Share

CHAPTER 4

Author: Gael Aragon
last update publish date: 2026-07-24 10:39:10

“Lumuwas pa talaga tayo? Makakauwi naman ang tatay ninyo nang hindi natin sinusundo. I’m sure the company car will be waiting for him,” wika ng kaniyang ina habang inaayos ang sarili.

Pagkatapos niyang kausapin sina Singco at Amelie; na madali namang pumayag sa plano niya, ang kanila namang inang si Bettina ang kinausap nila. Sinabi nila rito na sila na lang mismo ang susundo sa kanilang ama, tutal, pare-pareho namang wala silang mga pasok. Hindi na nakatanggi ang kanilang ina dahil tatlo sila.

“Ngayon niyo sabihin sa aking hindi ka nagtatampo kay Tatay,” nakangising sabi ni Kuatro. Nasa kuwarto siya ng mga magulang at hinihintay na matapos ang inang mag-ayos ng sarili. Tinulungan pa niya itong magtuyo ng buhok nito para mapadali ang lahat, dahil kanina pa nakalapag ang eroplanong sinasakyan ng kaniyang ama.

Dinner with the family ang napagkasunduan nilang tatlo. Siya na ang nag-arrange kung saan iyon gaganapin. Si Amelie naman ang inatasan niyang imbitahan ang kanilang Lola Pedring at Lola Regina, pati na ang pamilya ng kanilang Tita Jessica, Tito Vince at Tito Daryll. At hindi rin niya kinalimutang ibilin sa bunsong kapatid ang kanilang Ninang Trina at pamilya nito. Tiyak kasi na magtatampo iyon kapag wala sa importanteng okasyon na iyon ng bestfriend nito.

Si Singco naman ang namahala sa tutuluyan ng mga galing sa probinsya pagdating sa Maynila. Hindi naman problema ang transportasyon dahil may sari-sariling sasakyan ang bawat pamilya. Ang pamilya ng Tita Jessica nila ang kasabay ng kanilang lolo at lola, dahil ang pamilya na lang nito ang kasama ng kanilang lolo at lola sa bahay sa Sta. Fe. Bumukod na rin kasi ang kanilang Tito Vince mula noong magkapamilya ito.

Everything was perfectly planned. Ang kanilang ina na walang kaalam-alam sa magaganap ay inis pa rin sa kanilang ama. Kaya sana, pagkatapos ng gabing iyon ay magkaayos na ang dalawa.

“Bakit ba ganito pa ang gusto mong ipasuot sa akin? P’wede namang iyong slacks na lang o pantalong maong at T-shirt. Sa airport lang naman tayo pupunta,” tanong ng kaniyang ina. Pinagmamasdan na nito ang sarili sa salamin. Ang suot kasi nito ay isang floral dress na square neck at hanggang tuhod lang ang haba. Medyo hakab iyon sa katawan nito kaya litaw na litaw ang gandang hindi kumukupas sa paglipas ng panahon. Gandang alam niyang walang papantay sa mata ng kaniyang ama, maging sa kaniya.

Nilapitan niya ito at pinisil sa may balikat. “Why? What’s the problem with your dress? Ang ganda niyo nga, eh,” nakangiting wika niya. Sinalubong niya ang mga mata nito sa salamin na sa mga sandaling iyon ay dahan-dahang kumislap. “Amelie did a great job for choosing this.”

Isa pa sa ibinilin niya sa bunsong kapatid ay ang damit na susuotin ng ina nila. Hindi naman kasi ito matatanggihan ng kanilang ina, lalo pa kapag sinamahan nito iyon ng paglalambing. Kapag ganoon si Amelie, wala ng makatatanggi pa rito.

Matamis na napangiti ang kaniyang ina. “Well, your sister has a great taste. And she knew what’s best for me.”

“We all are, Nanay. We all are . . .”

“So, let’s go? Baka maghintay ang ama ninyo sa atin.” Nilingon siya nito.

Tumango siya. “Kung wala na kayong aayusin sa sarili ninyo, tayo na.” Tiningnan niyang muli ito mula ulo hanggang paa. “You are perfect already. But you forgot something.”

Napakunot ang noo nito. “Ano naman iyon?” Tiningnan din nito ang sarili.

