Share

Chapter 5.

Author: Ecrivain
last update Huling Na-update: 2025-07-22 09:00:16

NAGTATAKANG tiningnan ni Rio ang mga anak na sabay-sabay humikab ng maupo sa harap ng hapag-kainan ng umagang ‘yon. Tila ba puyat na puyat ang mga ito.

“What did you all do last night? Gumimik ba kayo?” tanong niya nang ilapag ang nilutong sinangag sa mesa. Naupo siya sa tabi ng esposo at hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagpapalitan ng tingin ng mga ito.

“Si Radney lang ang gumimik,” tipid na tugon ni Razel sa pagitan ng paghigop ng kape.

“Kung gano’n ay ano ang ginawa niyo? Bakit puyat kayong apat? Mabuti na lang at wala si Ric dahil siguradong isasama niyo na naman ang kapatid niyo kahit ayaw,” pakli niya.

“Sigurado akong hindi sila gumimik, mom, dahil mukha silang wasted hindi gaya ko galing sa parais—” natahimik si Radney nang tamaan ito ng piraso ng tinapay galing kay Noc.

“Watch your words may dalaga tayong kasama rito,” Noc said while shaking his head.

Lahat naman sila ay napatingin kay Rose na tahimik na kumakain. Iyon ang unang beses na sumabay ito sa kanila sa hapag. Napatingin ito sa kanila at tipid na ngumiti.

“Sorry, Rosy,” turan ni Radney.

“Nasaan ang Kuya niyo?” tukoy niya sa panganay na anak.

“Nagbabantay—I mean nasa farm na siya, mom,” ani Noc.

Makahulugan ang naging palitan ng tingin ng mga anak niya at alam niya kapag may itinatago ang mga ito.

“Are you hiding something from me?” tanong niya at isa-isa itong tiningnan. Maging ang esposo ay napatingin na rin sa mga anak.

“What do you mean, My?” kunot ang noong tanong ni Rad. Hindi makatingin ng diretso ang dalawang anak sa kanya kaya nakumpirma niya ang hinala.

“Tell me what is it, Razel, Renoche?” turan niya.

“It’s nothing, mom,” ani Razel.

“I don’t think it’s nothing. You all look like a zombie,” palatak niya.

“Basta ako mukha man akong zombie pero nag-enjoy ako,” taas pa ang dalawang kamay na sabi ni Rad.

“Shut up, Radney, I’m talking to your two brothers,” aniya.

“Nakipag-inuman kami sa mga tauhan sa farm kaya kami napuyat, mom,” sabi ng kadarating lang na si Raikko. Humalik ito sa pisngi niya at nagmano sa ama nito saka ito naupo sa tabi ni Rose at nagsimulang kumain. Saka lang siya nakahinga ng maluwag. Akala niya ay kung ano na naman ang ginawa ng mga anak.

“Kung iinom pala kayo sana sumama na lang kayo sa ‘kin para naman nakapag-good time kayo,” pakli ni Rad.

“We had a good time last night, Rad. Why don’t you join us tonight?” ani Raikko.

“Woah, sige ba! Tutal marami rin naman magagandang dalaga dito sa ‘tin,” tila sabik na tugon nito.

Nakita niya ang ginawang pagngisi ni Noc at Razel. Pero hindi na niya ‘yon pinagtuunan pa ng pansin.

“WHAT’S our next plan? Mukhang hindi na babalik ang mga magnanakaw na ‘yon?” tanong ni Razel nang magkita-kita silang magkakapatid sa likod-bahay pagkatapos ng almusal.

“Magnanakaw? Anong magnanakaw?” kunot ang noong tanong ni Radney.

Napailing na lang sila. Hindi nga pala nito alam ang totoong ginawa nito kagabi. Ang buong akala nito ay nakipag-inuman sila gayong ang totoo ay magdamag silang nagbantay sa farm sa pagbabakasakaling bumalik roon ang mga kawatan.

Sinabi ni Renoche ang tunay nilang ginawa at napanganga ang kapatid nila. “Hindi ba dapat nating ipaalam ito kay daddy?” ani Rad.

“Hindi pwede,” agap ni Raikko. “Dad has a heart condition at hindi natin alam kung paano niya iha-handle ang problema kapag nalaman niya. We should handle this on our own,” dagdag niya.

