Share

HOLD ME, EX-CONVICT
HOLD ME, EX-CONVICT
Author: Ms_SnowWhitee

PROLOGUE

  NAIINIS na tinarayan ni Yesha ang mga lalaking kanina pa sumisipol sa kanya. Alam niya na malakas ang karisma niya at hindi naman niya maitatanggi na siya ang itinanghal na pinakamaganda sa kanilang baranggay. Marami ang sumusubok na manligaw sa kanya pero maski isa ay walang pumasa. May mga may hitsura rin naman pero wala roon ang pasok sa standard niya. Dahil na rin sa hirap ng buhay ay isa sa mga pangarap niyang maging asawa ay ang isang mayaman at kaya siyang alisin sa lugar na kanyang kinalakihan. 

  "Pumayag ka na, oh. Mag-date na tayo," pangungulit ni Cardo na isa rin sa mga hamak niyang manliligaw. May hitsura naman ito pero hindi niya gugustuhing pagbigyan dahil nga katulad niya ay mahirap lang din ito. Ano na lang ba ang mangyayari sa kanila kung sakaling maging isa? Baka ang buhay prinsesa niyang pangarap ay maging isang katulong na lamang at tama lang silang magdildil ng asin para lang may makain.

 "Pwede ba, tigil-tigilan mo ako? Ilang beses ko bang kailangan na sabihin sa 'yong wala sa inyo ang gusto ko!" ayaw man niyang tarayan ito ay hindi niya maiwasan. Hindi niya maiwasang hindi ito pagsalitaan. Mabuti na nga lang at may preno pa kahit papaano ang bibig niya. "Sungit mo naman." tuluyan na siyang tinalikuran ng lalaki. Ngunit kahit na gano'n ay hindi siya nakaramdam ng kahit na kakaunting sisi sa sarili. Mas pabor pa nga siya na huwag na magpapansin ang mga ito. Sa t'wing lalabas siya maya-maya't may nalapit sa kanya, hinihingi ang numero niya at kung minsan naman ay inaaya siyang lumabas na akala mo naman ay kaya siyang dalhin sa pinakamahal na restaurant na kanyang naisin. Maarte na kung maarte pero hindi siya ikakasal sa isang taong mas mahirap pa sa daga. Hinding-hindi siya papatol sa isang lalaking walang pera. 

  "Oh, anak. Bakit ngayon ka lang?" pagod na niyakap niya ang ina niya. Bakas na rin sa mukha nito ang katandaan. Kaya naman siya na lamang ang naghahanp ng trabahong pwede niyang mapasukan upang may maitulong sa bahay nila at sa gayon ay mapatigil na rin niya ito sa paglalabada. "Hindi po ako natanggap sa pinag-apply-an ko kaya naman po sinubukan ko pang maghanap. Tapos syempre, dahil maganda ako, naharang na naman ako." natatawang pinakinggan lang siya ng ina niya. Tinulungan na rin niya itong maghanda ng makakakin upang mas mapabilis dahil kanina pa rin humahapdi ang sikmura niya. Hindi siya nakakain ng tanghalian dahil wala naman siyang sapat na pera para pa kumain sa mga kalenderya na madadaanan. 

  "Anak, kailan mo ba balak magnobyo? Aba'y wala ka pang pinapakilala sa akin kahit na isa," muntik siyang mabilaukan sa tanong ng ina niya. Naramdaman niya ang pag-init ng lalamunan niya. "Nay! Alam niyo naman na wala rito ang mga gusto ko 'di ba? At saka, alam niyo naman po kung ano ang gusto ko sa isang lalaki. At wala pa akong nakikitang gano'n." natatawang uminom ng tubig ang ina niya. Alam niyang palagi siyang pinapaalalahanan ng ina ngunit ayaw niyang makinig.

