URSULA stared at the woman who took care of her while she’s wounded, Rio De Mario. Kasalukuyan nitong inaayos ang mga pinamili nitong damit sa closet niya. Hindi niya mapigilan mapaluha dahil makalipas ang halos labinlimang taon ay noon lang ulit niya naramdaman na asikasuhin ng isang ina at lubos siyang kinakain ng konsensya niya.
Paano niya ba sasabihin dito na hindi naman talaga nawala ang alaala niya? Na ginawa niya lang ‘yon para hindi siya paalisin ng mga ito. Dahil sigurado siya na sa oras na magkamalay siya at makita ng mga ito na kaya na niyang maglakad ay papaalisin na siya ng mga ito. Kailangan niya ng matutuluyan ngayon dahil sigurado siyang hinahanap na siya nila Leon. Ang pamilya De Mario lang ang nakikita niyang may kakayahang ingatan siya.
“Hija, naayos ko na ang mga gamit mo. Sabihin mo lang sa ‘kin kung may kailangan ka pa—” natigil sa pagsasalita ang ginang nang humarap sa kanya. “B-bakit ka umiiyak? May masakit ba sa ‘yo?” nag-aalalang tanong nito.
Sinapo niya ang pisngi at noon lang niya napansin na talaga ngang umiiyak siya. Agad niya iyong pinalis at alanganin itong nginitian. “M-masaya lang po ako. H-hindi ko inaasahan na tatratuhin niyo akong parang anak niyo gayong ni hindi niyo ako kilala at hindi niyo alam kung saan ako nanggaling,” wika niya.
Masuyo itong ngumiti at lumapit sa kanya saka siya inakbayan. “Maybe, I don’t know your name or where you came from but I can feel that you are a nice person, hija,” turan nito.
“H-hindi ko po alam kung paano ko kayo mapapasalamatan, Tita,” hinawakan niya ang kamay nito na nakahawak sa braso niya.
“No need to do that. Just bear with me if ever I became an annoying fake mom,” anito pagkaraan ay tumawa.
Natawa na rin siya. “I want an annoying mom,” napapailing na lang na tugon niya.
“WHAT BRINGS you here, hijo?” tanong ni Police Lieutenant General Romualdo Domingo nang sadyain niya ito sa opisina nito sa General Luna nang hapong iyon. Tumayo ito at sinalubong siya.
Nagmano siya rito at sinenyasan siya nitong maupo. “I apologize if I came anannounced, Ninong. May kailangan lang akong idulog sa ‘yo tungkol sa farm,” panimula niya nang maupo sa kahoy na silyang naroon.
“It looks really important for you to came here,” komento nito nang maupo sa harapan niya.
“I haven’t told anyone about it yet. Even my parents. I don’t want them to worry about the farm and our safety,” aniya.
Tila nakuha niya ang atensyon ng matandang pulis dahil pinagsalikop nito ang mga palad sa harapan at mataman siyang tiningnan. Hinihintay ang susunod niyang sasabihin.
“Kagabi lang ay pinasok ng mga magnanakaw ang farm at kinuha nila ang karamihan sa alaga naming hayop. Kinaumagahan na naming nalaman at nag-iwan pa sila ng patay na hayop, Ninong. It’s like they left it on purpose,” pagsasalaysay niya.
“It looks like someone’s threatening you or anyone in your brothers. May naalala ka bang may nakaaway kayo?” tanong nito na tila nag-iimbestiga.
Sunod-sunod ang naging pag-iling niya. That’s impossible, Ninong. You know our family. Isa pa, ako lang ang madalas na humaharap sa mga tauhan ng hacienda. Kung minsan ay isinasama ko si Razel at Radney pero hindi sila nangingialam sa pagpapatakbo ko roon. Si Ricole naman ay nag-aaral pa sa Batangas at minsanan lang kung umuwi. Si Renoche naman ay madalang lumabas ng bahay,” litanya niya.
Hindi agad nagsalita ang kaharap at tila nahulog ito sa malalim na pag-iisip. Maging siya ay buong araw na nag-iisip kung sino ang mga taong nanloob sa hacienda. Malaki ang lupain nila sa Unisan kaya hindi niya lubos maisip kung paanong natunton ng mga ito ang kulungan ng mga alagang hayop dahil bago marating iyon ay ilang taniman muna ang dadaanan ng mga ito.
