NAUPO siya sa gilid ng kama niya at dun ay humagulhol na siya ng iyak. Ni hindi niya magawang tumingin sa kaibigan niya dahil sa sobrang kahihiyan. Nanatili namang nakatayo si Jem sa harap niya na hindi alam ang gagawin kung aaluin ba niya ang kaibigan o susumbatan niya ito dahil sa nalaman niya.
"Ash...." pagbasag ni Jem sa pagitan nilang dalawa.
"Maiintindihan kita Jem kung huhusgahan mo ako. Alam ko naman na mali ang nagawa ko na pagpatol kay Storm kahit may girlfriend na siya." Panimula niya."Ash.. wala namang may alam na mag girlfriend na siya diba? So wala kang kasalanan dun. Biktima ka lang din dito." Pagpapakalama sa kanya ni Jem.
Hinawakan ni Ashy ang kamay ni Jem." Alam ko Jem. Inamin niya sa akin pero mas nangibabaw sa akin yung kagustuhan kong mahalin siya." Pag-amin nito. Hiyang-hiya siya sa sarili niya nang mga sandaling yun.
"Ash naman....bakit? Hindi kita kilalang ganyan." Ramdam ni ash ang pagkadismaya ng kaibigan sa kanya.
"I'm sorry Jem. Hindi ko naman inakala na magiging ganito lang ang lahat. Nagtiwala ako sa sinabi ni Storm na paninindigan niya kung ano man ang meron kami," dahilan nito na iyon naman talaga ang totoo.
"So paano ngaun yan, ni hindi nga nagpakita si Storm sa iyo diba? Hinayaan lang niya yung babaeng yun na puntahan ka dito at sabihan ng kun anu-ano. Ni hindi man lang siya nagpakita para man lang sana ipagtanggol ka." Sermon sa kanya ni Jem.
"Wala na akong magagawa dun Jem. In the first place may kasalanan naman talaga ako. I should be out of the picture kasi ako lang naman talaga yung panggulo sa kanilang dalawa." Pag-amin niya sa kasalanan niya. Ano nga ba talaga ang kasalanan niya. Kung meron man yun ay yung nagmahal at nagtiwala siya.
"Kaya mo yan, kahit anong mangyari andito parin kami ni Weng. Hindi mababago ng nangyari ang pag-kakaibigan natin. Sasamahan ka namin sa kahit anong haharapin mo. Wala nman na tayong magagawa Ash andyan na yan." Ramdam niya ang sinseridad sa sinabi ng kaibigan. Laking pasasalamat niya na naintindihan nito ang side niya.
Dumating ang gabi at sadyang tahimik ang paligid. Ang dating maingay, ngaun ay napalitan ng nakabibinging katahimikan. Walang asaran na maririnig, walang tawanan at higit sa lahat walang kulitan.
Ang daming nagbago, pakiramdam ni Ashy ang daming kulang, parang bumalik lahat ng lungkot na naramaan niya..
"Ash...kain na tayo. Kanina ka pa hindi kumakain. Baka magkasakit kana niyan." Umupo si Jem sa tabi niya pra yayain siya nitong kumain. "Okay lang ako Jem, hindi pa naman ako gutom. Kakain din ako mamaya." Pagdadahilan niya. Pero ang totoo biya ay hindi talaga siya makaramdam ng pagka-gutom dahil sa komprontasyon na nangyari kanina. Pakiramdam niya ay lutang parin siya."Ash..., wag mo namang hayaan na maapektuhan ang lahat ng bagay sayo nang dahil lang sa nangyari. Marami ka pang pwedeng gawin. Nandito kami at tutulungan ka namin." "Thank you. Magiging okay din ako," sagot nito na ngumiti lang.Nakatulog siya ng hindi man lang nakakain ng gabing 'yun. Pakirdam niya pagod na pagod ang katawan niya. Hindi lang pala katawan niya kundi pati puso niya, isip niya at buong pagka-tao niya.
Ang bilis ng mga pangyayari para sa kanya at hindi siya ganun kahandang harapin ang mga ito. Hindi niya kayang mag-isa, parang hindi niya kakayanin na ipagtanggol ang sarili na siya lang.
