Share

THE STORM

Malakas na bumalandra ang pintuan ng opisina ni Mhia sa flower shop. Naroon siya sa araw na iyon dahil may monthly inventory sila. Si Kaia ay iniwan muna niya sa farm.

Nakakunot ang noong napatayo siya nang makitang pumasok doon si Adreianne na parang susugod sa gyera.

“What brought you—”

Isang malakas na sampal ang pumutol sa kaniyang sinasabi.

“Ahas! Mang-aagaw! Backstabber! B*tch!” tungayaw nito.

Sapo-sapo ang nasaktang pisnging nilingon niya ito. “What are you saying?” naniningkit ang mga matang tanong niya rito.

“Bakit, Mhia, ha? Wala ka bang makitang ibang lalaki kaya ang asawa ko ang kinalantare mo?” tumatahip ang dibdib na wika nito. Ang mga tauhan niya sa labas at ilang customers ay nakatingin na sa kanila.

“Watch your mouth, Adreianne. Dahil kahit kailan, hindi ko ginawa ang sinasabi mo,” malamig pa sa yelo niyang tugon.

Pagak itong natawa. “Huwag ka ng magmalinis, Mhia. Narinig ko mismo sa asawa ko na pinagsisisihan niyang ako ang pinili niya kaysa sa iyo! At ikakasal na pa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status