READ AT YOUR OWN RISK!!! WARNING: MATURED CONTENT. YOU HAVE BEEN WARNED! (Zandro Alejo's Story)🔞 Maayos ang buhay ni Samantha bago niya nakilala si Zandro. Ang matalik na kaibigan ni Jc. Kuntento sa buhay ang dalagang si Samantha. Mayroon siyang maayos na trabaho saka mabuti at mapagmahal na nobyo. Pero nagulo ang tahimik niyang mundo ng makilala niya si Zandro, ang kaibigan na matalik ni Jc. Wala itong ginawa kung hindi ang guluhin, takutin at bantaan siya. Kaya ng natagpuang wala ng buhay ang matalik niyang kaibigan na si Wina, na palaging pinagseselosan nito, at pagkawala ng nobyo niya, na kinagagalitan ni Zandro, ay ito ang pinaghinalaan niyang gumawa ng krimen. Mapapatunayan niya kaya na ito ang may sala sa mga nangyaring masama sa mga taong malapit sa kanya? O mapahamak din siya sa kamay nito? TRAPPED SERIES#3. Trapped Series Titles ⬇️ 1.Trapped with him (Alaric) COMPLETED 2.The lonely billionaire and his maid. (Damon) COMPLETED 3. His intention (Zandro) COMPLETED 4.Trapped in his wrath (Red) COMPLETED 5.Broken hearts and promises (Miguel)ONGOING 6. The hidden wife tears (Nickolas) SOON 7. The billionaire's trick (Liam) SOON 8.His dangerous trap. (Tres) SOON 9.Forbidden desire (Jack)ONGOING 10.The billionaire's secret love (Wendell) SOON Genre: ROMANCE/DARK ROMANCE/STEAMY READ AT YOUR OWN RISK!!!!
Lihat lebih banyakREAD AT YOUR OWN RISK!!!
ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!!🖤 (This story is TRAPPED SERIES#3)RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️ (Samantha) "GOODBYE, MA'AM!" Masaya siyang kumaway sa mga grade one students niya ng magpaalam na ang mga ito. Alas kwarto na nang hapon at uwian na. Pagkatapos maglagay ng baby powder sa mukha at magpahid ng manipis na lipstick sa labi ay kinuha na niya ang mga gamit. Bago umalis ay sinuri muna niya ang mukha sa handy mirror na palagi niyang dala. Gusto niya kasi na maganda siyang haharap mamaya kay Jc, ang nobyo niya. "Maganda ka na, girl!" Muntik na niya mabitiwan ang hawak na salamin dahil sa gulat sa kaibigan na bigla nalang sumulpot. "Wina naman, pwede ba wag kang nanggugulat." Napahawak pa siya sa dibdib dahil sa gulat. Katulad niya ay isa rin itong teacher dito sa Makabuhay Elementary School. "Sorry girl," pumilantik ang kamay nito. "Ikaw naman kasi, masyado kang busy sa pagpapaganda. Hindi mo tuloy napansin ang paglapit ko." Matalik niya itong kaibigan. Lalaki ang panlabas nito pero pusong babae— Oo, isa itong binabae. Pero hindi ito katulad ng ibang binabae na lantad, ito ay nakapanlalaki pa rin ng kasuotan saan man magpunta at kahit na isa itong binabae ay marami parin ang nagkakagusto dito dahil bukod sa malaki ang katawan ay gwapo din ito, iyon nga lang ay lalaki din ang gusto. "Makikipagkita ka sa jowa mo, no?" Naniningkit ang matang tanong nito. Nginitian niya lang ito. "Naku ha, sinasabi ko sayo, Sam. Wag ka magpapagabi ng uwi. Isusumbong talaga kita sa mama mo." "Alam mo hindi ka lang tsismoso, sumbungero ka pa." Mga bata palang ay magkaibigan na sila kaya naman kilalang-kilala siya nito, at kilalang-kilala din siya nito. "Naman." Nag flipped hair pa ito na akala mo ay mahaba ang buhok kaya natawa siya. Isinukbit na niya ang bag niya. "Sige na, Wina, mauna na ako. Alam mo na, may lakad ang maganda mong kaibigan.” Hindi pa nakakalayo ay muli niya itong nilingon. "Sa sunod na tayo kumain sa Jollibee. Libre ko na." Agad na nagliwanag ang mukha nito sa narinig na parang bata. Kalalaking