Share

Chapter 6.

Author: Ecrivain
last update Last Updated: 2025-07-27 13:05:18

UMALIS si Ursula mula sa pagkakakubli sa bintana at bumalik sa kama niya. Biglang may sumikdong kaba sa dibdib niya nang makita ang magkakapatid na seryosong nag-uusap. Pakiramdam niya may delikadong mangyayari.

Kinagat niya ang kuko sa hintuturo dahil sa tension na nararamdaman. Wala siyang alam sa kung ano ang nangyayari sa labas. Hindi niya alam kung nakabalik na ang ama niya sa kampo at baka sa mga oras na ‘yon ay hinahanap na siya.

Nagpalakad-lakad siya sa loob ng silid at sa ganoong posisyon siya nadatnan ni Rio. Bitbit nito ang mga damit niyang bagong laba at nakatupi na.

“What’s wrong hija?” tanong nito nang makita siya.

Alanganing ngumiti ang dalaga at sinalubong ito para kunin ang mga damit. Siya na ang naglagay no’n sa loob ng closet. “May problema ka ba, Rose?” pag-uulit ng ginang sa tanong nito.

Humarap siya rito at pilit na ngumiti. “W-wala naman po. M-medyo naiinip lang po ako dito sa loob ng kwarto ko. Gu…Gusto ko po sanang lumabas o magpunta sa bayan,” pagdadahilan niya. Hindi niya gustong magsinungaling dito pero hindi ba’t sa simula palang ay puro kasinungalingan na ang lahat?

Ibinuka nito ang labi para magsalita nang makarinig sila ng katok sa pintuan ng silid niya at pagkaraan ay pumasok si Raikko. Seryoso ang mukha nito na napasulyap sa kanya pagkaraan ay bumaling sa ina.

“Pupunta ako sa bayan, mom. May kakausapin lang ako,” paalam nito.

“O-okay, mag-iingat ka,” tumatango-tangong tugon ni Rio. Tumalikod na ang binata para umalis nang muli itong tawagin ng ina. “Wait, hijo, bakit hindi mo isama si Rose sa pupuntahan mo? She feels stuffy here. Mas mainam siguro kung makakalanghap siya ng sariwang hangin,” mungkahi nito.

“Delikado sa labas, mom. Ni hindi natin alam kung sino ang mga taong gumawa sa kanya ng kasamaan,” turan nito.

“M-m-magsusuot ako ng cap!” Agap ni Ursula. Kapwa ito napatingin sa kanya. “G-gusto ko lang talagang lumabas,” dagdag pa niya.

Napakamot si Raikko sa batok habang ang isang kamay nito ay nasa baywang. “C’mon, son, it’s a good idea. She might regain her memory if you will accompany her around town,” pagkumbinsi pa ng ginang.

Pilit siyang ngumiti nang ibaling nito ang tingin sa kanya. Pero naging mailap ang mata nito at agad na nag-iwas ng tingin. Marahas itong napabuga ng hangin. “Sige, pero hindi siya bababa ng sasakyan,” pagpayag nito at nauna nang lumabas.

Abot-tainga ang ngiti niya at agad na kinuha ang cap na nasa ibabaw ng bedside table. “Maraming Salamat po, Tita,” wika niya at tumakbo na palabas.

Hindi matanggal ang ngiti sa labi niya habang nakasakay sa sasakyan ng binata Bahagya niyang inilabas ang ulo sa bintana at ipinikit ang mga mata saka lumanghap ng sariwang hangin. Malawak na maisan pa ang nadaraanan nila kaya presko pa ang hangin.

Napamulat siya nang marinig ang marahang pagtikhim ng binata sa driver side. Umayos siya sa pagkakaupo at itinuon ang tingin sa harap. Pero hindi niya magawang makapag-focus dahil nararamdaman niya ang titig ni Raikko at naco-conscious siya. Isa pa, ay nabibingi siya sa katahimikan dahil hindi man lang ito nagsasalita.

