Share

HSL 6

Author: Sweety Elle
last update publish date: 2026-07-16 20:14:10

Still 4 years ago...

HER POV

"Daisy, itutuloy mo ba talaga iyang binabalak mo?," ungkat sa kanya ni Cristy nang kasalukuyang silang nag-aayos sa comfort room ng kanilang academy.

"Of course!," agad niyang sambit bago nagpahid ng red liptint sa kanyang labi.

"May pagkasalbahe ka nga talaga Daisy! Hindi ka ba naawa sa tao halos ilang buwan ka na ring sinusuyo at nilalagawan ni Lando!," turan pa nito.

"Hindi," tipid niyang sabi habang nakatitig sa malapad na salamin sa harap nila ni Cristy sa may wash stand area ng comfort room.

"Haist, aywan ko na lang talaga sa iyo!!! Goodluck na lang talaga sa karma mo!," paalala pa sa kanya ng kaklase.

"I don't believe in karma, bakit iyong iba diyan mas masahol pa ang ginagawang kasamaan hindi man lang tinatablan ng kidlat...hahahha," malakas na tawa niya.

"Wala na akong masabi, you are a certified bitch!," anas pa nito.

"Ooooopsss... not yet certified, hindi ko pa napapaiyak eh, wait and see later..hehehe," makahulugang sabi niya at itinaas pa ang kilay bago nauna ng lumabas sa comfort room.

Dalawang buwan na lang at magtatapos na ang school year at graduation na ng masugid niyang manliligaw na si Lando. Anim na buwan na rin itong walang palya sa pagpapakita sa kanya ng kabaitan at pagpupursige na masungkit ang kanyang matamis na oo.

Ngunit hindi iyon mangyayari. Asa pa si Lando sa kanya. Ang kawawang binata na pinaglalaruan niya lamang at sinasamantalahan ang pagkakataon na tinutulungan nga siya nito sa school works and homeworks niya.

Hindi lang ito minsan nagpapalipad hangin sa kanya kung hindi ay nagtapat na nga ito ng pag-ibig sa kanya noong nakaraang buwan pero hindi niya ito binigyan agad ng kasagutan or inayawan agad dahil mas may malaki siyang plano.

Later, she will taste her greatest cruel pleasure. May malaki siyang pasabog kay Lando na sigurado siyang babaha ang luha nito sa pighating pagbasted niya mamaya dito. Masasaktan ito ngunit ito naman ay malaking kasayahan sa kanya.

Hindi na siya makapaghintay sa mangyayari mamaya. Sa wakas ay makakaganti na rin siya sa lahat ng pagkabuwesit niya kay Lando. Hindi siya halos malapitan ng mga boys dahil lage itong nakabakod sa kanya. Tuloy akala ng mga kaklase niya at halos lahat ng mga estudyante sa academy ay sila na.

Nagtitimpi lamang siyang magalit sa pagdilit-dikit, pagsama-sama at hatid sundo sa kanya ni Lando. Hindi lang dahil sa may utang na loob siya sa binata kung hindi ginagawa niya lang pakisamahan ito upang mas kanais-nais at pabor sa kanya ang pananakit niya sa damdamin ni Lando.

And that will soon happen this afternoon. Niyaya kasi siya ni Lando na magsnack sa labas mamaya pagkatapos ng kanilang klase ngunit sinabi niyang mas mainam kung manonood na lang sila ng movie sa video room mamaya pagkatapos ng klase nila.

Part kasi ng celebration month ng academy nila na tuwing pagkatapos ng klase nila ay may film viewing ng mga favorite nilang love stories. Maraming mga estudyante nga ang nanood sa two hour show dahil perfect na perfect ang ambiance para ka talagang nasa loob ng sinehan dahil sa laki ng screen.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HIS SINFUL LOVE(SSPG)   HSL 121

    “Hush now… mommy, it’s gonna be alright!,” ang paghagod ng maliit na palad sa kanyang likod niya Savior ang nagbigay ng kapanatagan sa kanya. Reality hits her. Again and again, his son saves him from total anguish and torment. Hindi siya dapat magpatalo sa pighati at lungkot. May dahilan palagi ang Diyos kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa buhay niya. “We are going home, son!,” nang medyo kumalma na siya ay hinarap niya ang anak at humiwalay sa pagyakap rito. “Where mom?, we are home, isn’t it? this is our only home!,” inosenteng tugon pa nito. “Nope, we are heading back to the Philippines, where your grannies and uncle are!,” pagtatama niya sa anak. “Is it for good mom? are we leaving our tiny home?,” makulit nitong usisa. “I am not sure, baby. But we need to see them for the last time!,” sabi ko pa. Tumango- tango si Savior. Sa mura nitong edad ay marami na itong alam at madali lang itong makaunawa sa bawat sitwasyon. Matalino ang kanyang anak. Kahit hindi niya

  • HIS SINFUL LOVE(SSPG)   HSL 120

    DAISY POV “Your parents and brother Dane died in a plane crash. Come home ASAP, Daisy!,” pabalik- balik niyang binasa ang text message sa kanya ni Simon, at hindi pa rin maproseso ng utak niya ang mensahe. “No, it can’t be!,” iiling- iling siya habang walang patid ang pagpatak ng kanyang mga luha. Maraming katanungang naglalaro sa kanyang isipan. Kung bakit nadisgrasya ang kuya Dane niya at mga magulang? Magaling at marunong naman ang kuya niya magpalipad ng eroplano. Bakit sa mga mahal niya pa sa buhay nangyari ang trahedyang ito. Tinikis siya ng mga magulang at nadamay pa ang kuya Dane niya na hindi na siya kinakausap at kinakamusta. Batid niyang pinipigilan at hinihigpitan ng mga magulang niya ang kuya niyang makipagkomunikasyon at tumulong sa kanya. Napakawalang puso talaga ng kanyang mga magulang at tinotoo na nga nito ang pagtakwil sa kanya. Kahit nagtatampo siya sa kuya Dane niya dahil mahigit dalawang taon silang walang komunikasyon at wala man lang ito nagparamdam

  • HIS SINFUL LOVE(SSPG)   HSL 119

    DAISY POV “Very good baby! Now go and tidy yourself up. Lunch is ready a little while now!,” tumalima naman agad si Savior kaya’t bumalik na siya sa pagluluto at pag- set up ng lamesa. Bata lamang si Savior ay sinanay niya na itong alagaan ang sarili. Bukod sa maselan ang kondisyon nito sa bago nitong bato ay nakatutok din siya sa lifestyle at diet ng anak. Awa ng Diyos, dalawang taon na rin ang lumipas mula ng mag undergo ng kidney transplant ang anak at wala namang komplikasyon na namutawi sa anak. Regular din ang monthly check up at lab test ni Savior upang masiguro niyang healthy ang anak. Nakatutok at hands- on siya sa pangangailangan ng anak habang rumaraket siya sa digital world. Magaling siya sa designing kaya’t iyon ang kanyang pinagkakaabalahan. Isa siyang freelance graphic designer at awa ng Diyos ay meron din siyang nakukuha na mga clients online. Kahit hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo aty ginamit niya ang basic knowledge niya sa kanyang kurso na Fine Arts.

  • HIS SINFUL LOVE(SSPG)   HSL 118

    DAISY POV Madaling lumipas ang dalawang taon magmula ng magkaroon ng malubhang sakit ang anak niyang si Savior. Nailigtas niya ang anak ngunit habang- buhay naman niya dala- dala sa sarili niya ang mantsa at dumi ng kanyang pagkababae. Naggawa niyang magbenta ng kanyang katawan para sa pera. Nangyari na ang nangyari. Kaya niyang sikmurain ang lahat. Ubos na ubos na ang kanyang dangal pero ang kanyang pagiging ina ay hinding-hindi mauubos. Ipaglalaban niya ang buhay ni Savior. At hindi nga siya nabigo. Nadugtungan ang buhay ni Savior sa panibago nitong kidney. Kinuwestiyon niya ang doktor kung bakit nasira ang bato ng anak. Hindi lang pala sa kinakain nasisira ang kidney kung hindi sa stress. Inaamin niya na walang araw na hindi siya umiiyak ng ipinagbubuntis niya ang anak. She felt alone then. Tanging ang Diyos lang ang kinakapitan niya sa panahong lugmok na lugmok siya. But God is still good. She had surpassed those ebbing and hard times of her life. Ngayon masasabi niya

  • HIS SINFUL LOVE(SSPG)   HSL 117

    DYLAN LANDER POV “There you are son! Paaasahin muna naman ako pagkatapos ano?,” inaarok ng ama niya kung totohanin niya ba ang binitiwan niyang salita. “Of course I do!,” hindi niya hinintay makasagot pa sa kanya ang ama. Enough of that matter. Kahit kaarawan ng daddy niya ay hindi siya nagpatinag. Umalis siya sa kumpulan ng mga tao sa malapad nilang hardin sa mansiyon kung saan idinaraos ang party. Tumungo siya sa pribadong opisina niya dito sa mansiyon. Deretso siya sa wine bar at kumuha ng paborito niyang alak. Hindi naman siya nag-abala pang kumuha ng kopita. Pagkabukas niya ng bote ay agad na siyang tumungga. Alam niyang maraming mata ang nakamasid sa kanya kanina. Mga kababaihang gusto siyang masungkit. Pasensiya na lang sila dahil wala silang epekto sa kanya. Alam niya namang katawan at pera niya lamang ang habol ng mga ito sa kanya. Mahirap ng magtiwala lalo na at masakit at malalim ang kanyang napagdaanan sa isang babae. Hindi na nga siguro siya makakausad. Habang

  • HIS SINFUL LOVE(SSPG)   HSL 116

    A year later…. DYLAN LANDER POV “One… two… three… happy birthday to you!,” malakas ang music background na pinatutugtog sa 70th birthday ng kanyang daddy. Marami- rami rin ang dumalo karamihan ay mga retirado ding business associates ng daddy niya. Ilang taon din siyang hindi dumadalo sa ganitong birthday party ng daddy niya simula ng sumakabilang- buhay ang mommy niya. He distant himself from people- from grandiose celebration and merry making. But now is different. Niyakag siya ng ama na dumalo dahil mahalaga daw itong iianunsiyo at kapag hindi siya pupunta ay talagang hindi na siya kakausapin nito. Wala na siyang ibang kapamilya kung hindi ang ama niya na lamang. Kahit pa ayaw niya ay nakukunsensiya rin naman siya lalo na at ganoon na ang tono ng ama sa kanya kung makipag-usap sa kanya sa telepono. Mahigit tatlong buwan na rin silang hindi nagkikita at madalang lang kung mag-usap sa telepono. Wala namang problema sa ama niya kung hindi siya mismo. Iniiwasan niya ang mak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status