ログイン“So, how was your first week?” nakangiting tanong ng ina niyang si Bettina nang mabungaran niya ito sa dining table.
Yumakap muna siya rito bago ito hinalikan sa pisngi. Kagigising niya lang at kapag ganoong weekend, umuwi siya sa kanila sa San Mateo kapag naroon ang kaniyang mga magulang. Minsan naman, sa Maynila lang dahil may bahay rin sila roon. Pero mas pinili pa rin niyang bumukod kahit pa anong pilit ng ina niya na huwag. Mas gusto rin naman niyang matutong tumayo sa sarili niyang mga paa. So far, sa loob ng limang taon ay maayos naman siyang namumuhay mag-isa sa condo niya.
“Great! I didn’t know that teaching would be so much fun,” malapad ang ngiting tugon niya bago naupo sa tapat nito. Sumandok kaagad siya ng paborito niyang sinangag na maraming bawang at tapang baka. Hindi niya rin nakalimutang maglagay ng pritong itlog na malasado pa ang dilaw. Ganoong pagkain ang gusto niya, partikular na luto ng kaniyang ina.
“Sabi ko naman sa iyo, anak. Masarap talagang magturo. At least kahit papaano, may iba kang pagkakaabalahan,” komento ng kaniyang ina sabay subo.
Bukod sa pagiging kompositor, pintor at mang-aawit, napilit siya ng ina na kumuha rin ng ilang subjects para makapagturo. Pumasa naman siya sa bar exam nang walang kahirap-hirap. Kaya ayon, ngayon naman ay nagtuturo siya sa Unibersidad ng Pilipinas.
“Kailan uuwi si Tatay?” tanong niya rito sa pagitan ng pagsubo. Kasama ang kaniyang ama sa world tour concert nang isa sa mga sikat na banda ng kompanya nila. Pag-aari ng kaniyang ama ang pinakasikat na entertainment agency sa bansa, ang JEM Entertainment.
“Last leg na raw nila sa U.S. ngayon, kaya bukas narito na siya.”
Tiningnan niya ang ina na abala sa paghiwa ng tapa. “Bakit nga pala hindi kayo sumama? I’m sure he wanted you to be there with him,” pag-uusisa niya.
Matagal ng hindi nagtuturo ang kaniyang ina. Mas pinili nitong maging isang mabuti, maalaga at mapagmahal na maybahay sa kaniyang ama at sa kanilang tatlong magkakapatid. Kaya sa tuwing may lakad ang kaniyang ama, out of town man o out of the country, palagi nitong isinasama ang kaniyang ina. Maliban na lang kung may mga bagay na importanteng gagawin ang ina, kaya napipilitan itong magpaiwan.
Gusto na nga niyang matawa sa mga magulang dahil halos hindi na mapaghiwalay pa ang mga ito. Kung nasaan ang isa, kasunod ang isa. Hindi puwedeng hindi kung ayaw na magkaroon ng tampuhan. Ganoon kamahal ng kaniyang mga magulang ang isa’t isa na pinakahahangaan naman niya.
Napakunot ang noo niya nang wala siyang nakuhang sagot sa ina. Kapag ganoong nananahimik ito alam na agad niyang may mali.
“Nagkatampuhan na naman kayo,” aniya sabay iling. Hindi na kailangan pang alamin kung bakit ganoon ang ikinikilos ng kaniyang ina. Mabilis mahalatang may tampuhan ito at ang kaniyang ama dahil bibihira naman iyong mangyari.
Tiningnan siya ng ina. “Wala kaming tampuhan,” tanggi pa nito.
Natawa siya. “Don’t deny it, Nanay. Alam mong hindi ka nakapaglilihim sa akin.” Sinalubong niya ang mga mata ng ina. “What is it this time? Ano’ng pinagkatampuhan ninyong dalawa?”
Inirapan siya nito. “Baliktad na ba tayo ngayon? Ikaw na ba ang magulang sa ating dalawa at kung makapag-usisa ka parang alam na alam mo ang lahat? Ni hindi ka pa nga nagkakaroon ng girlfriend, eh,” katwiran nito.