“Your rings. Where did you put them?” Napansin niyang walang suot na engagement o wedding ring ang kaniyang ina.

“Oh!” Napatutop ito sa bibig, saka iginala ang mga mata sa harap ng kinapapatungan ng salamin. “Here,” anito nang matagpuan ang hinahanap sa isang tabi. Nakangiting dinampot nito iyon at isinuot sa palasinsingan.

“That’s better.” Iniaro niya ang siko rito. Ipinulupot naman doon ng kaniyang ina ang braso nito saka sila sabay na lumabas ng silid ng mga ito. Naabutan nilang naghihintay na sa sala sina Singco at Amelie.

“You look great, Nanay!” Malapad ang ngiting lumapit sa kanila si Amelie kasunod si Singco. Humalik ito sa pisngi ng kanilang ina.

“Thanks, bunso,” malambing na wika ng kanilang ina saka binalingan si Singco. “Aren’t you gonna kiss me?” Salubong kasi ang mga kilay nito. Mukhang aburido na naman sa kung anong bagay.

Lumapit si Singco sa kanilang ina at humalik sa pisngi nito. “Hindi pa ba tayo aalis?” tanong nito na sa kaniya nakatingin.

Tinaasan niya ito ng isang kilay. “We are going now. Ano pa ba ang ipinag-iinit ng ulo mo?” Kung may lakad ang kapatid niya sa araw na iyon at nagulo dahil sa biglaang plano nila, panigurado ngang iinit ang ulo nito. Ngunit, hindi naman ito puwedeng humindi, lalo pa at kasama ang ama nila sa planong iyon.

“Let’s just go,” sagot nito saka nauna ng tumalikod sa kanila.

“Kuya, wait.” Humabol dito si Amelie. Agad nitong ipinulupot ang braso kay Singco. Sumunod naman sila ng kanilang ina sa mga ito.

**

“What are we doing here? Bakit hindi sa airport?” tanong ng kaniyang ina nang tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng isang five-star hotel. Doon siya nagpa-reserve para sa dinner nila. Doon din nagpa-reserve ng kuwarto si Singco para hindi na magbabyahe pa ang mga bisita nila.

“May nakalimutan akong daanan. Susunod na lang tayo kina Singco at Amelie,” sagot niya sa ina.

“Daanan? Dito? Ano naman iyon?”

Nilingon niya ang ina. “Basta.” Mabilis siyang bumaba at ipinagbukas ng pintuan ang ina. Inalalayan niya ito saka ibinigay sa parking valet ang susi ng kaniyang sasakyan. “Thank you,” pasasalamat niya pagkuwa’y tumuloy na sila ng kaniyang ina sa loob ng hotel.

Isang saktong function hall ang ipinahanda niya roon. Tama lang sa mga bisitang inimbitahan nila. Doon sila tumuloy ng kaniyang ina.

“Bakit dito?” Nilingon siya nito na nangungunot na ang noo.

“I haven’t told you that I bought a unit here. Lumipat na ako rito,” pagsisinungaling niya. Iyon lang ang tanging paraan para hindi ito maghinala.

“What?! Lumipat ka na? Bakit hindi mo sinasabi sa amin ng tatay mo?” sunod-sunod nitong tanong. Inaasahan na niya iyon kaya napakamot na lang siya sa kaniyang ulo.

“Kasi naman, Nanay, gusto kong mas malapit sa trabaho ko at sa kompanya natin para hindi na ako mahirapan.”

Nameywang ito. “Iyon ba talaga ang dahilan, o may iba pa? Sabihin mo nga sa akin, may tinataguan ka ba?” pag-uusisa nito sa naniningkit na mga.

“Nanay naman . . . Wala ho akong tinataguan. Good boy itong anak ninyo.”

“Aba, dapat lang. Pinayagan ka naming bumukod dahil ang sabi mo ay magiging responsable ka. Pero kung magiging pasaway ka at kung ano-ano lang ang gagawin mo, mabuti pang doon ka na lang ulit tumira sa atin. Ang laki-laki ng bahay natin tapos gustong-gusto ninyo ni Singco na bumukod. Pareho lang din naman kung sa atin kayo titira. Hindi naman namin kayo pakikialaman ng tatay ninyo sa mga buhay ninyo, unless it’s necessary,” litanya nito.

