READ AT YOUR OWN RISK!!!
ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!! (This story is TRAPPED SERIES#3)RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️ (Samantha) BIGLA ay gumapang ang kakaibang kaba sa pagkatao niya sa klase ng tingin na ibinibigay nito ngayon sa kanya. "Gusto lang naman kitang ihatid, Sam. Hindi naman ako nangangagat, kaya bakit parang takot na takot ka?" Ang mga mata nito ay malalim kung tumingin. Nanghihina na umiling siya. Gumuhit ang ngisi nito sa labi at nilapitan siya. Tinabig niya ang kamay nito ng hawakan siya nito sa baiwang pero hindi man lang ito natinag, dahil bukod sa nanghihina na siya ay malakas din ito. "B-bitiwan mo ako. Kaya ko maglakad mag isa." Sabi niya kahit ang totoo ay matutumba na siya. Ayaw lang talaga niya na hinahawakan siya ng kung sino-sino lang. "Wag kang mag alala, ihahatid lang kita, Sam." Lalo humigpit ang hawak nito sa baiwang niya kaya nasubsob siya sa dibdib nito. Tumingala siya. Sa nanlalabong mata ay nakita niya na nakapaskil pa rin sa mukha nito ang kakaibang ngisi na hindi niya nakita no'ng una silang magkakilala. NANUNUYO ang lalamunan niya nang magmulat siya ng mata. Agad siyang bumangon nang maalala ang nangyari. Malakas siyang napasinghap ng makita si Zandro. Nakaunan siya sa mga hita nito! Nagsimula na siyang mainis ng makita na nasa loob pa rin sila ng sasakyan nito. Silang dalawa lang ang magkasama ng ilang oras! Madilim na sa labas. Inabutan siya ng gabi kasama ito. Kinuha niya ang mga gamit niya para bumaba ng sasakyan. Kailangan niyang makauwi para makapagpahinga ng maayos. Pero hindi niya pa nahahawakan ang pintuan ng sasakyan ay nagsalita ang nakapikit na binata. "Aalis ka na agad? Hindi ka man lang ba magpapaalam o magpapasalamat." Umusbong ang inis sa dibdib niya. Huminga siya ng malalim at pilit na kinalma ang sarili. "Uuwi na ako." Hindi tumitingin sa sabi niya rito. "Ihahatid na kita." "Hindi na." Natigil siya sa pagbukas ng pinto ng sasakyan ng pigilin nito ang braso niya. " Ano ba!" Hindi na nakapagtimpi na sita niya. "Pwede ba wag mo akong hawakan. Kanina ka pa!" Ipinilig lang nito ang ulo. "H-hindi ka dapat nanghahawak ng babae ng basta-basta. T-tapos pinaunan mo pa ako sa hita mo kanina." Nagtataas baba na ang dibdib niya dahil sa inis. "Halata kasi na babagsak ka na kanina." Binitiwan na nito ang braso niya. "Tinulungan lang kita." Walang emosyon na sabi nito. "Hindi ko kailangan ng tulong mo." Hinawakan niya ang braso niya. Mabuti at hindi malakas ang paghawak nito sa kaniya, dahil kung napalakas ang hawak nito ay tiyak na mag-iiwan ng marka ang kamay nito. Bumaba ito at lumipat sa driver seat. "Ihahatid sana kita sa bahay mo kanina. Pero hindi ko naman alam kung saan iyon. Saan ba ang bahay mo, ihahatid na kita." Nilingon siya nito ng hindi siya nagsalita. "Hindi na kailangan. Salamat nalang." Mabilis na pinihit niya pabukas ang pinto ng sasakyan nito pero ayaw no'n bumukas. Bakit? Nakangisi na nilingon siya nito na para bang natutuwa sa nakikita. "Buksan mo 'to, ano ba!" Hindi siya ang tipo ng tao na madaling magalit pero dahil sa ginagawa ni Zandro ay umiikli ang pasensya niya. Pakiramdam niya ay maiiyak na siya ano mang oras. Pinanghinaan na siya ng loob paandarin na nito ang sasakyan. Gusto niyang sigawan ito pero wala na siyang lakas. Dahil masama pa ang pakiramdam niya ay isinandal niya ang ulo. Pasipol sipol pa si Zandro habang nagmamaneho na tila balewala ang galit niya rito. Gusto niya itong hampasin o pagsasampalin sa inis niya. Nanlaki ang mata niya ng huminto ang sasakyan nito sa tapat ng tinitirhan niyang apartment. Gusto sana niyang itanong kung bakit nito alam kung saan siya nakatira, pero nasagot ang tanong niya nang makita