Napailing siya. “Mukhang malalim ang pinaghuhugutan niyo, ah, at pati ako nadamay. Ayaw niyo ba niyon? Marami akong oras sa inyo.”
May katotohanan naman ang sinasabi niya. Kapag nagkaroon siya ng kasintahan, mas lamang na hati ang oras niya sa pamilya at dito. Syempre, kailangang paglaanan ng oras at panahon ang pakikipagrelasyon kung gustong magtagal. Siya pa naman ang tipo ng tao na mahilig sa seryosohan.
“Aba, Jose Emilio, baka nakakalimutan mong naging magkasintahan at mag-asawa kami ng tatay mo na hindi nagiging sagabal ang aming mga pamilya. We see to it that we have time for them. Dahil kung wala ang suporta nila, hindi mag-w-work ang relasyon namin ng tatay mo, at hindi namin malalampasan ang mga mabibigat na problemang halos sumira sa pamilya natin.”
“Hindi mag-w-work ang relasyon ninyo ni Tatay, at hindi ninyo malalampasan ang mga mabibigat na problemang halos sumira sa pamilya natin,” pagsabay niya sa sinasabi ng ina. Sauladong-saulado na niya iyon, dahil palagi niya iyong naririnig dito.
Tiningnan siya nito nang masama. “Ako ba ay pinagloloko mong bata ka?”
Mabilis siyang umiling. “No, Nanay. Sino ba ang gustong lokohin ang napakaganda at mapagmahal kong ina? Syempre, wala,” aniya sabay kindat dito. “Ang sa akin lang, saulado ko na ang mga linya ninyong iyan. Mula pagkabata iyan na ang palagi ninyong sinasabi.”
“O, eh, ano naman?” nakataas ang isang kilay na tanong nito.
“Nothing, Nanay. Masyado naman kayong highblood ang aga-aga pa. Nasaan ho pala sina Singco at Amelie?” pag-iiba niya ng usapan. Kung hindi aamin ang ina na may tampuhan ito at ang kaniyang ama, mas maigi pang ibaling niya sa iba ang pinag-uusapan nila. Nang sa ganoon, hindi siya mapag-initan nito.
“Natutulog pa pareho. Mas nauna ka pa nga yatang dumating sa dalawa kagabi. Masyadong nahuhumaling ang bunso ninyong kapatid sa K-pop. Hindi naman payagan ng inyong ama na walang kasamang chaperone kaya pinasamahan ko kay Singco. Tutal, wala naman siyang trabaho sa bangko.”
Isang bank manager si Singco, samantalang graduating na ng college si Amelie; ang bunso nila. At kahit kaya na naman ni Amelie ang sarili, pagdating sa seguridad nito, nanatili itong protektado nilang mag-aama. Kaya, hindi ito umaalis na walang kasamang chaperone, lalo na kung ang pupuntahan nito ay mga concert. Hindi rin naman birong maging anak ng isang JE Mallari III. Kilala pa rin kasi ang kaniyang ama sa entertainment industry, lalo na at maraming sikat na mang-aawit sa kasalukuyan ang dumaan sa pagsasanay nito.
“Ano kayang naging usapan ng dalawa?” komento niya. Ang tinutukoy niya ay ang dalawang kapatid.
Walang kaso kay Singco na samahan si Amelie, pero alam niyang katakot-takot na pakiusapan pa ang naganap. Natitiyak niya ring nilaanan ni Singco ng oras ang bunso nila, kung anong oras dapat umuwi ang mga ito. Ang kapatid niya kasing lalaki ang isa sa kilala niyang istrikto pagdating sa oras. Ayaw nitong nagugulo ang schedule nito, lalo na ang magkaroon ng biglaang mga lakad. Buong araw na mainit ang ulo nito kapag ganoon. Pero, kapag si Amelie na ang humiling, wala na itong magawa pa— kagaya niya.
“Well, matalino si Amelie. Nasa likod niya ang inyong ama,” sagot ng kaniyang ina.
