Share

CHAPTER 3

Author: bossybeasty
last update Last Updated: 2024-12-13 10:16:33

ELLA'S POV

Agad akong nagpaalam ng matapos kaming nag–shoot at nagmaneho pauwi ng bahay.

Ngayon masasabi kong ginaganahan na akong umuwi. Makalipas kasi ng dalawang araw ay nagbago ang pakikitungo ni mommy sa akin, hindi na katulad ng dati. Naging mas malapit siya sa akin.

Nang makarating ay agad akong nag–parking at naka ngiting pumasok sa loob.

Ngunit natigilan ako ng may nagsisigawaan sa sala kaya dali–dali akong nagtungo roon. Hindi nila napansin ang papalapit kong paglapit dahil masyado silang tutok sa isa't–isa.

Ang mukha ni daddy ay namumula na batid kong galit ito. Nakatalikod naman si mommy sa akin kaya hindi ko nakikita kung ano man ang reaksyon ng mukha niya.

"How dare you? All my life Joseph! Ginampanan ko ang papel ko sayo bilang asawa mo at ina sa anak mo!" Galit na sigaw ni mommy.

"Kung ganoon, bakit mo tinanggap ang alok ng matandang iyon na ipakasal sakaniya ang anak ko? Nagdesisyon ka ng iyo at hindi mo muna inantay ang magiging pasya ko!" Galit na sigaw ni Daddy na siyang kinagulat ko.

Hindi ko naiintindihan ang pinag–uusapan nila pero batid kong ako ang tinutukoy ni daddy.

Sinong matanda?

"Dahil iyon nalang ang natatanging paraan para magampanan mo ang mga pinapangarap mo para sa akin! Hindi ba't nangako ka na bibigyan mo ako ng mas magandang buhay at mataas pa na posisyon sa bansang ito."

"Oo Diana! Kaya nga kumikilos ako, kaya nga ginagawa ko ang lahat para maibigay sainyo iyon ni Ella, pero pinangunahan mo ako!"

"Wala na tayong magagawa, alam mong malaking tao si Don Salvador. Alam rin na'ting may mga marumi siyang negosyo at sanay sa pakikipagdayaan!"

"Ayon naman pala! Bakit tinanggap mo pa rin? Bakit tinanggap mo paring ipakasal ang anak ko sakaniya?!

Tama nga ang dinig ko.

Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si mommy at umiwas sa galit na mga mata ni daddy na deretsong naka tingin sakaniya.

"Hindi na na'tin pwedeng bawiin pa," walang ka gana–ganang dagdag ni mommy.

"Pwede! Kakausapin ko siya at ipapaurong ang lahat! Kahit bawiin niya pa ang mga binigay niya! Kahit bumagsak ng lahat sa atin," dagdag ni daddy na akmang tatalikod ngunit agad ring pinigilan ni mommy.

"Napirmahan ko na."

Agad namang lumingon si daddy rito.

"Napirmahan ko na ang kasunduan na pumapayag tayo na mapasakaniya si Mirella, wala na tayong magagawa dahil pare–pareho tayong mapapahamak." Muling dagdag ni mommy.

Parang hinampas ng tubo ang puso ko. Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Isa lang ang masasabi ko.

Sobra akong nasasaktan.

Napapalunok pa akong muling tumingin sakanila ngunit hindi pa rin nila napapansin ang presensya ko.

"Binenta niyo ako?" Wala sa sariling tanong ko na agad nilang kinagulat at sabay na lumingon sa akin.

Malungkot akong tinignan ni daddy.

"Ella..." Nanlulumong tawag niya.

Tumingin ako kay mommy ngunit nag–iwas lang ako ng tingin sakaniya.

Nag–angat ako ng tingin dahil nagbabadya ng tumulo ang mga luha ko.

"Kaya pala.." Tumingin ako kay mommy habang binibigkas ang mga salitang 'yon. "Kaya pala nagbago ang pakikitungo mo sa akin, kaya pala.."

"Ella, anak.." Akmang lalapit si daddy pero sinenyasan ko siyang huwag tumuloy.

Muli akong tumingin kay mommy pero hindi siya maka tingin sa akin ng deretso.

"What now mom? All this time, umasa ako. Umasa ako mommy! Akala ko kasi magiging maayos na tayong dalawa. Akala ko..." Hindi ko matuloy ang sasabihin dahil parang natuyo ang lalamunan ko. Pero pinilit ko pa rin. "Akala ko totoo lahat nang pinakita mo, pero nagkamali ako. Akala ko totoong sinusuportahan mo na ako sa gusto ko. P—pero nagkamali ako.."

"Ella anak.." Muling tawag ni daddy, pero hindi ko siya pinansin.

"Simula noong bata pa lang ako ay masyado ka nang strikto pagdating sa akin. Lahat ng gusto at mga utos mo ay sinusunod ko, hanggang sa lumaki ako. Ang pagmomodel lang ang unang sinuway ko saiyo. But yeah? What do I expect?" Natatawa pa kunwaring ani ko.

Ang mga luhang namumuong pilit kong tinatago ay isa–isang nagsipag bagsakan. Agad ko naman iyong pinunasan at galit na muling tumingin sakaniya.

"Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko gusto! Bahala kang magresolba nang gusot na pinasok mo."

Agad na nag–angat ang tingin niya at nag–iba ang timpla ng mukha.

Sarkastiko siyang natawa. "What did you say?"

"Narinig mo ako mommy."

"How dare you to say that?" Galit na aniya.

"Diana!" Galit na saway ni daddy.

Lumapit sa akin ang mommy at pinakatitigan ako.

"Ang kapal naman ng pagmumukha mong sabihin ang mga 'yan? Bakit? Madali ba para sa akin ang bagay na ito? Ano sa tingin mo ang nararamdaman ko ngayon ha! Sa bawat salitang lumalabas diyan sa bibig mo ay parang kutsilyo ang mga 'yon na tumutusok sa dibdib ko!"

Nakita ko ang mga namuong luha galing sa mga mata niya.

Ito ang unang beses na nakita ko siyang umiyak sa harap ko.

"Ginawa ko lamang kung anong mas nakakabuti! Pero kayong mag–ama kung pagsalitaan ako ay para akong isang basura na walang karapatang mag–isip at tumulong!" Umiiyak na ani niya.

"Hon..." Tawag ni daddy rito. Ang kaninang galit na mukha niya ay naging marupok ng makita kaming dalawang mahal niyang lumuluha.

"Sa ayaw at sa gusto mo ay magpapakasal ka kay Don Salvador!" Muling dagdag niya at tinalikuran kami.

"Ella.." Muling tawag ni daddy. Ngunit hindi ko siya nilingon.

Naghahalo na ang nararamdaman ko. Inis, galit, panlulumo at sakit.

Pakiramdam ko ay naging walang saysay ang buhay ko, pakiramdam ko ay para akong tinapon na lang dahil hindi na napapakinabangan pa.

Para akong naging karne na basta nalang ipinagbili.

I feel like everything I’ve worked for has crumbled into nothing. I’m still here, but my heart feels hollow, like it’s been drained of all life and hope.

"Anak? Kausapin mo ang daddy, pakiusap. Hindi ko alam na nakipag sundo na ang mommy mo."

"Pero alam niyo ang bagay na ito?"

"Oo anak, pero tumanggi ako."

Kunwari pa akong natawa habang ang mga luha ko ay nagbabadyang bumagsak.

"Aakyat na muna ako," malamig na paalam ko at basta nalang tinalikuran si daddy.

"Anak, huwag kang mag–alala. Magagawan natin nang paraan ito, pangako." Habol ni daddy, pero hindi na ako lumingon at deretsong umakyat.

Nang makapasok sa kwarto ay roon ko binuhos ang mga luha ko. Humawak ako sa dibdib ko at napapa–upong sumandal sa pintuan ng kwarto ko.

It hurts so much, it’s like my chest is being ripped apart, like a knife twisting deeper with every breath I take. The pain is suffocating, drowning me in an endless wave of anguish. Every heartbeat feels like a reminder of how shattered I am inside, and no matter what I do, I can’t escape it.

Makalipas ang ilang oras sa pag–iyak at napagdesisyunan kong pumunta sa isang lugar kung kailan panandalian kong makakalimutan ang sakit.

Nagbihis ako at dinala ang lahat ng pera na meron ako, ang mga credit cards ay pinagdadala ko na rin. Iniwan ko lang ang cellphone ko pati ang susi ng kotse ko.

Nang makababa ako ay nasalubong ko agad ang nag–aalalang tingin ni daddy.

Lumapit siya sa akin at pinagmasdan ako nang puno nang pag–alala.

