Share

CHAPTER 41

Author: Author Lemon
last update Last Updated: 2025-02-03 22:47:27

"AYOS lang ba ang suot ko?" Ang tanong ni Adella kay David. Naka kulay asul siyang gown na mermaid style. Isinama siya ni David sa party daw ng pamilya ng best friend nito, ayaw man niyang sumama dahil walang kasama si Atlas na ngayon ay limang buwan na. Iniwan nila ito kay Gina, ang isa sa mga kasambahay ni David.

"You're gorgeous, Adella."

Napangiti siya sa sinabing iyon ng binata. Si David na magmula makilala niya ay hindi na umalis sa tabi nila ng kanyang anak. Ilang saglit pa ang lumipas at nakarating na sila sa malaking mansion na destinasyon nila. Nakakalula naman ang yaman ng mga taong nakatira roon. Kahit pa ang mahal at ganda ng suot niya na binili ni David para sa kanya ay nanliliit pa rin siya.

"Nakakahiya." Mahigpit siyang napakapit sa braso ng binata at napatigil sa paglalakad.

"Don't be shy, Adella. I'm here," anito sa kanya.

Natigilan siya. Tila bigla niyang naalala si Apollo sa tinuran nito, may kung anong kurot na naman ang naramd
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Krina Dela Cruz
omg this is it
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
whhooooooaaa almost,,kinikilig ako.promises
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   THE END

    "I'M sorry for everything we've done," banayad na sabi ni Althea kay Adella. Nasa balkonahe sila ngayon ng mansion nina Apollo at kapwa nakatingin sa ma-bitwin na kalangitan. Napangiti si Adella and she sweetly said, "Matagal na kitang pinatawad, Althea. Pinatawad kita noon pa para sa ikatatahimik ng puso ko, hindi ko naman kayang magalit ng matagal sa isang tao." "Totoo ang sinabi ni Apollo, sadyang napakabuti mo. Tama siya ng babaeng minahal at pinag-alayan ng kanyang puso," ani Althea na mababakas pa rin ang kalungkutan sa tinig. "Lahat tayo, may mabuting puso. Nagkamali ka lang, kayo ng Mama mo. Naiintindihan ko na gusto mo lamang protektahan noon si Apollo sa pag aakalang isa akong mangagamit. Kaya wala akong karapatang masuklam sa'yo, dahil mahal mo lang si Apollo." Nagulat siya nang bigla na lang humikbi si Althea. "Pakiramdam ko, napakasama kong tao. Lahat ng pagkakamali ko ay na-realized ko lamang nang makita ko si Atlas na buhay na ebidensya na anak siya

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 75

    PAMILYAR ang daan na tinatahak nila ni Apollo, hindi nga siya nagkamali nang makarating sila sa penthouse nito. Pinihit ni Apollo ang Seradura at tumambad sa kanya ang loob ng penthouse na matagal na niyang hindi napuntahan. Malinis ito na tila may taong nakatira roon. "Walang nagbago rito. All your things is still here," ani Apollo na nasa unahan niya at nakapamulsa. Pagkaraan ay hinila siya nito palapit at nakita niya ang masayang ngiti nito sa labi. "I'm jealous. Nakailang yakap sa'yo si David," biro ni Apollo na ikinatawa niya. "I salute him. Siya pa lang ang taong nakita kong kayang magparaya. Dahil ako? Pagdating sa'yo, hindi ko nakikita ang sarili ko na nagpaparaya." Napangiti siya sa sinabi nito. "But if ever na siya ang mahal mo at pinili mo, masaya akong ibibigay ka sa kanya because he's a good man." Napanguso siya at yumakap kay Apollo. God! It feels home, pakiramdam niya nang mga oras na 'yon ay buong-buo na siyang muli. "Pinasalamatan mo na ba siya sa

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 74

    "BAKIT hindi mo siya pasukin?" Napalingon si Adella sa nagsalita, nakasilip kasi siya sa salamin ng silid na kinaroroonan ni Apollo. Limang araw na ito roon at stable naman daw ang lagay. Ayaw niyang magpakita sa lalaki, atsaka ngayon lamang niya ito dinalaw ulit. Sa tingin niya kasi mas makakabuti sa kanilang dalawa ni Apollo kung hindi na siya magpakita pa rito. "Ikaw pala David..." "David..." ulit ni David sa sinabi niya. "I mean, honey..." Nagpamulsa si David at ngumiti, "Bakit hindi ka pumasok at kamustahin mo siya? Okay na siya, nakausap ko na siya kanina at ilalabas na siya sa susunod na mga araw," anito. Umiling siya. "Hindi na kailangan, okay na ako sa kaalamang ligtas na siya at para masabi ko kay Atlas, gaya ng sabi mo, okay naman na siya, " aniya na pilit itinatago ang totoong nararamdaman. Bigla siyang niyakap ni David na ikinagulat niya. "Can I invite you for a dinner date next week?" Kumalas siya sa binata at ngumiti. Hindi na siya ma

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 73

    Tahimik silang dalawa ni David sa loob ng kotse nang nasa byahe na sila pauwi. Ligtas na si Apollo, David saved him. At lubos siyang nagpapasalamat doon, kumalma na rin siya at ang matinding pag-aalalang bumalot sa puso niya kanina ay nabawasan. Naroon na din ang pamilya ni Apollo at sila na ang bahala sa binata.Nahihiya niyang tinignan si David na diretso lamang ang tingin sa daan. "About kanina, Sorry kung histerikal na ako. Nag-alala lang ako, Ama pa rin siya ni Atlas," marahan niyang paliwanag.Nilingon siya ni David at nginitian, pagkaraan ay muling binalingan ang daan. "Don't worry, hindi ko naman binigyan ng malisya iyon. After all alam ko namang may pinagsamahan pa rin kayo, so, it's a normal reaction.""Salamat sa pagliligtas mo sa buhay niya...""Tss. Don't mention it, that's my duty as a doctor, honey," magaan na sabi nito. "Oobserbahan ko pa siya, medyo malaki ang sugat sa kanyang ulo," imporma nito. Doon na itinakbo si Apollo nang mga taong nakakita rito, dahil iyon ang

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 72

    "Talk. Hindi ko matagalan na kaharap ka," malamig na sabi ni Apollo sa Ate niya. "Because of you and Mom, I am about to lose her, for the second time. Magpapakasal na siya sa iba, ako dapat 'yun. Pero dahil sa'yo,-""I am sorry." Panimula ni Althea.Hindi agad nakasagot si Apollo, nakakuyom pa rin ang kamao at nakatitig lamang sa kapatid."It's too late.""Alam kong hindi na maibabalik sa'yo ng paghingi ko ng tawad ang mga nawala sa'yo. Nasayang na apat taon sa piling ng anak mo at ang pagkawala sa'yo ni Adella.""Yeah, right."Malungkot na ngumiti ang kanyang Ate. "Gusto lang kitang protektahan noon, because I love you. Akala ko noon, katulad lamang si Adella nang babaeng muntikan ng sumira sa pamilya natin.Hindi makakabuti si Adella sa'yo noon, iyon ang nasa isip ko. Dahil sa kagustuhan kong ilayo ka sa kanya naisip kong gawin ang hakbang na 'yun. Dahil ayokong matulad ka kay Papa."Nag-igting ang mga panga ni Apollo. "But Adella is different," pigil ang emosyong sabi niya."Yes. N

  • HIS INNOCENT WHORE (La Gresa series #1)   CHAPTER 71

    Matamlay si Adella nang makauwi sa hacienda, hangang sa makaluwas na sila pa-manila ni Atlas. Sobrang bigat ng nararamdaman niya at hindi alam kung paano pa niya kayang sikilin ang nararamdaman. Pakiramdam niya, ipit na ipit na siya sa sitwasyon at wala na siyang pag-asang maka-alpas doon. "Ayos ka lang ba, hija?" Usisa ng kanyang Ina na si Lucila nang papasok na sana siya sa kwarto niya.Binalingan niya ang Ina, nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito. Marahan siyang tumango, pero hindi niya napigilan ang sarili, yumakap siya sa Mama niya at bigla na lamang siyang nag-iiyak sa balikat nito. Hindi na kasi niya kinakaya ang bigat sa puso niya...May pag-aalalang hinaplos ni Lucila ang likod ng anak. "Adella, anak. Napapano ka ba? May masakit ba sa'yo? Nag-away ba kayo ni David?" magkakasunod na tanong nito kay Adella. Ngunit hindi makasagot si Adella at patuloy lamang siyang nag-iiyak sa balikat ng kanyang Ina hangang sa kumalma na siya. "Ma, nahihirapan na po ako," aniya sa ba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status