Share

HOME VISIT
HOME VISIT
Author: Ceres

Chapter One

I'm quite used to these gazes as I pass them. Their stares felt like they want to eat me whole. Just going to ignore those shits because I'm late again for my first class.

I remember how terror our teacher is. They must not make that terror pedagogue boil his blood.

"Hoy, Andres!"

I clenched my fist. Hindi na ako nakailag nang pinatong niya ang kama siya aking balikat. What's with this idiot? He always shouts my name.

Hinawakan pa niya talaga ang mukha ko!

"What's wrong with you, dude? Lumayo ka nga!"

Inalis ko ang kamay niya na nakapatong balikat ko. Nakakadiri.. "Don't you dare touch me."

"You're being over dramatic again. I'm clean, don't you worry. Ang tapang mo naman masyado!"

Rolling my eyeballs to him made him laugh even more, "Tigilan niyo ako ng mga alipores mo. Late na ako. I gotta go!"

"Wait," he stopped me from running by grabbing my arm and I can't help myself but reclaimed my body part. "I heard si Mr. Perez ang…?"

"I don't think so, as if I'm going to memorize all their names."

"Be good from now on, Andres. That man is a terror. Pinatakbo lang naman niya ang estudyante niya sa hallway back and forth for two hours just beacuse he can't answer a damn question."

I shrugged my shoulders off, "well, that's the student's fault. If it were me, I'm one hundred and one percent sure I can answer his question even I just woke up."

"Wow," he laughed. "Wake up, nananaginip ka pa rin."

"Gotta go," bulong ko nang matapat na kami sa pinto ng room namin. He nodded.

I knocked on the door. I saw that man again. Heartless and cold.

"Late again," he mumbled.

Oh, I can't describe his voice. Seems like a morning voice. Is this his first talk of the day?

"I'm sorry, Sir. I… I was… ahm,"

"Don't bother. Get in."

"O…kay,"

Hindi ko alam kung anong meron sa boses niya at sumunod agad ako sa kaniya.. He's reading a book while his other hand is on that white board scribbling some notes.

"I need you all to listen to this discussion. A long quiz is waiting."

Hindi na bago sa amin iyon. Lagi naman siyang nagbibigay nang mahabang test. Kadalasan kahit hindi pa namin napag-aaralan ay kailangan mag-test muna kami.

"Uy,"

Humawak sa balikat ko si Gracie saka siya bumulong-bulong sa tainga ko na parang akala mo kaming dalawa lang talaga ang nakakarinig.

"...lagot ka kay sir. Tsk! Bukod sa marami kang activities na na-miss, marami siyang pinasagutan sa amin na quiz. One hundred fifty items. Sayang yun."

Umirap lang ako saka ko siya nilingon. "Wala akong pakialam."

Guwapo sana si Sir kung hindi lang masama ang ugali. Mahilig magpa-iyak ng mga estudyante.

Yumuko na lang ako para maiwasan ang tingin na iyon na para bang mangangain nang buhay. Gusto ko nang umuwi agad. Pag-uwi ko, hindi na muna ako papasok ng one week.

"Andres,"

Narinig kong bumulong sa akin si Gracie kaya nilingon ko siya. May sinesenyas siya.

"Ha?"

"Tawag ka ni Sir."

Nang sabihin niya iyon ay siya namang tingin ko kay Sir na nakahalukipkip na sa harapan ng klase.

"Enough for your daydreams, Andres. Answer my question." Tumikhim siya sabay naman ng pagtayo ko mula sa upuan ko. "What do you call the process by which plants and or other things are making food?"

Bigla akong napangisi. Iyan lang pala ang itatanong niya sa akin, bakit ang dali? Kahit nakapikit kaya kong sagutin. Ah-kaya ko naman talaga.

"That's not our topic." Angil ko.

"Paano mo naman nasabi, Miss Domingo?"

Tinuro ko yung board sa likuran niya. "Charles law. Anong konek ng photosynthesis sa Charles law?"

Pansin ko na agad ang pagbaba at pag-angat ng Adam's apple niya. Umupo na ako dahil hindi ko na kailangang magsalita pa.

"Galing," nakangiti si Gracie habang pumapalakpak sa akin. "Kanina ka pa kasi hindi nakikinig kay Sir kaya tinawag ka." Pagbulong niya.

