Share

Hacienda Series1: Seducing Him
Hacienda Series1: Seducing Him
Author: Binibining CeNT

CHAPTER 1

"Mom, we already talked about this right?"kalmadong sabi ni Alyanna ng kausapin siya ng ina tungkol sa pagpapakasal ng kuya niya.

"I know, it's just that your Kuya Yuan badly want your blessing for him and Angela to get married already."nguso ng ina niya habang hinahaplos ang nakalugay niyang buhok.

Matapos nilang mag-agahan ay dito sa kwarto niya dumiretso ang ina para kausapin siya ulit sa kasal ng Kuya niya na inaayawan niya sa kasalukuyan. Hinawakan nito ang pisngi niya at tinitigan siya,"I know that you are still hesitating and maybe not comfortable on your brother's fiancee but I can assure you that she's nice."pangungumbinsi nito sa kanya.

Gustong umirap ng dalaga dahil puro naman kasinungalingan ang sinasabi ng ina. Well, napakabait ng mapapangasawa ng Kuya niya sa mga harapan nito pero salungat sa kanya. Napapansin niya ang pag-irap ng Angela na iyon kapag nakakasalubong niya sa bahay at napakaplastik pa. Yun ang dahilan bakit di siya pumapayag na makasal ang step-brother sa babae.

"Pag-iisipan ko Mom."sagot nalang niya para matigil ang ina sa pangungumbinsi sa kanya.

Napabuntong-hininga ang ina niya at walang nagawa kundi tumango nalang. Ilang minuto pang nanatilin ang ina niya sa kwarto bago ito nagpaalam na pupunta ng farm. Wala din namang gagawin ang dalaga dahil na rin sa pahinga sa trabaho niyang pagmomodelo ngayong weekend kaya inabala nalang niya ang sarili sa pag-aaral ng make-up at iba pang beauty skin care products.

Nasa kalagitnaan siya ng paglalagay ng red lipstick sa manipis niyang labi ng bigla nalang bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok ang Kuya niyang salubong ang kilay. Actually, kaninang umaga pa ito wala sa mood. Hindi alam ng dalaga kung bakit.

"What do you want this time?"bored niyang tanong at bumaling sa vanity mirror. Kumuha siya ng wipes para alisin ang mga lagpas na lipstick.

"Seriously brat, what do you want me to do for that blessing of yours? My fiancee and I want to settle down so please brat, give your blessing already."pakiusap nito sa kanya.

"And you knew already that I can't give you that and will never give my blessing to the both of you."ngiwi ng dalaga habang binubusisi ang mga gamit sa table.

Gwapo ang kapatid niya at nauuto niya ito pero wala siyang planong pagbigyan ito sa gusto nitong makuha. Manigas man ang kapatid ay hindi pa rin pwede.

"Ba't ba ang tigas ng ulo mo?Ikaw na nga tong ampon-"

Isang matalas niya lang na tingin dito ay agad itong natigil sa pagsasalita. Alam niyang ampon siya pero ayaw niyang makarinig ng kahit anong salita sa kinikilala niyang pamilya. Sapat na ang pagchismisan siya sa labas kaya ayaw niyang pati kinalakihan niyang pamilya ay sabihan siyang ampon ng mga ito.

"If you want to get my blessing then court me. No need to remind me that I'm adopted or shits like that."pinatili niya ang kalmadong boses kahit apektado siya sa sinabi ng Kuya. Binalingan niya ito pero nakayuko lang ito na para bang nagsisi sa sinabi. Lihim siyang napailing at umirap,"Kung ayaw mo akong ligawan then quits. I will not give my blessing. Nasa rule ng bahay nato na kung gagawa ka man ng hakbang o walang kwentang desisyon ay dapat mong makuha ang pahintulot ng lahat kaya kung gusto mo ay maghirap ka Kuya. I'm not doing this coz I'm a brat but I want to know and observe your soon to be wife first."pagsasaad niya sa punto, hindi sinasabi ang isa pang dahilan. Gusto niyang masubukan muna ang Kuya bago siya pumayag. Depende kung aayon ang plano niya.

Mananatiling sekreto hangga't di pa nangyayari ang plano niya. Sisiguraduhin niyang dadaan muna sa pakulo niya ang mapapangasawa nito.

Malalim na bumuntong-hininga ang kapatid niya kaya napabaling siya rito. Lihim siyang napalunok ng makasalubong ang titig nitong matalim rin pero di din siya nagpapakabog. Agad na tumalim rin ang tingin niya rito at tinaasan pa ng kilay.

"What now? Yes or No?"m*****a niyang tanong, hinihintay ang sagot nito.

Aasahan niya ang pag-iling nito dahil umayaw na rin ito noong nakaraang sabihin niyang ligawan muna siya bago makuha ang inaasam nitong blessing mula sa kanya. As if naman ibibigay niya ng basta-basta lalo na't di niya talaga gusto ang mapapangasawa nito.

"Okay, but promise me that you will give what I want after this bullshit."sa wakas na pagpayag nito.

Lihim na napangisi ang dalaga sa pagpayag ng Kuya. Gusto niyang magdiwang. Magpapaluto siya ng maraming pagkain para sa dinner mamaya at iimbitahin na rin ang Angelang pinaka-ayaw niya. Tutulong siya sa pagluluto at baka ipaayos din ang dining table. Tahimik na itinatak niya sa isip ang pagtawag sa kaibigang manager sa hotel na nasa siyudad. Babayaran niya naman yun pagkatapos. Uutusan lang niyang magtable skirting sa dining table at mga upuan.Trip niyang mang-inis sa gabi. Damn excited....

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status