Home / Romance / HOW TO HEAL: A BROKEN HEART? / CHAPTER 2: GETTING TO KNOW EACH OTHER

Share

CHAPTER 2: GETTING TO KNOW EACH OTHER

Author: soulful
last update Last Updated: 2021-08-13 10:48:27

Every weekend ay umuuwi si Ashy sa bahay nila dahil yun ang isang request ng parents niya sa kanya na once a week dapat umuwi siya. Kaya bumabalik na lang siya ng boarding nila tuwing Sunday afternoon dahil may pasok nga siya ng Lunes maaga. Ganun lagi ang routine niya.

"Ashy, bakit ang tagal mo nman, kanina pa kmi naghihintay sayo," reklamo ni Jem habang nasa sala at naghihintay.

"Bakit anong meron?" Tanong niya rito na parang may lakad sila.

"Ehh, napagkasunduan kasi namin kahapon na picnic tayo ngaun. Dika kasi makontak kahapon ehh."

"Wala kasing signal kahapon sa bahay," sagot niya rito 

"Ohh! Siya sige na ayusin mo na yang mga dala mo magbihis kana at sunod na tayo sa kanila sa dagat," pagmamadali nito sa kanya.

Malapit lang ang dagat sa boarding nila. Ilang minutong lakad lang at nasa dagat kana, kya madali lang sa kanila ang magkaroon ng ganung mga bonding moments.

" Ohh ang aga ngaun ni Storm ahh. Akala ko ba Monday pa yan pupunta rito?" Tanong niya nang matanaw niya si Storm sa tubig.

"Ahh oo sna, kaso nakumbinsi namin siya kahapon na ngaun na magpunta kasi nga magpipicnic tayo."

"Ganun ba?" Sabi sabay upo sa buhangin.

"Ehh anong gingwa mo diyan halika na ligo na tayo," yaya sa kanya ni Jem.

"Mamaya na pahinga na muna ako pagod pa ako sa biyahe ehh. "

"Ohh sige sunod ka ha?" 

Tumango lang siya..

"Ohh Jem anong nangyari dun sa kasama mo bakit di siya magpunta rito?" Tanong ni Mark kay Jem.

" Pahinga daw muna siya kararating kasi niya minadali ko lang, " sabi naman ni Jem sabay sisid.

"Samamahan ko nalang muna," paalam ni Storm.

Pinuntahan nga niya si Ashy..

"Alam niyo yang dalawang yan ma-dedevelop din mga yan, konting push pa. " sabi ni Weng.

"Loko-loko talaga kayo, malalaman nalang natin kung kaya ba siya ni Storm." hamon naman ni Mark.

"Oo basta asarin lang natin sila ng asarin, bibigay din ang mga yan." Sabat naman ni Jem na nakainom na yata ng tubig.

"Ohh bakit nakaupo ka lang diyan? Bakit dika maligo? Takot ka sa dagat noh??" Pagbibiro niya rito, sabay upo sa tabi niya habang inaabot nito ang pagkain.

"Hindi ahh! Dito na muna ako may araw pa ehh baka masira lang balat ko," pagbibiro niya rito sabay tawa.

"Saang banda?" Sagot naman niya rito.

"Sa kili-kili, " sagot niya sabay tawa ng malakas. Ni hindi niya namalayan na nakatitig pala ito sa kanya na parang nuon lang nakakita ng babaeng malakas tumawa..

"Bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong niya rito sabay punas sa mukha niya.

" Wala nagulat lang ako malakas ka pala talga tumawa, walang ka-keme keme sa sarili."

"Oo naman. Ganun talaga ako kapag komportable ako sa taong kasama ko, yung walang arte. I can be myself no limitations ganun." 

"So komportable ka sakin?" Tanong nito na hindi parin ina-alis ang tingin sa kanya.

"Oo nman sa inyong lahat komportable ako. Diba siyempre magka-kasama tayo sa i-isang bahay kya dpat nman talaga na comfortable tayo sa isa't-isa.

