LOGIN“A-Anyah . . . ? W-what— I mean . . . why? What is this?” anitong hindi malaman kung ano ang sasabihin.
Mas lalong lumapad ang pagkakangiti niya. “I am asking you, my darling. Will you marry me?”
Muli itong natigilan. Walang kakurap-kurap itong tumitig sa kaniya, pagkuwa’y sa singsing na hawak niya na isang red diamond ring. Ni hindi niya rin ito nakitaan ng senyales na humihi
“A-Anyah . . . ? W-what— I mean . . . why? What is this?” anitong hindi malaman kung ano ang sasabihin.Mas lalong lumapad ang pagkakangiti niya. “I am asking you, my darling. Will you marry me?”Muli itong natigilan. Walang kakurap-kurap itong tumitig sa kaniya, pagkuwa’y sa singsing na hawak niya na isang red diamond ring. Ni hindi niya rin ito nakitaan ng senyales na humihinga. Anyah felt nervous. It was creeping inside her— to her very core.Paano kung tumanggi si Jacob? Paano kung bigla na lang itong umalis at iwanan siya? Paano kung sabihin nitong mas mahal nito ang mga pangarap nito kaysa sa kaniya? Ano’ng gagawin niya?Bago pa siya umuwi, iyon na talaga ang plano niya sa birthday nito— ang alukin ito ng kasal. Ang kaso, napag
Kanina pa nakaabang si Anyah sa isa sa mga restaurant ni Zhione pero hindi pa rin dumarating ang mga hinihintay niya. Ang usapan nila, alas-siete ng gabi. But it was already eight in the evening, and no one still hadn’t shown up.Na-t-tense na kinagat-kagat niya ang dulo ng kaniyang hintuturo. Iyon ang madalas na pampakalma niya kapag ganoong kinakabahan. Hindi niya alam kung tama ba talaga ang gagawin niya, pero iyon lang ang paraang naiisip niya para makabawi kay Jacob.Panay ang buntonghininga niya nang biglang tumunog ang cell phone niiya. Napaigtad pa siya sabay hawak sa kumakabog na dibdib. May pagmamadaling kinuha niya ang telepono sa bag at sinagot iyon. “Yes?” bunga niya nang hindi man lang tiningnan ang caller.“Anyah, sweetie, kailan ka uuwi?” N
Muling ibinaling ni Anyah ang pansin sa pinanonood na video. Pinagmasdan niyang maigi ang lugar nang maalalang kay Jacob na condo iyon.“Huwag kang bossy diyan, Saavedra. Baka nakakalimutan mong ikaw ang may kasalanan kung bakit nagalit si Anyah sa baby natin,” paangol na wika ni Kristoff. Ang tinawag nitong Saavedra ay walang iba kundi si Sandro.Subalit, hindi lang naman ang mga ito ang nakikita niya sa video. Halos lahat ng inabutan niya sa birthday party ni Jacob nang nakaraang gabi ay kasama rin ng mga ito. “Live na. Nakita kong nanonood na si Cade. Ready na kayo, mga ga**!” wika naman ng isa pa, si Skyler.“Maka-ga** ka naman wagas. Live ito kaya umayos kayo kung ayaw ninyong ma-ban tayo at hindi na mapanood pa ni Anyah ang video na ito,” sabi naman ni Lucas.
Hindi alam ni Anyah kung saan siya pupunta. Mabuti na lang at hindi niya binitawan ang kaniyang bag. Ni ang mga gamit kasi niya sa lobby ay hindi na niya nakuha pang bitbitin. Basta na lang siyang tumakbo palabas at kinawayan ang parating na taxi, pagkuwa’y madaling sumakay roon.Patuloy lang siya sa pag-iyak. Mas matindi pa kasi ang nararamdaman niyang sakit kaysa noong malaman niyang may cancer siya o noong operahan siya. Exaggerated man pero para na rin siyang pinatay sa nakita.Siguro, dahil na rin sa matinding selos, idagdag pang miss na miss na niya si Jacob. Isa pa, ganoon naman talaga kapag nasasaktan lalo na at mahal na mahal mo ang isang tao. Para kang sinasakal sa sobrang sakit.“Ahm, miss. Excuse lang po, saan po ba tayo?” magalang na tanong ng taxi driver.Suminghot-singhot muna si Anyah bago su
Ang sabi ng doktor ni Anyah, dalawang linggo ang kaniyang hihintayin bago lumabas ang resulta ng pathology test. At sa araw ngang iyon, babasahin na ng kaniyang doktor ang report.“Are you ready, Miss Montenegro? I already have the results,” nakangiting wika nito nang magkaharap na sila.Huminga siya nang malalim. “Yes, doctor.”“Okay. But before that— is there anything you’ve felt these past few weeks? Any pain or discomfort?”“No, doctor. I’m pretty much fine now. I followed everything you advised, seriously. I just wanted to heal fast.”“Good! Good! I wish all my patients were as obedient as you— less headaches for me!” biro nito sabay tawa.Natawa rin siya. &ldqu
Kinakabahan si Anyah habang hinihintay na tawagin ang kaniyang pangalan. Nasa ospital siya dahil mula kahapon ay alis-dating ang pagsakit ng ibabang bahagi ng kaniyang tiyan— sa mismong pelvic area. Hindi niya sana iyon iindahin dahil nawawala rin naman ang kirot, pero para hindi na siya mag-overthink, nagpasya na siyang magpakonsulta.Wala siyang pasok sa araw na iyon. Halos isang taong mahigit na rin siya sa Seattle kaya kaunting panahon na lang ay matatapos na siya sa kaniyang masteral. Makauuwi na rin siya ng Pilipinas.“Miss Anyah Montenegro?” tawag ng medical assistant sa kaniyang pangalan.Napaupo siya nang tuwid at napatingin sa pintong nilabasan nito. Nang makita niyang naghihintay ang medical asssistant, marahan siyang tumayo at kiming ngumiti rito.“That’s me . . .” mahinang wika







