa loob,” sigaw nito.
“Paano kung ayaw namin?” saad ng isa at hinawakan sa bewang si Yen²—oo, ’yan pa rin ang tawag ko sa kanya hanggang ngayon.
Agad niyang sinampal ang lalaki. Hinawakan siya nito sa kamay niya, agad akong sumulpot.
“Bitawan n’yo ang babaeng ’yan kung ayaw n’yong masaktan,” usal ko na ikinagulat nila.
“Mr. Fuentes? Pasensya na po,” saad nila at dali-daling umalis.
Pinulot ko naman ang bag niya at ibinigay sa kanya. Aalis na sana siya nang pigilan ko.
“Hindi ka man lang ba mag-thank you?”
Huminto ito at nakangiting tumingin sa akin. Alam kong peke iyon—alam ko kasi ang ngiti niya kapag hindi pilit.
“Salamat, Mr. Fuentes,” usal nito at tuluyan nang umalis.
Pinagmamasdan ko na nilapitan niya si Doc Sullivan, ang asawa niya. Halata naman na mahal nila ang isa’t isa.
“Zander, hayst. Ba’t mo naman ako iniwan doon?” usal nito sa lalaki.
Nakatingin lang ako sa kanila habang nag-uusap.
“Tinawag ako ni Mr. Alvarez. Pasensya na. Huwag ka nang magtampo. Uminom na lang tayo, halika na,” usal nito at hinala si Yen².
Bakit ko pa ba siya pinakialaman? Sana hinayaan ko na lang siya kanina. Wala ba kaming koneksyon sa isa’t isa? Kaya wala na akong pakialam sa kanya.
Pinagmamasdan ko ang mukha ni Mr. Alvarez—siya nga talaga ang ama ko, ’yung sumampal din sa akin. Kung alam na niya pala na anak niya ako, bakit pa niya ako sinaktan?May kapatid ako—’yung mataray na ’yon, at ang pangit ng ugali. Nge, wala akong kapatid na masama ang ugali ah. Baka mana sa nanay niya ata.“Huy, Zai, kanina ka pa nakatingin kay Mr. Alvarez. Anything wrong ba?” saad ni Zander. Napabuntong-hininga ako.“Iniisip ko kasi ’yung sinabi ni Mama. Totoo ba talaga na ama ko siya?” naguguluhang saad ko.“Oo naman, Zai. Kitang-kita mo sa pinakitang larawan ni Tita, ’di ba? Hindi naman magsisinungaling si Tita sa ’yo. Tsaka seryoso siyang nagsabi noon,” ani nito. Napa-tango na lang ako.Hindi naman magsisinungaling si Mama sa akin kung alam niyang ikakasakit ko. Ama ko talaga ang lalaking ’to.“I saw Knight a couple of minutes ago,” usal niya. Napatingin ako dito.“Pake-alam ko sa kanya. Tsaka huwag mo muna siyang banggitin sa akin—naiinis lang kasi ako,” inis kong sabi.“Ma-hi-hig
ZAIYENA SANTOS POV.....Nakarating kami sa sinasabing resort mga 6 PM na. Malayo kasi ito sa amin. Pinagbuksan na kami ni Zander ng pinto, kaya lumabas na lang kami.Nakita ko ang lugar—napakaganda. May pangalan pang ALVAREZ BEACH RESORT. Tsk, cheap. Buti na lang hindi ko dinala ang last name ng ama ko.Inaya na kami ni Zander na pumasok sa loob, kaya hinawakan ko rin ang kabilang kamay ni Dion. Nasa kanan kasi si Zander. Parang totoong pamilya na talaga kami.Pagkapasok ko pa lang, nakita ko na ang anak ni Mr. Alvarez. Naiinis itong tumingin sa akin. Problema na naman nito? Weird niya.Inihatid kami ni Zander sa magiging kwarto namin. Dito—ang ganda nga eh, kasya-kasya lang kaming dalawa ni Dion. Okay na ’to.“Zai, andoon lang ako sa tapat ng room n’yo. Puntahan mo na lang ako pag may kailangan ka. Tsaka sabi ni Doc Reyes, may laman na raw ’yung ref n’yo—lahat ng kailangan n’yo, andiyan na,” ani ni Zander kaya ngumiti ako.“Sige, salamat sa paghatid sa amin dito. Punta ka rin mamaya,
