Share

CHAPTER 3

"Hon, can you feed me with this one?"pagpapacute ng fiancee ng Kuya niya dahilan para mapairap si Alyanna.

Bago pa sumunod sa utos ang Kuya niya ay pinigilan na niya sa pamamagitan ng pagsipa niya sa ilalim ng mesa. Kaharap niya ito sa dining kaya napipigil niya ang anumang paglalambingan nito. Ang ina naman nila ay enjoy lang na kumakain at may sariling mundo.

"Kuya, sit with me here. I will tell you something."pigil niyang ngumisi ng makita ang pag-irap ng fiancee nito. Tinaasan niya ng kilay ang kapatid dahil wala itong planong kumilos. Napailing at tiklop na lumipat ng upo ang Kuya niya sa tabi.

"What now?"baling nito sa kanya at halata sa gwapong mukha ang pagkaka-asar.

"Mommy said that Tita Rian wants us to go there tomorrow."imporma niya habang kumakain ng grapes.

"Can I go with the both of you?"sabat ni Angela na agad niyang inilingan. Kilala ito ng pamilya ng Mommy nila pero ayaw niyang kasama ito. Di siya mag-eenjoy no'n.

"Tita Rian only want me and Kuya to go there unless you're part of the family so no."malditang sabi niya pa.

"Alya, behave."mariing bulong ng Kuya niya.

Ang m*****a niyang tingin ay napabaling sa kapatid dahil sa bulong nito. Nginitian niya si Yuan at kaswal na sinubuan ito ng grapes na pabuntong-hininga naman nitong kinain. Ang buong dinner na iyon ay natapos na satisfied niyang naasar ang bruhang fiancee ng kapatid. Well, napagalitan siya ng Kuya pagkatapos pero wala siyang pakialam. Pumayag ito na ligawan siya kaya magtiis ito. Excited siyang pumunta ng Bohol bukas. Doon niya kukulitin ng malala at sisimulan ang plano niya.

"Ingat kayo don and Alya, I know that you're excited and want to do a lot of things in there but please, behave and listen to your Kuya. Don't give him headaches okay?"bilin ng ina nila habang yakap siya nito.

Excited siyang tumango at mahigpit na niyakap ang ina. Mananatili sila sa Bohol ng ilang linggo kaya mamimiss niya talaga ang paboritong mommy niya.

"I promise Mom. Well, Kuya can handle my silliness so it will be okay."makulit na sabi niya ng bumitaw sa yakap ng ina. Sinulyapan pa niya ang kapatid na inirapan lang siya habang dala-dala nito ang mamahalin niyang bag. Pinagtitinginan ang kapatid sa labas ng airport kahit nakasimpleng white shirt and black shorts lang ito.

Saglit pa silang nag-usap ng ina bago ito nagpaalam sa kanila. Bumaling siya sa kapatid at nakitang nakamasid lang ito sa papalayong sasakyan ng ina nila.

"Matangos ang ilong mo at ang gwapo mo sa side view style mo diyan pero malalate na tayo sa flight kaya taralets."may halong pang-aasar ang boses niya at naunang naglakad papasok sa airport. Bahala na ang Kuya niyang magdala sa maleta nilang dalawa. Isa lang din naman yun dahil konti lang ang dala ng kapatid niya at karamihan ay sa kanya na.

"Seriously! You will just leave me there, carrying your luxury bag and this fucking luggage! I hate this!"reklamo ng kapatid niya habang kumukuha ng litrato ang dalaga nang makalapag ang eroplanong sinakyan nila.

She keeps taking pictures and rooming around. First time niyang makapunta ng Bohol kaya panay kuha niya ng pictures. Ipopost niya lahat sa social media serve as a daily update for her fans.

"Hey! Alya!"tawag ng kapatid niya.

"What? You're too noisy."reklamo niya at lukot ang mukha na inungosan ito.

"Seriously, you're the one complaining now."awang ang labi nitong sabi sa kanya.

Pinagkrus niya ang braso at tinaasan ito ng kilay,"Ang ingay mo kasi. Alam mo, Ang daming tumitingin na babae sayo right now at matuturn off diyan sa asal mo. Ang ingay-ingay."ngiwi niya.

"Tss, I don't care. I'm engaged to entertain them anyway."kibit-balikat na sabi nito sa kanya.

Inirapan niya lang ang kapatid at naunang maglakad. Nasa parking lot daw naghihintay ang Tita Rhian nila kaya do'n sila pupunta. As if naman na tutulong siya sa pagdadala ng gamit nila. Sa laki ng braso ng kapatid ay kaya na nitong magbuhat ng ilang gamit.

"Tita Rhian! OMG, I missed you."tili niya ng makita ang kapatid ng Mommy nila na nakangiting sinalubong ang yakap niya. Nakababatang kapatid ito ng Mom niya kaya medyo kita pa ang alindog. Hope niya na maging kasing ganda ng ina at mga tita niya kapag tumanda na siya."Where is Bry? I want to see him Tita. May promise yun sa'king pagkain, maniningil ako."nakangusong usal niya ng bumitaw sa yakap sa ginang.

Tumawa ito at hinaplos ang mukha niya,"Ang ganda mo talaga. Nasa bahay si Bry, tulog."sagot nito sa tanong niya kanina.

"What? I bet he didn't know that we're coming here huh. He should be ready Tita."nakangising sabi niya, planong gulatin ang pinsan pagdating nila sa bahay ng Tita niya.

"He should be, where is Yuan btw?"hanap nito sa kapatid niya.

"I'm here Tita Mom."sagot ng baritonong boses sa likuran niya.

Lihim na napangiwi ang dalaga sa mabangong amoy nito at ang palihim na kurot nito sa tagiliran niya. Nakangusong bumaling ang dalaga dito pero bored lang siyang sinulyapan nito bago nakipag-usap sa Tita nila. Ngayon lang niya napansin ang pawis nito sa mukha lalo na sa nuo pero di pa rin naapektuhan ang gwapo nitong mukha. Wala sa sariling kinuha niya ang panyo mula sa bulsa ng shorts nito at pinunasan ang pawis nito. Pansin niya pa na natigilan ito at sinulyapan siya pero nginusuan lang niya ito. Napailing ang kapatid niya bago bumaling sa Tita nila at pinagpatuloy ang pangangamusta. Sanay naman ang mga kaanak nila sa pagiging sweet nila sa isa't isa kaya walang malisya sa mga ito.

"Nah, Mommy wants to go with us but she can't leave our farm so only brat and I get to go here."sabi ni Yuan at sinulyapan siya ulit.

"I'm not a brat noh."reklamo niya at tinapos na ang pagpupunas sa pawis nito.

Ngumiwi lang ang kapatid niya at ginulo ang buhok niya. Palagi nitong sinasabi ng brat siya na palagi din niyang tinatanggi kahit totoo naman.

Well, mas magiging brat siya sa ilang araw na pananatili nila dito. Ewan nalang kung saan aabot ang pasensya ni Yuan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status