"Okay," sagot nito sabay tingin na sa dagat.

Aminin man niya sa sarili niya o hindi nakaramdam siya ng pagkailang habang tinititigan siya nito. Parang may ibang ibig sabihin ang mag titig niya na hindi naman dating ganun. Sa kabilang bahagi ng utak niya nakaramdam siya ng tuwa, tuwa nga lang ba? Ohh may kasamang kilig?

Nang matpos na silang maligo ay agad na silang umuwi. Nagtaka siya bakit ang tahimik ng lahat parang walang gustong magsimula ng asaran.

Pagdating sa boarding nila..

"Dito ka nalang muna mag-igib lang ako ng panligo.." sabi sa kanya ni Storm na ikina-gulat niya. Dalawa lang kasi ang liguan sa boarding nila. Isa sa babae isa sa lalake.

"Hindi na Storm kaya ko namn ehh, antayin ko nalang matapos sina Jem at Weng ako na susunod, " sabi nito kay Storm"

"Dun kna muna sa cr nmin sinabi ko na kay Mark na mahuhuli na kami kesa naman nakababad ka diyan," sagot nito at nag-igib na nga siya. Bigla itong naging seryoso na parang nag-iba ang ihip nga hangin. Napapaisip tuloy siya kung may nasabi ba siya rito na ikina-inis niya, pero ang bait namang naiinis bito ipag-iigib pa siya ng panligo niya. Nagtataka talaga siya.

"Huy....! Ashy..." kinalabit siya ni Jem habang naghuhugas siya ng plato. Natapos silang kumain na walang imikan, lahat tahimik kaya nakaka-panibago lang.

"Bakit?" Patay malisya namang tanong niya rito.

"Ano yun?" tanong nito sakanya.

"Anong ano yun?" Balik niya ang tanong rito.

"Bakit ka inigiban ng tubig kanina ni Storm? Tska ang tahimik dito prang walang tao, dika ba nagtataka.?"

"Ewan ko nga ehh ako din nagulat, ano kayang nangyari bakit biglang naging ganun yun?"

"Lahhh! Baka may nasabi kang awkward," sabi nito.

"Wala ahh, paguwi natin ganun na siya ehh," depensa naman nito. 

"Hmmm lahh. Baka in-lababo na sayo hindi lang maamin," bulong nito habang pigil ang pag-tawa.

"Gaga! Dun kana nga istorbo ka naghuhugas pa ako." Taboy nito skanya..

"Bro, ang tahimik mo ahh. Kanina pa yan ahh," tinapik siya ni Mark sa likod habang nakaupo sa kama nila.

"Napagod lang siguro bro, okay lang ako."

"Inlove ka na noh? Aminin mo na kilala kita bro. Mula ulo hanggang kuko kilala kita, maingay kang tao, tumatahimik ka lang ng ganyan pag tinatamaan ka sa isang babae." prangkang sabi sa kanya ni Mark. Sa lahat kasi ng kaibigan niya ito yung mas nakaka-kilala sa kanya.

"Diko alam bro. Bigla ko nalang naramdaman, kaninang mag-kausap kami habang nakatingin ako sa kanya parang nag-iba ikot ng mundo ko." pag amin niya.

"Pero di mo maamin sa sarili mo at alam mong hindi pwede," sagot ni Mark.

"Sa atin nalang muna to bro. Bahala na kung saan ako dalhin ng nararamdaman ko. Malay natin napagod lang din ako kaya ganito," pagdadahilan niya 

"Sige bro pero pag-isipan mong mabuti," paalala sa kanya ni Mark.

Habang nakahiga  hindi niya alam kung tama ba. Kanina habang tumatawa ng malakas si Ashy dun niya nakita yung clase ng babaeng matagal na niyang pinapangarap. Yung simpleng tawa lang, hindi niya inakala na yun pala ang biglang magpapabago ng nararamdaman niya, at habang nakatitig siya rito may kung anong bahagi ng puso niya ang natuwa. Paano niya ito pipigilan kung lahat ng nakapaligid kanya ay siya ang tinuturo?