Inilibot niya ang tingin sa loob ng sasakyan at nakita niya ang stereo. Tumingin siya sa binata at nahuli niyang nakatingin ito sa kanya. Ni hindi man lang ito nag-abalang mag-iwas ng tingin sa pagkakataong ‘yon.

“P-Pwede bang makinig tayo ng music?” lakas-loob na tanong niya. Marahan lang itong tumango kaya naman nagkusa na siyang buksan ‘yon. Pumailanlang ang isang acoustic rock song na noon niya lang narinig.

“First time kong marinig ang kantang ‘to,” hindi napigilang komento niya.

“You can change it,” tugon naman nito at nagkibit ng balikat.

Marahan siyang umiling. “M-mukhang maganda,” Bumalik siya sa pagkakasandal at muling tumingin sa labas. Inayos pa niya ang suot na cap dahil hindi siya masyadong makakita.

Ipinikit ni Ursula ang mga mata para damahin ang kanta. She hasn’t found the one yet but she’s not giving up and hope that one day she will. Pero paano niya mahahanap ‘yon kung nagtatago siya? At hanggang kalian siya magtatago?

Naimulat niya ang mga mata nang maramdaman niya ang pagtigil ng sasakyan. Sinulyapan niya si Raikko. Nagtanggal ito ng seatbelt at binalingan siya.

“Hintayin mo na lang ako dito. May kukunin lang ako,” wika nito at bumaba na.

Hindi na siya nakapagprotesta dahil nakatawid na ito sa kabilang bahagi ng kalsada. Hindi niya alam kung gaano katagal itong mawawala. Gusto pa naman sana niyang maglibot sa loob ng pamilihang bayan ng Tayabas. Bumaba siya ng sasakyan at sinubukang habulin ang binata. Pumasok siya sa loob ng palengke at nakita niya itong naglalakad sa wet section. Dahan-dahan siyang naglakad sa takot nab aka madulas dahil flip flops lang ang suot niya. Pinagtitinginan pa siya dahil sa suot niyang floral dress na above the knee ang haba at ang bandang dibdib ay medyo revealing dahil sa v-neck style.

Sa sobrang pagkasabik niyang sumama ay hindi na siya nakapagpalit ng damit. Napaiwas siya nang muntik na siyang masagi ng isang mamimili at ng mag-angat siya ng tingin para tingnan si Raikko ay wala na ito. Ni hindi niya alam kung saan ito lumiko. Nang makarating sa dulo ay nagpalinga-linga siya sa kaliwa’t kanan. Hindi niya rin nakita roon kahit ang anino ng binata.

Nagdesisyon siyang tahakin ang kanang bahagi ng pamilihan. Nang makarating siya sa dulo ay kalsada na ang labasan at wala pa ring indikasyon na naroon ang binata. Bumalik siya sa pinanggalingan at sa kaliwang bahagi naman ng pamilihan nagtungo. Pero wala rin ito doon.

Nagdesisyon siyang bumalik na lang sa sasakyan ng may matanawan siyang pamilyar na mukha sa dry goods section—ang Papa niya. May hawak itong papel at tila may itinatanong sa tindera. Agad siyang napangiti at akmang lalapitan ito nang matigilan siya. Kung naroona ang ama hindi nalalayong naroon din si Leon. Napaatras siya at ang saya ay nahalinhan ng takot.

Nagpatuloy siya sa pag-atras hanggang sa may bumangga sa likuran niya. Sa takot ay napatakip siya ng mukha. “H-huwag, huwag kang lalapit…” nauutal na wika niya.

“Rose, kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba pupunta?” tanong ni Raikko. Dala ng labis na takot ay yumakap na lang siya rito. Nanginginig ang mga kalamnan niya at kung hindi siya hahanap ng masasandalan ay mabubuwal siya.

Naramdaman niya ang pagdampi ng palad nito sa likuran niya. “May nangyari ba?” may pag-aalala sa tinig na tanong nito.

