LOGINOne night. One mistake. One secret that could ruin an entire family. Christina ‘Yna’ Chavez only wanted to celebrate finishing her exams Instead, she woke up in a stranger's bed, carrying a memory she desperately wished she could erase. She never planned to see him again. But fate has a cruel sense of humor. But the man she ran away from is Liam Del Fierro, a billionaire whose name has become dangerously entangled with her powerful family and who is rumored to be her mother's secret lover. As buried truths begin to unravel, Yna finds herself hiding a secret that could ruin reputations, shatter relationships, and change countless lives forever. What would happen once Yna finds out that Liam was searching for her after their drunken night together? And what if Liam finds out that something was made ‘that night’?
View More“Yna, please? Just for tonight. Minsan lang naman, e!”
Gusto ko nang takpan ang aking mga tenga dahil kanina pa ako naririndi sa boses ni Nicole.
She’s been bothering me to come and join their night out tonight. At hindi ako mahilig sa ganoon. Saturday bukas at may last exam pa akong kailangang i-take. Ayokong mag-fail dahil bukod sa mahal ang tuition, ayokong mag-repeat ng classes at maging irregular.
“Anong meron dito?”
Sabay kaming napalingon sa p***o at bumungad sa ‘kin si Mommy.
There’s this gloomy look on her face that instantly vanished the moment her eyes landed on me. Matamis itong ngumiti sa ‘min at pumasok sa kwarto.
“Tita!” Agad na lumapit si Nicole at kinawit ang kanyang braso sa braso ni Mommy. “Itong anak niyo po, sobrang killjoy. Ayaw niyang sumama sa ‘kin.”
“Bakit? Saan ba kayo pupunta?” Kumunot ang noo ni mommy.
“Sa bar, Mom.” Nagkibit balikat ako. “Hindi ko bet ang mga ganoon. Masyadong maingay.”
“Oh, come on!” angal muli ni Nicole. “Ngayon lang naman, e. It’s just to celebrate we made it past our exam days! Tita, please? Ngayon lang naman. Hindi naman siguro magagalit si Tito, ‘di ba po?”
At talagang nag-puppy eyes pa ito!
Matalik kong kaibigan si Nicole, ngunit masyadong salungat ang ugali namin sa isa’t isa. Mahilig siya sa night out, habang ako naman ay mahilig mag-study. Well, pursuing political science needs focus.
I can have fun if I wanted to right after I graduate. I still have a long way to go. Besides, I’m scared. Baka kapag may makakita sa akin sa labas at makilala ako, baka masira ang image ni Daddy.
“Why not?”
Wala sa sarili akong napatingin kay mommy. “Po?”
“I mean, why not?” Ngumiti siya sa ‘kin. Lumapit siya at tiniklop ang libro na nakalatag sa ‘king desk. “Masyado ka nang babad sa pag-aaral. Give tonight a rest and go have fun with your friends.”
Umawang ang aking labi. “But, Mom, paano si Daddy? I’m sure hindi siya papayag—”
“Your father is doing well as the city mayor. Wala kang dapat ikabahala. Paniguradong gusto rin ng ama mo na makapag-relax ka.” Mas tumamis ang ngiti niya. “Go and take a shower. Ako na ang bahalang mamili ng damit mo.”
“Pero may exam ako bukas.”
“Just this once, Yna!” singit naman ni Nicole. “I promise. Kapag hindi mo na gusto ang atmosphere or na wala ka sa mood, I promise to take you home.”
Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi. “Are you sure?”
Sunod-sunod siyang tumango. Bakas ang labis na kagalakan sa kanyang mga mata at bahagya pang tumatalon-talon. Ganito siya kapag excited. “Yes!”
Wala akong ibang nagawa kundi ang humugot ng malalim na hininga. “Fine! Just this once.”
“That’s great!” sambit ng kanyang mommy. “I’ll go find something that would definitely look good on you.”
“Samahan po kita, Tita!”
–
The loud music is ringing my ears, samahan pa ng usok ng sigarilyo at amoy ng alak mula sa mga taong aliw na aliw sa dancefloor. Ang nagpapatay-sinding ilaw ang siyang nagpapalala sa hilo na aking nararamdaman.
I’ve been to clubs and bars. Before, nung high school pa lang ako. Ngunit ngayong graduating na ako sa kolehiyo, halos hindi na ako nagpupunta sa mga ganitong lugar, lalo na nang ma-elect ang ama ko bilang mayor ng Cebu.
Mahina akong napailing at nagsalin ng alak sa ‘king baso.
“Bakit tayo nandito? Hindi niyo usual place ‘to, ‘di ba?” kaswal kong tanong.
