Share

Chapter 5

Chapter 5

Pagkapasok nga niya sa silid ay mabilis siyang nagbihis ng kaniyang damit upang maging komportable siya sa kaniyang paggalaw- galaw. Naka uniform pa rin kasi siya hanggang sa mga oras na iyon at hindi siya makagalaw ng maayos.

Jogging pants ang naroon at ilang pirasong t- shirt na halos eksaktong- eksakto lamang talaga sa kaniya.

Pagkatapos niyang nagbihis ay naupo siya sa kama at inilibot ang paningin niya sa kabuuan ng silid. Maluwang ang silid na iyon na halos kalahati na ng bahay nila. Nagyon lamang siya makakapagsarili ng silid dahil simula noong bata pa siya ay laging ang kapatid niya ang katabi niya at sa iisang silid lamang sila natutulog.

Dahil maaga pa naman ay napagpasyahan niya na lamang mahiga muna sa kama. Mag- iisip isip na muna siya ng mga dapat niyang gawin. Hindi niya pa pala nasabi kay Mrs. Del Fuego kanina na huwag sanang saktan ang kaniyang ama kung sakali mang magpunta ito doon. Nawala na kase iyon sa isip niya kanina.

Nang lumapat ang kaniyang likod sa kama ay napapikit siya dahil nanibago siya. Napakalambot ng kam samantalang iyong hinihigaan niya sa kanilang bahay ay matigas dahil nakpapg lamang sila at naka- banig. Ni minsan ay hindi pa niya naranasan ang matulog sa kutson dahil nga wala naman sila niyon, isa pa ay wala silang pambili.

Kaya nga siya angsusumikap sa kaniyang pag- aaral dahil para na rin kahit papano ay matulungan niya ang kaniyang mga magulang. Simula bata siya ay wala siyang ibang pinangarap kundi ang mabago niya ang pamumuhay nila dahil sobrang naawa siya sa kalagayan nila.

Sa kaniyang pag- iisip ay hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya. 

—-----------

Ilang katok sa pinto ang nagpagising sa kaniya. Dali- dali siyang bumangon mula sa kaniyang pagkakahiga ng marinig niya ang katok. 

Kinukusot- kusot pa niya ang kaniyang mga mata ng buksan niya ang pinto. Si Mrs. Del Fuego ang napagbuksan niya roon ng mga oras na iyon at hindi niya maiwasan ang makaramdam ng hiya ng mga oras n aiyon dahil nga nakatulog siya doon. Isa pa ay hindi niya rin naman inaasahang makaktulog pala siya doon dahil nga nagmumuni- muni pa siya kanina.

Siguro ay dala na rin ng pag- iisip kaya nakaidlip siya, idagdag pa na anong oras na nga pala siya nakatulog kagabi dahil dis- oras na ng gabi ng dumating ang kaniyang ama sa bahay nila.

“Pasensiya na po nakaidlip po pala ako.” Hingi niya ng paumanhin dito. Nahihiya tuloy siya rito dahil ano na lamang ang iisipin nito sa kaniya.

“Ano ka ba naman, diba ang sabi ko naman sayo kanina ay magpahinga ka muna. Tyaka ano ba ang inihihingi mo ng pasensiya e okay lang naman. Walang problema sa akin yun.” Sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay nginitian siya nito.

Napakabait talaga nito sa isip- isip niya. Wala siyang masabi sa kabaitan nito mas lalo na sa nagawa ng kaniyang ama dahil sa halip na magalit ang mga ito ay binigyan pa sila ng choice para hindi lamang makulong ang kaniyang ama. Idagdag pa na kaninang nakiusap siya rito na bigyan siya ng sweldo ay hindi man lang nagreklamo ito.

“Halika na kumain na tayo.” Yaya nito sa kaniya at pagkatapos ay hinila na siya palabas ng silid.

Tahimik siyang sumunod rito, hawak pa rin nito ang kaniyang kamay habang patungo sila sa kusina. Naabutan nila doon ang asawa nitong nakaupo na doon at halatang sila na lamang talaga ang hinihintay. Ibig sabihin ay hindi pa nag-  umpisang kumain ang mga ito at talaga namang nag- abala pa na tawagin siya upang kumain lang.

Doon pa lamang ay nakaramdam siyang muli ng hiya dahil sa pag- aasikaso ng mga ito sa kaniya. Daig pa niya ang bisita ng mga ito kung ituring nila. Kaagad na ngumiti ang matanda ng makita sila.

Kaagad din naman siyang umupo na upang makapag- umpisa na silang kumain. May mga kasambahay naman ang mga ito kaya hindi sila nagpapagod pa.

“Kumain ka na hija. Kumain ka lang ng kumain at huwag kang mahihiya. Isipin mong bahay mo na rin ito.” SAbi ng matanda sa kaniya.

“Salamat po.” Iyon na lamang ang naging sagot niya rito.