tao ay ang laki ng katawan pero hindi pa rin ito nagbabago— Pagkakain sila sa labas ay tuwang-tuwa ito. Bukod sa kaibigan na niya ito mga bata palang sila ay palagi pa silang magkasama. Ito ang tagapagtanggol niya sa tuwing may nambubully sa kanya. Ito rin ang tagasumbong sa mama niya sa tuwing may mga nanliligaw sa kanya sa kanilang school. Sa madaling salita, sumbungero ang kaibigan niya. Bigla ay naalala niya ang mama niya. Umuwi ito ng Antique para makasama ang kapatid nito na may sakit, isang taon na ro'n ang mama niya kaya naman mag-isa siya sa apartment na tinutuluyan. Matagal nang namayapa ang papa niya. Nag iisang anak lang din siya kaya naman dalawa nalang sila ng mama niya na magkasama sa buhay. Saglit na huminto siya sa paglalakad para basahin ang text ng nobyo niya. 'Dito na ako, Love' Pigil ang ngiti sa labi niya dahil sa kilig. Kapag tinatawag siya nitong love ay talaga namang kinikilig siya. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na nagkaro'n siya ng boyfriend na katulad ni Jc. Para sa kanya ay perfect ito. Gwapo at masipag. Palagi itong busy sa maliit nitong business na itinayo nito kaya bihira lang sila magkita. Agad siyang bumaba sa tapat ng mall kung saan sila magkikita. Napadainġ siya ng mahina ng bumangga siya sa matigas na pader— "Pasensya na, hindi ko sinasadya." Nakangiwing yumuko siya. Pakiramdam niya ay nadurog ang buto niya sa ilong sa tigas ng katawan nito. Hindi pala siya sa pader nabangga, kundi sa isang malaking mama. Nang mag angat siya ng tingin ay nalula siya sa tangkad nito. Mukhang nasa 6’2 ang taas nito. Malapad ang katawan, at kulay itim ang suot mula sumbrero, facemask, hanggang sa rubbershoes. Wala sa sariling tumingkayad siya para titigan ang mata nito— Oh my god, kulay asul ang mata! Nahihiyang nagbaba siya ng tingin ng mapagtanto kung gaano kalapit ang mukha niya sa mukha. Nadala siya ng pagkabelieve. Kakaiba kasi ang mata nito— Parang nakakahipnotismo sa ganda. Pagtingin niya sa lalaki ay wala na ito sa harapan niya. Grabe, ang bilis naman maglaho no’n. Daig pa ang multo. Pumasok na siya sa restaurant na madalas nilang pagtagpuan ni Jc. "Love!" Masaya siyang sinalubong ng nobyo at hinalikan sa labi. Smack lang iyon pero kilig na kilig na siya. "Pasensya na naghintay ka ng matagal." Nahihiya na ngumiti siya rito. Sa dalawang taon nilang magkasintahan ay nahihiya pa rin siya sa tuwing magkasama sila. Pakiramdam niya kasi ay hindi siya bagay sa binata. "Ayos lang na maghintay ako basta para sa 'yo." Lalo sumingkit ang mga mata nito nang ngumiti sa kanya. Pagkarating ng order nila ay agad silang kumain. Tulad ng dati ay nagkukwentuhan lang sila tungkol sa kani-kanilang trabaho. Hinawakan nito ang kamay niya at saka matamis na ngumiti. "Pagnakuha ko ang deal na 'to. Magpakasal na tayo next year." Napaawang ang labi niya sa sinabi nito— Sobrang saya niya! Nakangiti na tumango siya. "Sana nga makuha mo, goodluck, Jc." "Love, naman, hanggang ngayon Jc pa rin ang tawag mo sa akin. Dapat sanayin mo nang tawagin akong love para naman lalo akong ganahin sa trabaho.” Kimi lang siyang ngumiti rito. Ang totoo ay kinikilig siya pero hindi niya alam kung paano ipapakita, hanggang ngayon kasi ay nakakaramdam pa rin siya ng pagkailang rito kahit na dalawang taon na ang relasyon nilang dalawa. Ito kasi ang kauna-unahang na naging nobyo niya, kaya siguro ganito ang akto niya. Ang sabi nga ng mga nakakakilala sa kaniya ay mahinhin siya