"Hm."

Kung sakali, ayokong magkaroon ng kaibigan. Panibagong pagkukuwento na naman sa talambuhay ko. Nakakapagod masyado.

"Okay, bukas kailangan kong makita sa mga lecture notebook ninyo ang lahat ng sagot sa sampung problem na ito. Hindi niyo rito gagawin ang assignment na ito, maliwanag ba?"

"YESSS SIRRRR!"

As usual, yes sir ang sagot nila kahit pa nagagahol na ang oras nila sa umaga dahil baka makita sila ni Sir na nagkokopyahan. Estudyante nga naman.

Tumayo na ako. Sinukbit ko sa balikat ko ang bag ko dahil kailangan ko nang pakinggan ang SOSA ni Sir. SOSA stands for State Of the Student Address. Mahilig siya sa ganiyan.

Pagkatapos ng klase niya, matik nang kailangan ko siyang puntahan sa faculty. Para ipaliwanag na naman ang dahilan kung bakit huli na naman ako sa klase niya.

Lagi ngang may hawak na yellow pad iyan kapag kinakausap ako. Nakalista na kasi sa kaniya ang mga quizes at performances na wala ako. Nakakatawa. As if I should care?

"Sir, kapapasok lang ni Andres?"

Si Ma'am Fatima iyon. May gusto siya kay Sir Perez but sad to say, may ibang gusto raw si Sir kaya matik nang wasted siya. Busted muna.

"Yeah. Two weeks siyang wala at mukhang bagong gising lang." Sagot niya kay Ma'am Fatima.

Si Ma'am Fatima naman ang lecturer namin sa subject na Filipino. Siya ang lecturer na mahilig magtanong sa amin nang, tama ba ang ginagawa ko? Baka kasi nalilito na kayo. Pero ang totoo, siya ang nalilito. Makakalimutin siya. Minsan na niyang nakalimutang magsuot ng underwear. Nakita ko iyon nang mahulog ang black pen ko at huminto siya sa gilid ko at yun, sakto pag-angat ko, gubat.

"Magaling iyan. Mabilis naman siyang sumagot." Yung ngiti ni Ma'am sa tuwing kinakausap si Sir ay aakalain mong hinihila ng lubid ang magkabilang gilid ng labi.

"Ay gano'n, Ma'am? Sa akin din, mabilis sumagot. Palasagot nga, e."

Siguro sarkastiko iyon.

"Andres Domingo, siguro kung bulag ako aakalain kong lalaki ka."

Si Sir Thomas naman ang nagsalita na kakapasok lang sa loob ng faculty. Ang major niya ay Social Studies, sa tagalog ay Araling Panlipunan.

Ang tsismis naman sa kaniya, isa siyang pedo. Mahilig sa mga bata, lalo na sa mga estudyanteng babae na may magagandang mukha at balat. Pero kapag nakakasalamuha ko siya, hindi ko iyon makita. Para kasi siyang bakla. Minsan napansin kong napalunok siya nung hawakan siya ni Sir Perez sa balikat.

"Sabi ko naman sa'yong puntahan mo ako kapag wala ka nang baon kinabukasan. I can give you money." Dagdag pa ni Sir Thomas. Nasabi niya nga iyon.

"Huwag na Sir."

Sumingit na si Sir Perez. At tulad nga ng inaasahan ko, may hawak na siyang yellow pad kasama ng class record niya. Binuklat niya iyon at pinakita sa akin.

"Simula nang pumasok ang July, wala akong naisulat na score mo rito. Wala kang grades. Performances, quizzes even activities ay wala ka. Anong gusto mong gawin ko, mag-magic?"

"Eh, Sir-"

"Iyan ang problema sa iyo. Maraming beses ko nang sinabi na tigilan mo ang pag-aabsent dahil malaki ang mawawala sa iyo sa bawat araw na wala ka pero lagpas isang linggo ang absences mo. Alam kong wala kang pera para pambaon at pamasahe mo pero hindi iyon dahilan. Hindi dahilan ang kahirapan para hindi ka pumasok sa-"

"Lagi niyong sinasabi iyan. Simula nung mag-highschool ako, iyan na ang sinasabi niyo. Hindi hadlang ang kahirapan-eh, anong magagawa niyo kung wala akong pamasahe? Gusto niyong lakarin ko ito mula sa bahay ko? Sorry Sir, pero mali kasi yung pananaw niyong iyon. Kahirapan ho ang pumapatay sa mga estudyanteng gustong mag-aral. May pamasahe nga ako, ano naman ang ibabayad ko sa limpak-limpak ninyong bayarin? Estudyante kami Sir, hindi kami bangko."

