Share

CHAPTER 1

   NGAYON ang simula ni Yesha bilang isang katulong kina Shawn Rios. Kagabi pa lamang ay iginayak na niya ang mga gamit na dadalhin niya. Ipinaliwanag din naman niya sa nanay niya kung ano ba talaga ang nangyari, at bukod doon ay naisipan nila ng nanay niya na bumili na lang ng bahay gamit ang pera at ang natira ay sisimulan nilang gamitin para sa isang maliit na negosyo. Naisipan din ni Yesha na mag-aral muli pero mag-iipon muna siya at ang gagamitin niyang pera ay yung sa kikitain niya sa pangangatulong. Napatayo siya kaagad nang marinig ang pagtawag ng ina niya na nariyan na raw si Shawn. Hila-hila ang maleta na bumaba siya.

  "Ma'am let's go." sabi nung driver. Niyakap ni Yesha ang ina bago nagpaalam na aalis na siya. Pagkasakay niya sa isang limousine ay hindi maalis ang tingin sa kanya ng mga kapitbahay. Nakalabas ang mga ito na para bang isang artista ang dumating. "G-good morning," bati niya kay Shawn ngunit inismiran lamang siya nito.

  "sungit." bulong niya sa sarili bago sinibukang aliwin ang sarili sa mga magagandang tanawin na nakikita niya. Hindi niya maiwasang humanga sa mga nagtataasang estruktura, buildings at kung anu-ano pa. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng kasiyahan, ngayon lang naman kasi siya nakarating dito. At ngayon, alam niyang maswerte siya dahil nakaalis siya sa lugar kung saan ay parang wala kang mararating dahil na rin sa mga bagay na nasa paligid mo, at sa mga taong ibinabagsak ka pa lalo. Masaya siya na sumubok ng panibagong mga karanasan, pero sa kabila niyon ay naroon ang pangamba. Hindi niya alam kung paano muling magsisimula at sigurado siyang nahihirapan siya dahil kakaisip sa ina niya.

  Ilang oras ang naging byahe nila bago sila huminto sa isang malaking bahay. Naiwang nakaawang ang bibig niya, ngayon pa lamang yata siya nakakita ng ganito kalaki at kagarbomg tirahan. Ang bahay kasi sa lugar nila ay puro lamang gawa sa kahoy at kung papalarin naman ay sementado ngunit walang mga palitada. "Ang ganda!"

  "let's go inside." hindi siya pinansin ni Shawn. Nilagpasan lamang siya nito kaya naman patakbo siyang humabol. Binuksan nito ang pinto at diretsong pumasok. Siya naman ay napatingin sa makintab na tiles na alam mong mayayaman na tao lamang ang nakaka-afford. Hinubad niya ang tsinelas na suot at saka itinapak ang mga paa sa malamig na sahig.

  "What are you doing?" kunot-noong tanong sa kanya ni Shawn, nahihiyang napakamot na lamang siya sa batok niya. "Ah, k-kasi baka ano, madumihan ko yung sahig mo." hindi rin nakatakas sa mata niya ang mamahaling mga kagamitan at mukhang wala naman siyang kailangang linisin dahil halos lahat ay kumikintab. "Tsk, stupid." kahit na nainis siya ay hindi na lamang niya ito pinansin, wala naman kasing mapapala kung sasagot pa siya. Paniguradong mauuwi lang ito sa pagtatalo nilang dalawa. 

 "ihahatid na kita sa kwarto mo." seryosong saad nito. Nananatili lamang siyang nakasunod sa likod nito. Mukhang malaki-laki ang lilinisin niya, mabuti na lamang at makikintab ito. Kahit malaki ay mabilis lang niyang malilinis. Nagulat siya nang buksan nito ang isang kwarto, napangiti siya nang makitang doble ang laki niyon sa baha nila. Kung susumahin ay baka dalawang lote ito o higit pa. "Dito ba ang magiging kwarto ko?" tuwang-tuwa niyang tanong.

  "Hindi, this is my room. May kukunin lang ako," aminin man niya o hindi ay nakaramdam siya ng panghihinayang at pagkahiya. Napabuga na lamang siya at muling sumunod sa lalaki hanggang sa buksan nito ang pinto sa may tapat lang din ng kwarto nito. "this is your room." seryosong saad niyo. Hindi ito kasing laki ng kay Shawn ngunit mas malaki pa rin ito sa bahay nila. Pastel color ang loob nito at baby pink din ang kama. 