“U-umuwi na tayo, please?” halos pabulong na turan niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Chapter 22. Do You Like Me

    MATAPOS ang almusal ay nagtungo na si Raikko sa loob ng bahay. Ang ina ay dumiretso sa kusina para magluto naman ng panangahalian. Paakyat na siya sa hagdanan nang matanaw niya si Rose. Nakatalikod ito sa gawi niya at tila nagpupunas ng mga display na figurine sa kahoy na estante. Napakunot noo siya nang maulinigan na tila may sinasabi ito. Dala ng kuryosidad ay naglakad siya palapit rito. “Sino naman ang nobya niya? Wala naman siyang ipinapakilala sa ‘min,” tila sarili nito ang kinakausap. “Teka ako ba ang tinutukoy niya?” sa isip-isip na tanong niya. Imbes na gambalainn ito ay tila nalibang pa ang binata na pakinggan at panoorin ito. Wala namang alikabok ang mga display pero tila ba galit na galit ito sa pagpupunas. Raikko rested his chin in his hand and stayed behind her. Akala niya ay may sasabihin pa ito pero bigla itong humarap. Napasinghap ito nang makita siyang prenteng nakatayo roon. “K-Kanina ka pa ba r-riyan?” nauutal na tanong nito. Imbes na sagutin ito ay naglakad s

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Chapter 21. Indirect Questions

    MATAPOS ang nangyaring pista sa bayan ng Unisan ay nagsimula rin ang pag-usbong ng closeness sa pagitan nila Raikko at Rose. Tila nawala ang pader na humaharang sa pagitan nila. Naging komportable sila sa isa’t isa at sa araw-araw na kasama niya ito sa isang bubong ay nalaman niyang hindi ito mahirap pakitunguhan.Simple lang si Rose. Masayahin, mahinhin ngunit nakikita niya ang malakas na dating nito. Sa halos isang buwan na pananatili nito sa kanila ay malapit na ito sa lahat ng miyembro ng kanilang pamilya lalo na sa kaniyang ina.Sa katauhan nito ay tila nagkaroon ng anak na babae ang kanyang ina at gusto niya ang nakikitang kasiyahan sa huli. Gaya na lang ng araw na ‘yon na nadatnan niya sa garden ang ina at ang dalaga na magkasamang dinidiligan ang mga tanim na bulaklak.“O, hijo, nariyan ka pala. Ang aga mo yatang nagpunta sa farm?” tanong ni Rio nang makita siya. Bago pa lamang sumisikat ang araw at kagagaling niya lang sa sagingan.Humalik siya sa pisngi ng ina at nginitian

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Chapter 20. Threat

    “ANONG sabi mo?!” Nagngangalit ang mga bagang na tanong ni Lucio kay Leon ng ipagbigay alam nito sa kanya ang kinaroroonan ni Ursula.Nasa tinitirahan niya siyang kubo at kararating lang nila Leon mula sa kapatagan. Agad na sumalubong sa kanya ang balita na nakita na ang nag-iisa niyang anak. Kalat na ang dilim sa labas at tanging huni na lang ng mga kuliglig ang naririnig nila.“Tama kayo ng narinig, amo. Tinakasan ako ni Ursula para sumama sa lalaking haciendero na ‘yon,” tila nagpapaawa pa si Leon nang sabihin ‘yon.Humigpit ang kapit ni Lucio sa ulo ng kwarenta y singko na nakasuksok sa tagiliran niya. Labis ang pag-aalalang nararamdaman niya iyon pala ay ligtas naman ang kanyang anak. Ang hindi lang niya lubos maisip ay kung paano nitong nagawang hindi magpaalam sa kanya. Bagay na hindi nito ginagawa. Hindi naglilihim si Ursula sa kanya. Maging ang tahasan nitong pagtutol sa pagpapakasal kay Leon ay alam niya. Ngunit wala siyang magawa dahil may utang na loob siya sa kanang kamay