"Alam kong ganiyan ka talaga magsalita, Andres pero hindi tama na kontrahin mo ang sinasabi ko sa'yo bilang teacher mo."

"Eh, ano? Hayaan ko lang na sabihin niyo yung mali?"

Nahilamos ni Sir ang palad niya sa sariling mukha. Napansin kong nakatitig sa akin si Sir Anton mula sa pinakadulong cubicle. Bukod sa teacher siya, siya rin ang Guidance Counsilor namin.

"So, anong gusto mong gawin ko, Andres Domingo? Hindi puwedeng walang laman ang pangalan mo rito." Pukaw ni Sir. "Ganito na lang, pumasok ka bukas. Magbibigay ako ng group activity sa inyo. Igugrupo kita sa mga kaklase mong madalang rin pumasok. Dodoblehin ko ang grades niyo dahil dodoblehin ko rin ang activity niyo. Ayos ba iyon?"

Napatango ako. "Sige, Sir."

Pagkatapos nang usapang iyon ay pinayagan na niya akong makapasok sa room. Dating gawi, nakaupo lang ako sa bawat klase at nakatunganga. Sasagot lang ako kapag may nagtanong na sa akin tulad ng, nakikinig ka ba?

Pinagpag ko ang lukot kong uniporme bago pumasok sa cr ng mga babae. Ang sabi nila, may multo raw na nagpapakita rito kaya kapag papasok ako dito, lagi akong nakapikit. Babasain ko lang naman ang buhok ko.

Uwian na.

Crowded na naman. Maaamoy ko na ang sari-saring pabango nila na Victoria's Secret pa ang brand. Mura lang naman iyon. Pero ayoko ng amoy kaya hindi ako bumibili. Ang pabango lang na meron ako sa bag ko ay Juicy. Yeah, Juicy. Makatas.

"May kasabay ka, Andres?"

Sumabay sa paglalakad ko si Gracie. Kasama niya yung nobyo niyang busy sa pagsusuot ng hikaw niya. Bawal iyon sa loob ng campus. At puwede dito sa labas.

"Laging wala, Gracie."

Gusto kong maging nice kahit kaunti. Ayokong isipin niyang pala-absent na nga ako, palasungit pa ako.

"Sabay ka na sa amin. Pasakay na kami ng jeep."

"Maglalakad na lang ako."

"Ako nang bahala sa pamasahe mo."

Napatingin ako sa relos ko, 4:48 pm. Medyo malapit na akong mahuli at kailangan ko na silang iwanan.

"Hindi na, Gracie. Bawat piso ay mahalaga."

"Sige, mauna na kami."

Salamat naman.

Nang tuluyan na silang makasakay sa jeep ay dali-dali akong naglakad-takbo sa parking area. Sa likod yun ng school pero dumadaan ako rito sa main gate at iniikot ang parking area para makita si John.

May tsismis ako kay John. Isa siyang lalaking wala pang asawa dahil masyadong nakatali sa akin. Minsan nga feeling ko siya ang ama ko. Pero lagi naman niyang pinaaalala na wala na si papa. Tanggap ko na iyon seventeen years ago.

Tinakbo ko si John nang makita ko siyang kumaway na sa akin. Hawak niya ang isang bote ng alcohol dahil alam niyang mabilis mairita ang balat ko. Maalikabok. pa naman sa dinaanan ko at mahirap na baka mapano na naman ako.

Sumilip siya sa relos niya. "You are six minutes late, Lady An." Bulong niya saka niya binuksan ang pinto ng sasakyan.

Napasilip tuloy ako sa relos ko bago sumakay. "Advance ka ng five minutes, John."

Nakita kong nakangiti siya mula sa rearview mirror. "Nakakasabay ka na sa labas, Lady An. Mabuti iyan."

Ngumiti lang ako.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jennifer Moran21
Nice and exciting
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status