  "Ang ganda naman nito..." hindi niya mapigilan ang humanga at puriin ito. Ngayon lang siya nakakita ng ganito kagarang kwarto at higit pa roon masusubukan niya kahit papaano at kung ano ang pakiramdam. "ganda."

  "Isara mo ang bibig mo. Ayusin mo na ang mga gamit mo at simulan mo ang trabaho mo. Nariyan sa closet ang uniform mo." magtatanong pa sana siya ngunit kaagad na siya nitong tinalikuran. Wala na siyang nagawa kundi ang magkibit-balikat at i-locked ang pinto. Binuksan niya ang mga closet upang tingnan iyon isa-isa. Napangiti rin siya sa umaalingasaw nitong bango. Kaagad niyang inilagay roon ang mga damit na dala niya upang kahit papaano ay mahawaan ng amoy ang damit niya. "Ganda talaga grabe!" halos mag-iisang oras bago siya natapos na mag-ayos ng gamit. Nakita rin naman niya kaagad ang maid's uniform. At mukhang hindi na talaga mangyayari ang pangarap niyang mala-prinsesa niyang buhay dahil ngayon pa lang ay nangangatulong na siya. 

  Naabutan niyang abala sa pag-la-laptop si Shawn kaya naman nahiya na siyang abalahin pa ito. "tapos ka na pala,"

  Halos mapatalon siya nang mapansin siya nito, namumula ang mukha na humarap siya. Gusto niyang kastiguhin ang sarili dahil alam niyang wala siyang hiya. "Common, self. Kailan ka pa nahiya?" bulong niya na para bang may sagot siyang makukuha sa sarili niya. 

  "O-oo, ahm. Ano pa lang gagawin ko?" itinuro nito sa kanya ang isang papel na nakapatong sa coffee table. Kaagad naman niya iyon dinampot at naroon ang schedule niya at mga gagawin niya. "'yan ang susundin mong schedule bukod sa mga naisipan kong iutos sa iyo." nakangiting tumango naman siya rito. Mukhang kayang-kaya naman niyang gawin ang lahat ng nakasulat sa papel. 

  "Saan ako mag-uumpisa?" tumaas naman ang sulok na bahagi ng labi nito, "Simulan mo sa kung anong oras ngayon." nagbaba ng tingin si Yesha at nakita naman niyang lunch time na. Nagulat siya nang biglang lumapit sa kanya si Shawn kaya naman bahagya siyang napaatras. 

  "b-bakit? Hehe,"

  "Take this," iniabot nito sa kanya ang isang maliit na kahon. Kahit na nagtataka siya kung para saan iyon ay tinanggap pa rin naman iyon ni Yesha. "buksan ko na ba?" tanong niya sa mahinang boses.

  "No, titigan mo lang." napairap na lamang siya sa pagiging sarkastiko nito. Tinalikuran ni Yesha si Shawn at kaagad na binuksan ang box. Laking gulat niya nang makita ang isang kulay ginto na relo sa loob niyon. Hindi niya napigilan ang pagngiti. Ngayon lang siya magkakaroon ng ganito kagandang relo, dahil ang relo niya ay mga ilang taon na rin naman sa kanya. "T-thank you." seryoso lamang siya nitong tinanguan. Bumaba ang tingin ni Shawn sa relong hawak niya at isinuot nito mismo iyon sa kanya. 

  Pakiramdam tuloy niya ay para siyang si Cinderella, kailangan munang mangatulong bago maging isang ganap na prinsesa. "Para hindi mo makalimutan ang oras mo." saad nito saka siya diretsong tinalikuran. Saglit pa niya itong pinagmasdan na bumalik sa ginagawa nito bago siya nagtungo sa kusina upang magluto. Hindi niya maiwasang mamangha sa napakaraming sangkap na nasa loob ng ref. Two door ang ref nito at mas mataas pa sa kanya kaya naman kinailangan pa niyng umakyat para kumuha ng gulay. Ang isang side ay para sa mga ulam at ang isa naman ay kung anu-anong inumin at pagkain ang nakalagay. May mga icecream din dito at balak niya iyon kupitin mamaya. 