at mahiyain. Pero hindi naman iyon ang nakikita niya sa sarili. Ganito lang siguro talaga siya kapag hindi sanay sa isang tao. Kapag nasa bahay ay maingay naman siya at alam iyon ng kaibigan niyang si Wina. "Love, take this." Maang siyang tumingin sa mga paper bag na iniabot ni Jc sa kanya. Hindi siya pwedeng magkamali— Mamahalin ang mga ito at sa ibang bansa pa nabibili. "Ang dami naman nito, Jc. Nakakahiya naman kung tatanggapin ko lahat ng 'yan.” Tanggi niya. "Love naman, tanggapin mo na. Naka-sale naman 'yan no'ng binili ko kaya tanggapin mo na, please." Giit pa na sabi nito. Sale? Baka kahit mag sale ang ganitong brand ay hindi niya pa rin mabili. Sigurado siya na mahal talaga ito. Pilit ang ngiti na kinuha niya ang mga hawak nito. "Salamat." "I love you, Love." Gusto niya sana sagutin ito pero nagring ang cellphone nito. "Hello?" Napangiti ito sa sinabi ng kausap. Mukhang nakatanggap ito ng magandang balita. "Sige, I'm on my way." Nang ibaba nito ang cellphone ay tumingin ito sa kanya. "Love, pasensya ka na pero kailangan ko nang bumalik sa office. May meeting ako sa client ko. Sa sunod babawi ako, promise." Tumango siya. "Naiintindihan ko, Jc. Sige na mauna ka na dahil may bibilhin pa ako." Dahilan niya pero ang totoo ay nabitin siya sa oras na kasama niya ito. Natigilan ito saglit pero agad din ngumiti sa kanya. "Wag ka nang magtagal dito, umuwi ka na. Nakokonsensya ako na iwan ka dito ng mag-isa." Nahawa siya sa ngiti nito. Kahit kailan talaga ay napakasweet nito. "Oo na, uuwi na ako. Mag ingat ka, ha." Mabilis na humalik ulit ito sa labi niya bago umalis. Simula nang maging boyfriend niya ito ay iisang beses palang siya nito naihahatid sa apartment niya. Sobrang busy kasi ito sa trabaho at naiintindihan niya iyon. Hindi nagtagal ay tumayo na siya para mag abang uli ng tricycle. Mabilis naman siyang nakasakay at umuwi sa maliit na apartment na tinutuluyan. Isa iyong compound kung saan kakaunti lang ang nakatira. Kaya nagmistula iyong mga haunted na apartment. Kapag naglakad nga siya sa hallway ay wala siyang makakasalubong kundi kadiliman at malamig na hangin. Ilang beses na siyang nagsabi sa landlady na palitan ang mga punding ilaw, noong una ay pinapalitan pa naman ito pero agad ding napupundi kaya naman nagsawa na siguro ang landlady sa kapapalit. Sa ikatlong palapag ang tinutuluyan niya. Noong unang lipat niya rito matapos ibenta ng ina ang maliit nilang lupa para makatulong sa kapatid ay hindi niya mapigilan ang takot. Bukod sa madilim ay wala siyang kapitbahay sa palapag na ito. Walang naglakas-loob na mangupahan dito kahit na mas mura kaysa sa una at pangalawang palapag dahil sa kadiliman at nakakatakot na atmosphere. Ilang beses na niyang niyaya ang kaibigan na si Wina para lumipat sa tabi ng apartment niya pero tumanggi ito. Hindi daw ito makakatagal na walang kapitbahay na gwapo. Kailangan daw nito ng inspirasyon araw-araw bago pumasok sa trabaho. Hingal na pumasok siya ng apartment. Ngayon lang niya naramdaman ang ngalay dahil sa mga bitbit na paper bag. Agad na kumuha siya ng malamig na tubig sa ref at saka naupo sa kulay pink niyang sofa. Habang umiinom ng tubig ay binasa niya ang diyaryo na binili niya mga tatlong araw na ang nakalipas. Pulis na inalis sa pwesto, ginahasang kababaihan, pagnanakaw ng ilang kabataan na kapos sa buhay at mga kabataan na nahuling nagdodroga. Napailing siya sa mga nabasa at kinilabutan. Nakakatakot na talaga ang panahon ngayon. Kung