Natawa siya kasabay ng pag-iling. “Mukhang naisahan si Singco. I wonder, makausap kaya natin siya ngayong maghapon?”
“Huwag siyang umimik, pagbubuhulin ko sila ng ama ninyo.”
Natigil siya sa pagsubo at pasimpleng nilingon ang ina. Mabuti na lang at abala ito sa pagkain at hindi siya napapansin. He was thinking hard, what could be the reason why his mother was annoyed? Ano ba’ng ginawa ng kaniyang ama? Nasisiguro naman niya na hindi magkakaganoon ang ina kung walang malalim na dahilan. Ano nga kaya iyon?
Muli siyang sumubo ng tapa. Nginuya niya iyong mabuti habang nag-iisip pa rin. Napaupo siya nang tuwid nang may biglang maalala.
Oo nga pala! Anniversary ng mga ito bukas. Muntik niya na rin iyong makalimutan.
Hindi kaya . . .
Napalingon siyang muli sa ina. Sa pagkakataong iyon, hindi na siya nakapagtago pa dahil huling-huli na siya nito.
“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, Kuatro. Huwag mo akong daan-daanin sa pasulyap-sulyap mo sa akin,” mahinahong wika nito. Mas nakatatakot ang kaniyang ina kapag ganoong kalmado. Baka bigla itong sumabog.
Halos mabali ang leeg niya sa pag-iling. “Wala naman, Nanay. Nagagandahan lang ako sa inyo,” pabirong dahilan niya. Siguradong masasama siya sa inis nito kapag hindi pa siya tumigil sa kaniyang ginagawa, kaya maigi na iyong mag-playing safe siya.
Iningusan siya nito. “Hindi ka naman lalabas na magandang lalaki kung hindi.”
Natawa siya. “Thank you, Nanay. Ako talaga ang paborito mo,” hirit pa niya.
Napailing na lang ito at hindi na siya sinagot. Siya naman ay tahimik na ring kumain. Nang makatapos sila ay agad niyang tinungo ang kaniyang silid at kinuha ang kaniyang cell phone. Tinawagan niya roon ang isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay niya.
“Tatay . . .” aniya nang sagutin nito ang kabilang linya.
“Hello, Kuatro, anak! Sandali lang!” malakas nitong wika. May kaingayan sa kabilang linya kaya alam niyang naroon pa ito sa concert. Dinig niyang unti-unti iyong humina. “Napatawag ka?” tanong ng kaniyang ama. Narinig pa niya ang pagsara ng p***o.
“You know the date tomorrow, right?” he immediately asked. Ayaw na niyang magpaligoy-ligoy pa lalo at alam niyang mahirap kapag nagtatampo ang kaniyang ina.
“Sinugo ka ba ng nanay mo?”
“No.” Sinabayan pa niya iyon ng pag-iling na para bang nakikita siya nito. “Itatanong ko lang kung alam ninyo.”
Narinig niya ang pagbuntonghininga nito sa kabilang linya. “I tried telling her na dito na lang kami mag-celebrate— but she refused. Ang sabi niya gusto niya raw kayong kasama. Nang sabihin kong nakabili na ako ng ticket naming dalawa, ayon, nagalit lalo. Bakit daw hindi ko muna siya kinausap,” paliwanag nito.
“Kaya pala naman ang init ng ulo ni Nanay.”
“Eh, ayaw niyang pumayag, ano’ng magagawa ko? Sayang naman ang nabili kong ticket. Isa pa, nakapangako na ako sa talent natin.”
Namulsang sumilip siya sa labas ng bintana ng kaniyang silid. Tanaw roon ang nakapalibot na palayanan sa kanilang bahay. Naninilaw na ang mga iyon at malapit ng anihin.
Ang bahay nilang iyon ay minana pa ng kaniyang ama sa ina nito, ang Lola Carina niya. Ipinaayos na iyon ng kaniyang ama. Ginawa na iyong dalawang palapag na may limang silid sa itaas at dalawa sa ibaba. Hindi pa naman matatawag na mansyon iyon. Sakto lang ang laki sa pamilya nila. Parang bakasyunan lang. Iyon nga lang, madalas na bakasyunan dahil madalas ay naroon sila.
