Ashy Lopez galing sa isang simpleng pamilya. Biniyayaan ng mapagmahal na magulang at isang kapatid na babae. Hindi man mayaman, hindi naman sila kinukulang sa anumang pangangailangan. Siya ay nasa 4th year college kumukuha siya ng Business Management dahil pangarap naman talaga niya 'yon. Ang magtrabaho sa isang kumpanya. Kung pwede nga lang ay sa isang malaking kumpanya.
Dahil malayo ang paaralan sa kanilang bahay kinailangan niyang umupa sa isang boarding house kasama ang mga kaibigan niya na kaklase din niya. Ok namn sila, masaya siya dahil nakatutok siya sa pagaaral niya. Katunayan niyan ay deans lister nga siya mula pa noong 1styear pa lang siya.
Simple lang naman talaga ang pangarap niya sa buhay, ang makapagtapos magkaroon ng magandang trabaho at magkaroon ng simple ngunit masayang pamilya. Sa ganda niya, maraming nanliligaw sa kanya pero ni isa ay wala siyang mapusuan. Hindi naman siya lesbian siguro ay talagang wala pa sa kanya ang love. Nasa 4thyear college na siya, konting kembot na lang at ga-graduate na rin sa wakas. Ngaun pa lang ay excited na siya.
Papasok na sana si Ashy sa school nang may kumatok sa pinto ng kwarto nila. Nabungaran niya dito si Mark, isa rin sa mga boardmate niya.
"Ohh Mark bakit?" tanong niya rito."Ash favor naman pahiram muna yung speaker mo may play kasi kami mamaya ehh kailangan ng background music, please...balik ko din agad." Nag-cross finger pa ito na nagsusumamo. Kilala kasi siya nito. Alam niya na maingat siya sa mga gamit niya at kung pwede ay ayaw niyang pina-pakialaman ang mga ito nang hindi niya alam."Oo na dami mo na namang sinabi," sabay abot sa kanya ng speaker."Salamat. Siya nga pala si Storm Robles bago nating boardmate kakalipat niya lang kagabi. Tulog kana kasi nun ehh. Storm si Ash," pagpa-pakilala niya rito."Hi! Nice to meet you," bati nito skanya.Tiningnan lang niya iyo na parang wala lang. Tapos nag-paalam na ito para pumasok sa clase niya.Stressed ang araw na ito para sa kanya, gabi na ng matapos ang klase niya. May trabaho kasi ang professor niya sa major subject niya kaya gabi na natatapos ang klase niya. Dahil malapit lang ang school sa boarding niya nilakad na lang niya ito..
Pagkatok niya sa gate lalong nahaluan ng stressed ang kaninang stressed na niyang pagkatao. Laking gulat niya nang kung sino ang magbukas ng gate para sa kanya.
"Hi! Uyy gabi na ahh, "sabi nito.
"So anong problema mo?" sagot nito sa kanya na parang naiinis na."Ehem! Gabi na po kasi tapos mag-isa ka. Hindi kaba natatakot?" Lakas loob na tanong niyo sa kanya."Hindi. Tsaka bakit ba? Daig mo pa tatay ko kung makapuna sakin ahh!" sagot nito na naiirita na. Sobrang naiinis siya dito na parang nananadya sa mga ginagawa niya. May sasabihin pa sana ito sa kanya pero naglakad na ito papasok sa loob ng kuwarto nila."Nakakainis!" yamot na sabi niya sabay bagsak ng bag niya sa kama, na napuna naman agad ito ng kaibigan.
"Oyy..bakit? Anong meron? Bakit yamot na yamot ka diyan?" tanong ni Jem kasama niya sa kwarto at kaibigan niya."Ayy alams ko na. Baka nakita niya yung crush niya na kasama yung girlfriend tapos sweet na sweet kaya siya ganyan," mapanlokong sagot naman ni Weng, kaibigan niya na mapang- asar at may pagkaliberated."None of the above, score zero," sagot nito."Ehh ano nga?" Usisa ni Jem sa kanya."Alam niyo nakakainis talaga yang bagong boardmate natin, daig pa ang tatay ko kung makapagsabi sakin tungkol sa pag-uwi ko ng ganitong oras. ""Hmmm.. baka naman concern lang," sagot ni Weng sabay palo sakanya."Well diko kailangan ang concern niya. Hindi kami close," depensa parin niya."Soon magiging close kayo, uyy mabait naman siya, alam mo ba? Ang lakas ng sense of humor niya. Nako pag nakausap mo siya baka ma-inlove kana gurl!" Kilig pang pahayag ni Jem."Ako? Mai-inlove diyan? Okay ka lang? Binabangungot kana yata," sagot nito na para bang malayong mangyari ang sinasabi ng mga ito."Hayy! Mahirap magsalita ng tapos, kung ako sayo, magbihis kana at sumunod kana sa kusina at kakain na tayo ng mawala naman yang init ng ulo mo," sabay kindat dito..Pag minalas-malas nga naman maka-kaharap pa pala niya sa pagkain itong lalaking kinaiinisan niya. Wala naman na siyang choice kundi ang kumain nalang ng kumain, dahil araw araw na niya itong makakasama sa pagkain..