Tahimik siyang sumandok ng kaniyang pagkain. Pagkatapos niyang sumubo ng pagkain ay halos mapapikit siya sa sarap ng pagkaing kinakain niya ng mga oras na iyon. Sa mga oras na iyon ay naisip na naman niya ang kaniyang pamilya. Kailan niya kaya mapapakain ng ganuong kasarap na pagkain ang mga ito.

Bigla siyang nakaramdam ng konsensiya dahil habang kumakain siya doon ng masarap ay namomroblema ang mga ito panigurado.

“Ahh nga pala hija, mamayang alas tres ay kailangan mo ng gisingin ang anak ko para makakain na siya. Dalhan mo siya ng pagkain at ang mga gamot naman na ipapainom mo sa kaniya mamaya ay mamaya ko na lang ibibgay.” Sabi ni Mrs. Del Fuego sa kaniya.

“Sige po maam.” Magalang naman siyang sagot rito.

Pagkatapos nun ay wala na siyang narinig mula sa mga ito. Mabilis lang din naman siyang kumain dahil busog pa naman siya ng mga oras na iyon.

—----------

Tapos na silang kuamin ng mga oras na iyon, ang asawa ni Mrs. Del Fuego ay umakyat sa taas samantalang silang dalawa naman ay naiwan pa sa lamesa.

“Ito nga pala yung mga gamot na kailangan inumin ng anak ko mamaya.” Sabi nito at pagkatapos ay inilapag nito ang ilang gamot sa lamesa.

Sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang kaide- ideya kung ilang taon na ang bunsong anak nito, pero sa tantiya niya ay baka nasa kinse pababa ito dahil ayon na rin sa kwento niya ay napakabait daw talaga nito.

“Sige po maam.”

“Yung pagkain nga pala niya ay huwag mong lagyan ng gulay ha? Ayaw kasi niya ng gulay.” Dagdag pa nito. 

“Ako na sana ang magdadala muna ng pagkain niya pero may pupuntahan kasi ako mamayang alas- dos.” sabi nito sa kaniya.

“Okay lang po, isa pa po ay iyon naman talaga ang silbi ko kaya po ako nandito.” Sabi niya rin dito.

Hindi naman ito sumagot sa sinabi niya. Ilang sandali pa nga ay nagpaalam na ito sa kaniya dahil magbibihis na daw ito samantalang siya naman ay umakyat muna sa kaniyang silid upang maghintay ng oras. 

Wala naman siyang alam na ibang gagawin, isa pa ay hindi niya alam kung ano ang pagkakaabalahan niya muna para hindi siya mainip. Nang makapasok siya sa magiging silid niya ay doon niya nakita ang telebisyon kaya iyon na lamang ang naisip niya para hindi siya mabagot.

Kaagad niya namang hinanap ang remote control ng tv at pagkatapos ay naghanap ng pwede niyang mapanood. Mabuti na lamang at nakahanap siya kaagad ng mappanuod niyang korean drama. Ayon sa mga kaibigan niya ay maganda daw talaga ang mga iyon kaya iyon na lamang ang pinili niya.

—-------

Nalibang nga siya sa panunuod niya. Alas- tres singko na ang oras ng tiningala niya ang orasan kaya halos tumalon siya paalis sa kama at nagmadaling lumabas ng kaniyang silid upang magtungo sa kusina. Iyon ang unang araw niya sa kaniyang trabaho at iyon pa lamang ang unang utos sa kaniya tapos ay na- late pa siya sa paggawa. Ano na lamang ang sasabihin sa kaniya ni Mrs. Del Fuego kung sakali.

Halos takbuhin niya ng ang papunta sa kusina. Mabuti na lamang at hindi  pa nga siya natapilok sa kaniyang pagmamadali. Kaagad siyang dumiretso sa kusina kung saan ay may naabutan siya doong isang kasambahay na kasalukuyang naghuhugas ng plato.

Ni isa sa mga kasambahay sa bahay na iyon ay wala pa siyang nakakusap dahil hindi niya alam kung paano niya kakausapin ang mga ito. Agad itong lumingon sa kaniya nang marinig nitong may dumating na tao sa kusina.

Agad din naman itong nagbawi ng tingin nang makita siya nit. Akmang kukuha na sana siya ng plato nang bigla na lamang itong nagsalita.

“Nasa microwave na yung pagkain, ininit ko na kuhanin mo na lang.” Sabi nito habang patuloy pa rin sa paghuhugas.

Bigla na lamang siyang nakaramdam ng hiya, kung bakit ba naman kasi nalibang siya masyado sa kaniyang pinapanuod at nakailang episode pa siya.

“Salamat.” Mahinang sabi niya at pagkatapos ay binuksan na ang microwave.

Nakahanda na rin ang tray na paglalagyan niya ng pagkain at nakapatong iyon sa lamesa, nanduon na rin ang isang basong juice at may isang basong tubig din.

Nabuksan na niya ang microwace nang bigla na naman magsalita ang kasambahay na halos mapatalon pa siya sa gulat. Bigla- bigla na lamang kasi itong nagsasalita.

