“Er-Er, may balita na ba?” namamaos ang tinig na iyon ni Lola Gloria habang kausap niya ito sa telepono.Isang buong araw ng nawawala sina Mhia at Kaia. At hindi pa rin nila alam kung sino ang dumukot sa mga ito.Sinabi niya agad ang bagay na iyon kina Lola Gloria dahil alam niyang mag-aalala ito nang husto. Isa pa, inalam niya rin kung may napansin itong umaali-aligid sa flower farm o di kaya ay kung may nakaaway si Mhia. Pero alam nilang lahat na imposible iyong mangyari dahil mabuting tao si Mhia.Huminga siya nang malalim. Kahit siya ay sobrang nasasaktan sa mga nangyayaring iyon.“I’m sorry, Lola, pero wala pa rin ho. But I will do my best to find them. I’ll make sure I’ll do. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanila.”“Please do that. At tawagan mo ako kaagad kapag nakita mo na sila. Baka hindi ko kayanin kapag may nangyaring masama sa mga apo,” nakikiusap na wika nito.“Ako rin, Lola. Ako rin. . .”Pagkatapos niyang magpaalam dito ay tinawa
Napabalikwas ng bangon si Mhia nang makarinig ng kaluskos mula sa may bintana. Hindi siya makatulog dahil naririnig niyang umiiyak na si Noah sa kabilang silid. Hinahanap na nito si Skyler. Panay naman ang pagpapakalma ni Samuel dito. Alam niyang, alam ng bata ang mangyayari sa kapatid kapag hindi ito tumahan.Hindi niya alam kung nasaan si Adreianne. Mukhang wala roon ang babae, base na rin sa naririnig niyang usapan ng magkapatid.Tumayo siya at naglakad patungo sa bintana. May nakita siyang puting papel na nakaipit doon. Pilit niya iyong inabot. Nang makuha ay madali niya iyong binasa.ESCAPE.Iyon lang ang nakalagay doon.Lumipad ang mga mata niya sa natutulog na anak. Mabilis siyang lumapit dito at binuhat. Pinakinggan niya ang dalawang bata sa kabilang silid. Tahimik doon.She thinks. Pagkuwa’y mas idinikit ang ulo roon. “Samuel! Noah!” paanas niyang tawag sa dalawa.Walang tugon kaya inulit niya ang pagtawag. Narinig niyang may gumalaw. May maliliit na yabag na lumapit sa kinat
“Rexie, nai-ready na ba ang mga orders today para sa event ng Herrera-Antonio wedding?” tanong ni Mhia sa kaniyang manager-assistant.Nasa flower shop siya sa araw na iyon. Sa isang buwan, dalawang beses siyang pumupunta roon para mag-check.“Opo, Ma’am. Tapos na po namin iyon kanina pa.”“How about iyong para sa isang resto? Okay na rin ba?”Tumango ito. “Tapos na rin po,” mabilis nitong tugon.“Ganoon ba? Wala na bang ibang gagawin ngayon?”“Wala na po. Nagawa na po namin. Maghihintay na lang tayo ng delivery ng mga wala na nating bulaklak, pero mamaya pa iyong gabi.” Ngumiti ito sa kaniya.“Good.” Bumalik siya loob ng kaniyang opisina. Tiningnan niya ang oras, tamang-tama lang mamaya kasi ihahatid doon si Kaia ng ama nito. Sabay na silang uuwi ng San Marcelino.Sa paglipas ng mga araw, napapansin niya ang mabilis na pagbabago ni Kaia. Hindi na ito masyadong bulol at matatas na rin itong magsalita. May pagkamausisa ito na kung minsan ay siya na mismo ang sumusuko sa dami nitong tano
“Why?” malambing na tanong ng kaniyang asawa mula sa kabilang linya.“Wala naman,” nakangiting tugon ni Skyler na para bang kaharap niya lang ito. “Na-m-miss lang kita.” Nakangiti siyang lumingon sa bubog na bintana ng kaniyang opisina. Kitang-kita roon ang nagtatayugang mga gusali na para bang nagpapaligsahan ng pagtaasan sa isa’t isa, kabilang na ang gusaling pag-aari niya.He owned that twenty-floor building he was in. He’s a landscape architect and the owner of dela Merced Landscaping Company. Ang kompanyang nangunguna sa pagdidisenyo ng malalaki at kilalang subdivisons sa loob at labas ng Metro; pati na sa mga hotels, resorts at mga malalaking kompanya sa bansa. At thirty-three, he already established his name in the business world.“Gosh, Skyler! Kahihiwalay lang natin kani-kanina,” palatak ng asawa niya sa kabilang linya. Natawa siya. Totoong kahahatid niya lang dito sa mall na pagkikitaan nito at ng mga kaibigan nito. Hindi pa alam ng mga kaibigan nito na ikinasal sila. It wa