“It must be someone from the inside,” wala sa sariling wika niya. Tama, iyon lang ang lohikal na paliwanag kung bakit natunton ng mga magnanakaw ang kulungan nila.
“Do you still need my help, hijo?” tanong ng pulis.
“I hope not, Ninong. Let me figure this out on my own. Thank you for listening, anyway,” nakangiti siyang tumayo at niyakap ito.
“Anything for you, hijo. Huwag mong kalimutang ikumusta ako sa mga magulang mo,” bilin nito.
“Of course, Ninong. O, paano aalis na ‘ko,” paalam niya at umalis na.
Habang nasa daan ay napapangisi siya. Kung tama ang hinala niya na may kasabwat ang mga kawatan sa loob ng hacienda ay malalaman niya iyon. It’s just a matter of time before he discovered who it was. Binilisan niya ang pagpapatakbo para agad na makarating sa bahay nila dahil kailangan niyang kausapin ang mga kapatid para sa pinaplano niya.
Kalat na ang dilim nang makarating siya sa ancestral house. Tulog na raw ang mga magulang niya sabi ng kasambahay nang ipaghanda siya ng mga ito ng pagkain.
“How about Rose, yaya?” tanong niya sa gitna ng pagkain.
“Tapos na rin po siya Sir Rai. Siguro ay natutulog na ‘yon ngayon,” tugon nito.
Nang umalis ang kasambahay ay binilisan na niya ang pagkain at nang matapos ay agad siyang umakyat sa ikalawang palapag ng bahay at dumiretso sa silid ni Razel. Hindi na siya nag-abala pang kumatok at agad na binuksan ang pintuan. Agad itong tumingin sa gawi niya habang hawak nito ang remote control ng TV. Nakasandal ito sa headboard.
“Hindi ka talaga marunong kumatok. Paano kung may kasama akong babae dito at may ginagawa kaming kababalaghan?” litanya nito. Pinatay nito ang TV at tinalikuran siya. Nagtalukbong ito ng kumot.
“I need your help, Raz,” wika niya at lumapit dito. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ng kama nito.
“Kung kailangan mo ng tulong sa iba ka na lang magpunta. Tutulog na ‘ko,” balewalang tugon nito.
“May nakapasok na magnanakaw sa hacienda at marami silang kinuha. Hindi ko pa nasasabi ito kay dad. Kailangan ko ng tulong niyo nila Rad at Noc para hulihin sila kung sakaling bumalik sila,” paliwanag niya.
Biglang bumalikwas ang kapatid at kunot ang noong tumingin sa kanya. “Sana kanina mo pa sinabi. Puntahan natin sila Rad at Noc. Sigurado ako mga gising pa ‘yon,” anito at nauna pang lumabas ng silid sa kanya.
Kumatok si Raz sa silid ni Rad pero walang sumasagot kaya pinasok na lang nila ito. Pero hindi nila natagpuan roon ang kapatid.
“Siraulo talaga ‘yon. Tumakas na naman para mag-party sa kabilang bayan. Hindi man lang nag-aya,” pakli nito habang umiiling.
Sunod nilang pinuntahan si Renoche sa silid nito at sa pagkakataong ‘yon ay siya na ang walang pasabing nagbukas ng silid nito. Nakita nila itong naglalaro ng video games.
“Noc, we need your help,” wika ni Razel.
“Kung sa panliligaw ‘yan mali kayo ng pinuntahan. Si Kuya Rad na lang ang tanung—” natigil ito sa pagsasalita ng hugutin ni Raz sa saksak ang joystick. “Ano bang problema niyo? Gabing-gabi na nagbubulabog pa kayo,” asik nito at tumayo para i*****k ang laruan nito. Pero inagaw na niya ‘yon at hinawakan ito sa balikat.
“Kailangan ko ng tulong niyo,” turan niya. Nang matipon ang dalawang kapatid na naroon ay ipinaliwanag niya ang plano. Magbabantay sila sa iba’t ibang bahagi ng hacienda para hulihin ang mga magnanakaw kung sakaling bumalik ang mga ito.
Pumayag naman ang mga ito at sabay-sabay na silang bumaba para kumuha ng armas na gagamitin nila.