Nasaan na nga ba si Storm? Wala man lang ba itong planong kausapin siya? Wala man labg ba itong palnong magpaliwanag sa kanya? O sadyang naging panakip butas lang siya?Nagising siya kinaumagahan na dama pa rin ang bigat sa dibdib niya. Eto nanaman. Haharapin nanaman niya ang isang araw na hindi niya alam kung anong naghihintay sa kanya.
"Ohh Ashy gising ka na pala.? Wala ka bang pasok?" Tanong sa kanya ni Weng na halatang kagagaking lang sa banyo dahil nakatapis na ito ng tuwalya.
"Meron pero mamaya pa naman yun. Sige maliligo na din ako." Lalabas na sana ito nang bigla siyang yakapin ni Weng."Lahat ng tao Ash nagkakamali, nakakagawa ng mga bagay na minsan hindi nila inakala na kaya bilang gawin. Pero hi di ibig sabihin nun na nabawasan ang pagihibg magkaibigan natin. Nanduto parin kami. Kung anong tibgin namin sayo nuon, ganun parin hanggang ngaun." Sabi nito na yakap-yakap parin siya.Tinaggal nito ang pagkakayakap sa kanya. Nakita niya ang sinseridad ng sinabi nito."Salamat Weng, naiintindihan ko naman kayo if ever man na may magbago.""Walang magbabago Ash. Kami parin to," sabi niya na halatang nasasaktan din sa pinagdadaanan ng kaibigan."Sige maliligo na ako. Kotang-kota na ako sa kakaiyak." Sabay tawanan sila at lumabas na nga siya ng kwarto.Maya-maya pa habang nagbibihis sila papasok sa school, biglang pumasok si Jem sa kwarto nila. Ang akala naman nila ay nakaalis na ito dahil mas maaga nga ang clase niya kumpara sa kanila ni Weng. Nakatatlong beses yata itong ngpabalik-balik sa kwarto nila na parangay gistong sabihin na hindi niya nman masabi.
"Huy... Jem ano ba? Kanina ka pa ha? Nahihilo na ako sayo," puna sa kanya ni Weng na nuon ay naglalagay ng make-up sa mukha.
Napatingin ito kay Weng na parang may gustong sabihin pero hindi niya masabi. Tumingin lang ito sa mata ni Weng, at mukhang naintindihan naman ni Weng ang gusto nutong sabihin."Jem....ano ba, may problema ba? Bakit ka nga pala bumalik? May nakakimutan ka ba?" Tanong ni Ash sa kanya na inaayos naman ang bag niya.Tumingin lang din ito sa kanya."Alam mo,,,bumalik ka muna kubg saan ka nkarating kanina ha, tapos hanapin mo dun yung bunganga mo baka kasi naiwan mo dun kaya ka hindi makapag-salita." Biro pa ni Ash sa kanya.Lalabas na sana ng kwarto si Ash ng biglang pigilan siya ni Jem.
" Ask sandali." Pigil nito sa kanya."Ohh.. sa wakas nakapag-salita ka rin.""Dito ka na muna.""Bakit? Kailangan ko ng pumasok kasi male-late na ako. Kilala mo naman ako ayoko na nahuhuli sa klase." Lalabas na sana ito."Ash nasa baba si Storm." Kagat-labi nitong sabi sa kanya Hindi n siya nakapagsalita nang mga sandaling yun. Hindi niya alam kubg ano ang una niyang mararamdaman. Matutuwa ba siya, magagalit dahil nuon lang ito nagpakita?"Ash baka ito na yung chance para mkapag-usap kayo. Para magkaliwanagan kayo." Sunod na sabi ni Weng."Pinapunta niyo ba siya dito?" Takang tanong niya."Hindi Ash, siya yung nagmessage sa amin na kung pwede tulungan namin siya na makausap ka.""Nagmessage sa inyo pero hindi niyo man lang ako sinabihan. Ni wala nga kayong nabanggit sa akin diba?" Tampong tanong nito."Ash, naisip kasi namin baka pag nalaman mo magalit ka or aalis ka, iiwas ka.""Magalit? Natural parang pinagkakaisahan niyo ako ehh." Umupo ito sa kama."Kakausapin mo ba?" Tanong ni Jem na hindi alam kung hahawakan ba si Ash.Tumayo na lang ito bigla at tinungo kung nasaan si Storm. Nakita nga niya ito. Nkaupo sa sopa at halatang naghihintay. Nakita pa niya na kausap nito si Mark. Tumayo naman agad si Mark nang makita siya na parang sinasabi na kailangan nilang mag-usap na dalawa.