Maatim ba ng puso niya ang makasakit ng iba para lang masunod ang sinasabi ng puso niya? 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HOW TO HEAL: A BROKEN HEART?   Chapter 55: IT HEALS

    Isang umaga ay may kumakatok sa pintuan ng kwarto niya. Napabalikwas siya dahil sa lakas nito."Ma ano ba iyon?" nakasimangot na tanong nito sa mama niya."Anak,magbihis ka si Storm nasa baba hinihintay ka. Emergency daw,si Paul hindi maganda ang lagay." tuliro na sabi ng mama niya. Halata s amukha nito ang pag-aalala."Ha? Bakit ma, ano daw ba ang nangyari?" tanong niya."Hindi ko alam. Mabuti pa magbihis ka na para makaalis na kayo." utos ng mama niya saka ito dali-daling bumaba.Agad namang nagbihis si Ashy. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon.Nag-aalala siya sa pwedeng mangyari kay Paul.Pagdating sa sala ay nakita niya agad si Storm."Ash, sumama ka sa akin. Gusto kang makausap ni Paul. Kahit saglit lang."pakiusap nito."Kaya nga andito na ako diba? Tara na," agad na sabi nito. Nakalimutan na nga niyang magpaalam sa mama niya dahil sa labis na pag-aalala.Habang nasa sasakyan sila

  • HOW TO HEAL: A BROKEN HEART?   Chapter 54: HER SECRET

    Lumabas sa veranda si Ashy dahil tulog na si Paul. Kinailangan niyang tawagan ang mama niya dahil kailangan niyang pagbigyan si Paul sa hiling nito.Habang nasa veranda ay lihim naman siyang oinagmamasdan ni Storm. Kapansin-pansin ang pagbabago ng katawan nito base na rin sa suot niyang bestida.Lumobo ang katawan niya ng bahagya na bumagay naman sa maganda niyang mukha.Maya-maya pa ay lumaoit na ito sa kanya."Nandito ka pala, mabuti naman at pinagbigyan mo si Paul na dumito ka ngayong gabi." boses iyon ni Storm mula sa likuran.Panandalian siyang lumingon rito tsaka ibinalik ang tingin sa labas."Maliit na bagay lang ang hinihiling niya. Sino ba naman ako para tumanggi. Isa pa, may pinagsamahan din kami at naging mabuti siya sa akin. Maliit na bagay lang ito kumpara sa kasalanang nagawa ko sa kanya." sagot nito na halos hindi maalis ang tingin niya sa kausap."Sabagay tama ka. Mabuti naman at naisip mo iyon." walang anu-anong

  • HOW TO HEAL: A BROKEN HEART?   Chapter 53: THE NEWS

    Sinubukan siyang habulin ni Storm. Sapilitan niya itong isinakay at dinala kung saan. Hanggang sa magdidilim na at sinabayan pa iyo ng malakas na ulan. Walang nagawa nag mga ito kundi tumigil s aisang tabi."Kailangan ko ng umuwi Storm. Hahanapin ako ni mama. Ano ba kasing pumasok diyan sa utak mo at bakit mo ako dinala dito?" galit na tanong niya rito."Dahil gusyo kong malaman kung talaga bang wala na tayong pag-asa pa. Gusto kong malaman kung hanggang dito na lang ba tayo." sagot nito.Hindi niya ito binigyan ng pagkakataong magsalita pa.Agad niya itong hinila sa backseat ng sasakyan niya. Doon hinalikan niya ito."Storm ano ba? Pati ba naman dito? Ano bang akala mo sa akin?" pagpupumiglas nito ngunit hindi siya tumigil.Hinalikan niya ito ng halik na kailanman ay hindi niya malilimutan hanggang sa naramdaman niyang hinahalikan na din siya nito."I'm sorry pero kailangan ko itong gawin." gigil na sagot nito.Hinalikan