Napailing na lang siya. Kung hindi nga lang mahal na mahal niya ang mga magulang, baka hindi na niya ginawa ang sopresang iyon. Nakatikim tuloy siya ng sermon kahit hindi naman dapat.

But, anyway, masusulit naman iyon dahil alam niyang mapapalitan iyon ng saya oras na buksan na niya ang pintuang nasa tapat nila. Iyon naman ang mas importante, ang kasiyahan ng kaniyang mga magulang. Hinihintay niya lang ang text ni Amelie sa kaniya na ready na ang mga ito sa loob.

“Hoy, Kuatro, huwag mo akong idaan diyan sa pananahimik mo, ha. Hindi ako natutuwa sa ginagawa mo,” untag sa kaniya ng ina.

Ano ba naman ang mga iyon? Bakit ang tagal? tanong niya sa sarili na hindi pinansin ang ina. Dinukot niya ang cell phone sa bulsa at tiningnan kung nag-text na ang kapatid. Napangiti naman siya.

“At ano’ng nakatutuwa, ha?”

Tiningnan niya ito. “Wala naman, Nanay. Gusto ko lang sabihin sa inyo na kayo ang kauna-unahang tao na dinala ko rito,” wika niya sabay bukas ng p***o. Tumambad sa kanila ang madilim na paligid. Hindi rin nakaligtas sa kaniyang mga mata ang pagngiti ng ina habang inaalalayan niya ito papasok. She felt flattered by what he said.

“Ang dilim naman, anak. Buk—”

Narinig mo na ba?

Crush daw kita.”

Napatigil ang kaniyang ina sa pagsasalita nang pumailanlang sa paligid ang kantang hinding-hindi nito makalilimutan kahit na tulog ito. Ang kantang ‘Sana’ na sinulat ng kaniyang ama para talaga sa kaniyang ina, at mismong ang dalawa pa ang umawit niyon.

Bumukas ang spotlight sa kinaroroonan ng kaniyang ama na may hawak ng mikropono at nakatitig sa kinatatayuan nila. Nakangiti ito, nagniningning ang mga mata.

“Naniniwala ka ba?

Siguro? Baka?

Pero kung bibigyan ng pagkakataon,

Papayag ka ba?

Kung liligawan kita?

Sasagutin mo ba?

Sana, oo. . . Sana nga tayo. . .

Dahil walang bagay dito sa mundo,

Ang akong ibang nais kundi ang makapiling ka.”

Nilingon niya ang ina. Nangingilid na ang mga luha nito habang hindi hinihiwalayan ng tingin ang kaniyang ama

Naglakad patungo sa kinaroroonan nila ang kaniyang ama.

“Pilitin mang itago,

Ikaw pa rin ang isinisigaw,

Nitong puso ko.”

Patuloy nito sa pag-awit hanggang sa marating ang kinatatayuan nila. Tingnan nito ang kaniyang ina, pagkuwa’y siya.

“She is yours, Tatay.” Ibinigay niya ang kamay ng ina rito.

“Thanks, anak.” Nakangiting binalingan nito ang kaniyang ina. “Shall we, love?”

Mabilis na tumango rito ang kaniyang ina. Indikasyong hindi na ito galit sa kaniyang ama.

“Sana pagbigyan itong nararamdaman,

Sana ay dinggin ang nilalaman,

Nitong aking kalooban,

Sana. . . sana. . .

Sana ay hindi magbago ang pagtingin mo sinta,

Sana nga hanggang wakas,

Sana nga tayo na bukas. . .”

Sabay na kumanta ang dalawa hanggang sa bumalik ang mga ito sa mini stage na ipinalagay niya. Masaya namang pinapanood nila ang mga ito. Nang matapos ang mga itong umawit, lumuhod ang kaniyang ama sa harapan ng kaniyang ina.

“Love, that song was decades ago, but still the best song I’ve ever written in my entire career. Dahil ang lahat ng sana ko ay natupad dahil sa iyo. At ngayon, walang sidlan ang kasiyahan ko— nating dalawa, kapiling ang mga anak natin. Kaya hinding-hindi ko kailanman ipagpapalit sa kahit na ano o kahit na sino ang pagmamahalang mayroon tayo, kahit pa nga minsan ay nagkakaroon tayo ng tampuhan. I love you, love, and our children. Happy anniversary,” madamdaming wika ng kaniyang ama saka masuyong hinalikan ang kamay ng kaniyang ina.

Suminghot muna ang kaniyang ina, bago sinagot ang kaniyang ama. “Thank you, love. Thank you for loving me and our children so much. At kahit na kailan, hindi ko pagsisisihang sinunod ko ang itinitibok ng puso ko noon. Na kahit alam kong imposible kang mapasa-akin, nangyari pa rin. Mahal na mahal kita. At ikaw lang ang pakamamahalin ko hanggang huli. Happy anniversary. Sorry kung madalas akong magtampo. Pero huwag kang mag-alala, babawi ako sa iyo,” tugon ng kaniyang ina saka nito hinalikan ang kaniyang ama.

Malakas na sigawan ang pumuno sa silid na kinaroroonan nila kasabay ng maugong na palakpakan.

Tunay na walang makapapantay sa pagmamahalan ng kaniyang mga magulang. At masaya siyang maging parte ng buhay ng mga ito. Masaya siya na naging anak nina JE at Bettina Mallari.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HOMBRES CALIENTES 4: KUATRO - LIE WITH ME   WAKAS

    Ang gusto ni Mayumi ay isang simpleng kasal lang kasama ang mga mahal nila sa buhay sa komunidad ng mga Dumagat. Tinupad naman iyon ni Kuatro, kaya lang, dahil nga mahilig sumunod sa tradisyon ang kasintahan niya, sinunod nila kung paano ba magpakasal ang mga Dumagat.Una, hiningi muna ni Kuatro ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mga magulang. Namanhikan ang buong pamilya nito sa kanila sa Maynila, at ganoon din kay Ka Esmael na siyang itinuring niyang pangalawang ama. Nagbigay rin si Kuatro ng tinatawag na dowry o bigay-kaya. Subalit hindi para sa kaniyang mga magulang, dahil kalabisan na raw kung hihingi pa ang mga ito ng kung anuman kay Kuatro, sapagkat labis-labis na raw ang ginawa nito para sa kanilang pamilya.Nagbigay ng dowry si Kuatro sa tribo ng mga Dumagat. Ayaw na rin sana iyong tanggapin ni Ka Esmael pero mapilit ang lalaki. Kung ano-anong hayop na puwedeng pakinabangan ang ibinigay nito kagaya ng mga

  • HOMBRES CALIENTES 4: KUATRO - LIE WITH ME   CHAPTER 49

    Pagsapit ng alas-sais ng gabi ay nagbibihis na si Mayumi. Iniisip niya kung ano ang isusuot niya habang pinagmamasdan ang limang pirasong bestida na mayroon siya. Hindi siya nagpakadala ng maraming damit dahil dumadalaw naman sila sa lungsod, dalawang beses sa isang buwan.Inihagod niya ang isang daliri sa ilalim ng kaniyang baba. Simple lang naman ang mga damit na nasa harapan niya. Just like what always Kuatro wanted her to wear— which, she also likes.“Hmm . . .” Dinampot niya ang kulay berdeng bestida na bulaklakin. Hanggang talampakan niya ang haba niyon at sleeveless. Labas din ang maganda niyang leeg at collarbone dahil may katamtamang lalim ang korte ng leeg niyon.May garter iyon sa bandang beywang at medyo magarbo ang laylayan. Mahangin sa labas kaya tama lang na iyon ang suotin niya para kung sakali mang liparin ay hindi nakakahiyang mahantad ang kaniyang kaloob-looban.M