Ang lahat ng silid doon ay katamtaman lang ang laki. May kama, may sariling TV, banyo, sofa set, cabinet na lagayan ng damit at balcony sa labas. Ang disenyo naman ay naaayon sa personalidad nilang magkakapatid, at ang sa kaniya, gray, white at mahogany brown. Lalaking-lalaki ang dating.
“Ano’ng oras kayo uuwi?” tanong niya pamaya-maya.
“I’ll be there in the afternoon. Hindi ko na nga tatapusin ang concert. Ngayong tinawagan mo ako, naisip kong mas maganda na mauna na akong umuwi. May isang linggo mahigit na rin kasing kibuin-dili ako ng iyong ina. Mukhang malala nga ang tampo niya sa akin, lalo pa at kausap kita ngayon,” makahulugang tugon nito.
Natawa siya. Hindi man niya aminin, pero kung may isang tao mang pinakaproprotektahan niya, iyon ay walang iba kung hindi ang kaniyang ina. Higit sa lahat, ito ang huling taong hindi niya gustong masaktan pati na si Amelie. At, alam iyon ng kaniyang ama. Sa lahat ng pagkakataon, siya ang kakampi ng ina.
“Alright. Let’s surprise her. I will also talk to Singco and Amelie,” aniya.
“Thanks, son. You are heaven sent.”
“No worries, Tatay. Basta dumating kayo sa tamang oras,” aniya.
“Professor Mallari, can I have a second?” anang kasamahan niyang lalaking propesor din pagpasok niya ng faculty room.“Yes?” Lumapit siya rito na may ngiti sa mga labi.“Do you play basketball?” tanong nito. “And by the way, I’m Professor Pangan,” pakilala nito sabay lahad ng kamay sa harapan niya.Madali niya iyong tininanggap. “Nice meeting you.”“So? You play?”Tumango si Kuatro. “Yes. Why?”“Okay!” masayang wika nito na ikinakunot ng noo niya. Nakita naman iyon ng kaharap. “Oh, sorry. The professors were asked to play basketball against UP Fighting Maroons. Buwan-buwan iyong ginagawa rito kada departamento, at ang department natin ang lalaban sa kanila ngayon,” paliwanag nito.“Ah . . .”&l
Tulalang nakatingin sa unahan si Mayumi, habang patuloy na nagtatalakay ang kanilang professor tungkol sa kung ano pa ang mga kayang gawin ng makabagong teknolohiya sa larangan ng telebisyon at pelikula. Totoo na mas napadadali nito ang lahat at mas nagiging kaakit-akit ang isang palabas, lalo na kapag may mga tagpuan at karakter na binabago. Iyong mga historical drama, fantasy, scifi at kung ano-ano pa na kinakailangang gamitan ng animation.Alam na iyon lahat ni Mayumi dahil madalas siyang nanonood kapag nag-e-edit na ng mga video ang editor ng kanilang kompanya. Computer animation has a vital role in television and film industry. Pero kailangan din ng pag-iingat kasi minsan, hindi na nga makatotohanan ang palabas; dahil sa tinatawag na poor video editing, lumalabas din ang poor quality ng isang eksena sa pelikula man, drama o kahit sa mga patalastas.Malayo ang nilalakbay ng isipan ni Mayumi. Naroon pa rin sa naging engkwentro nila ng pro
Tahimik na nagbabasa ng kaniyang libro si Mayumi nang may tumabi sa bench na kaniyang kinauupuan. Nasa unibersidad siya noon dahil may pasok.Hindi niya ito pinansin. She was engrossed in what she was reading. Saka, para sa lahat naman ang mga bench na roon sa ilalim ng mga punong acacia kaya wala siyang pakialam kung may katabi siya.Mabilis na dumalaan ang ilang minuto na ang tanging atensyon niya ay sa libro pa rin nakatutok. Kahit alam niyang tambayan din ng ibang estudyante o guro ang mga bench na naroon, pakiramdam niya, nag-iisa pa rin siya. Distractions were the least she could think of at that place. Bukod sa malamig ang simog ng hangin, she felt at peace there.When she was about to turn the page of the book she was reading, she was stunned when a big hand extended in front of her. May hawak itong isang resealable plasctic na may sandwiches sa loob. Doon niya nilingon ang katabi sa nangungunot na noo. Subalit, kagyat din iyong nawala nang makilala kung sino ang naroon.Umayo