  "Anak, ilang beses ko na inulit sa iyo ito at ngayon ay uulitin ko na naman. Huwag kang maghangad ng mayaman na magmamahal sa iyo. Hangarin mo yung taong tanggap ka, anuman ang estado ng buhay mo." alam niyang may punto ito. "kaya nga inay ang hahanapin ko ay yung taong tatanggapin ako kung sino ako at kung ano ang estado ng buhay natin... pero dapat mayaman!" napabuntong-hininga na lamang ang nanay niya. Alam naman niyang hindi dapat siya maghangad ng ganoon kataas dahil hindi naman natin lahat sigurado kung kanino mahuhulog ang puso natin. 

  Matapos kumain ay siya na mismo ang bumuluntaryo na maghugas ng pinagkainan. Pinagpahinga na niya ang ina niya sa taas. Matapos maghugas ay napagpasyahan niyang lumabas para bumili ng yelo. Gabi na pero uhaw na uhaw at init na init pa rin siya. "pabili nga po ng yelo!" tawag niya sa tindera at kaagad naman itong lumabas. Iyon nga lang, nakakunot kagaad ang noo nito na para bang takot na maistorbo. 

  "Ano ba 'yan, kung kailan gabi na saka pa bibili," kakamot-kamot sa ulong reklamo nito. At dahil wala siya sa mood na makipagtalo ay pinatulan niya ito. "Edi sana hindi kayo nagtindahan." hindi naman na umimik sa kanya ang tindera, bukod sa pagkakakilanlan na maganda ay kilala rin siya bilang isang Supladita, mataray at maarteng babae sa baranggay nila. Pero wala naman siyang pakielam, pakiramdam pa nga niya ay pinupuri siya kapag tinatawag siyang maldita.

 "Anong bibilhin mo?" masungit pa rin ang tono ng boses ng tindera. "Yelo sana, yung kasing tigas ng ulo ko at pwedeng ipanghampas sa ulo mo." tinarayan na lang siya ng tindera kaya naman, tinarayan din niya ito pabalik. Kaagad nitong iniabot ang yelo. Matapos niyang magbayad ay kaagad na niya nilandas ang pauwi sa bahay nila pero bago pa man siya makatawid ay isang rumaragasang sasakyan ang muntik na makahagip sa kanya. Huminto naman ito kaagad sa harapan niya, iilang dangkal na lang yata ang layo nila at kung hindi ito nakapag-preno ay baka wala na ang pinakamaganda sa baranggay nila.

  "Ano ba?! Hindi ka ba marunong magmaneho?" pang-aaway niya sa driver kahit na hindi niya ito nakikita dahil nga tinted ang sasakyan. Ilan beses pa siyang nagsisisigaw bago lumabas ang driver at halos malaglag ang panga niya nang makita ang gwapo nitong mukha. "Amporchop! Ang gwapo!" wala siyang pakielam kahit pa na marinig siya nito at kung ano man ang mga kahihiyan niya sasambitin. 

  "Miss, are you okay?" ramdam ni Yesha ang iritasyon sa boses nito ngunit wala roon ang atensiyon niya. "Ehe, I'm Yeshe-- ah este Yesha. Ekew be? ene neme me?" idinuduyan-duyan pa niya ang sarili at mukhang mas nairita lang sa kanya ang lalaki. 

  "Miss, can you please talk properly?" bigla siyang natauhan at saka dinapot ang yelo na nailaglag niya. "Hoy! Bayaran mo ako, sinagasaan mo ako!" pagkakataon na niya ito upang mahuthutan ng pera para may makain sila kinabukasan. Pero sa mukha ng lalaki ay parang walang balak panagutan ang ginawa niya.

   "Bakit kita babayaran? Mukhang wala ka namang damage?" bigla siyang nakaramdam ng iritasyon, ito na nga lang ang pagkakataon niya na magkapera ay magiging bato pa. "nasaktan ako, okay? Hindi lang mahalata kasi maganda ako. Kaya bayaran mo na ako." wala namang nagawa ang lalaki kundi ang ilabas ang wallet. Pasimple niya iyon sinilip ngunit sinamaan siya nito ng tingin. 

  "Magkano ka?" seryosong tanong nito sa kanya. Lihim naman na nagdiwang ang puso niya. "Kung yung damage lang ay limang libo at kung ako mismo gusto mong iuwi ay limang milyon. Iyon ang halaga ko." nakita niya ang pangisi nito sa kanya. 