"Magpapahangin lang po ako, babalik rin po ako agad."

"Saan ka pupunta anak?"

"Kahit saan dad, sa mga lugar na makakapag–isip ako."

"Bumalik ka agad sa dinner ha? Ipagluluto kita."

Pinigilan kong muling maiyak. Tumango at ngumiti sakaniya.

"Opo dad."

"Mag–iingat ka."

Agad akong lumapit sakaniya at niyakap siya ng sobrang higpit.

"Pangako po. Salamat ng marami sa lahat ng sakripisyo mo dad, mahal na mahal kita." Bulong ko rito.

"Bumalik ka ha? Aantayin kita.."

"Babalik po ako.."

Agad siyang kumalas ng yakap at matamis akong nginitian.

"Gusto mo bang ihatid na kita sa labas?"

"Hindi na dad, hindi ako magdadala ng sasakyan. Gusto ko kasing makapag layag ang isipan ko."

"Sige, bumalik ka agad ha? I love you, take care."

Tumango ako bilang tugon saka tumalikod sakaniya.

I'm sorry dad.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HIDING THE DEVIL'S DEAL    CHAPTER 38

    ELLA'S POV Araw ng sabado ngayon at wala akong pasok. Isang araw lang binigay ni Van sa akin na day–off, tuwing sabado dahil hindi raw siya papasok ng sabado. At ngayon ay nagkukulitan ang mag–lolo, wala ngayon si Frank at pumasok sa kompanya niya. Pinagpahinga ko na rin muna sa pag–aalaga si Erica sa kambal dahil narito naman ako. Lumapit naman ako sa mag lolo at nakangiti silang pinagmamasdan. Nag–angat ng tingin sa akin si daddy. "Bakit hindi tayo lumabas?" Nakangiting tugon niya. Lumapit ako at naupo sa tabi niya na nakaupo sa sofa habang ang dalawa ay nasa sahig, hindi naman sila malalamigan dahil may rug naman. "Hindi ba masyadong complicated dad? Baka makita tayo." Pag–aalinlangan ko. "Hindi naman tayo pupunta sa siyudad, dumito lang tayo sa mga lugar na narito. Napakaganda kasi ng tanawin na narito," nakangiting dagdag niya. "Kung sa bagay, hindi pa rin ako nakakapag ikot–ikot dito dad." "Tamang–tama, marami akong nakitang mga resorts sa 'di kalayuan an

  • HIDING THE DEVIL'S DEAL    CHAPTER 37

    ELLA'S POV "What the fuck are you doing?!" Inis na sigaw ni Van rito.Nadatnan kong pinulupot ni Morgana ang mga braso niya sa leeg ni Van.Agad iyong tinanggal ni Van at masamang tumingin kay Morgana."Why are you doing this to me?" Malanding tanong ni Morgana. "Do what? I didn't do anything to you.""Van, Come on! You know what I am saying. Bakit mas pinili ang babaeng 'yon kaysa sa akin? Is she good in bed than me?"Nangunot ang noo ko at napaamang na nakikinig sakanila.Hindi nila ako napapansin, dahil si Van natatakpan ng pagmumukha ni Morgana."What the fuck are you saying? Don't you dare talk nonsense behind her back."Sarkastiko siyang natawa. "Do you like her?""Yes." Walang alinlangan na sagot ni Van."What the hell Van? Gan'yan na ba kababa ang taste mo at pumatol ka sa ka—"Hindi niya natapos ang sasabihin nang pwersahang hawakan ni Van ang braso niya."Van! Nasasaktan ako!" Maarteng pag pupumiglas niya. "Watch your words if you don't want me to cut out your fucking ton

  • HIDING THE DEVIL'S DEAL    CHAPTER 36

    ELLA'S POV "Tapos ka na ba?" Tanong niya. Tumango ako, agad siyang tumayo at kinuha ang plato ko. Naka kunot ang noo kong pinunasan ang mesa. Nakatalikod si Frank sa akin dahil siya ang naghugas ng pinagkainan. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may pinupunto siya sa huling sinabi niya, nagbigay tuloy ito nang isipin sa akin. Nang matapos kami roon ay agad na rin kaming nagsipag pasukan sa kanya–kaniyang kwarto. Naligo pa muna ako at nagbihis pantulog. Habang nagpapatuyo ng buhok ay sumilip ako sa kambal na mahimbing na natutulog. Agad akong napangiti dahil sa mga inosente nilang mga mukha na agad ring nabura. Mas lalo kong nakikilala ang ama ninyo. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko nadagdagan ko ang suliranin niya sa buhay. Namatayan siya ng ina, tinakwil siya ng kaniyang ama at ngayon naman ay tinaguan ko ng mga anak. Dapat ko na ba kayong ipakilala sakaniya? Pero hindi pa ako handa. Patawarin niyo ako mga anak ko kung naging mahina ako at hindi ko pa kayo

