Share

CHAPTER 230

HINDI maialis ni Ziah ang kaniyang masamang titig sa lalaki. Hindi siya papayag na ganituhin lang at hindi siya puwedeng manahimik na lamang dahil alam niya sa kaniyang sarili na may maling nagaganap at kung ano man 'yon, pilit niyang aalamin.

"Wala kang ibang gagawin," may halong pagbabanta nito sa kaniya. Napangisi na lamang si Ziah sa sinabi ni Ken. Humakbang siya papalapit sa lalaki. "Bakit? May kinakatakot ka bang malaman ko?"

Wala siyang mabasa na kahit anong reaction sa mukha ng lalaki. Kung puwede lang niyang basahin ang isip nito ay matagal na rin niyang ginawa. "Lumalagpas ka na sa linya mo, Ziah."

Tumayo siya nang tuwid dahil ngayon may kung anong namumuong paghihinala na sa kaniyang isipan. Parang bigla siyang nawalan ng tiwala sa organization nila. "Hindi lumalagpas, boss." May halong sarkasmo niyang ani rito.

"Ginagawa ko lang ang alam kong tama. Ginagawa ko lang ang alam kong makakatulong at mas makakapagpabuti sa lahat." Hindi niya magawang deretsuhin ang kaniyang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status