Share

WHITE ROSE

Nagulantang si Mhia nang tumunog ang telepono sa kaniyang tabi. Matagal niya muna iyong pinagmasdan bago patamad na sinagot. 

“Hello?”

“Why aren’t you answering my calls?” bungad ng kaniyang kasintahan si Cendrick.

Napakagat-labi siya. All of a sudden, she felt guilty kahit hindi naman dapat. Dahil patas na sila ngayon nito.

Gusto niyang sabunutan ang sarili. Bakit nga ba niya nagawa ang bagay na iyon? At hindi lang isang beses nilang ginawa iyon ng estranghero, paulit-ulit pa hanggang sa pareho silang igupo ng antok.

“Mhia. . . ?” untag ni Cendrick sa kabilang linya. “May problema ka ba?”

Napahigpit ang hawak niya sa telepono. Kasalukuyan siyang nasa flower shop, sa maliit niyang opisina roon. Gaya nang nakaraan, nakatulala na naman siya kanina pa.

“Mayroon ba dapat?” balik-tanong niya rito pagkaraan ng ilang sandali.

“Oh, bakit parang ang init naman ng ulo mo? Nagtatanong lang naman ako,” depensa nito.

Napabuntonghininga siya, pagkuwa’y umiling. “Pwede bang saka na lang tayo mag-usap? May ginagawa pa ako,” aniya makaraan ang ilang sandali.

“Alright. Daanan na lang kita paglabas ko rito sa office.” Isa itong engineer sa isang malaking kompanya. Halos hindi rin nalalayo ang opisina nito sa flower shop niya.

“No, Cendrick. Saka na lang tayo magkita,” pigil niya rito. Kahit hindi niya ito nakikita, alam niyang magkasalubong na ang mga kilay nito.

“Sabihin mo nga sa akin ang totoo, may problema ba tayo? Because I feel that there is.”

Napailing siya sa kawalan. “Alam mo kung bakit ako nagkakaganito,” makahulugang tugon niya.

“No. I don’t know why you act like that. Hindi ako manghuhula, Mhia.”

“Really? Hindi mo alam kung bakit ako nagkakaganito? Gusto mo bang sabihin ko na sa iyo ngayon?”

Hindi naman agad ito nakaimik. 

Pagak siyang natawa. “See? Alam mo kung bakit, kaya huwag mo na munang ipilit ang gusto mong mangyari. Marami akong gagawin ngayon. Saka na lang tayo magkita. Bye!” Sa inis ay ibinagsak niya ang telepono. Sigurado siyang nagulat ang lalaki sa kabilang linya. Iyon ang kauna-unahang beses na ginawa niya iyon.

He deserved it anyway, sa loob-loob niya bago muling tumunganga sa kawalan.

Naglalaro pa rin sa isip niya ang nangyari nang nakaraang gabi. Paulit-ulit iyon na nagpapainit sa kaniyang pakiramdam. Tuloy, wala sa loob siyang napahagod sa kaniyang mga labi. Para kasing nararamdaman pa niya roon ang ginawang pananalasa ng lalaking iyon sa kaniya. Ang malambot at mainit nitong mga labi, pati na ang mabango nitong hininga.

Wala sa sariling napapikit siya. There was something inside her na bigla na lang nabuhay. Ang kakaibang init na nanunulay sa buo niyang katawan, maisip pa lamang ang ginawa ng lalaki sa kaniya, ay nagpapawala na sa kaniyang sarili. 

She got wet just by thinking about that stranger kissing her. Something never happened to her before. Kahit sa kasintahan niyang si Cendrick ay hindi nangyari ang ganoong pakiramdam. Iyong parang darang na darang siya at parang uhaw na uhaw. 

Napatingin siya sa pagitan ng mga binti niya. Bukod sa masakit niyang mga hita at binti, masakit rin ang nasa pagitan niyang iyon. 

Hindi ba naman kayo nagpahinga, malamang sasakit nga iyan, sermon ng isang bahagi ng kaniyang isipan.

Namula siya. Bakit ba parang naging mahalay naman ngayon ang isipan niya? Hindi ba dapat problemado siya ngayon? Dahil kahit saang anggulo tingnan, mali pa rin ang ginawa niya. Kahit paghihiganti lang iyon, sila pa rin ni Cendrick! At lumalabas na taksil siya!

Hindi mo kailangang makonsensya sa ginawa mo, dahil ganoon din siya. Amanos lang kayo, Mhia.