  • HOMBRES CALIENTES 4: KUATRO - LIE WITH ME   CHAPTER 48

    “Teacher Umi, pinabibigay ni Sir Kuatro,” salubong kay Mayumi ni Tonton pagpasok niya sa ipinagawa ni Kuatro na pansamantalang silid-aralan ng mga bata sa komunidad ng mga Dumagat.May limang buwan na silang nagtuturo doon. Mabilis na ipinaayos ni Kuatro ang lahat ng papeles ng ipinatatayong eskwelahan ni Amelie. Ipinarehistro din ng mga ito iyon sa DepEd para mapabilang sa mga paaralang nasa ilalim ng ahensya, at para matawag na lihetimong paaralan na may normal school days, may guro, at mga mag-aaral. Hindi naman na problema ang mga kagamitan doon dahil ang mga galanteng kaibigan ni Kuatro ay nag-donate ng kung ano-anong school equipment’s, pati na computers at internet.Napangiti si Mayumi nang tanggapin ang dalawang tangkay ng ligaw na bulaklak. Kulay dilaw iyon at may kasama pang manibalang na indian mango.“Teacher Umi, nanliligaw ba sa iyo si Sir Kuatro?” usisa pa ni Tonton. Sila lang

  • HOMBRES CALIENTES 4: KUATRO - LIE WITH ME   CHAPTER 47

    Kuatro understood Mayumi’s intention clearly. Kailangan muna nilang paghilumin ang lahat bago muling buksan ang panibagong yugto ng buhay nila. Hinayaan naman siya nitong samahan itong tawirin iyon, kaya masaya na siya roon. Iyon lang naman talaga ang tanging gusto niya— ang damayan ito sa lahat ng sandali.Pagkatapos ng isang linggong immersion ni Amelie sa tribo ng mga Dumagat, bumalik sila sa Maynila kasama si Mayumi. Dahil ayos na naman ang lahat, nagdesisyon itong puntahan muna ang mga magulang nito para makausap, at para makapagpaalam na rin. Desidido itong ituloy ang planong pagtulong sa komunidad ng mga Dumagat at ganoon din siya.“Oh my God! Is that really you, darling?” Naluluhang mabilis na niyakap ng ina ni Mayumi ang babae.“Mom! I’m so sorry!” umiiyak na wika ni Mayumi.“No, hija. Kami ang dapat na humingi ng tawad sa iyo,” anang ama

  • HOMBRES CALIENTES 4: KUATRO - LIE WITH ME   CHAPTER 46

    “F*ck!” bulalas ni Kuatro.Luhaang napatingin siya rito. “I’m s-so sorry. H-hindi ko siya naprotektahan sa kalupitan ni Ferdinand. I-I’m so sorry, Kuatro. I-I’m so sorry . . .” paulit-ulit niyang paghingi ng tawad dito kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha.Mabilis siya nitong niyakap. Dama niya ang nag-uumapaw na galit na nadarama nito. “Wala kang dapat na ihingi ng tawad sa akin. Dapat siguro sinabi ko na agad sa iyo ang lahat noon tungkol sa panloloko ng mga Palanca sa inyo. Nagpakakampante ako— na hindi naman dapat. I’m sorry, hindi kita naprotektahan sa kaniya— kayo ng anak natin. I’m so sorry, Mayumi . . .” nanginginig ang tinig na wika nito.Hindi na siya nakasagot pa nang maramdaman ang mainit na likidong bumabasa sa kaniyang likuran. She didn’t want to see him crying— suffering. Ngunit papaano nga ba iyon maiiwasan kung ganoong pareho silang nasasaktan sa mga nangyari? She knew Kuatro wanted to ease her burden

  • HOMBRES CALIENTES 4: KUATRO - LIE WITH ME   CHAPTER 45

    Hindi sumagot si Mayumi. Alam niyang nagtataka ang lalaking ilang beses na niyang tinangkang takbuhan pagkatapos niyang umalis dahil sa takot niya. Natakot siya noon sa maaaring gawin dito ni Ferdinand.“Mayumi?” untag nito sa kaniya nang tumigil siya sa pagtawa.Nahahapong umiling-iling siya bago dahan-dahang naupo sa malaking ugat ng punong acacia kung saan sila naroroon. Ginaya siya ni Kuatro. Naupo ito sa tabi niya, pagkuwa’y ginagap ang kaniyang kamay.“Please tell me you’re okay.” Nakikiusap ang mga matang nakatitig ito sa kaniya.“I am not okay, Kuatro. Lalo na ngayon at natagpuan mo na ako. Lahat-lahat ng mga nangyari noon, muli na namang bumalik sa akin. Lahat ng mga nais kong kalimutan, muli ko na namang naalala,” mahinang sambit niya.Huminga ito nang malalim. “I am here to help. I here to listen. Kung anuman ang mg

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status