FREE STORY⬇️ THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID ❤️
[Letlet]Pasimple n'yang hinila ang kamay mula sa pagkakahawak ni Gian."Nagluto nga pala ako ng ginataang isda na mayro'ng mga sili at talong." Kinuha niya ang apat na pagkain na binalot sa dahon ng saging at ini-abot sa dalawa ang mga 'yon. Dahil hindi sila pwedeng pumasok sa loob ng kulungan ay pinanood lang niya si Lucian na buksan ang dala niya. Ang nahuli n'yang isda ang niluto niya para dalhin sa dalawa.Nakita niya na lumapit si Lucian kay Gian, pinagtabi pa nito ang dalawang balot ng ulam na para bang nagmamalaki.Umasim ang mukha ni Gian ng mapansin na napakalaki ng isda na para kay Lucian at sa kanya ay hindi.Ngumisi si Lucian. "Parang pagmamahal 'to ni Letlet. Iyong para sa akin, malaki... at 'yong sa'yo ay maliit." Ani pa ni Lucian saka humalakhak."Tsk, malaki 'yan dahil pinsan ka niya. Balang araw ay sa akin na ang magiging ganyan kalaki." Ani naman ni Gian.Pareho sila ni Birang na nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa."Anong ginagawa niyo?" Takang tanong ni Birang.H
[Letlet]Nagmamadali n'yang inabot ang pagkain kina Lucian at Gian. Gusto niya pa sana na magtagal at makausap ang nobyo pero hindi na niya nagawa. Mahirap na at baka maabutan pa siya.Malungkot na naglakad siya pabalik ng bahay. Bakit gano'n? Hanggang ngayon ay tila galit pa rin sa kanya si Lucian? May nagawa ba siyang ikinagalit nito? Ano naman 'yon?Isang malakas na tapik ang nakapagpabalik sa diwa niya."B-Bakit ang lungkot ng mukha mo d'yan? Eh, ako itong hinahabol ng mga babaeng 'yon dahil nagsinungaling ako." Medyo hingal pa si Birang, nakahawak pa ito sa dalawang tuhod ngayon na halatang galing sa malayong pagtakbo. "Grabe ang mga 'yon! Sabik sa mga lalaki!" Palatak pa nito.Nagpatuloy siya sa paglakad at walang kabuhay-buhay na pumasok sa bahay nila, kasunod si Birang."Magandang tanghali, Mang Garry." Bati nila sa matanda. Lumapit si Mang Garry sa kanila. "Letlet, maraming salamat sa pagpapatuloy mo sa amin ng aking anak rito sa bahay niyo." Tumingin ang matanda kay Birang
[Letlet]Hindi mawala ang ngiti sa labi niya habang naglalaba rito sa dulo ng Hot Spring. Masaya siyang malaman na hindi naman pala galit si Lucian."Ang saya mo yata ngayon, Letlet." Ibinagsak ni Birang ang batya na may lamang labahan. "Parang noong nakaraan lang ay halos hindi maipinta ang mukha mo."Nakangiting pinalo niya ng palo-palo ang malaking damit ni Lucian. "May maganda lang kasing nangyari." Aniya, na pinamulahan ng mukha ng maalala ang naganap sa kanila ni Lucian."A-Aray ko naman, Letlet!" Nagpatalon-talon si Birang habang hawak ang paa. "B-Bwisit ka! Kailan pa naging damit ang paa ko!" "Naku, pasensya na!" MASAMANG nakatingin sa kanya ngayon si Birang habang hawak ang paa na napalo-palo niya."Pasensya ka na, huwag kang mag-alala, nilabhan ko na ang mga labada mo." Dahil kasalanan naman niya ang nangyari rito ay nilabhan niya ang mga labahan nito.Umingos lang si Birang.Nakaramdam siya ng konsensya. Namamaga kasi ang paa nito dahil sa nagawa niya."Magandang umaga, Lu
[Letlet]"Samahan mo na ako." Pamimilit niya kay Birang. Narito siya ngayon sa bahay ng mga 'to, at heto nga at nagpapasama siya."Ayoko." Todo iling ang kaibigan niya. "Ito na ang pagkakataon para masolo niyo ang isa't isa, ano ka ba!" "Birang, naman! Samahan mo na ako, natatakot ako, eh!" Pag-amin niya.Noong una ay wala naman siyang takot na nararamdaman, pero no'ng nalaman niya na may pagtingin sa kanya si Gian ay nag iba na...Naalala niya si Rogelio..."Bakit ka matatakot, Letlet? Nakalimot ka na ba?" Sumeryoso ang mukha ni Birang. "Sa hardin na 'yon ay nagkalat ang engkanto, maligno, multo, at mga diwata. Kaya sa oras na gumawa ng masama si Gian ay may tutulong sa'yo!" Ang sarap hampasin ni Birang ng palo-palo sa ulo. Hanggang ngayon ba naman na matanda na sila ay naniniwala pa rin ito sa mga kwento ng matatanda tungkol sa hardin?"Ewan ko sa'yo!" Inis na nagmartsa na siya paalis. Maliwanag naman ang buwan kaya nakikita niya ang daan, at saka ginagabayan din siya ng napamarami