“Sigurado ka bang kaya mong alagaan ang bunsong anak nila maam?” 

Napakunot ang kaniyang noo ng marinig niya ito. Nilingon niya ito.

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong niya rito.

Nilingon din naman siya nito at pagkatapos ay sumagot.

“Sobrang tigas ng ulo at sobrang sama ng ugali ng lalaking iyon.” Umiiling- iling pa ito.

“Madalas niyang itapon ang mga pagkaing idinadala sa kaniya, minsan na nga rin akong nagdala ng pagkain niya at hindi ko na inulit pa.” Dagdag pa nito.

Tinatakot ba siya nito? Isa pa ay wala namang sinabing ganuon si Mrs. Del Fuego sa kaniya basta ang sabi lang nito ay napakatigas lang daw ng ulo nito.

“Hindi sa tinatakot kita pero maniwala ka, may pagka- demonyo ang lalaking iyon.” Sabi nito at tuluyan ng umalis sa tabi niya dahil tapos na itong maghugas. Ipinilig na lamang niya ang kanyang ulo dahil sa sinabi nito sa kaniya.

Ilang sandali pa nga ay nakumpleto na niya nag kaniyang dadalhin sa magiging boss niya. Ang sabi ni Mrs. Del Fuego ay ang nasa tabing silid daw niya ang silid ng anak nito. Sinadya daw nilang magkatabi ang mga silid nila para pag may kailangan daw ito ay madali niya itong mapupuntahan.

Hindi na lamang siya nagsalita at binitbit na ang tray na may lamang mga pagkain at umakyat na sa taas.

Habang naglalakad nga niya ay hindi niya maiwasang mag- isip ng kung ano- ano. Paano nga kung totoo ang sabi sa kaniya ng kasambahay na iyon dahil nga katulad na rin ng kwento sa kaniya ni Mrs. Del Fuego ay ilang nurse na din ang sumukong alagaan ito. Sa mga oras na iyon ay hindi niya maiwasang kabahan dahil paano na lamang ang magiging buhay niya kapag nagkataong napakasama nga talaga ng ugali nito.

Huminga na lamang siya ng malalim para kahit papano ay matanggal ang kaniyang mga iniisip ng mga oras na iyon. Sa dami ba naman kasi ng iniisip niya ng mga oras na iyon ay dadagdag pa iyon.

Pagkarating nga niya sa taas ay kaagad siyang dumiretso sa silid na nasa tabi ng kaniyang silid. Dalawang kamay nga ang may hawak ng tray kaya hindi niya alam kung paano siya kakatok doon, mabuti na lamang at may pasadyang lamesa na nasa tabi ng pinto nito at doon niya ibinaba ang tray na may laman at pagkatapos ay kumatok sa nakasarang pinto.

Naka dalawang katok siya sa pinto ngunit walang sumasagot mula sa loob.Hindi kaya tulog pa ito ng mga oras na iyon? Tanong niya s akaniyang isip ngunit napagpasyahan na lamang niyang ipasok na lamang niya ang dala niya sa loob. Ang mahalaga ay nagawa niya ang inuutos sa kaniya sa tamang oras.

Huminga muna siya ng malalim bago niya tuluyang binuksan muna ang pinto, laking pasalamat niya at hindi iyona naka- lock kaya makakapasok siya. Pagkatapos nga niyang mabuksan ang pinto ay kaagad na niyang binuhat muli ang tray at pagkatapos ay pumasok na sa loob silid.

Bumungad sa kaniyang paningin ang napakadilim na silid. Bagamat hapon na ng mga oras na iyon ay halos wala siyang makita sa loob ng silid dahil nga sobrang dilim. Ni wala man lang pumapasok doong liwanag mula sa sikat ng araw sa labas dahil ang mga bintana sa silid ay natatakpan ng makakapal at dark na kulay ng kurtina.

Gusto niyang mang hawiin ang mga iyon ay natakot siya, tanging ang ilaw na nagmumula sa nakabukas na computer ang nagsisilbing tanglaw sa buong silid.

Tiningnan niya ang kama, may taong nakahiga doon ngunit nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi niya nakita ang mukha nito.

May wheel chair sa tabi ng kama at isang pares ng saklay. Mukhang tulog pa ito ng mga oras na iyon kaya inilapag na lamang niya ito sa tabi ng sofa na may lamesa ngunit eksaktong pagkalapag niya sa tray ay bigla na lamang siyang nakarinig ng isang tinig.

“Get out.” Malumanay ngunit punong- puno ng awtoridad ang boses nito.  Akala niya ay tulog pa ito ngunit gising na pala ito.

“I said get out!” Dumagundong ang siga wnito sa buong silid at nataranta ang buong pagkatao niya ng mga oras na iyon at dali- daling lumabas sa silid na iyon.

eleb_heart

Hello po, pa rate naman po sana. Salamat po<3

| 2

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status