Sa pagkakaalam ko kasi, Devil’s Place ang paborito nilang bar. And I was expecting na roon nila ako dadalhin. Devil’s Place is known to be a club only for elite people. Nakasuot pa naman ako ng dress na masyadong hapit at elegante para lang makibagay sa mga tao roon. Turns out, hindi pala ‘yun ang destinasyon.
“E kasi may narinig kaming chismis,” sagot ni Nicole.
“Anong chismis?”
“Nandito raw ngayong gabi si Del Fierro,” sagot naman ni Atara na ngayon ay naninigarilyo. “Kaya nandito kami.”
Kulang na lang ay magdugtong ang aking mga kilay sa narinig. “What are you talking about? Sinong Del Fierro?”
“Hindi mo kilala?” Tinignan ako ni Nicole na para bang tinubuan ako ng dalawang ulo. “Yung sikat na uprising billionaire! Parte siya ng Alta Soedad, isang grupo ng mga bilyonaryo. Though It’s impossible na makasalamuha natin siya tonight, at least masilip man lang natin ang kagwapuhan niya.”
Mahina akong napailing at tinunga ang laman ng aking baso. I was about to pour myself another shot when Nicole snatched the bottle from me. Kunot-noo akong nag-angat ng tingin sa kanya. “What?”
“Naubos mo na ang isang bote. Kalahati na lang ang laman nito. Akala ko ba may exam ka bukas?”
Saka ko palamang napapansin na masyado na palang naparami ang inom ko na hindi ko namamalayan. Paano ba naman kasi stressed na ako sa exams, at saka kanina pa sila nag-uusap, wala naman akong maintindihan.
They’re talking about hot men and guys they wanted to hook up. Hindi ko nga alam kung paano ako napabilang sa circle na ‘to. They've been my friends since. Or is it just that a long of things happened while I was away.
“Exam ko nga,” mahina kong usal. “Kung hindi mo na ako paiinumin, then take me home.”
“Eh? Pero hindi ko pa nakikita si Liam Del Fierro!”
“Wala akong pakialam, Nicole. Ihatid mo ako pauwi.” Tumayo ako. “Babanyo muna ako saglit. Make sure you’re ready to leave.”
Ngumiti siya sa ‘kin ngunit sinamaan ko siya ng tingin.
Ngunit bago ako tuluyang makaalis, narinig ko pa ang sinabi ni Atara.
“Look! Si Liam!”
“Grabe, Atara. Ang gwapo niya kahit sa malayo!”
Mahina na lang akong napailing. Weird girls.
Tinahak ko ang daan patungong powder room. Siguro dahil na rin sa biglaan kong pagtayo kanina, medyo nahihilo ako. O baka dahil sa dami na rin ng nainom ko kaya para akong dinuduyan ngayon habang naglalakad.
Sa kabutihang palad naman, sa kabila ng hilo, narating ko ang powder room. I immediately did my thing and washed my hands in the sink. Matapos ay nag-angat ako ng tingin sa ‘kin sarili sa salamin.
“Damn, I look like a mess,” mahinang bulong ko sa ‘king sarili.
I’m wearing a pink body-con dress na revealing ang likod. I can’t even remember I owned this kind of clothes. Kung hindi hinalungkat ni mommy ang closet ko, hindi ko malalaman.
Tinapos ko na ang paghuhugas ng aking kamay at lumabas na ng powder room. I have to go and sleep tonight. Afternoon pa naman ang exam ko kaya kahit magising ako ng alas newbe ng umaga, ayos lang.
But the dizziness I felt as soon as I stepped out of the powder room again is much stronger this time. Parang nag-three hundred sixty degree talaga ang buong paligid at hindi ko sinasadyang mawalan nang balanse.
Mariin kong pinikit ang aking mga mata at hinanda ang aking sarili sa pagbagsak. But before it could happen, a warm, big hand caught me.
“Careful.”
Dinilat ko ang aking mga mata at sa kabila ng umiikot kong tingin, nakita ko ang gwapo niyang mukha.
He’s too handsome to be true. I must be dreaming.
Inalalayan niya akong makatayo nang maayos, habang ang aking mga mata ay nakatuon sa kanya. Hindi naman siguro ito panaginip, ‘di ba?
I don't know what happened. The next thing I knew, I found myself kissing him. Kissing like we're hungry for each other. Na para bang malulunasan ng halik na ‘yon ang uhaw na nararamdaman naming pareho.
“Yna…” kapos hininga nitong wika. “Would you…would you like to spend the night with me?”
Nanliit ang aking mga mata. He’s handsome. Ridiculously handsome.
Kasalungat ng sagot na nasa isip ko ang lumabas sa bibig ko.
“Sure.”