  • HOW TO HEAL: A BROKEN HEART?   Chapter 52: MOVING ON

    Halos matumba na si Ashy nang paakyat siya sa hagdan upang umakyat sa kanyang kwarto.Mabuti na kang at may matipunong katawan ang nakasalo sa kanya.Hindi na siya nag-abala pang tingnan iyo. Ipinikit na niya ang kanyang mga mata at hinayaan na lang ugong kargahin siya at ipasok sa kanyang kwarto.Pagkalapag sa kanya ay napaungol siya.. ramdam niya ang pananakit ng kanyang ulo.Pagdilat niya ng mata ay nakita niya ang mukha ni Storm."Don't cry, nandito na ako. Hindi ka na ulit masasaktan. Ramdam niya ang pagpahid nito sa mga luha niya sa mata.Dahan-dahang bumaba ang mukha nito at hinalikan siya. Nagpaubaya siya dahil iyon din naman ang gusto ng puso niya."Storm, mahal na mahal kita. Wala akong ibang minahal kundi ikaw lamang." malambing na turan nito habang si Storm ay abala sa paghalik sa buo niyang katawan.Bumalik ito sa mukha niya at hinalikan siya ulit sabay bulong.."Mahal na mahal din kita Ashy, hindi ko

  • HOW TO HEAL: A BROKEN HEART?   Chapter 51: SORRY SEEMS TO BE NOT ENOUGH

    Hindi pumasok si Ashy ng isang linggo dahil sa nangyari. Mas ginusto niyanv manatili sa kanilang bahay upang sa ganon ay makapag-isip. Pakirama niya unti-unting dinuduro ag puso niya.Bakit nga ba kailangan naying masaktan ng sobra?Bakit may mga bagay sa mundo na kailangan nating isakripisyo?Bakit may mga bagay na kailangan nating tiisin para lang maprotektahan ang iba?Bakit kailangang tayo lagi ang umuunawa?Totoo nga naman na ang isip ng tao ay hindi pare-pareho.Habang nakaupo sa may veranda ng bahay nila ay narinig niyanh may kausap ang ina. Naisip niya na baka si Jem iyon at dinadalaw siya."Anak may bisita ka,"maya-maya ay narinig niyang sabi ng kanyang ina na noon ay nasa likuran na niya.Nakangiti siyang nilingon ito at agad na nawala ang mga ngiti sa kanyang labi nabg makita kung sino ang bisita niya.Si Paul.May dala iyong bulaklak na halata namang ibibigay sa kanya. Simole lang ang suot nito n

  • HOW TO HEAL: A BROKEN HEART?   Chapter 50: CAUGHT IN THE ACT

    Pagbalik niya sa loob ng bahay ay nakita niya ang mama niya na nasa pintuan. Hindi na niya mitatago pa ang katotohanan.Umupo siya sa sofa at umiyak ng umiyak.Naramdaman niya ang paglapit ng mama niya at umupo ito sa tabi niya."Bakit kailangan mong itago? Tinanong kita kung may problema ka. Hindi mo dapat itago sa akin anak. Nanay mo ako, kubg meron mang isang tao na dapat makakaibtindi sayo, walang iba kundi ako." itinaas nito ang baba niya upang makita ang mukha nito."Natakot ako ma. Natakot ako na masira ang magandang pagkakakilala niyo kay Paul. Ayokong mawala ang respeto na ibibigay niyo sa kanya. Ayokong maramdaman niya yung dating naramdaman na niya sa mga magulang niya.""Dahil sa kagustuhan mong protektahan ang nararamdaman ng iba hindi mo namamalayan na sarili mo na ang nasasaktan. Dahil sa kagustuhan mong protektahan ang nararamdan ni Paul hindi mo namamalayan na unti-unti ng nawawala sayo ang lalakeng minahal mo ng sobra. Bakit a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status