Share

CHAPTER 6

"Yuan?"tawag ng dalaga sa lalaki ng magising kinaumagahan. Sinubukan niyang kapain ang tabi niya pero kumunot ang nuo niya dahil wala ito.

Napilitan siyang bumangon habang nakatabing ang comforter sa kahubdan niya. Medyo masakit pa ang katawan niya lalo na sa ibabang parte pero pilit siyang bumaba sa kama dahil sa gusto niyang maligo at hanapin ang lalaki pagkatapos. Hindi naman siguro umalis ang lalaki matapos ang nangyari kagabi. Hindi porke't lasing siya ay makakalimutan niya yun. Isa yun sa napakasayang nangyari sa buhay niya. Hindi siya mahihiyang sabihin na mahal niya ang lalaki.

Napangiwi siya dahil medyo masakit kapag hinahakbang niya ang paa. Nakangusong bumaba siya sa hagdan, suot niya ang isang simpleng white dress na pinaresan ng flat sandals. Sa lagay niya ngayon ay mahihirapan siyang mag heels kaya flat sandals muna siya pansamantala.

"Hello Alyanna, good afternoon."nakangiting bati ng Tita niya ng marating niya ang dining area.

"Tita, did you see Yua-I mean Kuya?"tanong niya habang ginagala ang tingin sa paligid.

"Oh, hindi ba siya nagpaalam sayo?"nagtatakang tanong ng Tita niya habang nagbabasa ng diyaryo.

"Nagpaalam san?"kunot-noong tanong din niya.

Inilapag nito ang diyaryo at sumimsim sa tsaa nito at tumingin sa kanya,"He left. He said that Angela got an emergency so he need to go home immediately. Hindi ba siya nagpaalam sayo?"kita sa mukha nito ang pagtataka habang nakatingin sa kanya.

Wala sa sariling umiling siya at napayuko. Ayaw niyang makita ng Tita ang pagkadismaya niya sa kapatid. Para siyang isang simpleng babaeng naka one night stand lang ng lalaki na basta lang siyang iiwan pagkatapos.

"Well, naiwan ang mga gamit niya sa pagmamadali kanina. Sinabihan ko nga na hintayin ka munang magising pero desidido siyang umalis eh. Kumain ka muna dito hija, hindi ka pa kumakain ng agahan. Wag kang malungkot dahil ipapasyal kita sa natitirang araw mo rito. Lilibutin natin ang buong pasyalan ng Bohol. Isasama natin si Bryan para mas masaya okay?"pagdadaldal ng Tita niya pero puro tango lang siya habang iginigiya siya nito paupo sa dining.

Gusto niyang umiyak pero pinipilit niyang manatiling kalmado. Ayaw niyang magtaka at magulat ang Tita niya. May anim na araw pa siya sa probinsya kaya pipilitin niyang maging Masaya kahit wala ang mahal na lalaki. Kokomprontahin nalang niya ang lalaki pag-uwi niya sa hacienda.

"Okay ka lang ba?"tanong ng pinsan niya habang nakamasid sila sa magandang tanawin ng Chocolate Hills."Kanina ka pa tumitingin sa phone mo kase."komento nito at sumulyap sa hawak niyang phone.

Ikatlong araw na niya sa Bohol pero wala man lang text o tawag sa step-brother. Hindi man lang naisip nito na baka umiiyak siya gabi-gabi.

"I'm just waiting for the email from my manager. Balik trabaho na ako pag-uwi eh."pagsisinungaling niya kahit ang totoo ay hinihintay niya ang text at tawag ng kapatid.

"Well, good for you. Habang nandito ka pa ay sulitin mo nalang ang mga natitirang araw mo dito sa'min."nakangiting sambit ng pinsan sabay gulo sa buhok niya.

"Sa'n ang punta natin pagkatapos dito?"tanong niya habang nakamasid sa tanawin. Nagbibigay kapayapaan ang simoy ng hangin na yumayakap sa katawan niya at dumagdag na ang luntiang kulay ng mga burol.

"First is Mirror of the World, 2nd will be Sagbayan Peak and 3rd will be on  Taytay Hills."sagot nito sa kanya na tinanguan lang niya dahil wala naman siyang ideya kung ano-ano ang mayron sa pupuntahan nila.

"Gusto kong magbeach Bry."wala sa sariling sambit niya na narinig yata ng katabi.

"Well, madaming magandang beaches dito sa Bohol and some swimming pool but Mom want us to stay in Panglao Beach Resort."

"Madaming beaches sa lugar na yan diba? Hindi naman pwedeng mag-stay tayo sa lahat."natatawang sabi niya dito.

"Nah, si Mama na ang bahala don. Tagabayad lang naman ako sa kung anong trip nila ni papa na ini-enjoy ko din naman. May hotel sa Panglao na sobrang satisfied si Mama sa services na inoffer kaya baka dun tayo mag-stay. Sa huling araw mo dito mangyayari yun. Sa ngayon ay puro pasyal ka nalang muna sa mga tanawin ng Bohol."nanatiling nakangiti ito habang sinasabi yun.

"Hmm, okay lang din naman."tango niya at napapikit sa simoy ng hangin na tumatama sa pisngi niya. Kung mananatili lang siya sa bahay ng Tita ay siguradong magmumokmok lang siya sa inukupahang kwarto at magdamag na iiyak. Grabeng epekto ang ginawa ng lalaking mahal niya. Gusto niyang bumalik na sa hacienda at komprontahin ang binata pero ayaw naman niyang magtaka ang Tita at pinsan nila. Nakakahiya ring umalis ng maaga kasi ang usapan ay two weeks kaya tatapusin niya ang bakasyon bago umuwi at harapin ang lalaking nagpaiyak sa kanya mula pa noong nakaraang araw.

"Hello Mom? Miss me already?"nakangiting pang-aasar niya habang katawagan ang ina.

Mas napangiti siya ng marinig ang tawa nito sa kabilang linya.

"Of course, princess. Wala ng maingay at makulit dito sa bahay eh. Btw, anong oras ang dating mo rito bukas?"tanong nito.

"Sa hapon na Mom. Igagala pako nina Tita sa bahay ng kumare niya tas diretso airport na rin."sagot niya habang umiinom ng gatas sa veranda.

"Kaya mo bang bumyahe mag-isa? Ako na ang magsosorry sa pag-alis ng Kuya mo diyan. Tuloy eh wala kang kasama."

"It's okay Mom. Wala naman akong magagawa kapag fiancee na ang pinag-uusapan eh."mapaklang sambit niya.

"Anak naman."hindi nakaligtas sa ina niya ang boses niyang halatang nagtatampo.

"Joke lang. Kaya kong umuwi diyan bukas. Don't worry."bawi niya at pilit na umintindi.

"Kung nagtatampo ka sa Kuya mo ay ipapasundo kita sa kanya. Hihintayin ka niya sa airport bukas."suhestiyon ng ina.

"Wag na. Busy yun sa fiancee niya at sa hacienda Mom. Wag nating istorbohin. Di naman na ako bata para sunduin niya pa."hindi niya maiwasang umirap.

"Princess-"

"Sige na Mom. Hintayin mo ko diyan sa bahay. I have many stories to share."pag-iiba niya sa usapan dahil sa ayaw niyang pag-uusapan ang binatang kinaiinisan niya ngayon.

"Okay², bye. Take care and love you."paalam ng ina niya.

"Love you too. Bye Mom."paalam niya rin at ang ina na ang bumaba ng tawag. Alam kasi nitong ayaw niyang maunang mag end call dahil na rin sa parang walang respeto iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status