Share

CHAPTER 3

NAPANGITI si Yesha nang pagmasdan ang sarili sa salamin dahil maski siya ay hindi nakilala ang sarili. First time niyang mag-ayos at talagang naglagay pa siya ng make-up. Light lang iyon pero nag-uumapaw na kaagad ang kagandahan niya na maski siya ay humahanga na rin sa sarili. 

Ilang minuto pa siya nanatili sa loob ng kanyang silid bago niya napagpasyahang lumabas nang may ngiti sa kanyang labi. 

"Hi, tara na po, boss!" kaagad na nag-angat ng tingin sa kanya si Shawn dahilan para mamula siya. Bahagyang umawang ang labi ng lalaki ngunit kaagad din naman iyon nawalan ng emosyon kasabay ng pagtikhim. "let's go." bumaba ang tingin nito sa suot niya. 

"Bakit ganyan ang suot mo?" 

May pagmamalaki siyang ngumiti rito. "Syempre, ibabalandra ko lang naman ang kagandahan ko sa opisina mo. Malay natin 'di ba? May magkagusto sa 'kin," aniya sabay ngiti. "Sa opisina ko tayo pupunta, hindi sa bar. Go upstairs and change your fvcking clothes. We still have time."

Nakipagbuno siya ng titigan dito. "Hindi, tara na. Ang kj mo alam mo ba 'yon? Kung makaasta ka parang pagmamay-ari mo ako, e amo lang naman kita na binigyan ako ng limang milyong piso." hindi siay papayag na pangunahan siya ng lalaki dahil wala itong karapatan na pakielaman ang pananamit niya. "magpapalit ka o iiwan kita?" 

Inirapan nalamang nia ito at naiinis na nagpalit sa taas. Napasuot stuloy siya ng fitted jeans nang wala sa oras. Ayaw lang naman niya maiwan. Bakit ba kasi bawal sa opisina nito ang maikling suot? Paano siya makakaharot?

"Tara na." nauna na siyang lumabas kahit pa amo niya ito. Huminto siya sa tapat ng kotse at hinintay ang lalaki na nagsasara ng gate. Binuksan nito ang pinto para sa kanya at hindi niya naiwasang kiligin. 

Tahimik silang pareho sa byahe. Maraming tanong ang pumapasok sa isipan niya ngunit ayaw naman bumuka ng kanyang mga labi. Nawawala na yata ang kapal ng mukha niya! 

"Nagugutom ka na ba?" biglang tanong nito. Kaagad naman siyang umiling at tahimik na tinanguan siya ni Shawn. 

"Nasaan pala ang mga magulang mo? Hindi ba sila nakatira sa 'yo? As in, solo mo yung bahay mo?" 

"Yeah,"

"Wow, ang yaman mo naman! Pahingi pa nga ng five million." biro niya ngunit hindi man lang siya pinansin ng lalaki.

"Gusto mo?"

"Oo naman!" 

"Sige." mas lumalim ang gitla sa noo niya. Ganoon ba talaga ito kayaman para gano'n kadaling ibigay sa kanya ang limang milyon? "Nagbibiro lang ako." wala nang umimik pa sa kanilang muli. Itinuon na lamang ni Yesha ang atensiyon niya sa labas. Maya-maya pa ay naramdaman niya ang pagtigil ng kotse. 

"Bakit?" mahina niyang tanong. "Nandito na tayo."

Sabay silang bumaba. Nahigit niya ang hininga nang maramdaman ang mga palad ni Shawn sa beywang niya ngunit hindi niya pinahalata na big deal iyon. Hanggang sa makapasok sila sa isang malaking building ay hindi pa rin siya binibitawan ni Shawn. 

"Good afternoon, sir." humarap si Shawn sa isang gwardiya at binati rin ito pabalik. "Good Afternoon, nagmeryenda na kayo?" ito na yata ang pinakamalambing na boss na nakilala niya kahit na mukhang masungit ito tingnan. 

"Hindi pa po, sir." nananatiling nakikinig si Yesha sa usapan ng dalawa. Matutunaw na yata ang puso niya sa paraan ng pagtrato nito sa mga tauhan. "Sige, i'll talk to my secretary first."

Nang higitin siya ni Shawn pasakay sa elevator ay nagpatianod na lamang siya. Nasa likuran siya nito at paniguradong hindi alam ng lalaki kung gaano kalawak ang ngiti niya ngayon. Tahimik silang pareho hanggang sa makalabas at pumasok sila sa opisina nito. Namamanghang sumunod siya sa lalaki at umupo sa iang couch sa loob ng opisina. Puro ito salamin kaya naman kitang-kita ang labas. Nakakalula dahil hindi naman siyasanay sa matataas na lugar. Dinaig pa nito ang mall sa pagiging glass wall. 

"Good afternoon, sir." nakuha ang atensiyon niya ng isang babaeng wala nang iiikli pa ang suot. Lihim na napataas siya ng kilay dahil halatang nang-aakit ito. Nang magtama ang tingin nila ng babae ay gulat na inirapan siya nito. Hindi naman iyon nakita ni Shawn. Maldita!

"Good afternoon, pwedeng um-order ka ng pagkain para sa mga empleyado. Pakibigyan din ang guards sa baba hindi pa raw sila nagmemeryenda."

"Okay, sir. Sa inyo po? Ano pong order ninyo?" malanding tanong nito at parang gustong putulan ni Yesha ng dila ang sekretarya. "Ice cream na lang pati sa kasama ko, pakisamahan na lamang din ng cheese cake at isang chocolate cake."

Tango lamang ang sinagot ng seretary bago lumabas. Naiinis na lumapit siya kay Shawn na ikinagulat naman ng lalaki. "Why?"

"Bakit hindi mo ako hinayaan na magsuot ng maikli? E, bakit yung secretary mo halos mag-panty na lang diyan sa harapan mo?!" she crossed her arms because of irritation. 

"Bakit? Gusto mo bang maghubad sa harapan ko?" nanlaki ang mata niya sa lalaki at ang lokong Shawn nakangisi lang sa kanya. "Hindi 'no! Ano ako? Bayarang babae? Dzuh, matino akong babae kaya kung ano man ang ginagawa ng secretary mo, hindi ako katulad niya na... malandi!" 

"Lower your voice, Yesha. May pagka-warfreak ang secretary ko, baka mamaya saktan ka niya." alam niyang walang halong pag-aalala iyon kaya naman mas nilakasan pa niya ang pang-iinsulto sa babae. "Ayos lang, kaya ko naman makipagsabunutan sa malanding kita na kaluluwang warfreak na 'yon!" marami na siyang nakaaway before kaya naman bakit siya matatakot sa isang babaeng landi lang ang alam?

"Tsk, maupo ka na nga."

"So, pinapunta mo lang ako rito para maupo?!" gusto niyang bawiin ang sinabi niya ngunit wala na. Lumabas na iyon sa labi niya at narinig na iyon ni Shawn Rios na muntik niyang nakalimutan na boss niya pala. "Sige, kumandong ka na lang sa akin."

"Bastos!" malakas na tumawa ang lalaki at nagpapapadyak na bumalik naman siya sa upuan niya. Hindi nagtagal  ay pumasok ang secretary at hawak-hawak na nito ang pina-order ni Shawn. Naglalaway ang bagang na tumingin siya sa ice cream. Paborito niya iyon kaya nga pinangako niya sa sarili rati na kapag sumahod siya, magpapakasawa talaga siya a ice cream. "Come here, kumain ka na." 

Lalong sumama ang tingin ng secretary nito sa kanya dahilan para lumapit siya at kumandong kay Shawn na ikinagulat din ng lalaki at ramdam niya na napatigil ito. 

"Say 'ahh' babe." pang-aasar niya sa harap ng sekretarya habang sinusubuan si Shawn ng ice cream. 

Mamatay ka sa selos... B.I.T.C.H!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status