“Pfft, ito ang gagamitin natin?” natatawang sabi ni Razel nang damputin ang slingshot mula sa barn sa likod-bahay.
“Sa tingin mo ba may laban ito sa mga magnanakaw, Kuya? Hindi natin alam baka may dala silang mga armas gaya ng baril,” pakli naman ni Noc.
“Huwag na nga kayong mareklamo. Alam niyong wala tayong baril dahil ipingbawal ‘yon ni dad,” tugon niya.
“Iyon na nga ang sinasabi ko e. Paano natin ipagtatanggol ang sarili natin kung wala man lang tayong armas na pwedeng gamitin kundi—” hindi maipinta ang mukha nito habang nakatitig sa slingshot.
“Huwag na kayong madaming satsat. Tayo na at maaaring anumang oras ay sumalisi na naman sila,” turan niya at nauna na sa mga ito. Pero sa isip-isip ay sumasang-ayon siya sa sinabi ng mga kapatid. They need guns to protect themselves and their land.
“SINO BA ang babaeng ‘yan at parang tuwang-tuwa sa kanya ang mga De Mario?” tanong ng isang babae mula sa crowd habang masamang nakatingin sa dalagang kasayaw ngayon ni Raikko.“Nakakainggit naman siya. Kanina pa siya pinag-aagawan ng magkakapatid,” turan naman ng isa pa na tila nangangarap habang nanonood.“Anong nakakainggit diyan e, hindi naman siya maganda,” mataray na turan ng isa pa.“Saan ba nanggaling ‘yan? Mukhang hindi naman ‘yan tagarito,”Natigil sa paglalakad ang grupo ni Leon nang matanawan ang mga nagsasayaw sa gitna ng malawak na bakuran. Partikular na sa babae’t lalaki na magkadikit habang marahang sumasayaw.Humithit siya sa yosi at basta na lang iyong ibinuga sa mga kababaihang nasa harapan niya.“Ano ba ‘yan ang sakit naman sa ilong ng usok,” palatak ng isa sa mga ito at lumipat ng pwesto.Nakakaloko siyang ngumisi dahil iyon ang nais niya, ang umalis ang mga sagabal sa daan niya. Inilibot niya ang tingin sa paligid, hinahanap ang babaeng matagal na niyang hinahana
NAGKAKASAYAHAN ang lahat sa buong hacienda. Kalat na ang dilim pero buhay na buhay pa rin ang paligid dahil sa maliwanag na ilaw na nagmumula sa bawat poste, pati na rin sa malakas na disco music na nagmumula sa malalaking sound system.Ang mga matatanda ay tuwang-tuwa na nagsasayaw sa gitna ng malawak na bakuran ng mga De Mario habang ang mga kadalagahan naman ay tila naghihintay na lapitan sila ng mga kabinataan. Pero sa tingin ni Ursula ang talagang hinihintay ng mga ito ay ang mga binatang De Mario na sa tingin niya ay wala namang hilig sa mga ganitong pagtitipon. Well, maliban sa isa, si Radney na kanina pang nakikipagsayawan sa kung sino-sinong babae.Kahanay niya sa isang mahabang mesa ang mag-asawang Rio at Rocco, kabilang sina Ric na nasa kaliwa niya at sa kanan naman si Raikko na tahimik lang na nanonood. Katabi pa nito si Razel na kahit papaano ay pumapalakpak sa saliw ng musika.“Mga anak bakit hindi kayo maghanap ng maisasayaw na dalaga? Maaga pa, ‘wag niyong sayangin ang
NAGISING si Ursula sa mararahang katok mula sa pintuan ng silid niya. Pupungas-pungas siyang bumangon at kinusot-kusot pa ang mga mata. Nang buksan niya ang pintuan ay nakita niya si Razel na nakatayo roon. Nakabihis ito ng black buttoned-down shirt, khaki shorts, at slip on shoes. Ang buhok nito ay naka-brush on na lalong nagpalakas ng appeal nito.“Wow, ang gwapo mo ngayon a? May date ka bang kasama?” tanong niya at nginitian ito.Ngumiti ito at lumabas ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. “Salamat. Wala akong date pero siguradong itutulak na naman ako ni mommy mamaya sa mga kadalagahan na pupunta,” tugon nito na napapakamot pa sa batok. “Siya nga pala pinapatawag ka na ni mommy para sa maikling panalangin,” anito.“Oo nga pala. M-MAliligo lang ako ng mabilis at bababa na rin ako. Pakisabi kay Tita bigyan ako ng twenty minutes ha?” isinara niya ang pintuan para lang muling buksan iyon. “Salamat,” pahabol na sabi niya sa binata na muling napalingon pagkaraan ay tuluyan na
