Share

CHAPTER 5

PAGKAUWI nila sa bahay ni Shawn, kaagad na inilahad ni Yesha ang kamay niya sa harap ng lalaki. Time to pay, Mister. Sayang ang limang libo na ibibigay ng lalaki sa kanya kanina. Pero mas malaki ang offer ni Shawn.

Shawn slowly rolled his eyes to her and gave her 20 thousand pesos. "Thank you!" she happily said.

"Welcome. Next time, huwag kang tumingin sa iba." umawang ang labi niya sa sinabi nito. Hindi na siya nagkaroon pa ng panahon para magtanong dahil kaagad siyang tinalikuran ng lalaki. Minsan naguguluhan na rin siya sa ugali nito. May time na masungit, tapos biglag bumabait tapos ngayon nagsusungit na ulit.

"Hmp!" inismiran niya ito.

Hindi na niya pinansin ang pagtalikod sa kanya ng lalaki dahil malawak ang ngiting ipinapaypay niya sa kanyang mukha ang pera. Well, easy money. Mayaman ang amo niya. Good news 'yon. Hindi rin ito kuripot dahil para nga lang itong nagtatae ng pera.

Sana pala maraming magpa-picture sa kanya para marami rin ang mahuthot niya kay Shawn.

What if, humingi siya ng kayamanan sa lalaki? Bibigyan kaya siya nito? Gano'n lamang nito kadaling ibinigay ang limang milyon kaya hindi naman yata big deal kung mas malaki pa ang hingiin niya?

Natatawa na lamang si Yesha sa naiisip. Hindi niya alam kung ano ba ang kabutihang ginawa nniya para mahulugan ng limang milyong piso at ng trabaho. Bukod sa magkakaroon sila ng sariling bahay, magkakaroon pa ng maliit na negosyo ang mama niya. Ayaw niyang nakikita itong palagi na lamang pagod sa paglalaba.

Kinagabihan, hindi makatulogsi Yesha dahil wala pa rin si Shawn. Umalis kasi ito dahil may pupuntahan daw. Napagpasyahan niyang bumaba at sa sala na lamang maghintay. Akmang ipipikit na niya ang mata nang sunod-sunod na doorbell ang narinig niya.

Mabilis siyang tumayo at binuksan ang gate. Hindi nga siya nagkamali, si Shawn nga iyon.

'Hi, Y-esha." kaagad niyang inalalayan ang lalaki nang muntikan itong mabuwal sa kinatatayuan. Amoy na amoy niya ang alak dito. Hindi niya alam kung bakit ito nag-inom, dahil ayos pa naman sila kanina. Nagpaalam ito tapos uuwi ng lasing. Mga lalaki talaga!

"Sir, lasing na lasing po kayo. Ihahatid ko na po kayo sa kwarto niyo." Shawn groaned. Hindi naman na niya ito kinausap pa. Kahit mabigat ay pinilit niyang maipasok ang lalaki at hanggang sa couch lang sila umabot dahil sa bigat nito. Bumalik siya sa labas at isinara ang gate. Hindi na rin niya nagawang ipasok ang sasakyan ng lalaki dahil hindi naman siya maalam magmaneho. Hindi naman yata iyon mawawala roon. Isa pa mahigpit ang mga gwardiya kaya naman mayayaman lamang din ang nakatira sa loob ng subdivision.

"Yesha," mahinang tawag nito sa kanya. Nananatili pa rin itong nakapikit at alam niyang dahil lang sa epekto ng alak kaya panay tawag ang lalaki sa pangalan niya. "S-sir?"

"Don't fvcking call me sir! Damn it!" napatalon siya sa gulat. Bigla ba naman kasi itong nagtaas ng boses. Ano bang problema nito? Bigla na lang nagiging baliw!

"Ihahatid ko na po kayo sa kwarto ninyo, alalayan niyo rin po ang sarili mo dahil mabigat ka" nawala yata ang pagiging maldita niya sa mga oras na ito. Hindi kasi niya maiwasan na mag-alala. Siguro kung hindi ito mukhang sisiw, kanina pa niya ito nasinghalan. Iinom inom tapos siya ang iistorbohin. "No, dito lang tayo, upo ka sa tabi ko." nakapikit pa rin ang lalaki. Siya naman ay hindi pinansin ang sinabi ni Shawn. Umakyat siya sa taas sa kwarto nito at kaagad na kumuha ng bimpo. Kumuha rin siya ng maligamgam na tubig upang malinisan ang lalaki.

"Bakit ka ba kasi uminom?" may halong iritasyon na tnong niya sa lalaki. "Hahaha, tsk."

"Luh? Baliw ka na ba? Hindi ko alam na nakakabaliw pala kapa umiinom ng alak. Sabagay hindi ko rin naman alam kung ano ang lasa ng alak." pinigaan niya ang basang bimpo at maingat na pinunasan ang mukha ng boss niya. "'di ka umiinom?"

Kaagad siyang umiling bago bumaba ang punas niya sa leeg nito at kaagad ding binasa muli ang bimpo. "Nakakabilis mamatay ang alak. Kaya nga kung mag-aasawa ako, kung sakali man, hindi ko talaga pipiliin 'yong umiinom ng alak. Kasi ayaw kong mabyuda kaagad,"

Ipiinagpatuloy ni Yesha ang ginagawa, "hindi naman kasi ako nagmahal at nagpakasal para lang mamatayan kaagad ng asawa. Hahaha, nagpakasal ako para may makasama habang nabubuhay ako hindi para mag-ayos ng libing ng asawa ko." hindi niya alam sa sarili kung bakit ba niya sinasabi ang mga iyon. Siguro dahil alam niya sa sarili na ayaw talaga niya sa may bisyo. Malaki kasi ang nagiging epekto niyon sa pag-uugali at kaisipan ng isang tao. Malaki ang sinisira ng bisyo kaya ayaw na ayaw ni Yesha no'n. Oo nga't gusto niya sa mayaman na lalaki para maiahon siya sa hirap, pero gusto rin naman niya 'yong walang bisyo para mahaba pa ang buhay na makasama niya.

Pero kung no choice na talaga, papakasalan niya basta mayaman. Kahit hindi nya mahal.

"Ayaw mo nang may bisyo?" walang pag-aalinlangan siyang tumango. Nagtatanong lang naman kasi ito. "Fvck, so it means--- I fvcking need to stop all my bad habits." nakagat ni Yesha ang ibabang parte ng labi niya dahil sa sinabi nito. Bakit ba kasi doble ang meaning niyon para sa kanya? At bakit ba iba ang reaction ng puso niya? Bakit kailangan niyang isipin ang mga sinasabi nito?

"Ahm, hindi mo naman kailangan ihinto, sir. Sinasabi ko lang 'yong ideal ko. I mean 'yong nasa utak ko." nagmulat ito ng mata dahilan para mapahinto siya sa pagpupunas ng braso nito. "Ayaw kong mabyuda ka." sobrang bilis ng tibok ng puso niya na tila ba'y nakikipagkarerahan sa isang paligsahan. May parte sa kanyang nakakaramdam ng kilig at bigla na lamang umasa. Pero lasing ito. Mahirap lang siya at hindi totoo ang mag prince charming.

"Fvck! Hindi na talaga ako iinom." siguro kung hindi lasing ang lalaki, iisipin niyang gusto siya nito. Oo, makapal ang mukha niya pero hindi sa ganito pagkakataon at sitwasyon.

"Sir, kaya mo ba tumayo?" hindi sumagot ang lalaki kaya natampal na lamang ni Yesha noo niya. Wala siyang choice kundi hayaan na matulog dito sa salas ang boss niya.

Akmang aakyat na siya pataas nang magsalita ito na ikinabilis lalo ng tibok ng puso niya. Mababaliw na rin yata ang puso ko sa bilis! Sa isip-isip niya.

"Huwag ka na ulit papayag na may magpa-picture sa 'yo, ha? Makakapatay talaga ako." iyon lamang ang naintindihan niya. Hindi na niya nintindihan ang huli nitong sinabi kaya naman puno ng kuryusidad ang kanyang utak.

Epekto lang 'yon ng alak!

Tama!

Epekto lang iyon ng alak kaya nagkakagano'n ang lalaki.

Bukas wala na 'yan.

NAGISING si Yesha nang maaga. Kaagad siyang tumayo dahl naalala niya bigla na iniwan nga pala niya sa sala si Shawn at doon lamang ito hinyaan na matulog. Huwag lang sana ito magalit sa kanya.

Naligo na siya at inayos ang sarili. Matapos ay kaagad na bumaba. Naabutan niya si Shawn na nagkakape na ngunit sabog pa rin ang buhok nito at kunot na kunot ang noo sa binabasa sa isang magazine.

"G-good morning, sir." hindi siya nito tinapuanan ng tingin. Sungit na naman niya. May mood swing ba ang lalaking ito?

"Anong gusto niyong agahan, sir?" hindi pa rin umimik ang lalaki kaya naman sa inis niya hindi niya napansin na nalaglag ng kaldero sa tabi nya, dahilan para gumawa ng malakas na ingay.

"The fvck?! Kung nagdadabog ka, huwag ngayon! Masakit ang ulo ko!" nagulat siya sa biglang pagsigaw nito. Umi-echo ang boses nito sa loob ng kabahayan. Nang makabawi sa gulat ay inis na inirapan niya ang lalaki.

"Sino ba kasing may sabi na uminom-inom ka? Tapos mandadamay ka sa init ng ulo mo, e, hindi ko naman sinasadya na mailaglag ko ang kaldero mo." tinalikuran na lamang niya ito at sinimulan ang pagluluto. Magtitiklop pa siya ng mga nilabhan niya kahapon kaya kailangan niyang gawin kaagad ang mga trabaho niya.

Ayaw rin naman niyang makausap ang amo niya na baliw!

Gwapo nga, baliw naman! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status