Share

53. TRAPPED SERIES#3

[Samantha]

Masamang tiningnan niya si Pablo. Nang makita nito ang masama niyang tingin ay nagmamadali itong tumakbo palayo.

“Hoy! Walanghiya ka!” Akmang hahabulin na niya ito pero mabilis pa sa kabayong nakalayo ito.

Ang sabi ng mama niya ay may pilay ito? Pero bakit mukhang mas malakas pa ito sa kalabaw at mas mabilis pa sa kabayo?!

Tinamad lang ba ‘to kanina?

Mas lalong napabusangot ang mukha niya. Kailan pa naging tamad ang pinsan niya? Aba, sa sobrang sipag nga nito ay kulang na lang lahat ng trabaho ay akuin na nito.

Dahil rito ay nakasama niya nang matagal si Zandro! Bwisít kang Pablo ka. Sasakalin niya talaga ang pinsan niya kapag nahuli niya ito.

Napangiwi siya ng maramdaman ang pagkirot ng isa niyang kamay. Nang tingnan niya ito ay tama nga siya— namamaga na ito ngayon. Mabuti na lang at maraming kapitbahay ang tumulong sa mama niya para magluto. Kung walang tumulong rito ay tiyak na mahihirapan ito, lalo na’t hindi niya ito magagawang tulungan dahil sa kamay niya.

Ab
SEENMORE

💙

| Нравится
Заблокированная глава
Продолжайте читать эту книгу в приложении

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status