“So, don’t leave tonight. Tutulungan mo kaming mag-patrolya sa buong hacienda,” ani Razel.

“Oh, men! May pinangakuan pa naman akong babe kagabi na magkikita kami ulit,” anito.

“I already told Ninong Rom, about our problem. I will alert him if ever the thieves came back,” aniya.

“Iyon naman pala e. Bakit kailangan pa nating magbantay? Hayaan na natin si Tito Rom na mag-asikaso no’n,” si Radney.

“Hindi sila mga simpleng magnanakaw lang Rad. Nag-iiwan sila ng patay na hayop na para bang nananakot pa sila,” paliwanag niya at inihilamos ang mga palad sa mukha.

“That’s why we need guns, Kuya Rai. We can’t fight for ourselves with only a slingshot in our hands,” wika ni Noc habang nakapamulsa ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pants nito.

“Let’s ask Tito Rom, I’m sure he’ll agree with us,” segunda naman ni Razel.

“Alright, pupuntahan ko siya mamaya,” tugon niya at humugot ng malalim na hininga.

"Sasama kami sa 'yo," ani Noc.

"No, dito na lang kayo. Baka makahalata na naman si mom. Kami na lang ni Razel ang pupunta," aniya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Chapter 5.

    NAGTATAKANG tiningnan ni Rio ang mga anak na sabay-sabay humikab ng maupo sa harap ng hapag-kainan ng umagang ‘yon. Tila ba puyat na puyat ang mga ito. “What did you all do last night? Gumimik ba kayo?” tanong niya nang ilapag ang nilutong sinangag sa mesa. Naupo siya sa tabi ng esposo at hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagpapalitan ng tingin ng mga ito. “Si Radney lang ang gumimik,” tipid na tugon ni Razel sa pagitan ng paghigop ng kape. “Kung gano’n ay ano ang ginawa niyo? Bakit puyat kayong apat? Mabuti na lang at wala si Ric dahil siguradong isasama niyo na naman ang kapatid niyo kahit ayaw,” pakli niya. “Sigurado akong hindi sila gumimik, mom, dahil mukha silang wasted hindi gaya ko galing sa parais—” natahimik si Radney nang tamaan ito ng piraso ng tinapay galing kay Noc. “Watch your words may dalaga tayong kasama rito,” Noc said while shaking his head.

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Chapter 4.

    URSULA stared at the woman who took care of her while she’s wounded, Rio De Mario. Kasalukuyan nitong inaayos ang mga pinamili nitong damit sa closet niya. Hindi niya mapigilan mapaluha dahil makalipas ang halos labinlimang taon ay noon lang ulit niya naramdaman na asikasuhin ng isang ina at lubos siyang kinakain ng konsensya niya.Paano niya ba sasabihin dito na hindi naman talaga nawala ang alaala niya? Na ginawa niya lang ‘yon para hindi siya paalisin ng mga ito. Dahil sigurado siya na sa oras na magkamalay siya at makita ng mga ito na kaya na niyang maglakad ay papaalisin na siya ng mga ito. Kailangan niya ng matutuluyan ngayon dahil sigurado siyang hinahanap na siya nila Leon. Ang pamilya De Mario lang ang nakikita niyang may kakayahang ingatan siya.“Hija, naayos ko na ang mga gamit mo. Sabihin mo lang sa ‘kin kung may kailangan ka pa—” natigil sa pagsasalita ang ginang nang humarap sa kanya. “B-bakit ka umiiyak? May masakit ba sa ‘yo?” nag-aalalang tanong nito.Sinapo niya ang

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Chapter 3.

    HUMAHANGOS na lumapit si Raikko sa komosyon ng mga tauhan sa kulungan ng mga hayop. Wala siyang ideya kung ano ang nangyayari dahill kararating lang niya roon. Isa-isang tumabi ang mga tao para magbigay daan sa kanya at doon na tumambad ang tauhan niyang si Kiko na tila lumong-lumo.“Anong nangyari dito, Kiko?” tanong niya na nakakunot ang noo.Nagtaas ito ng tingin at kita niya ang naluluha nitong mata. “N-ninakawan po tayo, Sir Raikko. Hindi namin alam kung sino pero mukhang marami sila dahil hindi lang baboy ang nawala. At may iniwan sila…” Matapos ‘yon ay tumabi ito sa gilid at tumambad sa kanya ang alagang baboy na wasak ang tiyan at nakalabas ang mga laman-loob.Napakuyom ang kamao niya. Ito ang unang beses na may nangyaring ganoon sa kanila. Ang magnanakaw ay hindi na bago pero ang ganoong karumal-dumal na gawain ay bago sa kanila.Kinambatan niya si Kiko na sumunod sa kanya at naglakad na siya palayo roon. “Ano pa ang mga nawala?” tanong niya.“Parang pinagplanuhan ang ginawan

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Chapter 2.