Maya’t maya ang malalim na pagbuntonghininga ni Mhia. Tulala lang siyang nakatingin sa labas ng flower shop na pag-aari niya. Siya lang ang tao roon sa mga sandaling iyon, kaya malaya siyang tumunganga.Tumunog ang wind chime na nasa pintuan, indikasyong may pumasok na tao, pero malungkot pa rin siyang nakatulala sa kawalan. Nakapangalumbaba pa siya sa tabi ng counter.“Mananakawan ka, alam mo ba iyon?” anang tinig na pumukaw sa kaniyang pag-iisip. Napatingin siya rito. Nakangiting mukha ng kaibigan niyang si Tiffany ang bumungad sa kaniya.Muli siyang tumingin sa kawalan. Muli ring bumuntonghininga.“Ay! Deadma?” palatak nito. May kalakasang tinapik pa nito ang countertop.Hindi niya ito pinansin. She’s not in the mood para makipagbiruan dito.“Hoy, Mhia! Huwag mo nga akong dramahan nang ganiyan! Nakakainis ito! Magsalita ka, hoy!” Hindi na ito nakatiis, tinampal na nito ang braso niya.Napahikbi siya na ikinagulat nito. Bumalatay sa mga mata nito ang pag-aalala.“Sorry. . . Napalak
Napangisi si Skyler. Hindi niya akalain na ganoon siya kadaling makabibingwit ng bagong biktima. This is his life now after that incident. He will go to the bar; sometimes ended up wasted, but most of the time, he will end up with a new hook up.Kanina pa niya napapansin ang babae na pinagmamasdan siya pag-upo pa lang nito sa tabi niya. He remained his usual self— ang tipong walang pakialam sa mundo. But he’s aware how the woman looked at him like an expirement on the science lab. Pero nang makita niya itong umiiyak habang umiinom, mas lalong natuon ang atensyon niya rito. Kapansin-pansin sa babae na may pinagdadaanan ito at gustong makalimot kaya naroon sa bar na iyon.He watched her for a while. Mas tamang sabihin na kahalina-halina ang mala-dyosa nitong ganda. Isang bagay kaya mas lalo nitong napukaw ang interes niya.She wore a simple gray shirt and tight-fitted jeans. Alon-alon ang mahaba nitong buhok na bumagay sa hugis dyamante nitong mukha. Her nose was perfectly fitted on he
Nagulantang si Mhia nang tumunog ang telepono sa kaniyang tabi. Matagal niya muna iyong pinagmasdan bago patamad na sinagot. “Hello?”“Why aren’t you answering my calls?” bungad ng kaniyang kasintahan si Cendrick.Napakagat-labi siya. All of a sudden, she felt guilty kahit hindi naman dapat. Dahil patas na sila ngayon nito.Gusto niyang sabunutan ang sarili. Bakit nga ba niya nagawa ang bagay na iyon? At hindi lang isang beses nilang ginawa iyon ng estranghero, paulit-ulit pa hanggang sa pareho silang igupo ng antok.“Mhia. . . ?” untag ni Cendrick sa kabilang linya. “May problema ka ba?”Napahigpit ang hawak niya sa telepono. Kasalukuyan siyang nasa flower shop, sa maliit niyang opisina roon. Gaya nang nakaraan, nakatulala na naman siya kanina pa.“Mayroon ba dapat?” balik-tanong niya rito pagkaraan ng ilang sandali.“Oh, bakit parang ang init naman ng ulo mo? Nagtatanong lang naman ako,” depensa nito.Napabuntonghininga siya, pagkuwa’y umiling. “Pwede bang saka na lang tayo mag-usa
“What?! No! Ayoko. Hindi ako pumapayag sa gusto mo,” mariing saad ni Cendrick sa kaniya. Dalawang araw matapos ang gabing iyon ay nakipagkita siya rito. Pero hindi niya inaasahan ang naging sagot nito.She was breaking up with him for the very first time.“And may I know why? Dahil ba sa alam mong palagi lang kitang patatawarin sa tuwing magkakamali ka ganoon ba?” Pinatigas niya ang mukha. Hindi pa siya nakita sa ganoong anyo ng kasintahan. She just always forgive him. Kaya tama nga si Tiffany, siya rin ang dahilan kung bakit nasasaktan siya. Dahil kinunsinti niya ito sa mga kalokohan nito.“No! That’s not it. Mahal kita. At ayo—”“Mahal?” Pagak siyang natawa kasabay ng pangingilid ng kaniyang mga luha. “Mahal ba ang tawag sa paulit-ulit mo akong sinasaktan? Ganoon ba, ha, Cendrick?”Natigilan ito at hindi agad nakaimik. Titig na titig lang ito sa kaniya na para bang ibang tao ang kaharap nito.“Hindi ka makasagot dahil totoo,” aniya sabay hikbi. Mabilis niyang pinahid ang dalawang b