  Sinimulan na niya ang pagluluto ng tinola. Isa ito sa mga ulam na kabisado at alam na alam na niyang lutuin. Para hindi mapahiya kay Shawn ay ito na ang naisipan niyang gawin. Matapos ang mahigit isang oras ay natapos na rin niya ang adobo at tinola. Nakapagsaing na rin siya ng kanin. Inilagay niya ang mga ito sa isang mangkok. Napanganga siya nang makita ang napakaraming klase ng baso, pinggan, mangkok, platito, pasandok, tinidor at kutsara. 

  "What the hell?" napakurap-kurap siya habang iniisip saan ba roon ang dapat niyang kuhanin. "Walangya naman oh! Sa bahay iisa lang ang pinggan at ito na rin ang mangkok. Jusko!" mahihilo na yata siya kakaisip kung ano ang kukuhanin. "Bahala na nga!" kumuha na lamang siya ng dalawang pinggan, dalawang baso, dalawang kutsara, at dalawang tinidor.

  Nang matapos na iayos ang dining area ay tinawag na niya si Shawn. "Kain na tayo," nakangiti niyang aya niya rito habang hinuhubad ang suot niyang apron. "Susunod ako." hindi nakatingin nitong ani. Bumalik na lamang siya sa dining room at humila ng isang upuan na kanyang uupuan. Ilang minuto pa siyang naghintay bago pumasok doon si Shawn. Medyo nawala tuloy siya sa katinuan dahil sa presensiya nito. 

  "Hey, did you hear me?" 

  "Ha?"

 Napabuntong-hininga na lamang si Shawn sa kanya bago ito muling nagsalita, "Nothing, let's eat."

  Pigil ang hininga niya habang pinapanood ang pagsubo ni Shawn ng niluto niya. Gusto niyang makita kung ano ang magiging reaction nito gunit wala siyang mabasa na kahit ano. "Why?" Shawn asked. Napailing na laang siya at sinimulan na rin ang pagkain. Para naman sa kanya ay ayos langang lasa ng ulam. Tahimik lamang silang dalawa hanggang sa matapos. 

  Siya ang naghugas ng pinggan dahil siya naman ang katulong dito. Si Shawn naman ay umalis at wala naman itong sinabi na kahit ano sa kanya o binilin man lang. Pagkatapos niyang maglinis ng mga pinagkainan at maglinis ng buong kusina ay pumunta naman siya sa kwarto ni Shawn upang linisin iyon. Hindi naman ito makalat ngunit tambak na ang labahan nito. Inilagay na lamang niya ito sa isang basket upang maaga niyang malabhan kinabukasan. Kahit na pagod na siya ay parang hindi niya naiisip iyon dahil sa ganda at laki ng bahay nito. Pakiramdam lang niya ay siya ang may-ari at nililinis niya ang sarili niyang bahay. 

  "Boang!" suway niya sa sarili. Matapos niyang magwalis at ayusin ang kama nito ay bumaba siya upang i-check kung nakasara ba ang gate. Pagkaakyat niya ay masaya siyang nahiga sa napakalambot at bango niyang kama. Napapatili siya habang niyayakap at inaamoy ang unan. "grabe, para na akong isang prinsesa!" tumihaya siya ng higa sa kama at nakangiting pinagmasdan ang kisame na kulay baby pink. 

  "Can't believe this." ipinikit niya sandali ang mga mata at naidlip. Ngunit gabi na siya nang magising. Mabilis na napabangon si Yesha at dali-daling bumaba kahit na gulo-gulo pa ang kanyang buhok. Nagmamadaling dumiretso siya sa kusina at laking gulat niya nang makasalubong si Shawn na may dalang tubig. Taka itong tumingin sa kanya kaya naman peke siyang ngumiti. "A-ano s-sorry nakatulog ako, hindi ko namalayan ang oras at hindi pa ako nakakapag-luto." napapantastikuhang tinitigan siya ni Shawn kaya naman mas bumilis ang tibok ng puso niya sa kaba.

  "Magluluto na ako." paalam niya rito ngunit hindi pa man siya nakakapasok sa loob ng kusina ay bigla na itong nagsalita. "marami pang ulam at kanin, nainit ko na rin." hindi niya ito nilingon dahil sa gulat.