LIAM DEL FIERRO’s“If this is nonsense, I swear I’m going to kill you.”Binuksan ko ang isang bote ng alak at nagsalin sa baso.Sobrang ingay sa baba, ngunit sobrang tahimik naman dito sa loob. Malaki ang kwarto dahil nilagyan ni Satanas ng billiard ang silid. There is also a table for card players, and a lounge area. Dito lahat tumatambay kapag walang ginagawa.And I have a lot of business shit to do. If only that son a bitch didn’t lure me here.“Bakit ba sobrang init ng ulo mo sa ‘kin? I’m giving you a verified information. Impormasyon na inabot ka ng ilang taon pero hindi mo pa rin nahahanap. And now that I have it, susungitan mo ako? You should be a paying me a generous amount!” pagmamalaki nito at agad na humugot ng malalim na hininga.Hindi na lang ako umimik at kalmado lamang na umiinom. Ayokong ulitin pa ang tanong ko dahil alam kong mas lalo niya akong hindi sasagutin.Nang maubos ang laman ng alak sa ‘king baso ay muli akong nagsalin. Ramdam ko ang pagsunod ng kanyang tingi
CHRISTINA CHAVEZ’s “Miss Christina Chavez?”Medyo nakaramdam ako ng hilo. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang braso para hindi ako tuluyang mahulog sa lapag at maging steady ang balanse ko. Unti-unti akong nakakaramdam ng pagkasuka ngunit pinili kong i-ignore ‘yon.Mariin kong pinikit ang aking mga mata at dinilat ito para tignan ang taong hawak-hawak ako. But to my horror, it was the very image of the man I’ve buried at the back of my mind years ago.Parehong gulat ang mga ekspresyon namin habang nakatitig sa isa’t isa. At bago pa mang mag-function ang utak ko, kusa nang gumalaw ang aking mga kamay at agad siyang tinulak palayo. Dahil doon, muntikan na naman akong mawalan ng balanse. Tila napansin niya ‘yon dahil agad niyang hinawakan ang aking braso.“Are you okay? Are you drunk?” he asked.Amoy ko ang magkahalong sandalwood na pabango, mouthwash, at usok ng sigarilyo mula sa kanya. Tinakpan ko ang aking ilong at tinabig ang kanyang braso. “Don’t touch me.”Sumandal ako sa pina
CHRISTINA CHAVEZ’s “Hindi mo ako ginu-good time?”Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya nang natanong sa ‘kin. Kanina pa lang habang nag-aayos kami. Sinabi ko sa kanya kung saan ako galing, ngunit hindi ko pa kayang banggitin ang tungkol sa anak ko.Not because I’m ashamed of him, but because I’m ashamed of myself.Anong sasabihin ko? Na iniwan ko ang bata at nagpaka-selfish sa ibang bansa? Gusto ko munang bumawi sa anak ko. Kahit sa ganoong paraan lang, mapunan ko ang mga taong wala ako sa tabi niya. It might sound like a selfish reason, but that’s what I am planning to do.Kay Drei muna ako babawi, saka ko na iisipin ang kung paano ko siya ipapapangalandakan sa iba.“You’ve been asking the same question for the last minutes. Ganoon ba talaga kahindi kapani-paniwala?” Hindi ko na mapigilan ang inis na aking nararamdaman.“E kasi naman ih!” Pinadyak nito ang paa at lumabi. “Sino ba naman kasi ang makakapaniwala kapag narinig nila na isa ka na palang lawyer sa ibang bansa? I feel
CHRISTINA CHAVEZ’s Masama ang aking tingin habang nakatitig sa babaeng tulog na tulog ngayon sa kama.Sino nga ulit ang jetlag sa aming dalawa? Bakit parang siya pa ang mas pagod? Pagdating na pagdating namin sa loob ng suite, diretso lang siyang dumapa sa kama at ngayon ay humihilik na.Hindi ko maiwasang pasadahan ng tingin ang kanyang mukha. It’s been years magmula nang huli kong makita ang mukha niya. Kasabay ng pagkawala ng connection ko sa ‘king mga magulang ay siyang pagkawala rin ng connection ko sa kanya. Hindi ko na rin siya magawang i-contact dahil sa labis na kahihiyan.But look at her. Ramdam na ramdam ko ang kanyang kasabikan kanina habang yakap-yakap ako. Wala pa nga ata siyang planong bitiwan ako kung hindi ko sinabi sa kanyang maliligo muna ako. At ngayong pagbalik ko mula sa loob ng banyo, tulog na tulog na siya.“Damn this woman,” mahinang wika ko at napailing.I reached for my phone just above the drawer and immediately dialed my aunt’s number. Lumabas ako sa balc
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews