Hello mga mahal kong readers! Please don't forget to put your honest reviews po! Malaking tulong na po sa akin ang inyong mga feedbacks! At bilang writer ay kagalakan rin ako po ng aking puso kung nagustuhan ninyo ang aking kuwento. Please po, you can send me a gift, gems or reviews po kahit ano po ay sobra ko na po na ipinagpapasalamat. <3
[Nessa Point of View] Sa sobrang taranta ko dahil sa posisyon namin ni Veos ay wala akong pasabi na itinulak siya. Dios ko! May bumubukol at hindi ko carry ang mabilisang pagtigas no'n! Hindi na rin pumasok sa isipan ko na hubo't hubad si Veos. Kaagad kong tinakbo ang pinto upang tingnan kung sino ang kumakatok. "H-hi!" Hinihingal kong tugon sa isang staff na kanina pa kumakatok sa pintuan. "Good morning, ma'am. I've brought your breakfast. Is there anything else I can assist you with during your stay? Perhaps a refreshment or an adjustment to your accommodations?" ang pormal na sagot ng isang housekeeper. "Umhh..n-no, that's enough," mabilisan kong sagot. Muli pang nagsalita ang staff at sinabi na kung maari ay siya na ang magpasok ng trolley ngunit kaagad ko siyang hinarangan. "M-Miss, let me take that. Teka lang? Pinay ka ba?" "Ah yes ma'am," nakangiti nitong sagot. "Ah nice, sige na, ako na ang magpasok nito sa loob Miss, tatawag na lang ulit ako mamaya kapa
[Nessa Point of View] NAGPATULOY ako sa paglalakad. Alam ko na sa mga oras na iyon ay wala akong alam kung bakit ako dinala ni Veos dito. At nang magawi ako sa napakagandang partes ng bahay ay nakita ko doon si Veos, nakapulupot lamang sa pang-ibabang bahagi niya ang puting towel. Sa mesa naman ay naroroon ang ibang petals na kanina ko pa sinusundan. Puno ng pagkain ang lamesa na tila ba nasa loob kami ng isang fine dining restaurant. "V-Veos...b-bakit tayo nandito! Bakit mo ako dinala dito!" sigaw ko ngunit nanatiling nakaiwas ang mga mata ko dahil naaasiwa ako sa half naked body niya. "Oh hi wifey, good morning?" "S-saka... b-bakit ang ganiyan ang suot mo?! Naubusan ka na ba ng damit?!" saad ko. "C'mon Nessa, we're on a honeymoon. Saka bakit ka ba naiilang? Mag-asawa na tayo kaya dapat maging komportable ka na sa mga ganitong inaasta ko," aniya na tila ba ay sanay na sanay na siya sa kaniyang ginagawa. "Che! Pero teka, n-nasaan ba tayo?! Bakit mo ako dinala dito!"
[Nessa Point of View] DAPIT-HAPON na nang maisipan ko na umuwi sa bahay. Hinintay ko pa kasing magsibalikan ang mga dati kong trabahador para masigurado kong alam na nila lahat ang goodnews na babalik na naman sa normal ang lahat. Tatlong projects na rin ang hawak ko at for sure hindi na muling mababakante ang mga laborers at skilled workers ko. Kailangan kong i-priority muna sila since mas Malaki ang ambag nila sa mga nakukuha kong proyekto. Legit rin na masisipag, mabilis ang galaw at mga madiskarte. Napapangiti na lamang ako habang kumakaway ang aking mga workers at isa isang nagsibalikan sa kanilang mga quarter. Ngunit ito pa rin si Veos at hindi talaga ako tinantanan. "Oh ikaw, huwag mong sabihin na pati sa bahay ay susundan mo pa rin ako?" may katamtaman kong tono na saad. "Why not? Sa bahay naman talaga tayo uuwi," aniya. "Mr. Dimitre, uuwi ako sa SARILI KONG BAHAY. Hindi sa condo mo," mataray kong saad. "Pero padilim na Nessa, two hours pa ang biyahe right? Sa
[ NESSA Point of View] HABANG papalapit sa direksiyon namin ang misteryosong babae ay tila nakaramdam ako ng pagkairitable."Sure ka, hindi mo talaga siya kilala?" "Hindi and we never met. Asawa mo na ako alangan naman na papatol pa ako sa iba," aniya. Hindi ko na lamang tinugunan ang sinabi niya at sa halip ay nakaabang pa rin ang aking mga mata sa paparating na babae. At noong malapit na siya sa amin ni Veos ay laking-gulat ko nang bigla niyang binigyan ng mabilisang halik si Veos sa kaniyang pisngi. Uy speed! "H-hey?" ani Veos. "Hello Veos. Kanina pa ako tumatawag sa 'yo but you keep ignoring my calls," saad ng babae. Wait? Pinaglololoko ba ako ni Veos? Kilala niya ang babae base sa paraan ng pagsasalita nito. "Your call? M-miss wait lang ha? Have we met before?" tanong ni Veos. At ako naman, ito lang papalit-palit ng tingin sa kanila. "Honestly, ngayon pa lang tayo nag-meet. Your architect told me na nandito ka that's why nagpasama ako saglit sa kaniya pero sinabi niya ang
[ Nessa Point of View] ISANG KATAHIMIKAN ang namayagpag sa pagitan namin ni Veos. Natulala ako sa sinabi niya. Teka? Bakit napunta sa pagbubuntis ang usapan? Seryoso ba siya? "Napakaseryoso mo naman magsalita Veos, malabong mabuntis mo ako noh? Hindi mangyayari 'yan," saad ko sabay patay-malisya at natuon ang paningin sa blueprint na hawak ko. Napansin kong bahagya siyang dumistansiya. Hindi na ako nakatiis at agad ko siyang liningon. Doon ko lang na-realized na baka na-offend ko siguro siya. Upang maiwasan ang ano pa man na topic ay bigla akong nagtanong sa kaniya. "Siya nga pala, ano ba talagang motibo mo at pumunta ka dito?At teka, may alam ka ba kung bakit nagsibalik ang mga dating hawak ko ang projects? May kinalaman ka ba?" Seryoso kong saad habang nakapameywang ako. He shrouded at tila ay walang balak sagutin ang mga tanong ko. "Hindi ka sasagot? So may alam ka nga?" dagdag ko na halong diin ang boses ko. Sa puntong iyon ay liningon niya ako. "Kung bumalik man sila
[Nessa Point of View] MEDYO MAKULIMLIM ngayon dito sa site. Isa-isa nang nagpaalam sa akin ang mga trabahador ko. Nakakalungkot lang isipin na nawalan sila ng susunod na proyekto. Ngayon lang nangyari sa career ko ito. But at the same time natutuwa ako dahil sa wakas, makakauwi na rin sila sa kaniya-kaniya nilang pamilya. Namalagi rin sila ng isang taon sa aking bilang mga tauhan ko, kaya deserve din nila na umuwi habang wala pa akong susunod na proyekto. Tinanggal ko ang aking hardhat at pilit na pinagmamasdan ang natapos na bridge. May mga katanungan ako sa sarili ko. Tama ba talaga na pinasok ko ang pagiging isang engineer? Proud kaya si tatay sa akin kahit na minsan nakatengga ako at kapos sa proyekto? Hayy...ang hirap maging independent. Maya-maya lamang ay nakita ko si Mang Norman, galak ang naging reaksyon nito habang patakbong papalapit sa akin. "Ma'am Nessa! Ma'am Nessa!" Hinihingal nitong sigaw. "Oh Mang Norman, bakit ho?" "Eh Ma'am, tumawag po mula sa telepo