"Iwan na muna namin kayo Ash, andito lang kami anuman ang kalalabasan ng pag-uusap niyo."Bulong sa kanya ni Weng.
Nang makaalis na ang tatlo akmang uupo na siya sa sopa ng tumayo si Storm at niyakap siya ng sobrang higpit. Yakap na sobrang na-miss niya. Hindi niya mapigilang hindi umiyak, hindi niya alam kung yayakapin din ba niya ito. O itutulak niya palayo. Ramdam niya ng mga sandaling yun ang bigat ng kalooban niya. Yung sakit ng katotohanan na anumang oras ay pwedeng matapos ang yakap na iyon.
"Baka gusto mong maupo," bulong nito kay Storm na nkayakap parin sa kanya ng mga sandaling yun.
Pagkaupo nila dun niya napansin ang pagbabago sa itsura ni Storm. Pumayat ito, halatang hindi nkapag-ahit dahil mahahaba na ang balbas nito. Napaisip tuloy siya kung anong nabgyari dito na daig pa niya ang nakulong ng ilabg linggo. He looks stressed."Buti naman at naka-alala kang magpakita at magparamdam. Nag-alala ako sayo. Hindi ko alam kung saan ka hahanapin. Tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot. Minemessage kita pero hindi ka nagrereply. Minsan nga natanong ko sa sarili ko kubg ano bang nagawa ko. May kasalanan ba ako na hi di ko alam?" Mahabang panimula nito.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila. Pakiramdam ni Ashy wala siyang mahihintay na salita mula kay Storm kaya nagsalita ulit ito."Wala ka bang sasabihin? Ako lang ba angagsasalita? So bakit ka pa nagpubta at nagpakita dito kubg wala ka naman palang sasabihin?" Tanong nito sa kanya na may halong pagkainis.Tumingin ito sa kanya saka nagsalita."Hindi ko kasi alam kubg anong sasabihib ko. Kubg paano ako magpapaliwanag nang hindi ka masasaktan. Kasi kahit ayoko alam ko na nasaktan na kita. At yung sakit na yun hindi na yun mababawi pa ng kahit anong salita na sasabihin ko," turan nito na halata ang lungkot sa kanyang mga mata."Alin dun? Yung hindi mo pagmemesage sakin? Yun bang hindi mo pagsagot sa mga tawag ko? Yung pag-punta ni Girlie dito para ipamukha sa akin na mang-aagaw ako? O yung tungkol dun sa pagpapkasal niyo.? Alin dun? Kasi kubg iuon ang dahilan, wala yun. Hindi naman yun masakit ehh," pabalang na sagot nito kasama ng mapait na ngiti at pagtulo ng luha niya."Hindi yun masakit Storm, kasi deserve ko. Deserve ko kasi pinatulan kita. Kasi nagtiwala ako sa mga salita mo." Pagpapatukoy nito."Hindi ko inasahan ang mga nangyari, sa maikling panahon ang daming nangyari. Siguro nga marami siyang sinabi sayo. Pero Ash yung sasabihin ko yun ang totoo. Mahal kita. Mahal na mahal kita." Hinawakan nito ang kamay niya at inilagay sa tapat ng puso niya.
"Wala din namang pupuntahan ang pagmamahal na 'yan Storm. Kasi andiyan parin yung katotohanan na ako yung dapat na mawala sa eksena," sagot niya rito."Bakit, hindi mo na ba ako mahal dahi sa mga sinabi ni Girlie sayo?" Tanong nito sa kanya."Mahal kita Storm higit pa sa inakala mo. Hindi ko ibibigay ang sarili ko sayo kung hindi kita mahal. Pero gaya ng sabi ko sayo nuon, alam ko kung saan ako dapat lumugar. Still remember yung sinabi ko sayo nuon. Na kapag dumating yung panahon na hi di mo na kaya, sabihin mo lang sa akin. Handa akong palayain ka," sagot nito."Hindi mo kailangang gawin yun Ash. Dahil ako parin ang magsasabi kung ano ang mkakapag-pasaya sa akin. Ako parin ang magdedesisyon kubg sino ang dapat kong mahalin." Seryosong sabi nito."Tama na Storm. Nakasakit tayo, tanggapin nalang natin na hindi talaga tayo para sa isa't-isa."