“Kuatro . . .” tawag sa kaniya ng Ninang Trina niya.“Yes po, Ninang.” Nakangiting lumapit siya rito saka humalik sa pisngi nito.“Itatanong ko lang kung kumusta na ang pagtuturo ng paborito kong inanak,” wika nito, pabulong lang.Natawa siya. “What is it, Ninang?” Kilalang-kilala na niya ito. Kapag ganoong may halong pambobola ang sinasabi nito, ibig sabihin, may hihingin itong pabor sa kaniya.Napakamot sa ulo ang ninang niya. “Si Charlie kasi . . . ’Di ba alam mo naman na paborito niya ang Insane5? Magpapahingi sana ako sa iyo ng autograph nila,” anito sabay gala ng mga mata sa paligi.Ang tinutukoy nitong Charlie ay ang pangalawa nitong anak na babae. Ang Insane5 naman ay isa sa mga banda at artists ng JEM Entertainment. Namamayagpag ang karera ng mga ito ngayon hindi lamang sa Pilipinas, maging sa iba’t ibang panig mundo. Ang mga ito rin ang sinamahang concert ng kaniyang ama. At isa siya sa mga composer ng ilan sa mga sikat na kanta ng mga ito.“Iyon lang ba, Ninang? Akala ko na
“Lumuwas pa talaga tayo? Makakauwi naman ang tatay ninyo nang hindi natin sinusundo. I’m sure the company car will be waiting for him,” wika ng kaniyang ina habang inaayos ang sarili.Pagkatapos niyang kausapin sina Singco at Amelie; na madali namang pumayag sa plano niya, ang kanila namang inang si Bettina ang kinausap nila. Sinabi nila rito na sila na lang mismo ang susundo sa kanilang ama, tutal, pare-pareho namang wala silang mga pasok. Hindi na nakatanggi ang kanilang ina dahil tatlo sila.“Ngayon niyo sabihin sa aking hindi ka nagtatampo kay Tatay,” nakangising sabi ni Kuatro. Nasa kuwarto siya ng mga magulang at hinihintay na matapos ang inang mag-ayos ng sarili. Tinulungan pa niya itong magtuyo ng buhok nito para mapadali ang lahat, dahil kanina pa nakalapag ang eroplanong sinasakyan ng kaniyang ama.Dinner with the family ang napagkasunduan nilang tatlo. Siya na ang nag-arrange kung saan iyon gaganapin. Si Amelie naman ang inatasan niyang imbitahan ang kanilang Lola Pedring a
“So, how was your first week?” nakangiting tanong ng ina niyang si Bettina nang mabungaran niya ito sa dining table.Yumakap muna siya rito bago ito hinalikan sa pisngi. Kagigising niya lang at kapag ganoong weekend, umuwi siya sa kanila sa San Mateo kapag naroon ang kaniyang mga magulang. Minsan naman, sa Maynila lang dahil may bahay rin sila roon. Pero mas pinili pa rin niyang bumukod kahit pa anong pilit ng ina niya na huwag. Mas gusto rin naman niyang matutong tumayo sa sarili niyang mga paa. So far, sa loob ng limang taon ay maayos naman siyang namumuhay mag-isa sa condo niya.“Great! I didn’t know that teaching would be so much fun,” malapad ang ngiting tugon niya bago naupo sa tapat nito. Sumandok kaagad siya ng paborito niyang sinangag na maraming bawang at tapang baka. Hindi niya rin nakalimutang maglagay ng pritong itlog na malasado pa ang dilaw. Ganoong pagkain ang gusto niya, partikular na luto ng kaniyang ina.“Sabi ko naman sa iyo, anak. Masarap talagang magturo. At leas







