LOGINASHERA "Alam mo ang pagkakaiba ng tanga at bobo?" Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o sadyang pinapatawa niya lang ako. "Nabagok lang ang ulo ko pero hindi ako nawalan ng ala-ala." natatawang sabi ko. "Ang bobo ay hindi marunong mag-isip. Ang tanga marunong naman, pero hindi nag-iisip," seryosong sabi niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapabunghalit ng tawa. "Alin ka diyan?" dugtong pa niya. "Wala. Hindi ako bobo, hindi rin ako tanga, slight lang," natatawang sabi ko. Nakita ko ang pag-irap niya at tumayo matapos niyang lagyan ng gamot ang mga sugat ko. "Think carefully Ate. Pwede kang lumayo. Iwan mo siya," malangkot na sabi niya. Saglit akong nawalan ng isasagot. Bakit ba hindi nila maintindihan na may kailangan muna akong gawin bago ko tuluyang iwanan ang hayop na Jeorge na 'yon. "I can't, Lolita," malungkot na sagot ko. May sasabihin pa sana siya nang bigla na lamang may pumihit sa seradura ng pintuan. Iniluwa 'nun ang kuya niyang may hawak na tray na puno nang
JEORGE “Anong kabaliwan ang pumasok sa kokote mo para gawin ang katarantaduhang iyon kay Ashera?” Gusto ko sanang manahimik. Gusto kong magpahinga, pero ang bibig ni Zebyana ay masyadong nakakasira ng araw. “Anong gusto mong gawin ko? Suyuin siya? Tapos na ako sa kanya; sumusobra na siya!” galit na sigaw ko pabalik sa kanya habang hinahawakan ang panga na medyo namamaga pa. “Sa tingin mo ba sa ginawa mo ay babalik pa siya rito sa bahay? Hindi na… Hindi na, Jeorge!” sigaw niya pabalik sa akin. Hindi ba’t dapat pabor iyon sa kanya at kami na lang dalawa rito sa bahay? “Hindi ka ba natutuwa na malaya na tayong dalawa rito?” nakangiting sabi ko, pero galit ang ibinalik niyang tingin sa akin. “Mag-isip ka! Kapag nagsumbong si Ashera kay Dad, tapos na ang lahat. Lahat ng meron ka, mawawala sa isang pikit mo lang!” galit na sabi niya kaya natahimik ako. “Anong gusto mong gawin ko? Patayin si Ashera? Ginagawa ko na nga, pinigilan mo pa ako!” inis na sagot ko sa kanya. “Dito ta
ASHERA Nakabalik na naman ako. Nakabalik sa estrangherong tahanan. Inalalayan ako ni Hover na makapasok sa kanilang bahay. Nakita ko si Lolita sa may sala, kumakain siya. Lumingon siya sa amin, nabitawan niya ang kutsara na nagbigay ng ingay sa buong paligid. Nakaawang ang bibig niya habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa amin. “W-what happened to you?” gulat na tanong niya. Ngumiti ako, gustuhin ko mang sabihin ay ayoko namang makadagdag pa sa isipin niya. Ayokong kaawaan niya ako. "Andiyan kana pala hover-" Napatingin kami sa may kusina. Galing doon si Havanah. May dala siyang kape at matamang nakatingin sa akin. "Bakit magkasama kayo? Anong nangyari sayo?" gulat na tanong niya. Paano ko nga ba ipapaliwanag sa kanila ang mga nangyari? Tinatamad din naman akong magkwento. "Ako na ang bahala kay Havanah. Magpahinga kana muna sa kwarto mo," seryosong sabi ni Hover at mabilis na hinila si Havanah palabas ng bahay. Naiwan akong nakatayo habang pinapanuod ang paglayo ni
ASHERA Two days after the incident, I had returned to my normal self. I was deeply grateful to Amery and Hover for never leaving my side here at the hospital. They watched over me, no matter what.. "Ashera, can we talk?" Hindi ako lumingon sa nagmamay-ari ng boses. Hindi ako natutuwa sa presensiya na o ni ayokong makita ang katiting na mukha niya. "Don't you dare go near her." Thanks to Hover, pinigilan niya agad si Jeorge na makalapit sa akin. "At sino ka naman para pigilan ako? Teka nga, kaano-ano mo ba siya at kung umasta ka ay parang boyfriend ka niya," seryosong sabi niya habang nakakuyom ang dalawang kamao. "Our relations are none of your business. Do not even think about coming near her, or else I might lose my temper and you'll end up being restrained again by the nurses and doctors in this hospital," Hover warned, staring sharply at Jeorge. "You'll pay for this, Hover. I'm cutting off all alliances and transactions between our companies," Jeorge replied gravely