"Kaya mo? Kaya mong bumitaw na lang, kaya mong itapon na lang lahat ng meron tayo?" Tanong nito sa kanya."Alam kong mahirap, pero alam kong kakayanin ko. Kakayanin ko kubg ito yung makakabuti sa atin. Mas masarap mabuhay sa tama na alam mong wala kang ibang taong masasaktan. Sana maintindihan mo ako," paliwanag nito ni hindi niya matingnan ito ng deretso."Nakapagdesisyon na ako Ash, hindi ko hahayaan na matali ako sa isang relasyon na alam kong hindi ako magiging masaya," matatag na sagot niya."Magkaka-anak na kayo Storm, at hindi kakayanin ng konsensiya ko na may isang batang mawawalan ng ama ng dahil sa akin. Mas gugustuhin ko pa na ako ang mawalan kesa sa isang batang walang kamuwang-muwang.""Hindi sa akin ang bata, at kaya nila ako pinipikit na pakasalan siya ay para mailayo sila sa kahihiyan. Yun ang totoong dahilan. Hindi ko isasakripisyo ang buong-buhay ko para sa responsibilidad na hindi naman talaga dapat ako ang humaharap." Pag-amin nito.Dahil sa sinabi at ipinagtapat ni Storm gumaan ang pakiramdam ni Ashy, dun niya unti-unting naintindihan ang lahat. Kaya pala ang tagal nitong hindi nagpakita sa kanya.
Nagdesisyon silang magtanan para matakasan ang malupit na katotohanang maaribg mabgyari.
Isang umaga ay may kumakatok sa pintuan ng kwarto niya. Napabalikwas siya dahil sa lakas nito."Ma ano ba iyon?" nakasimangot na tanong nito sa mama niya."Anak,magbihis ka si Storm nasa baba hinihintay ka. Emergency daw,si Paul hindi maganda ang lagay." tuliro na sabi ng mama niya. Halata s amukha nito ang pag-aalala."Ha? Bakit ma, ano daw ba ang nangyari?" tanong niya."Hindi ko alam. Mabuti pa magbihis ka na para makaalis na kayo." utos ng mama niya saka ito dali-daling bumaba.Agad namang nagbihis si Ashy. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon.Nag-aalala siya sa pwedeng mangyari kay Paul.Pagdating sa sala ay nakita niya agad si Storm."Ash, sumama ka sa akin. Gusto kang makausap ni Paul. Kahit saglit lang."pakiusap nito."Kaya nga andito na ako diba? Tara na," agad na sabi nito. Nakalimutan na nga niyang magpaalam sa mama niya dahil sa labis na pag-aalala.Habang nasa sasakyan sila
Lumabas sa veranda si Ashy dahil tulog na si Paul. Kinailangan niyang tawagan ang mama niya dahil kailangan niyang pagbigyan si Paul sa hiling nito.Habang nasa veranda ay lihim naman siyang oinagmamasdan ni Storm. Kapansin-pansin ang pagbabago ng katawan nito base na rin sa suot niyang bestida.Lumobo ang katawan niya ng bahagya na bumagay naman sa maganda niyang mukha.Maya-maya pa ay lumaoit na ito sa kanya."Nandito ka pala, mabuti naman at pinagbigyan mo si Paul na dumito ka ngayong gabi." boses iyon ni Storm mula sa likuran.Panandalian siyang lumingon rito tsaka ibinalik ang tingin sa labas."Maliit na bagay lang ang hinihiling niya. Sino ba naman ako para tumanggi. Isa pa, may pinagsamahan din kami at naging mabuti siya sa akin. Maliit na bagay lang ito kumpara sa kasalanang nagawa ko sa kanya." sagot nito na halos hindi maalis ang tingin niya sa kausap."Sabagay tama ka. Mabuti naman at naisip mo iyon." walang anu-anong