  "limang milyon?" tanong nito kay Yesha. At kahit na hindi niya alam kung seryoso ba ito o nagbibiro lang din katulad niya kaya tumango siya. "Oo, limang milyon." 

 "Okay, 5 million," ilang ulit pa siyang napakurap dahil sa gulat. "a-are you serious?" maramig senaryo ang pumapasok sa utak niya. Kung papayag siya ay magkakalimang milyon siya, ang kaso ay iuuwi siya nito. At kung hindi naman siya papayag ay mabobokya siya. 

  "mukha ba akong nagbibiro?" sandali pa niyang pinagmasdan ang mukha nito. "iuuwi m-mo ako?" tumango ito.

  "Kailangan ko ng katulong at mukhang papasa ka roon." bigla siyang nainsulto sa sinabi nito kaya naman kaagad na tumalim ang paningin niya. "Sa ganda kong ito? Gagawin mo lang akong katulong? What the fvck?! Maraming naghahabol sa akin tapos pagkukuskusin mo lang ako ng inidoro?" hindi pa rin nagbabago ang walang emosyon na mukha ng lalaki. 

 "by the way, when ba ako mgsisimula?" saglit pa itong ngumisi sa kanya. Aba! Hindi na siya magpapakatumpik-tumpik pa. Biyaya na iyon. "babalik ako rito bukas, kakausapin ko ang lawyer ko para magpagawa lang ako ng kasunduan na bibigyan kita ng limang milyon pero magiging katulong kita." hindi niya alam kung bakit kailangang may kasunduan pa. "mahirap na baka takasan mo ako. At kapag hindi ka naman tumupad sa kasunduan... kakasuhan kita. 

Tinarayan na lamang niya ito. Wala naman kasi siyang magagawa, alam naman niyang ganito ang tingin ng mga mayayaman sa lahat ng dukha na para bang hindi ito gagawa ng mabuti. "Okay, pero bukod sa limang milyon sasahuran mo ako." inilahad niya ang kamay niya rito at kaagad naman siyang kinamayan no'n. Nang makaalis ito ay umuwi na rin siya, hinugasan na muna niya ang yelo na nahulog bago ito inilagay sa pitsel. 

  Mabuti na lamang pala at may malamig na tubig dahil kanina pa siya hindi makatulog kakaisip sa nakausap nito kanina. Hindi niya alam kung totoo iyon, kung tutuparin ba ito ng lalaki. At kahit na iniisip niya na baka mema lang iyon ay umaasa siya na kahit papaano ay totoo. Kung magkataon na totoo iyon ay ma-so-solve na ang problema niya. Bukod sa may limang milyon na siya, magkakaroon din siya ng trabaho. Ilang oras pa siyang nanatili kakaisip sa nangyari bago niya napagpasyahan na pilitin ang sariling makatulog. 

  KINABUKASAN ay maagang gumising si Yesha, maaga rin siyang gumayak at nag-ayos. Hindi naman kasi niya alam kung anong oras darating ang lalaking iyon kaya naman napagpasyahan niyang maghanap na lang din muna ng trabahong ma-a-apply-an. Ayaw din naman niyang umaasa roon dahil baka nagyayabang lang ito sa kanya kahapon. Imagine, sinong tao ang parang magtatapon lang ng limang milyong piso para lang sa katulong? At bukod pa ang sasahurin. Baliw lang siguro ang gagawa no'n o 'di kaya naman ay isang taong may sakit sa pag-iisip. 

  "Nay, aalis na po muna ako." paalam niya sa ina. Hindi ito sumagot kaya naman lumabas siya atsinilip ito. Napasandal siya sa hamba ng pinto nang makita niyang naglalaba ito. Sobrang dami ng labahan nito at alam niyang bago na namang kuha ng ina niya iyon. Dati madalas din siyang kutyain sa paaralan nila dahil sa buhay na mayroon siya kaya naman ay napagpasyahan niyang huwag na lang ituloy ang pag-aaral. Huminto siya matapos ang grade12 kaya hirap din siyang maghanap ng trabaho. Hinahanapan siya palagi ng diploma patunay na nakapagtapos nga siya ng kolehiyo. 