No! Maling-mali ka talaga. Hindi mo dapat ginaya ang kaniyang ginawa. Para mo na ring sinabi na kagaya ka niya. You’re a two timer!

Hindi!

Oo!

“Tama na!” Mabilis siyang napatayo dahil sa pagtatalong iyon ng isipan niya. Ngunit mabilis ding napaupo nang kumirot ang balakang niya.

Kung may makakikita sa kaniya sa mga sandaling iyon, iisipin niyon na nasisiraan na siya ng bait. Kaya bago pa mangyari iyon, lumabas siya sa kaniyang maliit na opisina. Maigi pa na aliwin niya ang sarili sa magagandang bulaklak na nakapalibot sa kaniya. Kahit nananakit ang kaniyang katawan, mas mainam naman na may ginagawa siya. At least, hindi puro kamunduhan ang tumatakbo sa isipan niya.

“Rexie, tapos na ba ang order ni Mrs. Del Mundo?” tanong niya sa assistant niya at nag-iisang kasama roon. 

Kapag may mga event lang na malalaki siya nag-h-hire ng mga tao. Nanghihinayang kasi siya sa resources, bukod sa ipasasahod sa mga ito. Hindi naman kasi kalakihan ang flower shop niya. Itinayo niya iyon sa sarili niyang sikap. Iyon talaga ang pangarap niya noon pa man. Kahit papaano naman ay kumikita siya. Nasa sentro kasi ang puwesto niya ng naglalakihang establisyemiento sa Metro. Kaya marami-rami ring pumupunta roon. May mga suki na rin siyang matatawag sa dalawang taon niyang pagkakatayo niyon.

“Yes, Ma’am. Hinihintay ko na lang ang courier,” sagot ni Rexie.

“Ay iyong para kay Mr. Salcedo? Gusto niya on time ang delivery. Alam mo naman na kapag anniversary nila ng kaniyang asawa, hindi nawawala ang bulaklak,” aniya.

“Tapos na rin po. Naipadala ko na iyon kanina pa.”

Tumango-tango siya. “Okay. Ano pa ba ang kailangang asikasuhin? May mga orders ba tayo para sa linggong ito?” 

“May tumawag po pala kanina. Ito po ang order niya.” Lumapit ito sa kaniya at ibinigay ang isang sticky notes kung saan nakasulat ang order ng customer.

Binasa niya iyon. “Sige. Ako na ang bahala sa mga ito,” aniya.

Nagsuot siya ng apron para hindi madumihan ang kaniyang damit. Mga in-house plants ang order na iyon ng isang customer. Lima rin iyon kaya matagal-tagal din ang bubunuin niyang oras.

She put her earphones on her ear, then opened her Spotify. Pinatugtog niya roon ang paborito niyang banda na Eraserheads, bago sinimulan ang trabaho sa kanilang working table. She’s too engrossed on what she was doing kaya hindi na niya napuna ang bagong pasok na customer. 

Iniikot muna nito ang mga mata sa paligid bago lumapit sa counter. Agad naman itong inistima ni Rexie.

She was facing the glass wall with vinyl blinds, kaya hindi niya napansin ang customer na titig na titig sa kaniya. Napakunot ang noo nito, bago muling iginala ang mga mata sa kabuuan ng kaniyang flower shop.

“Ma’am Mhia,” untag sa kaniya ni Rexie. Tinapik pa siya nito sa balikat.

“Ha?” Bahagya pa siyang nagulat nang lingunin ito. Mukhang kanina pa siya tinatawag ng kaniyang assistant.

Inalis niya ang earphone sa tenga at hinarap ito. “May kailangan ka ba?” tanong niya.

Tumango ang kaniyang assistant. Iniabot nito sa kaniya ang isa pang sticky notes. 

Inalis niya muna ang suot na gloves bago iyon kinuha at tumayo, habang nanatili pa rin ang mga mata sa notes na nasa kamay. “Hundred pieces of white roses. . .” malakas niyang basa, bago tinungo ang malaking cooler. Hindi pa rin niya napapansin ang customer nilang nasa isang tabi at nakamasid pa rin sa kaniya.

“Ang dami nito, ha. Swerte naman ng pagbibigyan,” patuloy niya habang inilalabas ang pumpon ng rosas na kulay puti. Ang cooler ang nagpapanatili ng freshness sa mga tinda nilang bulaklak doon. 

“Kaya lang bakit puti? Hindi ba at para lang sa pa—” Nabitiwan niya ang mga dala— na mabuti na lang at nasalo ng customer, kun’di, baka marami siyang nasayang na bulaklak.