    KINABUKASAN ay maagang umalis ng bahay si Raikko. Hindi niya kayang humarap sa babaeng tinulungan niya. Nahihiya pa rin siya at hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan. Naroon naman ang ina para asikasuhin ito.Dumiretso siya sa sagingan at naabutan niyang may kinakausap ang mga tauhan niya na hindi kilalang mukha sa lugar nila. Dahan-dahan siyang lumapit at kunwa’y may tinitingnan sa malapit dito.“Sigurado ba kayong wala kayong nakitang babaeng napadpad dito? Maputi, mahaba ang buhok at balingkinitan ang taas?” turan ng lalaking nakasuot ng dilaw na bandana sa ulo. Nangingitim na ang ngipin nito at kahit na may kalayuan ang kinatatayuan niya rito ay amoy na amoy niya ang mabahong amoy ng hininga nito.“Wala ho talaga, bossing,” tugon ng isa sa binatilyong tauhan nila.Napatingin sa kanya ang lalaki at hindi siya nag-iwas ng tingin. Sinigurado niyang matatandaan nito ang mukha niya at gano’n din siya rito. Hinihintay niyang lumapit ito at magtanong din sa kanya pero naglakad la

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Chapter 1.

    “SHOULDN’T WE bring her to the hospital?” tanong ni Rio habang nasa harap ng hapagkainan. Kasalukuyan silang nag-aalmusal kasama ang lima niyang barakong anak at ang esposo na si Rocco. Ang tinutukoy niya ay ang babaeng dinala ng panganay niyang si Raikko na kasalukuyang ginagamot ng family doctor sa isa sa guestroom nila sa ancestral house.“I don’t think that’s a good idea, Mom, given her bad shape. Mukhang biktima siya ng kidnapping. Ang mas maganda ay dalhin siya sa mga pulis para malaman kung may naghahanap sa kanya,” katuwiran naman ni Ricole o Ric kung tawagin nila. Ito ang bunsong anak niya.“Hintayin muna natin siyang maka-recover bago tayo gumawa ng anumang hakbang. Mas maganda kung tatanungin muna natin siya kung anong nangyari sa kanya bago tayo gumawa ng kung anumang hakbang o aksyon,” wika naman ni Raikko na sa pagkain nakatuon ang tingin. Pero sigurado siyang malayo ang tinatakbo ng isip nito.“Mukhang hindi siya taga-rito. Ngayon ko lang nakita ang mukha niya. Mukha ri

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Prologue

    “ANO BA, Leon, bitawan mo ‘ko!” nagpupumiglas si Ursula mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Leon sa pulso niya. Para itong asong nauulol habang nakangising nakatingin sa kanya.“Huwag ka ng pumiglas, Sol. Isipin mo na lang honeymoon na natin ‘to. Male-late lang ang kasal at mauuna ang pulot-gata,” turan nito.“Hindi ako magpapakasal sa ‘yo! Nakakadiri ka!” buong lakas niya itong itinulak at bumagsak ito sa kawayang sahig ng silid niya. Sinubukan niyang tmuakbo palabas pero mabilis nitong nahablot ang mahaba niyang buhok at hinila siya pabalik sa loob. Pasalampak siya nitong itinulak sa dingding na pawid at napangiwi siya sa sakit ng tumama ang braso niya sa nakausling pako.“Huwag ka nang choosy. Sa grupo natin ay ako lang ang may hitsura,” mayabang na turan nito.Sinuyod niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Matangkad at moreno ito na nahahawig sa isang sikat na Pinoy action star pero ang hininga naman nito ay hindi. Nangingitim na ang ngipin nito dahil sa sigarilyo at ang buhok

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status