"Need help?" naghuhugas siya ng plato ng biglang may magsalita sa likod niya. Muntikan na niyang mabitawan ang plato dahil nagulat siya.
"Ikaw wala ka talagang magawang maganda sa buhay mo.. Ang hilig mo makialam. Umalis ka nga dito!" pagtataboy nito sakanya."Lahhh grabe ka ha! Gusto lang namang tumulong ehh," nakatitig lang ito sakanya."I dont need help. I can manage isa pa maliit n bagay lang 'to. Kaya pwede ka ng umalis.""Hmmm bantayan nalang kita. Baka mamaya may multo dito ehh," pang-aasar parin niya saka siya naupo sa mesa.Kung hindi lang sana kabastusan, kanina pa sana niya ito binuhusan ng tubig para umalis na ito sa paningin niya, sadyang i-pinanganak na yata itong walang ibang gagawin sa buhay kundi manggulo sa buhay ng may buhay.
Lagi silang ganun. Wala yatang araw na hindi sila nag-aasaran o nag-kakainisan.
Hanggang sa lumipas pa ang mga araw at buwan. Nagkapalagayan sila ng loob kahit nandun parin siyempre ang minsang asaran hindi yun nawawala. Oo nga malakas nga talaga ang sense of humor nito na sobrang ikinatuwa naman niya. May tinatago din naman pala itong kagandahang asal. O baka di lang niya ito makita nuon dahil natakpan ito ng pag-kainis niya rito.
Habang tumatagal mas nakikilala nila ang isa't-isa mas naiintindihan nila ang ugali ng bawat isa.
"Uyy Ashy, mukhang ok na kayo ni Storm ahh." Minsan nasabi ni Jem..
"Hmmm...medyo ok naman may konting bait din namang tinatago ang loko," sabi niya sabay tawa.."Girl, bka naman ma-inlove kana niyan tandaan mo, never ka pang na-inlove buong buhay mo. Try mo minsan para magka idea ka," patawang sabi ni Jem na halata namang nagbibiro nanaman ito.Natawa naman si Ashy. Bigla tuloy siyang napaisip,,paano nga ba? Paano nga ba ang pakiramdam kapag nagmahal kana?
Paano nga ba nito babaguhin ang buhay.?
Isang umaga ay may kumakatok sa pintuan ng kwarto niya. Napabalikwas siya dahil sa lakas nito."Ma ano ba iyon?" nakasimangot na tanong nito sa mama niya."Anak,magbihis ka si Storm nasa baba hinihintay ka. Emergency daw,si Paul hindi maganda ang lagay." tuliro na sabi ng mama niya. Halata s amukha nito ang pag-aalala."Ha? Bakit ma, ano daw ba ang nangyari?" tanong niya."Hindi ko alam. Mabuti pa magbihis ka na para makaalis na kayo." utos ng mama niya saka ito dali-daling bumaba.Agad namang nagbihis si Ashy. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon.Nag-aalala siya sa pwedeng mangyari kay Paul.Pagdating sa sala ay nakita niya agad si Storm."Ash, sumama ka sa akin. Gusto kang makausap ni Paul. Kahit saglit lang."pakiusap nito."Kaya nga andito na ako diba? Tara na," agad na sabi nito. Nakalimutan na nga niyang magpaalam sa mama niya dahil sa labis na pag-aalala.Habang nasa sasakyan sila
Lumabas sa veranda si Ashy dahil tulog na si Paul. Kinailangan niyang tawagan ang mama niya dahil kailangan niyang pagbigyan si Paul sa hiling nito.Habang nasa veranda ay lihim naman siyang oinagmamasdan ni Storm. Kapansin-pansin ang pagbabago ng katawan nito base na rin sa suot niyang bestida.Lumobo ang katawan niya ng bahagya na bumagay naman sa maganda niyang mukha.Maya-maya pa ay lumaoit na ito sa kanya."Nandito ka pala, mabuti naman at pinagbigyan mo si Paul na dumito ka ngayong gabi." boses iyon ni Storm mula sa likuran.Panandalian siyang lumingon rito tsaka ibinalik ang tingin sa labas."Maliit na bagay lang ang hinihiling niya. Sino ba naman ako para tumanggi. Isa pa, may pinagsamahan din kami at naging mabuti siya sa akin. Maliit na bagay lang ito kumpara sa kasalanang nagawa ko sa kanya." sagot nito na halos hindi maalis ang tingin niya sa kausap."Sabagay tama ka. Mabuti naman at naisip mo iyon." walang anu-anong