  • HIDING THE DEVIL'S DEAL    CHAPTER 35

    ELLA'S POV Kasalukuyan akong nasa sasakyan ni Frank, pauwi na kami ng bahay.Gusto pa akong ihatid ni Van, pero tumanggi ako at mahirap na. Kanina pa kami tahimik at hindi nagkibuan, hindi ko rin alam pero pakiramdam ko kasi ay parang nawala ako sa katinuan dahil sa naging pagitan namin ni Van kaninang umaga. Mabuti ay nalusutan ko ang isang 'yon at nakakagalaw naman ng maayos sa opisina niya kahit ilang na ilang ako."Bakit ang tahimik mo? Pinagod ka ba ni Van?" Hindi ko inaasahan ang biglaang pagbasag ni Frank sa katahimikan. Agad akong napalingon sakaniya. "H–ha? Hindi naman. Nakaupo lang ako kanina," sagot ko sakaniya at pinanatili ang sariling maging kaswal."Nagkaharap ba kayo ni Morgana?" Muling tanong niya ng hindi lumilingon at nanatili sa daan ang paningin. "Oo.""Inaway ka?""Medyo. Hindi ko siya maintindihan, pinapaalis na nga siya ni Van. Pinagpipilitan niya pa rin ang sarili niya," naiinis na sagot ko. Sa tuwing nababanggit ang pangalan ng babaeng 'yon, naiinis n

  • HIDING THE DEVIL'S DEAL    CHAPTER 34

    ELLA'S POV Maganda siya at matangkad, pero hindi naman ata ayon ang kasuotan niya bilang empleyado. Ang blouse niyang suot ay nakabukas ang iilang butones at talagang kitang–kita ang dalawang biyak ng kaniyang dibdib. Hapit na hapit rin ito sa katawan niya na halos magmistulang balat na niya. Ang kaniyang skirt naman ay napaka–ikli na lantad na lantad na ang dalawang makikinis niyang binti, na kapag umupo siya ay pwede na siyang masilipan ano mang oras.Agad nangunot ang noo niyang nagpalipat–lipat nang tingin sa amin ni Von.Sinara niya ang pinto at bahagyang lumapit sa amin.Mataray siyang tumingin sa akin."Who are you? Papaano ka nakapasok rito without my consent?! Alam mong bawal pumasok ang sino mang empleyado sa opisina ni Van ng hindi nakakapag paalam sa akin," mataray na aniya."Don't talk to her like that, I am the one who brought her here." Tugon ni Van rito."What?! And why?!""She will be my secretary from now on, your position will be an assistant. And you can't enter i

  • HIDING THE DEVIL'S DEAL    CHAPTER 33

    ELLA'S POV"I want to take her, and be my secretary." Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabing 'yon ni Van."Pero, sekretarya ko na siya?" Nagugulat na tanong ni Frank.Nanatili lang na nakapamulsa si Von at seryosong tumitig kay Frank."I don't care." Van responded with his deep voice. "Van naman? May sekretarya ka na, maging loyal ka naman." Kunwaring asar ni Frank.Pero nanatili lang na seryosong tumitig sakaniya si Van."Seryoso ka ba?" Muling tanong ni Frank. "Yes." "Pero may sekretarya ka na.""Then take her.""The hell no! Napaka arte nga ng babaeng 'yon," agad na dipensa ni Frank."Then find someone else.""Tss.""Ah, sir.." tawag ko rito, agad naman siyang lumingon sa akin.Agad akong tumungo, hindi ko kayang makipag titigan sakaniya."I think, h–hindi po tama na kunin niyo ako bilang sekretarya niyo. Kung dito naman na po ako nagtatrabaho," malumanay na tugon ko."How much does he pay you? I'll triple it.""Hindi po mahalaga sa akin kung gaano kataas ang sahod ko," agad

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status