  "Nay, aalis po muna ako. Magbabakasali muna ako sa bayan kung may pwedeng mapasukan." nginitian siya ng ina niya. Humalik na lamang siya sa pinsngi nito bago tuluyang umalis. "bayan lang po." abot niya ng bayad. 

  Pagkahinto ng jeep ay kaagad siyang bumaba. Nagtanong-tanong siya sa bawat tindahan na madadaanan kung kailangan ba ng mga ito ng tindera. "Hello po, good morning. Pwede po ba mag-inquire?" may sinabi ang isang tindera sa kasama at umalis naman iyon. 

  "Sandali lang, pinapatawag ko lang si Bossing." tumango siya at bahagyang pinagmasdan ang loob ng sari-sari store. Hindi ito kalakihan pero sobrang dami ng mga paninda, at mukhang malakas din naman ito kung kumita. "Ano 'yon?" tanong ng isang lalaki na may edad na. HIndi ito katangkaran pero halatang bigatin ang dating. 

  "Magtatanong lang po sana kung kailangan ninyo ng tindera?" bahagya pa itong napaisip, "anong pangalan mo?"

  "Yesha Calixro po." tumango-tango ito at seryosong tumitig sa mata niya. "Ilang taon ka na?"

  "20 years old po, highschool graduate." muli itong tumango at tila nag-iisip ng mga sunod pang itatanong sa kanya.

  "Marunong ka ba magbilang?" siya naman ang tumnago. Gusto niyang sabihin dito na palagi siyang nangunguna dati sa math nila. "19 + 24" 

   "43,"

  "5673 x 56?"

  "317, 688" tumango naman ito at ngumiti dahil sa bilis ng pagsagot niya. "okay, tatawagan ka na lang namin." inilahad nito ang kamay kaya naman iniabot niya rito ang biodata na hawak-hawak niya. Malakas ang loob niya na kukuhanin siya rito kaya naman nakangiting nagpaalam na siya. Dumiretso na siya ng uwi dahil kahit papaano ay may kumuha na rin ng biodata niya. Masakit na rin ang paa ni Yesha dahil sa paltos kaya naman kaagad niyang inihubad ang suot na sapatos pagkauwi na pagkauwi. 

  "Nay, narito na ako." tanghali pa lamang ay nakauwi na siya. Napagpasyahan na lang din niya na tumulong sa pagluluto at matapos nilang kumain pareho ay sabay din silang naglaba. Ayaw pa sana siyang patulungin nito ngunit nagmatigas siya. Ayaw naman niyang nakikitang ganito karami ang labada nito. Inabot sila ng alas singko ng hapon sa dami ng labahan at napangiti siya nang makitang ililigpit na lang ang mga pinaggamitan nila. 

  Itinabi ni Yesha ang planggana at tabla. Pagkapasok niya ay natutok ang paningin siya sa ina na nakaupo sa isang mahabang upuan na gawa sa kahoy at nakasandal ang likod nito. Alam niyang sobrang sakit niyon dahil siya nga na sandali lang naman tulong parang mababali na ang likod, iyon pa kayang mula pagkagising ay nagsimula na kaagad mglabas. Nng pumatak ang alas sais ay hindi niya maiwasan ang madismaya dahil wala ngang sumulpot na lalaki tulad ng sinabi nito kahapon. Tama nga lang ang desisyon niya na hindi umasa rito dahil kung ginawa niya iyon ay baka hindi pa siya nakapaghanap ng trabaho. 