Sinubukan siyang habulin ni Storm. Sapilitan niya itong isinakay at dinala kung saan. Hanggang sa magdidilim na at sinabayan pa iyo ng malakas na ulan. Walang nagawa nag mga ito kundi tumigil s aisang tabi."Kailangan ko ng umuwi Storm. Hahanapin ako ni mama. Ano ba kasing pumasok diyan sa utak mo at bakit mo ako dinala dito?" galit na tanong niya rito."Dahil gusyo kong malaman kung talaga bang wala na tayong pag-asa pa. Gusto kong malaman kung hanggang dito na lang ba tayo." sagot nito.Hindi niya ito binigyan ng pagkakataong magsalita pa.Agad niya itong hinila sa backseat ng sasakyan niya. Doon hinalikan niya ito."Storm ano ba? Pati ba naman dito? Ano bang akala mo sa akin?" pagpupumiglas nito ngunit hindi siya tumigil.Hinalikan niya ito ng halik na kailanman ay hindi niya malilimutan hanggang sa naramdaman niyang hinahalikan na din siya nito."I'm sorry pero kailangan ko itong gawin." gigil na sagot nito.Hinalikan
Halos matumba na si Ashy nang paakyat siya sa hagdan upang umakyat sa kanyang kwarto.Mabuti na kang at may matipunong katawan ang nakasalo sa kanya.Hindi na siya nag-abala pang tingnan iyo. Ipinikit na niya ang kanyang mga mata at hinayaan na lang ugong kargahin siya at ipasok sa kanyang kwarto.Pagkalapag sa kanya ay napaungol siya.. ramdam niya ang pananakit ng kanyang ulo.Pagdilat niya ng mata ay nakita niya ang mukha ni Storm."Don't cry, nandito na ako. Hindi ka na ulit masasaktan. Ramdam niya ang pagpahid nito sa mga luha niya sa mata.Dahan-dahang bumaba ang mukha nito at hinalikan siya. Nagpaubaya siya dahil iyon din naman ang gusto ng puso niya."Storm, mahal na mahal kita. Wala akong ibang minahal kundi ikaw lamang." malambing na turan nito habang si Storm ay abala sa paghalik sa buo niyang katawan.Bumalik ito sa mukha niya at hinalikan siya ulit sabay bulong.."Mahal na mahal din kita Ashy, hindi ko
Hindi pumasok si Ashy ng isang linggo dahil sa nangyari. Mas ginusto niyanv manatili sa kanilang bahay upang sa ganon ay makapag-isip. Pakirama niya unti-unting dinuduro ag puso niya.Bakit nga ba kailangan naying masaktan ng sobra?Bakit may mga bagay sa mundo na kailangan nating isakripisyo?Bakit may mga bagay na kailangan nating tiisin para lang maprotektahan ang iba?Bakit kailangang tayo lagi ang umuunawa?Totoo nga naman na ang isip ng tao ay hindi pare-pareho.Habang nakaupo sa may veranda ng bahay nila ay narinig niyanh may kausap ang ina. Naisip niya na baka si Jem iyon at dinadalaw siya."Anak may bisita ka,"maya-maya ay narinig niyang sabi ng kanyang ina na noon ay nasa likuran na niya.Nakangiti siyang nilingon ito at agad na nawala ang mga ngiti sa kanyang labi nabg makita kung sino ang bisita niya.Si Paul.May dala iyong bulaklak na halata namang ibibigay sa kanya. Simole lang ang suot nito n
Pagbalik niya sa loob ng bahay ay nakita niya ang mama niya na nasa pintuan. Hindi na niya mitatago pa ang katotohanan.Umupo siya sa sofa at umiyak ng umiyak.Naramdaman niya ang paglapit ng mama niya at umupo ito sa tabi niya."Bakit kailangan mong itago? Tinanong kita kung may problema ka. Hindi mo dapat itago sa akin anak. Nanay mo ako, kubg meron mang isang tao na dapat makakaibtindi sayo, walang iba kundi ako." itinaas nito ang baba niya upang makita ang mukha nito."Natakot ako ma. Natakot ako na masira ang magandang pagkakakilala niyo kay Paul. Ayokong mawala ang respeto na ibibigay niyo sa kanya. Ayokong maramdaman niya yung dating naramdaman na niya sa mga magulang niya.""Dahil sa kagustuhan mong protektahan ang nararamdaman ng iba hindi mo namamalayan na sarili mo na ang nasasaktan. Dahil sa kagustuhan mong protektahan ang nararamdan ni Paul hindi mo namamalayan na unti-unti ng nawawala sayo ang lalakeng minahal mo ng sobra. Bakit a