may balita man na nakapagbibigay takot sa kaniya iyon ay ang mga kababaihan at kabataan na nari-rape. Wala nang pinipili ang mga rapist ngayon. Nasa edad man o wala basta ma-i-raos lang nila ang pagnanasa o kabastusan na nasa isip ay nanggagahasa na sila. Napabuntong hininga siya. Kaya siya ay mas pinipili na lang na mapag-isa sa apartment niya at mag scroll sa f******k kaysa ang lumabas. Alas-otso na ng gabi. Lumapit siya sa bintana para isara ito. Natigilan siya. Mayro’ng lalaki sa baba na nakakulay itim ang lahat ng suot, habang nakaupo ito sa motorsiklo— Napalunok siya at agad na isinara ang binata. Bakit gano’n? Pakiramdam niya ay nakatingin ito sa kanya kahit na nakasuot ito ng helmet at nakatingala? ‘My god, Samantha! Pinapakaba mo lang ang sarili mo!’ Gusto niyang isipin na sa katabing bintana ng apartment niya ito nakatingin— Pero naalala niya na bakante ang lahat ng unit sa floor na ito! Inalis niya sa isip ang nakita at naligo. Sinuklay niya ang maikling buhok na tuwid na tuwid na umabot lamang hanggang balikat at nagpahid ng lip moisturizing sa manipis at mamula-mula niyang labi. Kitang-kita sa maliit niyang mukha ang saya, lalo na sa kanyang bilugan na mga mata. Hanggang sa pagtulog ay dala niya ang saya. Baka magpakasal sila ni Jc next year! **** Hindi na naman niya namalayan ang oras, uwian na naman. Habang inaayos ang mga dadalhin pauwi ay tinext na niya muna ang kaibigang si Wina. 'Tara na, Wina' Hindi nagtagal ay naririnig na niya ang yabag nito papalapit. "Girl, taralets na! Matagal tagal mo na rin akong hindi dini-date, hmm!” Halatang nagtatampo ito. Napailing nalang siya. Madalas niya kasi itong nililibre sa Jollibee. Kahit bilhan lang ito fries, burger at coke float ay masaya na ito. "Girl, may binili pala ako. Gamitin mo ito ha, para pareho tayo." Iniabot nito sa kaniya ang maliit na paper bag na alam na niya ang laman. "Dapat pareho tayo ng gamit palagi para mamana mo ang ganda ko." Sabay halakhak nito. Every month ay binibigyan siya nito ng mga beauty products. Mula sa lotion, pabango, moisturizer sa labi at mukha, sabon sa katawan, shampoo at conditioner. Minsan ay hindi niya pa nga nauubos ay pinapadalhan na siya nito. "Alam mo na ba ang chika? Buntis daw si Angelica tapos wala daw ama, hindi daw pinanagutan. Puro puna sayo ang bruhang 'yon tapos siya pala 'tong may tinatagong landi sa katawan." Habang naglalakad sila ay wala itong tigil sa kakakwento tungkol sa isang kasamahan nilang guro na lagi siyang pinag-iinitan. "At ito pa, girl. Alam mo ba na kinaiinggitan ka ng lahat dahil halata daw na gusto ka ni papa Warren." Tukoy nito sa anak ng kanilang principal. Nagpapadyak pa ito na parang kilig na kilig kaya naman lahat ay napapalingon sa kanila. "Sinabi ko na nga na may boyfriend ka na, girl. Para naman ibaling niya sa akin ang nararamdaman niya kaso parang hindi naman niya ako type." Tumatawang itinuro niya ang braso nito. "Pa'no may magkakagusto sayo. Ang takot lang nila sa muscles mo." "Thank you sa pagpapalakas ng loob ko, ha. Napakabuti mong kaibigan." Sarkastikong sabi nito sabah irap sa kanya. Marami siyang inorder dahil napakalakas kumain ni Wina. Kaya hindi na siya nagtataka kung bakit ganito kalaki ang katawan nito. 5’9 ang taas nito, bukod sa matangkad ay malaki pa ang katawan. "Alam mo na ba ang tsismis tungkol sa sikat na sindikato na nandito sa pilipinas?" Ngumunguyang tanong nito. Umiling siya bago kumagat ng burger. "Hindi. Saka