  "Nay, kain na po tayo." siya na nag nagluto at naghain. Tahimik lamang silang dalawa hanggang sa matapos. Sinabihan na lang din niya ito na magpahinga na dahil nga alam niyang masakit na ang katawan nito. Naghintay pa siya hanggang alas nuebe ng gabi bago niya tuluyang magpasya na matulog. Alam naman niyang hindi na iyon darating. Hindi nga siya nagkamali, sino nga naman kasi ang magbibigay ng gano'n kalaking halaga. Siguro kung kasama lang nila ang ama nila ay baka hindi ganito ang buhay na meron sila. Baka may maayos silang tirahan, nakapag-aral siya, hindi na niya kailangang maghanap ng tyrabaho. May pera ang angkan ng pamilya nito, at dahil nga ang ina niya ay wala noon, hindi sang-ayon ang laat sa relasyon nila. Namatay ang ama nila sa sakit na brain tumor, wala naman silang panggastos dahil kulang ang kinikita ng ina niya sa paglalabada. Naubos din naman ang pera ng ama niya sa mga gamot dahil umaasa sila na gagaling pa ito. Kahit naman na naghihirap sila ngayon, hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa ama niya. Sa tutuusin ay nagpapasalamat pa siya dahil kahit papaano ay binigayan siya ng pagkakataon na makasama ito. 

  NAGISING si Yesha sa sunod-sunod na katok ng ina niya. Napakamot na lamang siya sa ulo niya dahil sa ingay at mabigat pa ang pakiramdam niya. Napuyat siya kakaisip sa maraming bagay at masama pa rin ang loob niya sa walang kwentang kausap niya noong nakraang araw. "anak bilisan mo, mag-aalmusal na." taka siyang napatayo at pinagbuksan ang ina. 

  "Almusal, nay?" hindi makapaniwala niyang tanong dito. "Oo, nakahanda na ang almusal." mas lalong nangunot ang noo niya. 

  "Kailan pa tayo nag-almusal? Nay naman, kung sinasabi mong hindi na tayo manananghalian mamaya ay huwag na lang. Magmumumog lang ako." paalam niya sa ina.

  "Oh siya bilisan mo pa rin, almusal na!" sigaw naman nito sa kanya. Gano'n kasi sa kanila. Magkasama na ang tanghalian at ang almusal at kapag nananghalian ka, hindi ka mag-aalmusal. Kapag naman nag--almusal ka ibig sabihin no'n ay wala ka ng pananghalian. 

  Mabilis lang siyang nagmumog at hindi na lang din muna nagsuklay. Kaagad siyang bumaba at nagtungo sa lamesa. Nanlaki ang mata niya nang makita ang lalaking naka-corporate attire "a-anong ginagawa mo rito?" sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Ito yung lalaking muntik na makasagasa sa kanya. 

  "Hindi ako nakapunta kahapon dahil nagkaroon ng emergency sa office ko. Kaya naman ngayon ko na lang naisipan." maingat na hinila niya ang upuan at naupo roon. "A-ah, ahm. A-ano pala kailangan mo?" naupo rin ang ina niya sa tabi niya. 

 "tulad ng napag-usapan natin, here's the contract. Basahin mo muna bago mo pirmahan." napabaling siya sa ina niyang nakakunot na ang noo at halatang naguguluhan. Kaagad niyang inabot ang papel at binasa iyon. Nakalagay roon na stay-in siya at pwede siyang um-absent ng tatlong beses sa isang buwan.

  "yung sahod ko?" 

  "Nasa baba," kaagad niyang tiningnan ito at halos magningning ang mata niya. Limang libo sa isang buwan. Isang linggo para sa isang libo. Nakangiting hiniram niya ang ballpen at pinirmahan iyon. "nay, may trabho na ako." hindi niya naiwasang yakapin ang ina niya. 

  "Mag-iingat ka roon anak, ha. Mukhang mabait naman amo mo." tinanguan na lamang niya ito. "you can move tomorrow. At tulad ng napag-usapan, here's the 5 million pesos." nangingintab ang mata niyang tumingin sa isang itim na bag kung saan nagkakahalaga ng limang milyong piso. "sobra-sobra na ito hijo."  umiling ito sa nanay niya.

  "don't mention it." hindi niya maiwasang mapangiti sa labis na kasiyahan. Kung sana nalaman niya noon pa lang na dapat pala ay kailanganin niya bumili ng yelo at muntik masagasaan, matagal na sana siya yumaman.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status