DAYANA SANTOS POV(MOTHER OF ZAIYENA)--"Ali, magkano po ito?" tanong sa akin ng isang dalaga, tinuturo ang chocolate cake."Ay, tag-275 lang iyan, hija. 'Yan na lang ang natira," ani ko dito."Kukunin ko na po ito. Ito po!" nakangiting sambit nito. Binalot ko na ito at inilagay sa lalagyan ng cake."Oh, ito. Balik ka ulit ha.""Sige po, magpapaalam na po ako," ani nito. Ngumiti na lang ako, ang gandang bata.Nasa bakery ako ngayon, nagtyatyagang magtinda at mag-bake. Dati kasi maliit lang itong negosyo ko at ito ang bumuhay sa anak ko at napag-aral ko siya. At ngayon, ganap na doctor na siya. Sabay naming pinalago itong negosyo namin hanggang sa nakatayo kami ng shop. Ang bilis lang ng pangyayari."Mama!" sigaw ni Zaiyena, kasama niya si Zander."Oh, Yena, andito ka na pala!" sinalubong ko ito ng yakap."Mamala." Bumaba ito mula sa pagkakarga ni Zander. Pinantayan ko ito at niyakap."Oh, apo, nag-enjoy ka ba doon?""Opo, Mamala! Daddy Zan brought me this toy. Isn't it beautiful, Mam
“Daddy Zan!” sigaw ng anak ko kay Zander. Napatingin si Zander sa amin at sinalubong niya ito ng yakap.“Oh, napasama ka ata sa mommy mo dito?” tanong nito sabay tingin sa akin.“Ah, Daddy Zan, na-miss po kita kaya gusto kitang bisitahin hehe. Ayaw mo ba andito ako?” nakanguso nitong sabi at kunwari nagtatampo.“Nah, Dion! Miss ka rin ni Daddy Zan.”“Hehe.” saad ng anak ko. Lumapit ako sa kanila.“Zander, kamusta na pala ’yung pasyenteng inaasikaso ko? Napadalaw ka ba doon?” tanong ko.“Okay naman siya. Kanina nga may dinalang pasyente dito,” saad naman nito.“Huh? Na-ano daw?” tanong ko.“Ewan, si Doc Santiez ang nag-asikaso eh. Tara, sa cafeteria tayo.”“Can you buy me a burger, Daddy Zan?” saad ng anak ko. Tinakpan ko naman ang bibig nito, nakakahiya.“Sure naman, Dion.”“Huwag na, Zan. Nakakahiya naman kasi eh, huwag na,” singit ko.“No, Zai. Ayos lang, basta para naman sa inyo, lalo na sa anak mo. Mahal ko kaya ’to,” nakangising sambit niya.“Naku! Diba may duty pa ako? Pwede ba
FLASHBACK///“Please don’t leave.” Naiiyak kong sambit sa boyfriend ko. We're almost 3 years, at ngayon tinatapos niya na ang lahat sa amin. Hindi ko matanggap. Mahal ko siya.Andito kami ngayon sa unang lugar kung saan kami unang nagkita. Akala ko nga magde-date kami, pero sa mga sinabi niya, hindi ko magawang tanggapin na iiwan niya ako.“We’re done, and I’m really sorry, pero kailangan kong sundin ang mga parents ko.”“Paano ako ha? Iiwan mo na lang ako pagkatapos ng lahat?” umiiyak kong sambit.“Alam kong nasasaktan ka, pero kailangan ko ito. Kalimutan mo na lang ako.”“Paano kita magagawang kalimutan kung nakatatak ka na sa puso ko? Please, huwag mo akong iwan. Hindi ko kaya.” Saad ko, nagmamakaawa ako.“Kailangan na nating isara ang pahinang sinimulan natin. I’m sorry, but I have to go.” Winaksi nito ang kamay ko. Huminto pa ito. “Pero always remember, minahal kita ng totoo. Hindi ko kayang suwayin sina mommy at daddy. Masakit din para sa akin ang lahat, pero kailangan kong g