na hawak nito ang ID niya kung saan nakalagay ang address niya. Nanghihina man ay dumukwang siya para hablutin iyon dito. Sinubukan niya muling pihitin ang pinto ng sasakyan at laking tuwa niya ng bumukas iyon. Hindi na siya nagpaalam dito at nagmamadaling bumaba. Hiling niya na sana ay hindi na sila muling magkita. Ayaw na niya itong makita. Bastos at walang modo. Sa nanginginig na tuhod ay pinilit niyang maglakad ng maayos. Napakasama parin ng pakiramdam niya. Pagkauwi ay nagluto pa siya para makakain, dahil kailangan niyang uminom ng gamot. Lalo lang sumasakit ang ulo niya pag naaalala ang walang modong si Zandro. Para sa kaniya ay kabastusan ang paghawak sa babae ng walang permiso, maliban nalang din kung magkareslayon o magkaibigan ang dalawang tao. 'Hindi ko siya kaibigan!' Hindi niya gusto ang ganitong klase ng tao. Nakakatakot ang lalaking katulad nito. Paiba-iba ng ugali. 'Wag na sana magkrus ang landas natin, Zandro' Hanggang sa makatulog ay dala niya pa rin ang inis sa lalaki. NAKANGITI na binati niya pabalik ang nga estudyante na bumati sa kaniya. Mabuti nalang at paggising niya ng umaga ay mabuti na ang pakiramdam niya kaya nakapasok siya para magturo. "Ms. De guzman." Tumigil siya sa paglalakad ng may tumawag sa pangalan niya. "Wag mo sabihin na nakalimutan mo na naman ang pangalan ko." Kumakamot sa ulo na sabi nito. Natigilan siya. Tama nga ito dahil nakalimutan niya nga ang pangalan nito. Ngumiti siya at pilit na hinahalukay sa utak niya. 'Ano ba ulit ang pangalan niya?' Nagtataka na natigilan na naman siya. Bakit ang pangalan ng matalik na kaibigan ng boyfriend niya ay natandaan niya kaagad? 'Wag mo na isipin ang lalaking iyon, Sam' Saway niya sa sarili. "Bakit, Warren, may kailangan ka ba?" Tanong niya ng maalala ang pangalan ng binata. Malaki ang ngiti nito ng tawagin niya ang pangalan nito. "Akala ko nakalimutan mo na naman ang pangalan ko." Muntik na... "Sumabay ka na sa amin ni mommy, idadaan ka namin sa inyo." Gusto niya sana tanggihan ito, ngunit lumapit sa kanila ang mommy nito, ang prinsipal ng kanilang paaralan. "Miss Samantha, sumabay ka na." Nakangiti ang prinsipal. Nahihiya siyang tumanggi sa mabait na ginang kaya naman tumango nalang siya. Habang nasa biyahe sila ay panay ang sulyap sa kanya ng binata kaya naman binaling niya ang tingin sa labas ng bintana. Katabi niya ang binata sa driver seat. Hindi rin nakaligtas sa kanyang mata ang tila nanunuksong tingin ng ginang. Napatuwid siya ng upo nang mapansin ang pamilyar na sasakyan na nakasunod sa kanila. Ilang beses siyang napalunok dahil sa kaba na nagsisimula na naman nabubuo sa kanyang dibdib. Nakahinga lang siya ng maluwag ng nilagpasan na sila nito. "Salamat po," Magalang na sabi niya sa prinsipal. "At sa iyo din, Warren. Salamat." "Walang anuman, basta para sa 'yo, Samantha." Nakangiting wika ng binata bago pinausad ang sasakyan. Natigil siya sa akmang paghakbang nang mapansin ang pamilyar na sasakyan sa di kalayuan. Nanlalamig ang mga paa na nagmamadali siyang tumakbo. Ano na naman ang ginagawa ni Zandro dito? Nakasandal ang lalaki sa sasakyan nito habang nakapamulsa ang mga kamay at nakatingin sa kaniya. Natatakot siya sa madilim nitong mukha, dahil parang galit ito. Tila hindi sumasayad ang mga paa niya dahil sa lakad-takbo niyang paghakbang. Pati ang pagsakay ng elevator ay kinainipan niya. Natatakot siya na bigla nalang itong sasakay doon. Nakahinga siya maluwag ng makarating sa tapat ng apartment niya. Agad na isinara niya iyon ng makapasok siya, at agad din na nagtungo siya sa kwarto niya para buksan ang bintana at silipin kung naroon pa ito. Nawala ang kaba niya ng hindi na ito makita kahit ang sasakyan nito ay wala na rin. Siguro ay napadaan lang