ano na naman 'yan. Pang worldwide talaga ang pagiging tsismoso mo, no." Nabilaukan ito sa sinabi niya. "Tsismoso agad? Di ba pwede na taga-kwento lang." "Ano ba 'yon?" Tanong nalang niya. "Mayroon daw mga sindikato na nahuli kamakailan lang. Buti nga nahuli ang ibang miyembro nila. Kawawa naman kase ang mga babae na biktima nila." Natigilan siya sa narinig. Talamak na talaga ang masasamang tao sa panahon ngayon. Tulad nga ng nababasa sa diyaryo, iba't ibang mga krimen araw-araw ang nagaganap hindi lang sa Pilipinas kundi saanman sulok ng mundo. "Simula ngayon ay ihahatid na kita. Sabi mo nga 'diba nakakatakot ang muscles ko. Kaya simula ngayon ihahatid na kita, para naman mapanatag na rin si tita." "Salamat, Wina. Isabit mo sila sa muscle mo pagnagtangka sila." Tumatawang biro niya. Ipinakita nito ang malaking muscles sa mga braso at tumayo pa. "Isasabit ko talaga sila dito."[Zandro] ‘Tsk. Hindi ako iiyak!’ Iyan ang sinabi niya sa sarili ng araw ng nila si Sam. Humawak sa balikat niya ang ama. “Son, calm down. Baka maihi ka sa kaba ni’yan.” Naghalakhakan ang mga kaibigan niya. Napatingin siya sa kanyang tuhod. Damn! Nanginginig nga siya at halatang-halaga ‘yon. Nang bumukas ang tarangkahan ng simbahan ay tuluyan na siyang natumba. Napaunġol siya sa sobrang sakit ng tuhod niya. Ang mga gaġong kaibigan niya ay muli na naman nagtawanan. Ang sabi niya ay hindi siya iiyak— Pero pútang ina, umaagos na pala ang luha niya. Habang naglalakad si Samantha palapit sa kanya ay siya namang iyak niya na parang isang paslit. Gusto niyang alisin ang tingin sa napakaganda niyang mapapangasawa pero hindi magawa ng kanyang mata na lumihis ng tingin, gusto niya itong titigan lang. “Akala ko ba hindi ka iiyak?” May pang aasar na sabi ni Sam, namumula ang mata nito, mukhang nagpipigil na huwag umiyak. “H-hindi ko mapigilan. Masaya lang ako dahil akin ka na tal
[Zandro] "Ang Police Lieutenant General na si Zandro Alejo ay agad na sinibak sa pwesto dahil sa patong-patong na kasong kanyang kinahaharap ngayon. Ayon sa mga opisyal na kapulisan na nag-imbestiga ay napatunayan na isa siya sa mga tiwaling opisyal ng Gobyerno. Ginagamit umano nito ang pwesto para makabenta ng mga pinagbabawal na gamot sa malalaki at mga sikat na tao dito sa iba't ibang panig ng mundo. Ngayong napatunayan na isa siyang tiwali ay tuluyan na nga itong inalis sa kanyang pwesto bilang Police Lieutenant General at papatawan ng kaukulang parusa bilang pagsuway sa ating batas." Humigop ng kape si Zandro habang pinapanood ang balita tungkol sa kanya. Umaayon ang lahat sa plano nila— Yes, plano nila. Ang pagtanggal sa kanya sa pwesto ay kailangan sa 'misyon' na kanyang gagawin. Kailangan n'yang mapaniwala ang lahat na isa siyang tiwaling pulis para makapasok siya sa pinakamalaking sindikato na narito ngayon sa Pilipinas. "Goodluck, Sir!" Nakasaludong wika ng mga katulad
[Zandro] Sinamaan ni Zandro nang tingin ang mga kaibigan niya nang makita na nagpipigil nang tawa ang mga ‘to sa tuwing mapapagawi ang tingin sa kanya. “Damn!” Galit niyang tinadtad nang bala ang human puppet target at lahat ng balang pinakawalan niya ay tumama sa ulo nito. Narito silang magkakaibigan sa kanilang private gun shooting range. “Chill, fvcker. Wala ka nang magagawa kung natauhan na si Samantha at inayawan ka na.” Tumatawang ani ni Liam habang bumabarik din, at katulad niya ay sapol din nito ang target. “It was his fault. Palaging nakabantay ay nakadikit kaya naumay na sa kanya.” Segunda ni Jack na nakaupo lang at nakatingin lang sa screen nang cellphone. Tinapik ni Nickolas ang balikat niya— Pero hindi awa ang nakikita ni Zandro sa mukha ng kaibigan kundi pang aasar. “Maybe she found someone better—“ “Damn all of you!” He hissed. All this fvcker made it worse! Mas lalo lang gumugulo ang utak niya at kung ano-ano pa ang naiisip niya. Samantha is avoiding him