Sinubukan siyang habulin ni Storm. Sapilitan niya itong isinakay at dinala kung saan. Hanggang sa magdidilim na at sinabayan pa iyo ng malakas na ulan. Walang nagawa nag mga ito kundi tumigil s aisang tabi."Kailangan ko ng umuwi Storm. Hahanapin ako ni mama. Ano ba kasing pumasok diyan sa utak mo at bakit mo ako dinala dito?" galit na tanong niya rito."Dahil gusyo kong malaman kung talaga bang wala na tayong pag-asa pa. Gusto kong malaman kung hanggang dito na lang ba tayo." sagot nito.Hindi niya ito binigyan ng pagkakataong magsalita pa.Agad niya itong hinila sa backseat ng sasakyan niya. Doon hinalikan niya ito."Storm ano ba? Pati ba naman dito? Ano bang akala mo sa akin?" pagpupumiglas nito ngunit hindi siya tumigil.Hinalikan niya ito ng halik na kailanman ay hindi niya malilimutan hanggang sa naramdaman niyang hinahalikan na din siya nito."I'm sorry pero kailangan ko itong gawin." gigil na sagot nito.Hinalikan
Halos matumba na si Ashy nang paakyat siya sa hagdan upang umakyat sa kanyang kwarto.Mabuti na kang at may matipunong katawan ang nakasalo sa kanya.Hindi na siya nag-abala pang tingnan iyo. Ipinikit na niya ang kanyang mga mata at hinayaan na lang ugong kargahin siya at ipasok sa kanyang kwarto.Pagkalapag sa kanya ay napaungol siya.. ramdam niya ang pananakit ng kanyang ulo.Pagdilat niya ng mata ay nakita niya ang mukha ni Storm."Don't cry, nandito na ako. Hindi ka na ulit masasaktan. Ramdam niya ang pagpahid nito sa mga luha niya sa mata.Dahan-dahang bumaba ang mukha nito at hinalikan siya. Nagpaubaya siya dahil iyon din naman ang gusto ng puso niya."Storm, mahal na mahal kita. Wala akong ibang minahal kundi ikaw lamang." malambing na turan nito habang si Storm ay abala sa paghalik sa buo niyang katawan.Bumalik ito sa mukha niya at hinalikan siya ulit sabay bulong.."Mahal na mahal din kita Ashy, hindi ko
Hindi pumasok si Ashy ng isang linggo dahil sa nangyari. Mas ginusto niyanv manatili sa kanilang bahay upang sa ganon ay makapag-isip. Pakirama niya unti-unting dinuduro ag puso niya.Bakit nga ba kailangan naying masaktan ng sobra?Bakit may mga bagay sa mundo na kailangan nating isakripisyo?Bakit may mga bagay na kailangan nating tiisin para lang maprotektahan ang iba?Bakit kailangang tayo lagi ang umuunawa?Totoo nga naman na ang isip ng tao ay hindi pare-pareho.Habang nakaupo sa may veranda ng bahay nila ay narinig niyanh may kausap ang ina. Naisip niya na baka si Jem iyon at dinadalaw siya."Anak may bisita ka,"maya-maya ay narinig niyang sabi ng kanyang ina na noon ay nasa likuran na niya.Nakangiti siyang nilingon ito at agad na nawala ang mga ngiti sa kanyang labi nabg makita kung sino ang bisita niya.Si Paul.May dala iyong bulaklak na halata namang ibibigay sa kanya. Simole lang ang suot nito n
Pagbalik niya sa loob ng bahay ay nakita niya ang mama niya na nasa pintuan. Hindi na niya mitatago pa ang katotohanan.Umupo siya sa sofa at umiyak ng umiyak.Naramdaman niya ang paglapit ng mama niya at umupo ito sa tabi niya."Bakit kailangan mong itago? Tinanong kita kung may problema ka. Hindi mo dapat itago sa akin anak. Nanay mo ako, kubg meron mang isang tao na dapat makakaibtindi sayo, walang iba kundi ako." itinaas nito ang baba niya upang makita ang mukha nito."Natakot ako ma. Natakot ako na masira ang magandang pagkakakilala niyo kay Paul. Ayokong mawala ang respeto na ibibigay niyo sa kanya. Ayokong maramdaman niya yung dating naramdaman na niya sa mga magulang niya.""Dahil sa kagustuhan mong protektahan ang nararamdaman ng iba hindi mo namamalayan na sarili mo na ang nasasaktan. Dahil sa kagustuhan mong protektahan ang nararamdan ni Paul hindi mo namamalayan na unti-unti ng nawawala sayo ang lalakeng minahal mo ng sobra. Bakit a