ito sa kanilang lugar. Hangga't maaari ay ayaw niya itong makita. Hindi niya gusto na makausap o makasalubong man lang ito. Delikado ito. Ito ang sinasabi ng utak niya. Napangiwi siya ng maalala na hinapit nito ang baiwang niya ng mahigpit. Pinaunan din siya nito sa mga hita nito at nasubsob pa siya sa dibdib nito. Pag naaalala niya ang mga ginawa nito ay naiinis talaga siya. Dahil sa pagod ay napagpasyahan niya na umorder nalang ng pagkain online. Habang naghihintay ng order niya ay naligo muna siya. Kalalabas lang niya ng banyo, at basa pa ang kanyang buhok ng may kumatok. Binilisan lang niya ang pagbibihis at hinayaan lang na basa pa ang kanyang buhok. Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kaniya ang matangkad na lalaki na nakasuot ng itim na face mask bitbit ang mga order niya. Kinuha niya rito ang mga order niya matapos magbayad. Matapos ilapag sa mesa ang mga pagkain ay agad niya iyong nilantakan. Patigil siya sa pagnguya ng mapansin na bukod sa order niya ay mayroon pang ibang pagkain na nasa harapan niya. Pinunasan niya ang ketchup na nagkalat sa gilid ng labi bago nagmessage sa delivery guy na sobra ang pagkain na nai-deliver nito. Nais niya sana na bayaran nalang din ang iba dahil mag abono ang kawawang lalaki at sabihan ito na magdeliver ng tama sa susunod, pero hindi ito nagrereply. Sinubukan niyang tawagan pero hindi rin ito makontak. Nagkibitbalikat nalang siya at nagpatuloy sa pagkain. Matapos kumain ay inilagay niya sa ref ang tirang pagkain at agad na binasa niya ang text message ni Jc sa kaniya. Kilig na kilig siya habang nagbabasa. Nabubuo na niya at nakikita sa sarili ang magiging future niya rito. Lalo siyang kinilig sa mga naiisip pero natigilan siya ng maalala ang kaibigan nito na walang modo. Hindi niya gusto na magkasira ang magkaibigan pero pag inulit nito ang paghawak sa kaniya ay hindi na niya alam ang magagawa niya. Ang pagngisi nito ay talagang nakakainis. Ang paghawak nito na may kasamang pagpisil ay nakakapagbigay ng kilabot sa buo niyang sistema. Wala siyang tiwala kay Zandro. Tumingin siya sa cellphone niya ng may mag message roon. Akala niya ay si Jc kaya agad niyang binasa, pero hindi pala ito ang nobyo niya. Isa itong unregistered number. 'Matulog ka na' Kumunot ang noo niya. Ngayon lang may na wrong send sa kaniya. Hindi niya iyon pinansin. Nag scroll muna siya sa f* at nanood ng mga short stories rito. 'Goodnight' Muling text sa kaniya. Hinayaan niya nalang iyon at hindi pinansin. Makalipas ang ilang oras ay nagpasya siya na matulog na dahil may pasok pa siya bukas. "NOW, LETS PRAY, KIDS." Aniya sa mga maliliit na batang nasa harapan niya bago umusal ng panalangin. Birthday ni Junie, ang isa sa pinakabibo niyang estudyante. Napagpasyahan ng mga magulang nito na sa paaralan nalang maghanda. Matapos magdasal ay kinantahan nila ito ng happy birthday at iniabot na nila ng ina ni Junie sa mga bata ang pagkain na naka Styrofoam na. Masaya niyang pinagmasdan ang mga bata. Kita ang saya sa mukha ng mga ito. Kaya itong trabaho ang pinili niya dahil gusto niya magturo sa mga bata na ganito ang edad. Nakakawala kasi ng pagod pagnakikita niyang masaya ang mga ito. Kahit makulit pa ang mga ito ay hindi niya ipagpapalit ang kanyang pagiging guro. Bago maghanda sa pag uwi ay nagpasalamat ang ina ni Junie sa kaniya dahil sa pagpayag niyang idaos ang kaarawan ng anak sa classroom. "Girl!" Tila mabibingi siya sa sigaw ng kaibigan. "Ano na naman iyang tsismis na dala mo, Wina." Tanong niya. "Saka kung nakatawag ka naman parang napakalayo ko." Reklamo niya habang inaayos ang mga gamit. "Gusto ko lang sabihin sa 'yo na may bago na akong papa!" Kilig na kilig pa na kwento nito. "Buti may pumatol sa 'yo. Hindi