“Ops!” anito.

Tulalang napatitig na lang siya sa gwapong mukha ng kaharap. Hindi man ito nagpagupit ng buhok o nag-ahit ng balbas at bigote, ang gwapo pa rin nitong tingnan. Neat. Iyon ang tamang description sa itsura nito sa mga sandaling iyon. Hindi kagaya kagabi na para itong basagulerong ermitanyo.

Ipinuyod ng lalaki sa likod ang buhok nito ng rubberband. Halata ring bagong ligo at maayos na sinuklay ang balbas at bigote. Hindi na rin matatakot ang plantsa sa suot nito. Maayos na polo shirt iyon na kulay brown na may katernong itim na pantalong maong. Boots na itim naman ang nasa paa nito.

“Miss. . . ?” untag nito sa kaniya.

Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Amusement was written on his face. Hindi tuloy niya mapigilang hindi pamulahan ng mukha, lalo na nang maalala ang nangyari nang nagdaang gabi.

Kaagad niyang inagaw sa mga kamay nito ang mga bulaklak at walang imik na bumalik sa working table niya. Inayos niya ang mga iyon ayon sa kagustuhan ng lalaki.

Hiyang-hiya siya sa sarili sa mga sandaling iyon. Noon niya lang naalala ang singsing na nakita niyang suot nito kagabi. Akala niya, wala lang iyon. Wala naman kasi siyang nakita na kahit isang litrato sa penthouse ng lalaki. Mag-isa lang ito roon. 

Pero paano kung nagkagalit lang ito at ang asawa nito? At kaya ito bumibili ng bulaklak ay para suyuin ang babae?

Gusto na niyang lumubog sa kinatatayuan. Ano ba talagang pumasok sa isip niya kagabi at nagawa niya ang bagay na iyon? Kung hindi na siya masyadong apektado sa nangyayari sa relasyon nila ni Cendrick, ngayon naman, bigla ay kinakain siya ng kaniyang konsensya.

Nakakahiya!

Ayaw pa naman niya sa lahat ay ang makasasakit ng damdamin ng iba, lalo na sa mga babaeng kagaya niya. Dahil ayaw niyang maranasan ng mga ito ang pinagdaraanan niya. 

Kinakarma na ba agad siya?

“Miss. . . ?” anang lalaki na nagpaigtad sa kaniya at nagpabalik sa kaniyang isipan sa kasalukuyan. Hindi niya namalayan na nasa tabi na pala niya ito.

“Y-yes?” hindi lumilingong tanong niya rito.

“Matagal pa ba iyan?” tanong nito sa buong-buong tinig. Muntikan pa siyang mapapikit kung hindi niya lang napigilan ang sarili.

“H-hindi. Sandali na lang.” Ngunit sa pagmamadali ay dumaplis ang gunting na kaniyang hawak. Nahagip niyon ang daliri niya. “Aw!”

Napalapit sa kaniya ang lalaki. At sa pagkagulat niya, maging ni Rexie na kanina pa nakatitig dito, ay isinubo nito ang daliri niya.

Naghalo ang kilabot at hapdi sa ginawa nitong iyon. Hindi rin niya napigilan ang mapasinghap nang malakas, pati na si Rexie.

Bigla tuloy bumalik sa alaala niya ang nangyari sa kanila kagabi. Para siyang napaso kaya mabilis niyang binawi ang kamay rito.

“T-that’s unhygienic,” dahilan na lamang niya bago hinarap si Rexie. “Ikaw na ang magtuloy nito. Excuse me,” aniya nang muling lingunin ang lalaki.

Walang lingong-likod na nagtungo siya sa kaniyang maliit na opisina. Pagkasarang-pagkasara niya ng pinto ay napasandal siya roon habang sapo-sapo ang dibdib. Para siyang sumakay sa roller coaster sa bilis ng tibok niyon. 

She inhaled, then exhaled. Hindi pa siya nakontento at sunod-sunod niyang ginawa iyon hanggang sa kumalma ang sarili.

God! Sa dinami-rami ba naman ng pagkatataon, bakit sa araw na iyon pa talaga sila pinagtagpong muli ng lalaki? Puwede namang sa susunod na linggo o buwan, o next year. Makalipas talaga ang isang araw?! 

Gosh! Wala pa ngang isang araw iyon dahil kanina lang siya umuwing madaling-araw sa bahay niya!

Napasabunot siya sa sarili. Natigil din nang may maaalala.

“Humanda ka sa akin, Tiffany,” gigil na wika niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status