[Letlet]"Ito, Letlet, tikman mo." Nilagyan ni Gian ng isang malaking alimango ang plato niya."Salamat, Gian." Nakangiting sambit niya."Mas masarap 'to, Letlet." Naglagay naman si Lucian ng malaking pusit sa plato niya."Salamat, Kuya Lucian." Aniya rin rito ng nakangiti.Nang susubo na siya ng kanin ay naglagay na naman si Gian ng malaking sugpo sa plato niya, at hindi naman nagpatalo si Lucian, naglagay din ito ng mas malaking sugpo sa kanyang plato.Bakit parang nagpapaligsahan ang mga 'to? O akala lang niya 'yon?Binuhusan niya ng sabaw ng ginataang lamang dagat ang kanin niya, at saka sumubo ng kanin-tumingin siya sa hipon na hawak ni Lucian na nasa harapan niya."Binalatan ko na para sa'yo, Letlet." Ngumanga siya at isinubo ang hipon."S-Salamat, Kuya Lucian." Nasabi nalang niya. Ano ba ang ginagawa nito? Paano kung makahalata si Gian? "Ito rin, Letlet, binalatan ko na para sa'yo." Tumingin siya sa kamay ni Gian na may hawak ding hipon at gustong isubo sa kanya.Nang tumingin
[Letlet]"Letlet, naman! Ang sabi mo sa akin ay dadalo ka!" Kandahaba ang nguso ni Birang.Narito sila sa kwarto niya at kumakain ng nilagang mani."Wala nga akong maisusuot." Matamlay siyang tumingin rito. "Bakit kasi ang liit ng dibdib mo, hindi tuloy ako makahiram sa'yo ng bestida—" Binato siya ng mani ni Birang at pinandilatan siya ng mata."Kasalanan ko ba na ang laki ng dibdib mo?" Umirap ito at saka tumingin sa hinaharap. Napasimangot ito. "Bakit nga ba wala akong dibdib?" Akala niya ay makakasayaw niya si Lucian sa unang pagkakataon, pero hindi pala.Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.Nakaalis na si birang, at heto siya, nananamlay na nakahiga sa papag. Tinatamad na tumayo siya ng makarinig ng katok. Si Gian."Para nga pala sa'yo, Letlet." Tumingin siya sa malaking kahon na hawak nito, maging sa paanan nito ay may may dalawang kahon pa. "Pumili ka ng susuotin mo d'yan para bukas." "Teka, wag mong sabihin—" Umawang ang labi niya sa sobrang tuwa. Ipinasok
[Letlet]Nagmamadali ang bawat hakbang niya habang tinatahak ang daan papunta sa kweba. Dahi huminto na si Birang sa pag-iimbestiga kung sino ang babae ni Lucian ay may panahon na ulit silang magkita ng pinsan niya.At dito nga sila nagkikita sa kweba.Tatlong linggo na silang nagkikita ni Lucian rito sa kweba tuwing gabi. Katulad ng nakaraan ay nagpapakalunod sila sa kandungan ng isa't isa.Pagpasok niya sa kweba ay nilabas niya sa bulsa ang kwintas na gawa sa perlas. Ginawa niya talaga 'to para kay Lucian. Palagi nalang kasi ito ang nagbibigay sa kanilang dalawa.Inabot na siya ng dalawang oras sa paghihintay pero hindi pa rin dumating si Lucian.Nakapagtataka.Kapag kasi magkikita sila ay agad na sumusunod 'to. Kinuha niya ang gasera at tinahak ang daan palabas ng kweba. Pagpatay niya ng gasera ay siya namang takip ng kung sino sa kanyang bibig.Nanlamig ang katawan niya sa takot!Gustuhin man n'yang sumigaw ay hindi niya magawa, hindi rin niya magawa na kalmutin 'to dahil walang ka
[Letlet]'Paano kapag nalaman mong niloloko ka lang ng taong mahal mo?'Hindi mawala ang sinabi ni Gian sa isip niya. Ano ba ang ibig nitong sabihin? Masasagot ba talaga ang tanong niya kapag pumunta siya mamaya sa hardin?Bumuntong-hininga siya at tinuon ang ginagawa sa paglalaba. Lumingon-lingon siya sa paligid para tingnan kung may tao ba o wala. Nang makitang walang ibang tao ay itinaas niya ang salawal ni Lucian at inamoy.Labahan na pero ang bango pa rin! Lalaking-lalaki ang amoy at nakakahalina!"Ano ang ginagawa mo?""Ay tsokoy!" Sa gulat ay naihagis niya ang salawal ni Lucian. "Ano ba, Birang?! Bakit ba nanggugulat ka?!" Nakairap na ani niya.Namewang si Birang. "Hindi ako nanggugulat, no! Sadyang abala ka lang sa pagsinghot ng kung ano d'yan." Naningkit ang mata ni Birang. "Ano nga pala ang sinisinghot mo? Damit ni Gian?"Nanlaki ang mata niya ng makitang inanod ng agos ng tubig ang salawal ni Lucian. Mabilis na tumayo siya at hinabol ang salawal na inanod ng agos."H-Hindi!