[Samantha] Maraming nailigtas na kababaihan, may ilang nasaktan at namataý, may mga babaeng hanggang ngayon ay lango parin sa dróga. Ang lahat nang mga tauhan ni Jc ay nahuli na maging ang mga naka-transaksyon nito. Tapos na… Makakahinga na siya— Sila nang maluwag. “Papataýin kita, Samantha! Tandaan mo babalikan ko kayo!!!” Malakas na hiyaw ni Mila habang hawak ito ng mga pulis para sampahan nang kaso at ikulong. “Should I kill her now, darling?” Madilim ang mukha na tumingin si Zandro sa babae na ikinalunok nito. “Hindi ko gusto ang binabantaan ka. Gusto mo bang isunod ko siya kay Jc?” Nagkibitbalikat siya. “It’s up to you, Zandro.” Aniya. Namumutla na si Mila sa dami nang dugong nawala rito pero parang hindi na ito makaramdam nang sakit. May palagay siyang high rin ito sa pinagbabawal na gamot. “Can I have her? Gusto ko siyang idagdag sa mga pagkain ng mga alaga ko.” Bigla nalang sumulpot si Tres sa likuran nila ni Zandro. Hindi niya alam kung ngingiwi ba siya, o matatawa. S
[Samantha] Nang makaalis si Jc kasama ang mga tauhan nito ay saka lang siya lumabas sa pinagtataguan. Agad na nagliwanag ang mukha ni Mila nang makita siya. “Samantha!” Puno nang pagsamo na tumingin ito sa kanya. “N-Nariyan ka? Ibig sabihin ay narinig mo ang lahat.” Pinahid niya ang luha at hindi sumagot. “Siya si Jc! Ginamit niya ang mukha ni Troy para makalapit uli sa’yo. Ngayong alam mo na, siguro naman may balak kang tulungan at pakawalan ako. Hindi ako ang kalaban mo, Samantha, kundi si Jc!” Tinakpan niya ang sariling bibig para hindi umalpas ang tawa sa kanya— Kung kanina ay umiiyak siya, ngayon ay natatawa siya. “So, porke nalaman kong si Jc ang hayòp na akala ko ay pinsan mo sa tingin mo ay tutulungan at pakakawalan kita?” Pagak siyang natawa. Lumapit siya rito at nginisihan ito. “Ang kapal din ng pagmumukha mo, noh? Anong akala mo sa ‘kin tanġa? Pakakawaan kita matapos lahat ng ginawa mo sa akin?” “S-Samantha, n-nagmamakaawa ako sa’yo—“ “Kahit mamatay ka pa sa harap
[Samantha] Walang kaingay-ingay na lumabas siya nang kwarto. Kapag nakikita niyang may tauhan si Troy na makakasalubong niya ay agad siyang umiiwas. Tinakpan niya ang bibig. Halos masuka siya sa mga nakikita sa bawat kwartong nasisilip niya. May mga lalaki na sabay-sabay ginagalaw ang isang babae, may mga babae naman na sabay-sabay pinapaligaya ang isang lalaki. Hindi niya matukoy kung napipilitan ba ang mga ito, o nasisiyahan. Dahil kung pagbabasehan ang nakikita at naririnig niya ay tila nasisiyahan ang mga ito— O kung tama ang isa sa hinala niya ay baka may itinurok na dróga sa mga babae. Hindi malabong mangyari ‘yon lalo na sa mga katulad nila Troy at mga tauhan nito na mga hayòp. Pumikit siya at sumandal sa pader habang namumutla. Kapag nahuli siya ni Troy ay sigurado na magiging gano’n ang kahihinatnan niya. ‘Hindi ka matutulad sa kanila, Samantha! Magagawa mo ang plano mo at darating si Zandro para iligtas ka!’ Pagpapalakas niya ng loob. Nakarating siya sa may dulo. Dahil
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen