Share

HARA CHAPTER 6

Author: Magic Heart
last update Last Updated: 2021-05-28 17:24:18

Mabilis na lumipas ang mga araw. Unti-unti ay nagiging relax na si Hara sa Hacineda Del Puedo at sa mansiyon. Sinisikap niyang maging normal ang mga araw na para bang hinahabol siya ng multo ng kahapon.

Isa sa gustong gawin ng dalaga ay ang muling makapamasyal nang walang kinakatakutan. Gusto niyang ibalik ang dating buhay na malaya siyang gawin ang lahat.  

Habang nag-uusap sa hardin ang matandang Del Puedo at si Klein ay nilapitan ni Hara ang mga ito. Mababakas sa matanda ang edad nito ngunit kahit nakatalikod ay napakakisig pa rin nitong tingnan. Hindi nakapagtatakang minahal ito ng labis ng Lola Candida niya.

Bahagyang napangiti ang dalaga ng maalala kung paano magmahalan ang kanilang lolo at lola. Ang nasabing pag-iibigan ay nagbunga ng tatlong anak, si Fausto Del Puedo ang panganay, sinundan ng kaniyang papa at ng kaniyang Ninang Marcela na bunso.

Si Fausto ang ama nina Ryan at Mia samantalang pareho sila ni Klein na isang anak lamang ng kanilang mga magulang.

Gustong pumunta ng dalaga sa bayan kaya niya nilapitan ang lolo niya kahit halatang may sekretong pinag-uusapan ito at si Klein. 

"Magpapaalam muna po ako, lolo," alanganing wika ng dalaga. Hindi kasi siya tiyak kung papayagan siya nito. 

"Saan ang punta mo?" malumanay ngunit halata ang utoridad sa boses ni Don Ernesto. 

"Gusto ko pong pumunta sa bayan. Mamimili ako ng mga ilang gamit ko. Ang tagal ko na rito pero hindi pa ako nakakasaglit man lang doon."

"Sige, dalawin mo na rin si Tito Fausto mo. Ilang linggo na yung hindi umuuwi dahil napakarami raw trabaho sa hospital. Pasasamahan kita kay Xandro."

"Ayaw ko pong may alalay. Kaya ko naman ang sarili ko. Black belter yata ito sa taekwando. Magpapasama na lang ako kay Mia at Klein."

"Hindi ako pwede, Hara. I will be going back to Manila today," tanggi agad ni Klein.

"Ngayon na ba ang alis mo? Oh my God, I forgot." Natapik pa ng dalaga ang noo niya.

"Yeah, kayo na lang ni Mia ang pumunta. Pasama na lang kayo kay Xandro," sabi ng pinsan niya.

"No way! Hindi ako mag eenjoy kapag kasama ko iyon. Isa pa ma-OP lang ako sa kanila ni Mia. I'll ask Kuya Ryan na lang." Balak ng dalaga na huwag na lang tumuloy kung ipipilit ng lolo niya o ni Klein na pasamahan s'ya kay Xandro. 

"Apo, hindi pwede si Ryan. Inutsusan ko siyang tingnan ang mangggahan kasi may mga problema raw doon. Marami raw insekto ang mga puno kaya ayaw mamulaklak ng maayos."

"Ah, basta! Ayaw kong kasama si Xandro, lolo. Magpapasama na lang ako sa kahit sinong tauhan diyan huwag lang sa unggoy na iyon."

"Don't worry, lolo. I will take care of Hara", wika ni Mia habang papalapit sa kanila. Napangiti ng malapad si Hara ng marinig ang sinabi ni Mia. Anghel talaga ang pinsan n'yang ito. Supurtado lagi ni Mia ang mga kalokohan n'ya.

Dahil sa kakulitan ng dalawang dalaga ay napapayag rin ang matanda kahit nag-aalala ito para sa kaligtasan ng mga apo niya. Sumabay na sina Hata at Mia kay Klein sa sasakyan at makikisakay na lang daw sila kay Fausto pauwi. Pipilitin nila ang ama ni Mia na ihatid sila para mabisita na rin nito ang kanilang lolo.

"Ang dami nang mga pagbabago pala rito." Masayang wika ni Hara habang magkahawak kamay sila ni Mia na naglalakad sa isang mall. Marami na silang napamili at nakapamasyal na rin sila sa park.

"Dapat tinawagan muna natin si papa. Siguradong pagagalitan ako noon kapag nalaman niyang lumabas ako ng hacienda na hindi nagpapaalam sa kaniya," natatakot na sabi ni Mia.

"Oy, matanda ka na para matakot pa rin kay Tito Fausto. Sorpresahin na lang natin siya mamaya."

"Hindi kasi ako katulad mong matalino." Narinig ni Hara ang pait sa boses ng pinsan kaya niyakap niya ito. Hindi lingid kay Hara na madalas ikumpara ni Fausto ang anak sa pamangkin nito.  

"Tandaan mo, kahit kinamumuhian ka ng mga magulang mo, mahal kita. Mahal na mahal, pero hindi mo ako jowa ha. Oh, kayo nga pala ni Xandro. Hanap tayo ng makakainan at kwentuhan mo ako tungkol sa love story n'yo. Masyado ka kasing busy sa hacienda kaya halos wala ka ng time sa akin."

Kunwari pang nagtatampo si Hara kay Mia. Alam naman ng pinsan niya na hindi totoo ang pagtatampo niya kaya kinurot siya nito sa tagiliran.

"Isip bata ka talaga hanggang ngayon." Sabay na nagtawanan ang dalawang dalaga. Hindi nila napapansin na kanina pa may isang taong nakasunod palagi sa mga galaw nila.

Simula pagbaba nila sa sasakyan ni Klein, pagpunta nila sa simbahan, pamamasyal sa park at hanggang dito sa mall ay nakasunod lamang ang lalaki. Mataman nitong inaaral ang mga galaw ng dalawang Del Puedo.

"So, ano bang love story n'yo ni Xandro?"

"Loka-loka, hindi ko iyon boyfriend. Pangarap ko pa lang maging boyfriend. Biniro lang kita noon. Pani... ka kasi, paniwalain sa mga kagagohan ko. Kahit nga yata ipahamak kita 'di mo pa rin malalaman, eh."

"Hindi kasi ako naniniwala na kaya mo akong saktan. Simula mga bata pa tayo alam kong love mo rin ako," sagot ni Hara. 

"Hara…" Inabot ni Mia ang leeg ng dalagang nasa harapan niya. Hinawakan niya ang kwelyo ng polong suot ni Hara at bahagyang sinakal ito.

"Hindi ka nagkakamali. Totoo naiinggit ako sayong impakta ka pero mahal talaga kita, eh. Marami akong kasalanan sayo, baka hindi mo alam."

Napatawa ng malakas si Hara sabay tinabig ang kamay ng pinsan na mahigpit na nakahawak sa kwelyo ng suot niya.

"Wala akong matandan na ginawa mo sa akin," mayabang na sabi ni Hara.

"Paano mong maaalala eh may partial amnesia ka?"

Napaisip si Hara. "Oo nga pala. Marami akong bagay na hindi pa maalala kasama na ang ibang mga naganap five years ago."

Nang dumating ang pagkain nila ay tuloy lang ang dalawa sa kwentuhan at harutan. Maya-maya ay nagpaalam si Mia na pupunta muna ng CR.

"Hello," sabi ni Mia sa tumawag sa kan'ya.  "Kanina ko pa napapansin na nakasunod ka sa amin. Huwag kang magkakamaling lapitan kami dahil baka makita ka niya. Kapag nangyari iyon, sisiguradohin kong hindi ka na mabubuhay sa mundong ito."

"Huwag kang mag-alala," sagot ng nasa kabilang linya. "Ito nga at nasa malayo lang ako habang nakatanaw sa maganda mong pinsan. Grabe ang ipinagbago niya. Sobrang sexy niya kahit nakasuot lang siya ng pantalon at puting polo."

"Damn it! Hindi mo gugustohing magalit sa iyo ang babaeng iyan. Binabantaan kita, umayos ka. Magkita tayo mamaya sa hospital. Doon ang punta namin pagkagaling namin dito."

"Sige. Huwag kang magpapahalata kay Hara na nandito ako ha. Ayusin mo iyang sarili mo at baka mabuko tayo," paalala rin ng kausap nito sa kabilang linya.

"Punyeta ka pala eh! Syempre, hindi ako tanga!"

"Sinong kaaway mo riyan?" Nagulat pa si Mia dahil hindi nito namalayan na nakapasok na pala ng CR si Hara. "Ang lakas ng boses mo ah at teka, nagmumura ka na?"

"M...may wa-lang h-hiya kasing lalaking tumawag sa akin," mahinhin na sagot ni Mia sa kaniya.

Nagtataka man si Hara sa kakaibang ipinamalas na reaksyon ng pinsan niya ay binalewala ito ng dalaga. Siguro nga galit lang ito kaya ang mabait at mahinhing si Mia Del Puedo ay naging parang ibang tao kanina. Iwinaksi ng dalaga ang anumang pagdududang nabuo sa isip niya. 

Namili pa ng ibang gamit ang magpinsan bago sila nagdesisyon na pumunta na ng hospital na pagmamay-ari ni Fausto. Dahil wala silang dalang sasakyan kaya sasakay na lang sila ng tricycle. Masigla si Hara dahil muli niyang mararanasan iyon pagkalipas ng maraming taon. 

"This is what I hate most kapag kasama kita. Del Puedo ka, Hara. Tinitingala tayo sa bayang ito. My goodness, you're crazy talaga," reklamo ni Mia.

Tumawa ng malakas si Hara dahil sa tinuran ng pinsan niya. Ito ang madalas nilang pagtalunan kapag magkasama sila kaya minsan ay ayaw na nitong sumasama sa mga lakad niya.

Hindi bago sa probinsya nila ang makitang nakasakay si Hara sa mga pampublikong sasakyan dahil kahit noong bata pa ito ay talagang sobrang napakababa ng loob nito. Galante rin ang dalaga kaya nag-uunahan ang mga tricycle drivers na mapasakay ito. 

"Mi-Mia!" Sigaw ni Hara sa pinsan niya bago pa nakapasok sa tricycle na sasakyan nila.

"Bakit? Ito naman kung makasigaw parang nakakita ng multo."

"Mia, iyong lalaki… Iyong lalaki, k-ki-lala ko siya. Di ko alam saan ko siya nakita pero… Pero kilala ko siya talaga. N-na-kita ko na s-si-ya."

"Sinong lalaki?" gulat na tanong ni Mia sa pinsan niyang litong-lito ng mga oras na iyon.

"Kanina… Lalaki… May... Ahhh…. Ang ulo ko." Hinawakan ng dalaga ang kaniyang ulo at namimilipit ito sa sakit. "My God... Parang... Kinakapos a-ako ng…"

"Hara! Hara! Diyos ko po, tulungan nyo kami!" Halos mapatid ang litid ni Mia sa tindi ng sigaw nito.

Narinig ni Hara ang malakas na sigaw ng kaniyang pinsan bago pa siya nawalan ng malay. Ngunit hindi na niya naramdaman ng bigla siyang binuhat ni Xandro at mabilis na ipinasok sa sasakyan habang naiwang nakatulala lamang si Mia.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Isa siguro SI Mia Ang gumawa ng masama Kay Hara
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
ingat ka sa pinsan mo hara ke mia
goodnovel comment avatar
Jana Cheskaas
hala isa pala si Mia sa gumawa ng masama kay Hara
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Hacienda Del Puedo #1 Hara   HARA CHAPTER 40

    Nakatulala si Hara habang nakatingin sa kabaong na nasa pavilion ng Hacienda Del Puedo. Tradisyon na ng pamilya na rito iburol ang sino mang kamag-anak na namatay. Malungkot niyang tinitingnan ang mga bulaklak na maayos na nakahilera sa loob. "Hindi talaga maganda ang paghihiganti," wika ni Klein sa kaniyang tabi. "Oo nga, Klein. Hindi ko talaga inakala na ampon pala si Kuya Ryan." "Maraming lihim ang pamilya natin. Kahit ako ay hindi rin makapaniwala." "Oh, bawal ma-stress ang asawa ko ha. Kabuwanan mo na," wika ni Xandro na niyakap ang asawa niya mula sa likuran. "Oy, huwag kayong mag-PDA diyan kasi naiinggit ako," pabirong wika ni Mia. "Iniisip ko lang naman ang asawa ko kaya nagpapaalala ako. Baka maglupasay na naman ito katulad ng nangyari sa ospital sa Makilala. Sa sobrang pagmamahal niya sa akin, ayun g

  • Hacienda Del Puedo #1 Hara   HARA CHAPTER 39

    Isang nanghihinang James ang pumasok sa kweba pagkatapos ng sunod-sunod na putok na narinig ng lahat. Nakangisi ito habang nakatingin kay Ryan na noon ay nakadapa sa lupa."Tang-*na, sino ang nagpatakas sa iyo?" namimilipit sa sakit na tanong ni Ryan."Ang sakit ng tiyan ko," iyak ni Mia. "Tulungan n'yo ako, please.""Xandro, Xandro, please, lumaban ka," pagmamakaawa naman ni Hara sa kasintahang kalong-kalong niya. "Huwag mong hayaang lumaki ang anak nating walang ama. Please, lumaban ka. Mahal kita. Hindi ko kakayaning mawala ka."Mahigpit na hinawakan ni Xandro ang kamay ni Hara na punong-puno ng kaniyang dugo. Pinipilit niyang pakalmahin ang babae dahil baka makasama ang pag-aalala sa baby nila ngunit walang salitang lumalabas sa bibig niya."Tulong! Parang awa n'yo na, tulungan n'yo kami!" Ubod lakas na sigaw ni Hara. Pilit tinatakpan ng dalaga ang dibdib ng binatang pa

  • Hacienda Del Puedo #1 Hara   HARA CHAPTER 38

    Parang batang naglalaro si Ryan habang pinahihirapan si James."Ah, f*ck you! Hayop ka talaga Ryan!! Papatayin kita kapag…""Kapag nakatakas ka?" humalakhak si Ryan. "Malabong mangyari iyon, James, kasi papatayin na kita ngayong araw na ito.""Do it faster! Puro ka salita, puro ka angas, wala ka namang buto!""Oh-oh, will you please wait?! I'm still enjoying the show!" Mala-demonyong sabi ni Ryan at pinukpok nito ng baril ang mga ulo ni James.Matinding sakit ang nadama ng binata. Pilit niyang pinaglalaban ang tindi ng kirot at sa isip niya ay bumabalik ang masayang alaala nila ni Hara. Habang unti-unting nawawalan siya ng malay ay bumabalik ang isip niya sa mga naganap noon."Bata, ikaw ba si James Santillano?" wika ng isang lalaki sa noo'y binatilyo pa lamang na si James."Opo, bakit po? Paano n'yo po akon

  • Hacienda Del Puedo #1 Hara   HARA CHAPTER 37

    Kinuha ni James ang papel sa mga kamay ni Xandro. Nang mabasa ng binata ang laman noon ay agad na nagdilim ang mukha nito."Fuck! It's him again!" Sinuntok pa ni James ang bintana ng kotse na dapat ay sasakyan ni Xandro paalis. Nanginginig ang buong katawan nito ngunit hindi dahil sa sugat sa mga kamay kung hindi sa tindi ng emosyon na nararamdaman."May idea ba kayo, sir, kung sino ang may kagagawan nito?" tanong ng mga pulis."Sino ang may gawa nito 'tol?" segundang tanong ni Xandro.Lahat ng nalalaman ni James ay ibinahagi n'ya sa mga alagad ng batas. Sinasabi niya sa sarili na panahon na para bunutin ang tinik sa kaniyang dibdib. Handa siyang makulong kung kinakailangan pero ng mga panahong iyon ay ang kaligtasan ni Hara ang nasa isip niya.Matagal na nawalan ng kibo si Xandro. Hindi n'ya alam kung paano tanggapin ng pamilya Del Puedo ang lahat ng mga sinabi ni Ja

  • Hacienda Del Puedo #1 Hara   HARA CHAPTER 36

    Masayang naghanda si Xandro. Aalis siya ng Hacienda Del Puedo upang sundan si Hara sa Baguio. Nasasabik siyang muling makita ang dalaga lalo pa at nalaman niyang may anak na sila."Mag-iingat ka 'tol. I am so happy na magiging maayos na rin ang lahat ngayon," wika ni James. "Galingan mo ha. Dapat pag-uwi mo sa atin, kasama mo na ang mag-ina mo."Salamat, James. The best ka talaga kapatid ko." Masayang tinapik ng dalawang binata ang balikat ng isa't-isa.Samantala, magaan ang loob ni Mia habang tinitingnan ang larawan nila ni Hara noong maliliit pa lamang sila. Muling nanariwa sa kaniyang isipan ang mga masasayang araw noong kabataan nila."Sana mapatawad mo ako sa mga ginawa ko. Hindi ko alam pero kinain ako ng selos at inggit sa iyo. Nang nagpa-ubaya ka para sa kaligayahan ko ay lubos kong naunawaan na mahal mo nga ako kaysa sa sarili mo."Hinawakan ng matandang Del Puedo

  • Hacienda Del Puedo #1 Hara   HARA CHAPTER 35

    Isang buwan na ang nakalipas ngunit wala pa ring maibigay na magandang report ang private investigator na kinuha ni James. Nauubusan na ng pasensya si Hara. Gusto na niyang matapos ang kaso dahil nais niya munang lumayo para maghilom ang sugat sa kan'yang puso. Si Mia ay abala na sa nalalapit nilang kasal ni Xandro. Mula sa malaki hanggang sa pinakamaliit na detalye ay pinakikialaman niya. Ang binata naman ay walang pakialam. Madalas ay nakatanaw lang ito kay Hara mula sa malayo. At dahil sa bagal ng mga imbistigador kaya minabuti ng dalaga na gumawa ng isang hakbang kung saan ay magiging maayos ang lahat. Lalayo muna siya pansamantala. Makapaghihintay pa naman ang katarungan para sa lola at mama niya ngunit ang puso niyang wasak ay malapit ng bumigay. "Papa, magpapaalam ako. Iyong bahay na ipinagawa n'yo ni mama doon sa Baguio, pwede bang doon muna ako tumira?" "Mapanganib iyon,

  • Hacienda Del Puedo #1 Hara   HARA CHAPTER 34

    Sa ika-21st birthday ni Hara ay puno ng katahimikan ang mansyon. Ang dapat sana'y masayang araw na iyon ay napalitan ng kalungkutan. Nagluto pa rin naman ang mga katulong pero walang simpleng salo-salo ang naganap dahil halos hindi lumabas ng kaniyang silid ang dalaga.Nag-aalala man ay hindi magawang lapitan ni Xandro ang babaeng mahal niya. Si Mia ay nakapulupot palagi sa kaniya buong maghapon. Ipinamamalita nito sa lahat ang nalalapit nilang kasal. Kahit panay ang iwas ni Xandro sa dalaga ay para itong linta na hindi mapuknat sa kaniya. Minsan mas gusto pa ni Xandro ang nakakulong sa kwarto ngunit nahihiya siya kay Don Ernesto."James, bantayan mong mabuti si Hara." Pakiusap niya sa kapatid ng makawala siya kay Mia. May trabaho ang babae sa opisina nito kaya kahit paano ay nakahinga si Xandro sa pangungulit ng babae."Grabe si Mia, Kuya. Parang gusto ka yatang bakuran palagi. Good luck sa'yo. Sana kayanin

  • Hacienda Del Puedo #1 Hara   HARA CHAPTER 33

    Isang araw bago ang kaarawan ni Hara ay may isang sorpresa na dumating sa Hacienda Del Puedo. Iyon ay ang biglaang pagdating ni Felecedario. Parang hari itong bumaba ng sasakyan niya."Oh kumpadre, napadalaw ka yata. Bakit biglaan naman?" tanong ni Don Ernesto sa kaniyang panauhin. "Sana nagsabi ka ng maaga para naipaghanda kita.""Paano akong hindi susugod dito eh nakita ko sa mga balita na ibinuwis ng mga apo ko ang mga buhay nila para diyan sa apo mo!""Hindi ko sila pinilit na bantayan si Hara. Ikaw mismo ang nagpumilit na magpadala ng security personnels dito mula sa J. Santillano Security Agency.""Si James lang ang pinag-usapan natin! Hindi kasama si Jeric! Asan ang mga apo ko? Paanong napunta rit

  • Hacienda Del Puedo #1 Hara   HARA CHAPTER 32

    Inusisa ni Hara ang buong pamilya sa pagsisinungaling ng mga ito na gusto niyang mag madre kaya siya matagal na namalagi sa eksklusibong school na pagmamay-ari ng mga ito. Kaniya-kaniyang paliwanag ang bawat isa at inaarok ng dalaga ang bigat ng bawat eksplinasyong natatanggap niya."Ginawa namin iyon para magustuhan mo ang manirahan doon dahil alam naming ligtas ka sa loob," paliwanag ni Don Ernesto."Anak, mahal kita. Alam mong wala akong ibang hangad kundi ang kaligtasan mo. Huwag mo sana kaming pagdudahan, Hara."Matamang pinakinggan ni Hara ang bawat isa. Ang papa at lolo niya ay pilit siyang pinapaniwala na nagsasabi sila ng totoo.Dahil sa kapani-paniwala ang mga eksplinasyon ng mga kamag-anak ng dalaga kaya minabuti niyang paniwalaan ang mga ito. Ang dalawa kasi ang pinaka pinagkakatiwalaan ng dalaga.Sa kabila ng banta sa buhay ni Hara ay naging masaya sina Xandro

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status