Chapter 6
Katulad nga ng nasabi niya kanina kay Mrs. Del Fuego ay hindi na siya umuwi pa. Nasisisguro niya kase talagang hindi papayag ang kaniyang am sa desisyon niya.
Alam niyang alam nito kung gaano kahalaga sa kaniya ang kaniyang pag- aaral at onting- onti na lamang ay magtatapos na siya. Alam niya rin na bilang panganay ay siya na ang magpapaaral sa kapatid kapag natapos na siya.
Ngunit hindi niya rin naman makakaya na ang kaniyang ama ay makita niyang humihimas ng rehas. Lalo ng hindi iyon kaya ng kaniyang ina kaya mas magandang siya na lamang ang mag- sakripisiyo para sa pamilya nila.
Nasa garden siya ng mga oras na iyon dahil nagpapalipas siya ng oras, isa pa ay ang sabi sa kaniya ni Mrs. Del Fuego ay mamayang hapon pa daw niya ipapakilala sa kaniya ang anak nito dahil panigurado daw na tulog pa ito sa mga oras na iyon.
Hindi naman na siya nag- usisa pa tungkol sa anak nito dahil ayaw niya namang magmukha siyang hindi sigurado. Isa pa ay iniisip niya ang kaniyang mga magulang ng mga oras na iyon dahil ang iniisip ng mga ito ay pumasok siya sa paaralan at ang hindi nila alam ay doon na pala siya dumiretso.
Ni wala ni isa sa mga ito ang nakakaalam sa plano niya dahil sinadya niya talagang hindi magpaalam. Nasisisguro niya din naman kasing hindi papayag ang kaniyang ama na mamasukan siya rito.
Sa mga oras nga na iyon ay iniisip na niya kung ano ang magiging reaksiyon ng mga ito kapag nalamang naroon na siya sa rancho ng mga Del Fuego. Kilala niya ang kaniyang ama, mahal na mahal sila nito kaya nasisiguro niya na kapag nalaman nitong naroon na siya ay baka bigla na lamang itong sumugod at iyon ang kinatatakutan niya.
Ngunit sana naman ay hindi na sila umabot sa ganuon. Kaya niya lang naman iyon ginawa ay para rin naman sa kaniyang tatay kaya sana ay maintindihaan siya nito. Kung sakaling pumunta man ito doon ay wala siyang balak na harapin ito dahil baka hindi niya mapigil ang kaniyang sarili.
Mas mainam na lamang na magalit ang mga ito sa kaniya kaysa ang magpakita pa siya sa mga ito. Mamaya rin ay makikipag usap siya sa mag- asawang Del Fuego na sana kung sakali mang pumunta ng talaga ang kaniyang ama doon ay huwag sana nila itong sasaktan.
Napabuntung hininga na lamang siya ng mga oras na iyon. Hindi niya inakalang magkakaroon siya ng ganuong klaseng problema bukod pa nga sa kahirapan. Kung siya nga lang sana ang tatanungin ay okay lang sana sa kaniya na naghihirap lamang sila basta walang magkakasakit sa knila at walang darating na mabigat na problema.
Ngunit sadyang mapaglaro talaga ang tadhana at binigyan siya ng ganuong klase ng problema. HIndi lang naman siya ang namomroblema ng mga oras na iyon kundi maging ang kaniya ina din ay sobrang nag- aalala sa kalagayan ng kaniyang ama. Alam kasi nitong sa kulungan ay may mga taong masasama at nambubugbog sa mga bagong pasok lamang at alam niyang iyon ang ikinababahala niyo.
Idagdag pa na katulong ng kaniyang ina sa pagpapaaral sa kanilang magkapatid ang kaniyang ama kaya ano na lamang ang magiging buhay nila kung makukulong na ito. Sino na lamang ang magiging katuwang nito samantalang ang kinikita nito sa paglalaba ay halos sumasapat lamang para sa pang araw- araw na pagkain nila.
Hindi niya tuloy alam kung ano ang dapat niyang isipin ng mga oras na iyon. Igi- give up niya ang kaniyang pangarap para lamang sa kaniyang ama na unang- una ay ito ang bumuhay sa kaniya, pangalawa ay kaya lang din naman nito nagaw nga iyon dahil nga nangangailangan siya ng pambili niya ng kaniyang uniform para sa kaniyang internship.
Napatingala na lamang siya sa langit ng mga oras na iyon Kung bakit ba naman kasi napaka unfair ng mundo at hindi na lamang sila pinanganak na mayaman. Kung sana lang ay maluwag ang pamumuhay nila ay hindi na sila hahantong pa sa ganuong sitwasyon, pero naniniwala siya na lahat ng nangyayari ay may dahilan. Siguro nga ay iyon talaga ang nakatadhanang mangyari sa buhay niya.