ba natakot sa muscles mo?" Natatawa niyang tanong. "Gaga, siyempre hindi. Mahal niya kasi ako at ako lang daw ay sapat na." Para itong bulate na nilagyan ng asin. "Congrats. Ingat ka lang ha, baka mabuntis ka." Inirapan siya nito. "Sige lang, mang asar ka lang." Tinawanan niya ito. "Halika na, ihahatid na kita, girl." "Wag na, Wina. Kaya ko na, asikasuhin mo nalang iyang mga part time jobs mo, basta wag mo lang kalimutan na alagaan ang sarili mo." Paalala niya rito. Ayon kasi dito ay kailangan nito ng pera kaya ito tumatanggap ngayon ng mga estudyanteng nagpapatutor. "Sure ka, girl?" Nag aalangan ang mukha na tanong nito. "Oo naman, Wina. Wag ka na mag alala. Basta libre mo ako sa Jollibee sa sunod na labas natin." Kondisyon niya. Nakangiti na tumango ito. "Sige, girl. Mga ingat ka sa pag uwi. Magtext ka lang o tumawag agad kapag may bumast0s sayo. Ako ang bahala." Kumaway pa ito sa kaniya bago kumikembot na umalis.Trapped series🔥 Mature content‼️ 1. Trapped with him: Alaric and Pamela's story 2. The lonely billionaire and his maid: Damon and Amelia's story 3. His intention: Zandro and Samantha's story 4. Trapped in his wrath: Red and Yuri's story 5. Broken hearts and promises: Miguel and Gail's story 6. The hidden wife tears: Nickolas and Catherina’s story 7. The billionaire’s trick: Liam and Happy’s story 8. His dangerous trap: Tres and Bella’s story 9. Forbidden desire: Jack and Farrah’s story 10. The billionaire’s secret love: Wendell and Donita’s story
[Zandro] ‘Tsk. Hindi ako iiyak!’ Iyan ang sinabi niya sa sarili ng araw ng nila si Sam. Humawak sa balikat niya ang ama. “Son, calm down. Baka maihi ka sa kaba ni’yan.” Naghalakhakan ang mga kaibigan niya. Napatingin siya sa kanyang tuhod. Damn! Nanginginig nga siya at halatang-halaga ‘yon. Nang bumukas ang tarangkahan ng simbahan ay tuluyan na siyang natumba. Napaunġol siya sa sobrang sakit ng tuhod niya. Ang mga gaġong kaibigan niya ay muli na naman nagtawanan. Ang sabi niya ay hindi siya iiyak— Pero pútang ina, umaagos na pala ang luha niya. Habang naglalakad si Samantha palapit sa kanya ay siya namang iyak niya na parang isang paslit. Gusto niyang alisin ang tingin sa napakaganda niyang mapapangasawa pero hindi magawa ng kanyang mata na lumihis ng tingin, gusto niya itong titigan lang. “Akala ko ba hindi ka iiyak?” May pang aasar na sabi ni Sam, namumula ang mata nito, mukhang nagpipigil na huwag umiyak. “H-hindi ko mapigilan. Masaya lang ako dahil akin ka na tal
[Zandro] "Ang Police Lieutenant General na si Zandro Alejo ay agad na sinibak sa pwesto dahil sa patong-patong na kasong kanyang kinahaharap ngayon. Ayon sa mga opisyal na kapulisan na nag-imbestiga ay napatunayan na isa siya sa mga tiwaling opisyal ng Gobyerno. Ginagamit umano nito ang pwesto para makabenta ng mga pinagbabawal na gamot sa malalaki at mga sikat na tao dito sa iba't ibang panig ng mundo. Ngayong napatunayan na isa siyang tiwali ay tuluyan na nga itong inalis sa kanyang pwesto bilang Police Lieutenant General at papatawan ng kaukulang parusa bilang pagsuway sa ating batas." Humigop ng kape si Zandro habang pinapanood ang balita tungkol sa kanya. Umaayon ang lahat sa plano nila— Yes, plano nila. Ang pagtanggal sa kanya sa pwesto ay kailangan sa 'misyon' na kanyang gagawin. Kailangan n'yang mapaniwala ang lahat na isa siyang tiwaling pulis para makapasok siya sa pinakamalaking sindikato na narito ngayon sa Pilipinas. "Goodluck, Sir!" Nakasaludong wika ng mga katulad
[Zandro] Sinamaan ni Zandro nang tingin ang mga kaibigan niya nang makita na nagpipigil nang tawa ang mga ‘to sa tuwing mapapagawi ang tingin sa kanya. “Damn!” Galit niyang tinadtad nang bala ang human puppet target at lahat ng balang pinakawalan niya ay tumama sa ulo nito. Narito silang magkakaibigan sa kanilang private gun shooting range. “Chill, fvcker. Wala ka nang magagawa kung natauhan na si Samantha at inayawan ka na.” Tumatawang ani ni Liam habang bumabarik din, at katulad niya ay sapol din nito ang target. “It was his fault. Palaging nakabantay ay nakadikit kaya naumay na sa kanya.” Segunda ni Jack na nakaupo lang at nakatingin lang sa screen nang cellphone. Tinapik ni Nickolas ang balikat niya— Pero hindi awa ang nakikita ni Zandro sa mukha ng kaibigan kundi pang aasar. “Maybe she found someone better—“ “Damn all of you!” He hissed. All this fvcker made it worse! Mas lalo lang gumugulo ang utak niya at kung ano-ano pa ang naiisip niya. Samantha is avoiding him
[Samantha] Maraming nailigtas na kababaihan, may ilang nasaktan at namataý, may mga babaeng hanggang ngayon ay lango parin sa dróga. Ang lahat nang mga tauhan ni Jc ay nahuli na maging ang mga naka-transaksyon nito. Tapos na… Makakahinga na siya— Sila nang maluwag. “Papataýin kita, Samantha! Tandaan mo babalikan ko kayo!!!” Malakas na hiyaw ni Mila habang hawak ito ng mga pulis para sampahan nang kaso at ikulong. “Should I kill her now, darling?” Madilim ang mukha na tumingin si Zandro sa babae na ikinalunok nito. “Hindi ko gusto ang binabantaan ka. Gusto mo bang isunod ko siya kay Jc?” Nagkibitbalikat siya. “It’s up to you, Zandro.” Aniya. Namumutla na si Mila sa dami nang dugong nawala rito pero parang hindi na ito makaramdam nang sakit. May palagay siyang high rin ito sa pinagbabawal na gamot. “Can I have her? Gusto ko siyang idagdag sa mga pagkain ng mga alaga ko.” Bigla nalang sumulpot si Tres sa likuran nila ni Zandro. Hindi niya alam kung ngingiwi ba siya, o matatawa. S
[Samantha] Nang makaalis si Jc kasama ang mga tauhan nito ay saka lang siya lumabas sa pinagtataguan. Agad na nagliwanag ang mukha ni Mila nang makita siya. “Samantha!” Puno nang pagsamo na tumingin ito sa kanya. “N-Nariyan ka? Ibig sabihin ay narinig mo ang lahat.” Pinahid niya ang luha at hindi sumagot. “Siya si Jc! Ginamit niya ang mukha ni Troy para makalapit uli sa’yo. Ngayong alam mo na, siguro naman may balak kang tulungan at pakawalan ako. Hindi ako ang kalaban mo, Samantha, kundi si Jc!” Tinakpan niya ang sariling bibig para hindi umalpas ang tawa sa kanya— Kung kanina ay umiiyak siya, ngayon ay natatawa siya. “So, porke nalaman kong si Jc ang hayòp na akala ko ay pinsan mo sa tingin mo ay tutulungan at pakakawalan kita?” Pagak siyang natawa. Lumapit siya rito at nginisihan ito. “Ang kapal din ng pagmumukha mo, noh? Anong akala mo sa ‘kin tanġa? Pakakawaan kita matapos lahat ng ginawa mo sa akin?” “S-Samantha, n-nagmamakaawa ako sa’yo—“ “Kahit mamatay ka pa sa harap
[Samantha] Walang kaingay-ingay na lumabas siya nang kwarto. Kapag nakikita niyang may tauhan si Troy na makakasalubong niya ay agad siyang umiiwas. Tinakpan niya ang bibig. Halos masuka siya sa mga nakikita sa bawat kwartong nasisilip niya. May mga lalaki na sabay-sabay ginagalaw ang isang babae, may mga babae naman na sabay-sabay pinapaligaya ang isang lalaki. Hindi niya matukoy kung napipilitan ba ang mga ito, o nasisiyahan. Dahil kung pagbabasehan ang nakikita at naririnig niya ay tila nasisiyahan ang mga ito— O kung tama ang isa sa hinala niya ay baka may itinurok na dróga sa mga babae. Hindi malabong mangyari ‘yon lalo na sa mga katulad nila Troy at mga tauhan nito na mga hayòp. Pumikit siya at sumandal sa pader habang namumutla. Kapag nahuli siya ni Troy ay sigurado na magiging gano’n ang kahihinatnan niya. ‘Hindi ka matutulad sa kanila, Samantha! Magagawa mo ang plano mo at darating si Zandro para iligtas ka!’ Pagpapalakas niya ng loob. Nakarating siya sa may dulo. Dahil