DAHIL SA sinabi ni Raikko ay lalong naging desidido si Ursula na ipakita rito na kaya niyang magluto. Ang totoo ay siya ang kusinera sa kuta nila at lahat ng mga kasapi nila ay sarap na sarap sa luto niya.Bandang hapon na sila natapos magluto ni Rio at nauna na itong umakyat sa kanya para sandaling magpahinga bago maligo para sa pagtitipon mamaya. Alam niyang ilang putahe lang ang sinabi ng ginang na lututin niya pero nagdagdag pa siya ng dalawang putahe na sariling ideya niya. Nang matapos ay maayos niya iyong inilagay sa mesa pagkaraan ay nagdesisyon na rin siyang magtungo sa silid niya.Hindi niya alam kung tama bang lumabas siya mamaya dahil baka may makakilala sa kanya. Pero nais niyang makihalubilo sa mga taong pupunta mamaya. Sandali siyang nahiga sa kama at tumitig sa kisame.Tila nakita niya roon ang hitsura ni Raikko na magkasalubong ang kilay. Wala sa sariling napasimangot siya.“Anong karapatan mong sungitan ako? Hindi por que gwapo ka ay susungitan mo na ‘ko,” pagkausap
GAYA NG normal na araw sa hacienda abala ang lahat sa kani-kanyang trabaho. Kahit walang matang nakamasid ay sinisiguro nila na ginagawa nila ng maayos ang mga trabaho nila. Nais nilang suklian ang kabaitang ibinibigay sa kanila ng pamilyang De Mario. Sa kabila ng yaman ng mga ito ay hindi ito nakakalimot na bumaba minsan para kumustahin sila.Ang mga De Mario ang may pinakamalaking azucarera sa buong probinsya ng Quezon at halos lahat din ng mamamayan sa probinsya ay sila ang nagbibigay ng kabuhayan dahil hindi lang ito ang pananim nila. Kaya bilang pagtanaw ng utang na loob ay nasa pamilyang ito ang katapatan ng lahat.Ngayong araw ay ginugunita ang kapistahan sa bayan ng Unisan at gaya ng nakasanayan ay abala ang lahat sa malaking piging na gaganapin sa Hacienda De Mario. Pagkakataon din ito ng mga kadalagahan para makita at masilayan ang limang binatang De Mario.Lahat sila ay nag-aasam na mapansin man lang ng kahit isa sa mga ito. Kaya maaga palang ay puro kababaihan na ang tumut
GAYA NANG napag-usapan ay nagkita-kita silang magkakapatid sa likod bahay kasama ang ama. Kabilang na si Ricole na ng mga oras na ‘yon ay wala pa ring ideya sa nangyayari. Nang dumating ang ama ay may bitbit itong itim na bag. Tila bigat na bigat pa ito dahil malaki ‘yon.Binuksan nito ang bag sa harapan nila at lahat sila ay nanlaki ang mga mata nang tumambad sa kanila ang iba’t ibang uri ng baril.“A-Anong ibig sabihin nito, Papa? Bakit ang dami niyong dalang armas? Saan galing ang lahat ng ‘yan?” puno ng pagtatakang tanong ni Ric.“May problemang kinakaharap ang hacienda ngayon, Ric at kailangan nating ipagtanggol ang sarili natin dahil kung hindi ay aabusuhin nila tayo,” tugon ni Razel.“Bakit kailangan natin ng armas, Kuya, Papa? Bakit hindi na lang natin sila isuplong sa mga pulis?” patuloy na tanong nito.“We already did, Ric, pero hindi namin kilala ang mga mukha nila. Tuwing gabi lang sila sumusugod at dahil do’n ay nasugatan si Renoche. Ngayon ay nasa ospital siya at binaban