“Oh hija, andito ka lang pala.” Sabi ng isang tinig na nagpalingon sa kaniya at nagpahila mula sa kaniyang pagmumuni- muni.
Si Mrs. Del Fuego ang nalingunan niya doon na may dalang tray at pagkatapos ay inilapag nito sa kaniyang harapan.
“Oh heto magmeryenda ka muna.” Nakangiting sabi nito at pagkatpos ay umupo din sa harap niya.
“Naku, nag- abala pa po kayo maam.” Nahihiyang sabi niya rito.
Sa totoo lang ay kanina pa nga siya nakakaramdam ng gutom dahil hindi naman siya kumain kanian nang umalis siya sa bahay nila dahil nag- aapura siya. Bagamat nagugutom na siya ay nahihiya naman siyang sabihin sa mga ito.
“Ano ka ba naman. Kumain kana at baka nagugutom ka na.” Sabi nito at pagkatpos ay sumandal sa kinauupuan nito.
Nahihiya man ay inabot na lamang niya ang sandwich na nasa tray dahil sa totoo nga lang ay nagugutom na talaga siya. Tahimik silang dalawa habang kumakain siya, nakatitig ito ng mga oras na iyon sa mga bulaklak na nasa garden nito.
“Iniisip mo ba ang mga magulang mo?” Untag nito sa kaniya.
Awtomatiko naman siyang napatango habang ngumunguya ng tinapay.
“Siguradong mag- aalala sayo ang mga iyon.” Dagdag pa nito.
Natahimik siya ng mga oras na iyon dahil panigurado talagang mag- aalala ang mga ito sa kaniya.
Ilang sandali pa ay narinig na niya ang pagbuntung- hininga nito at pagkatapos ay nagsalita.
“Hindi ka naman namin pababayaab rito hija, isa pa ay mababait naman kami.” Sabi nito at wala naman siyang pagdududa doon dahil talaga namang ang first impression niya rito ay mabait naman talaga ito.
Ilang sandali pa nga ay nagpaalam na ito sa kaniya.
“Nasa silid mo na yung mga damit at pwede ka munang magpahinga doon kung gusto mo. Ipapatawag na lang kita kapag kakain na dahil hapon pa naman ang gising ng anak ko.” Sabi nito at pagkatapos ay iniwan na siya doon.
Pagkatapos nga niyang kumain ay pumasok na siya sa loob ng bahay
Mabilis nga ang naging pangyayari at pagkatapos nilang sabihin iyon ay kaagad na siyang hinadaan ng kaniyang ina ng mga gamit na dadalhin niya. Ayaw niya sanang pumunta ngunit wala na lang din siyang nagawa at pagkatapos ay nang gabing din yun ay bumyahe na sila kaagad. Sa kanilang byahe nga ay wala silang imikan ni Luther kahit pa magkatabi sila sa likod ng sasakyan. Inabala niya ang kaniyang sarili sa pagtanaw sa labas ng sasakyan. Hanggang sa nakaramdam siya ng antok at sinubukang matulog habang nakasandal sa kaniyang kinauupuan ngunit laking gulat niya nang bigla na lamang umusog sa gawi niya si Luther at pagkatapos ay inihilig ang kaniyang ulo sa balikat nito. Hindi siya nakapagsalita dahil hindi niya inaasahan iyon. Isa pa ay hindi naman siya nito kinibo simula ng sumakay sila doon kaya nagtataka siya kung bakit nito ginawa iyon. “Baka mauntog yang ulo mo.” simpleng sabi nito sa kaniya. Gusto niya sanang bawiin ang kaniyang ulo mula rito ngunit ramdam na ramdam na niya ang
Pagkatapos lamang ng ilang araw ay pinayagan na si Serene na makauwi na. Wala naman ng nakitang problema sa kaniya at tanging ang kailangan na lamang niyang pagalingin ay ang sugat niya sa kaniyang ulo.Nang araw nga na iyon ay bisita niya si Shiela. Nagpakilala ito na kasama niya sa shop niya. Siya pala ay nagmamay- ari ng isang flower shop sa kabilang bayan. Dahil nga sa nakalimutan niya na ang lahat ay maging iyon ay hindi na rin niya maalala. Hindi rin naman nagtagal sa pagbisita sa kaniya si Shiela dahil kailangan niya raw pumunta sa shop.Kasama nito ang kaniyang ama dahil ang kaniyang ina naman ay siya ang nag- aalaga sa kaniya sa bahay nila. Bago pumunta sa shop ang kaniyang ama ay inihahatid muna nito ang mga anak niya at pagkatapos ay susunduin daw nito at ihahatid pagkatapos.Nang lumabas siya sa ospital ay wala doon si Luther. Tanging ang ina nito ang naroon at kasa- kasama nila. Hindi niya alam pero tila ba nalungkot siya dahil hindi man lang ito nag- effort na pumunta do
