Share

THE LIAR

Sabay silang napalingon ni Adreianne sa pinanggalingan ng tinig. At hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang pagkawala ng kulay sa mukha ng babaeng katabi.

“S-Skyler. . .” Halos pabulong lang ang pagkakabigkas na iyon ni Adreianne sa pangalan ng asawa.

Naniningkit ang mga mata ng lalaking lumapit sa kanila. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. You know me, Adreianne. Kaya kung ayaw mong mawala nang tuluyan sa buhay ng anak natin, magsabi ka ng totoo— ngayon din!” galit na bulyaw nito sa asawang hindi na malaman ang gagawin sa mga sandaling iyon.

Kagat-labing nagyuko si Adreianne ng ulo. Pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ito nagsasalita.

“Adreianne!”

Pareho silang napapitlag nito sa lakas ng tinig na iyon ni Skyler. Kahit siya ay natatakot sa inilalabas na galit ng mga mata nito.

“Skyler, calm down. . .” awat niya rito.

Binalingan siya nito. “Tell me exactly what you saw. Sino ang sinasabi mong may sakit?” Bukod sa galit, mababanaag sa mga mata nito ang kalituhan.

Nag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status