  "H-ha?" nakagat niya ang labi nang makitang nakaalis na pala ang lalaki. Siya naman ay kumuha ng tubig at uminom upang alisin ang kaba sa puso niya. Ilang oras siyang nanatili sa kusina bago napatingin sa relo at sinimulan na ulit na maghain ng makakain nila."

  NAPANGISI na lamang si Shawn nang marinig na tawagin siyang muli ni Yesha para kumain. Hindi siya sanay na may katulong. Kumuha lang din naman siya ng driver para magsundo kanina kay Yesha. Hiniram niya ito sa kapatid niya kanina dahil wala naman siyang hi-nire na kahit anong tutulong sa kanya. "Sir, kakain na po." tinanguan lamang niya ito. Tinapos niya ang pag-re-review ng report para sa presentation ng company nila bukas. 

  Gusto niyang makuha ang loob ng kabilang kompanya upang malaya siyang makalabas-pasok sa kompanya nito. Malaki ang atraso ng mga iyon sa kanya kaya naman ginagawa niya ang lahat para magpalakas. Hindi siya mahilig sa gulo kaya naman dadaanin niya ito sa business upang makabawi. Napatingin siya sa cellphone niya nang tumunog iyon.

  "Why?" tanong niya sa kuya niya. "Pwede ba tayong magkita?"

  "Sure, tomorrow morning." matapos niyang sabihin iyon ay binabaan na rin niya ito ng tawag. Tumayo siya at in-ayos ang lahat ng gamit niya bago nagtungo sa kusina. At kagaya kanina mukhang hinihintay ulit siya ni Yesha. Itinago niya ang ngiti nang makita kung anong pinggan ang ginamit nito, ngunit hindi na lamang siya nagsalita at nag-reklamo dahil naiintindihan naman niya ito. "pwede ka naman na mauna dapat hindi mo na ako hinintay." gulat naman na nag-angat ito ng tingin sa kanya. Aminin man niya at sa hindi ay hindi niya maiwasang hindi humanga sa taglay na amo ng mukha nito at ganda. Istrikta ang hitsura ng kilay nito at ang mata naman nito ay mukhang mataray. Ito ang nagdala ng kakaibang awra rito. Kung seryoso itong nakatingin ay magmmumukha itong terror. Pero para sa kanya ay hindi naging hadlang ang mata at kilay nito upang maging maganda at maamo ang mukha. 

  "Sir, alam kong maganda ako. Huwag mo akong titigan." nakangiting saad nito na nagpagising sa diwa niya. Napangisi na lamang siya bago naupo sa tapat nito. Hindi niya alam kung bakit ba siya naglabas ng limang milyong piso para lang maiuwi at gawing katulong ito. Marami naman na siyang nakasalubong at nakitang mas maganda at sexy pa rito ngunit dito lang siya naging interesado. "Gusto ko pa lang mag-thank you sa mga itinulong mo," pagsisimula nito habang kumakain. Siya rin naman ay nagsimula na rin.

  "Sa totoo lang, hind ko inakalang tototohanin mo talaga. No'ng araw na hinintay kita hindi ka dumating kaya naman naisip kong, sino nga naman ang taong maglalabas nggano'n klaking halaga para sa akin. Naisip ko pa na baliw lang ang gagawa niyon." natatawang pag-amin nito. Para naman siyang tinamaan bigla. Siguro nga ay baliw siya dahil para lang siyang nagtapon ng limang milyong piso para sa babaeng ito.

  "Alam mo ba, ang laki ng utang na loob ko sa iyo. Naghahanap kasi ako ng trabaho at dahil hindi ako tapos ng kolehiyo, hindi nila ako tinatanggap." tahimik lang siyang nakikinig sa sinasabi nito. Alam niya kung ano ang sinasabi nito dahil maski ang kompanya nila ay hindi rin tumatanggap ng hindi tapos ng kolehiyo. Professionalism kasi ang tinitingnan nila. Pero isang beses kung hindi siya nagkakamali ay may isang client siyang tinanggap. Hindi nga ito tapos sa pag-aaral pero masipag naman ito at mas professional pa kumilos kaysa sa iba na may pinakitang diploma.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status