Pagkagising na pagkagising nga ni Serene ay ilang test ang ginawa sa kaniya. Pagbalik niya sa kaniyang silid ay mayroong dalawang batang naghihintay sa kaniya doon.“Mama!” tili ng isa sa mga ito at dali- daling nagtatakbo upang yumakap sa kaniya.Kaagad niya rin naman itong niyakap. Bagamat wala siyang naalala tungkol rito ay ramdam niya sa kaniyang puso na mahalaga ito sa kaniya. Sumunod naman ang ang isa at niyakap din siya na katulad din ng isa na niyakap niya lang din pabalik.Tiningnan niya ang mga taong naroon. Naroon si Luther at nang magsalubong ang kanilang mga mata ay bigla na lamang itong nag- iwas ng tingin. Bigla naman siyang nagtaka dahil sa ginawa nitong pag- iwas ng tingin nito. May nagawa ba siyang mali? Sumama ba ang loob nito dahil hindi niya ito maalala?Napukaw ang mga iniisip niya dahil sa isang tinig.“Ate!” sabi ng isang dalaga at dalu- dali ring yumakap sa kaniya.“Ang tagal mo bago gumising ate.” medyo naiiyak na sabi nito.Base sa tawag nito sa kaniya ay na
Nakatulala habang nakasandal sa pader si Serene. Halos ayaw pa rin mag- sink in sa utak niya ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang ina. Tila ba napakalaking rebelasyon iyon para sa kaniya dahil nga wala talaga siyang maalala pati ang pangalan niya ay nakalimutan niya.Ayon sa kaniyang ina ay fiancee niya daw si Luther o ang lalaking naroon kanina at ang humalik sa kaniya. Kaya siguro ganuon ang reaksiyon ng katawan niya nang maglapat ang mga labi nila dahil may espesyal na koneksiyon ang nagkokonekta sa kanilang dalawa.Higit pa sa lahat ay ang sinabi nito na may anak na sila ni Luther at kambal na lalaki. Hindi niya tuloy maiwasan ang malungkot dahil sa sinabi ng kaniyang ina, hindi dahil sa nalaman niya na may anak siya kundi sa dahilan na bakit wala man lang siya maalala tungkol sa mga ito.Syempre ay hindi niya maiwasan ang ma- excite lalo pa at ayon sa kaniyang ina ay napakatagal na ng mga itong hinihintay na magising siya at miss na miss na raw siya ng mga ito. Tinanong niya ang
Hindi alam ni Luther ang mararamdaman niya habang palabas ng silid ni Serene. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, bakit pati pangalan nito ay hindi na nito alam? Hindi kaya na- amnesia ito? Habang naglalakad siya ay hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili na hindi mapahilot sa kaniyang sentido ng mga oras na iyon. Naalimpungatan siya sa kaniyang pagtulog. Pakiramdam nga niya ay katutulog lamang niya ng mga oras na iyon pero ganun pa man ay masaya siya na tuluyan ng nagising si Serene. Napakatagal na nilang hinihintay na magising ito lalo na ang mga anak niya. Alam niyang miss na miss na ng mga ito ang kanilang ina lalo pa at hindi nila pinapayagan na dalawin man lang ng mga ito si Serene sa ospital dahil na nga rin sa payo ni Sevi sa kanila. Hanggang sa bigla na lamang siyang napa- aray dahil nauntog siya. Dahil sa sobrang pag- iisip niya ay hindi na niya napansin pa ang kaniyag dinadaanan. Napahilot siya sa kaniyang noo at pagkatapos ay napaangat ng ulo upang tingnan kung sino
Halos dalawa nang linggo ang lumipas ngunit hindi pa rin nagigising si Serene. Mag- aalas diyes na ng gabi ng gabing iyon at si Luther ang bantay nito. Pinauwi niya muna ang mga magulang ni Serene at ang mga kapatid nito dahil may pasok pa ito kinabukasan at hindi pwedeng mag- puyat.Ang mga magulang naman ni Serene ay pinauwi niya dahil walang magbabantay sa mga anak niya, isa pa ay para na rin makatulo ang mga ito ng maayaos. Alam niyang hindi nakaktulog ang mga ito ng maayos sa ospital dahil sa pagbabantay. Sa tagal na ni Serene sa ospital ay ngayon niya lamang ito babantayan, pero halos araw- araw naman niyang dinadalaw ito.Umupo siya sa tabi nito at pagkatapos ay hinawakan ang kamay nito kasabay ng pagtitig nito sa mukha. Payapang- payapa itong natutulog. Nalulungkot siya para sa mga anak niya ng mga oras na iyon dahil gustong- gusto na ng mga ito na makita ang kanilang ina ngunit hindi nila pinagbibigyan ang mga ito pumunta sa ospital, dahil iyon din ang bilin sa kanila ni Sevi