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Chapter 19. Danger

    “SINO BA ang babaeng ‘yan at parang tuwang-tuwa sa kanya ang mga De Mario?” tanong ng isang babae mula sa crowd habang masamang nakatingin sa dalagang kasayaw ngayon ni Raikko.“Nakakainggit naman siya. Kanina pa siya pinag-aagawan ng magkakapatid,” turan naman ng isa pa na tila nangangarap habang nanonood.“Anong nakakainggit diyan e, hindi naman siya maganda,” mataray na turan ng isa pa.“Saan ba nanggaling ‘yan? Mukhang hindi naman ‘yan tagarito,”Natigil sa paglalakad ang grupo ni Leon nang matanawan ang mga nagsasayaw sa gitna ng malawak na bakuran. Partikular na sa babae’t lalaki na magkadikit habang marahang sumasayaw.Humithit siya sa yosi at basta na lang iyong ibinuga sa mga kababaihang nasa harapan niya.“Ano ba ‘yan ang sakit naman sa ilong ng usok,” palatak ng isa sa mga ito at lumipat ng pwesto.Nakakaloko siyang ngumisi dahil iyon ang nais niya, ang umalis ang mga sagabal sa daan niya. Inilibot niya ang tingin sa paligid, hinahanap ang babaeng matagal na niyang hinahana

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Chapter 18. Dancing with the De Mario's

    NAGKAKASAYAHAN ang lahat sa buong hacienda. Kalat na ang dilim pero buhay na buhay pa rin ang paligid dahil sa maliwanag na ilaw na nagmumula sa bawat poste, pati na rin sa malakas na disco music na nagmumula sa malalaking sound system.Ang mga matatanda ay tuwang-tuwa na nagsasayaw sa gitna ng malawak na bakuran ng mga De Mario habang ang mga kadalagahan naman ay tila naghihintay na lapitan sila ng mga kabinataan. Pero sa tingin ni Ursula ang talagang hinihintay ng mga ito ay ang mga binatang De Mario na sa tingin niya ay wala namang hilig sa mga ganitong pagtitipon. Well, maliban sa isa, si Radney na kanina pang nakikipagsayawan sa kung sino-sinong babae.Kahanay niya sa isang mahabang mesa ang mag-asawang Rio at Rocco, kabilang sina Ric na nasa kaliwa niya at sa kanan naman si Raikko na tahimik lang na nanonood. Katabi pa nito si Razel na kahit papaano ay pumapalakpak sa saliw ng musika.“Mga anak bakit hindi kayo maghanap ng maisasayaw na dalaga? Maaga pa, ‘wag niyong sayangin ang

  • Hacienda De Mario Series I. Dangerous Love[FILIPINO]   Chapter 17. Safe and Secure

    NAGISING si Ursula sa mararahang katok mula sa pintuan ng silid niya. Pupungas-pungas siyang bumangon at kinusot-kusot pa ang mga mata. Nang buksan niya ang pintuan ay nakita niya si Razel na nakatayo roon. Nakabihis ito ng black buttoned-down shirt, khaki shorts, at slip on shoes. Ang buhok nito ay naka-brush on na lalong nagpalakas ng appeal nito.“Wow, ang gwapo mo ngayon a? May date ka bang kasama?” tanong niya at nginitian ito.Ngumiti ito at lumabas ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. “Salamat. Wala akong date pero siguradong itutulak na naman ako ni mommy mamaya sa mga kadalagahan na pupunta,” tugon nito na napapakamot pa sa batok. “Siya nga pala pinapatawag ka na ni mommy para sa maikling panalangin,” anito.“Oo nga pala. M-MAliligo lang ako ng mabilis at bababa na rin ako. Pakisabi kay Tita bigyan ako ng twenty minutes ha?” isinara niya ang pintuan para lang muling buksan iyon. “Salamat,” pahabol na sabi niya sa binata na muling napalingon pagkaraan ay tuluyan na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status