ASHERA Ayoko nang gumising. Mas gusto ko nalang na maglakad sa liwanag ngunit sng mga paa ko sy tila nakapako. Hindi ako makagalaw, parang hinihila ako pabalik kung saan. Hanggang sa hindi ko namalayang unti-unti ko na palang idinilat sng mga mata ko. "Gising na si Ashera!" Sigaw agad ni Amery ang narinig ko. Tumakbo sa direksiyon ko si Hover kasama si Amery. Bakit ba palagi silang magkasama? At bakit parang alang-alala si Hover, hindi naman kami close masiyado. "Are you okay?," Kitang-kita ko ang matinding takot sa mga mata niya. Hover, sino ka ba talaga? Bakit kailangan mo akong pahalagahan ng ganito katindi? Tumango ako bilang pagsang-ayon kahit sobrang sakit ng katawan ko. "Hoy Ashera! Pagsabihan mo yang nobyo mo. Binugbog lang naman niya si Jeorge" Napatingin ako kay Hover. Hindi siya nagsasalita pero galit na galit ang mga mata niya habang nakatingin kay Zebyana na nakapamewang sa may pintuan. "Buti nga hindi pa niya tinuluyan yang gago na yan!" sigaw pabalik ni Amery na
HOVER "Kuya! Pinigilan ko naman siya pero gusto na talaga niyang umuwi. Anong gusto mo ikadena ko siya?!" inis na sabi nang kapatid ko dahil kanina pa ako nagagalit. Hindi pa naman kasi fully healed si Ashera ay pinayagan na niyang umuwi. "At tiyaka, hindi ka naman tatay niya para pagbawalan siya. Hindi ka rin naman niya boyfriend para magka-ganyan ka!" inis na ring sabi niya sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil kahit kailan ay hindi ako nananalo sa kanya. "Fine! Pero, pwede ka bang pumunta sa kanila para makita kung ayos lang ba siya doon?" malumanay na sabi ko na sana'y pumayag siya sa hinihingi kong pabor. "Bakit ako? Bakit hindi ikaw? Kuya naman!" inis na inis na sabi niya. Nagtatantrums pa, parang bata. "Iphone 17, pro max," tipid na sabi ko. Bigla ay tumayo siya at nakangiti akong tiningnan. "Ngayon na ba?" nakangiting sabi niya kaya napabuntong-hininga na lamang ako. Kapag talaga may kapalit, ang bilis-bilis niya. "Huwag na! Nagbago na ang isip ko," natat
JEORGEAng init sa pagitan naming dalawa ni Ashera ay biglang naglaho dahil sa malakas na tunog na nagmumula sa aking cellphone. Nagulat ako kaya naitulak ko siya nang biglaan. Mabilis kong kinuha ang cellphone, hindi ko maiwasang mapangiti nang makitang tumatawag si Zebyana. Sinenyasan ko siya na
ASHERA Jeorge was out of the house all day, and thankfully, my fever was gradually subsiding. I prepared dinner, knowing my husband would be home soon.Ala-sais ng gabi nang biglang may pumaradang sasakyan sa labas ng gate. Hindi ito ang kotse ni Jeorge—kilala ko ang tunog ng kanyang sasakyan. May
JEORGEI couldn't help but feel pity for her, watching her from the doorway. She was picking up the food that had been spilled and putting it back into the container. Was she planning to eat it still? She's really disgusting.Tumalikod na lamang ako't bahala na siya sa buhay niya. Hinihintay ko ang
ASHERAPilit kong tinatakpan ang aking dalawang tenga, dahil rinig na rinig ko ang bawat halinghing at ungol na kanilang ginagawa sa kabilang kwarto. Para itong matalim na punyal na unti-unting bumabaon sa aking puso. Sobrang sakit. Sobrang hirap. Bawat patak ng luha ko ay isang paalala na wala ako







