เข้าสู่ระบบNapangiti si Lorie. “Really, Dad? Ako na?”
“Oo,” sagot ni Franco, proud. “You deserve it.”Sa gitna ng gabi, kumikislap ang mga ilaw ng siyudad sa malayo — parang mga bituin na malalapit lang. Walang kamalay-malay ang pamilya na may kasunod na sasakyang humahabol mula sa dilim.
Isang black SUV, tinted ang bintana.
Tatlong lalaking nakaitim, mga gun-for-hire, nakatutok ang tingin sa kotse ng mga Philip. “Target confirmed,” sabi ng isa sa radyo. “Proceed,” malamig na utos ng tinig sa kabilang linya. Si Amor Curry iyon.Sa loob ng SUV, nakahawak si Lorie sa kamay ng kanyang ina.
“Mom, masaya ako na kanselado na ang kasal. I just… don’t feel right marrying Jason. I never loved him that way.”“Anak,” sabi ni Jane, “hindi mo kailangang ipilit ang isang bagay na hindi mo nararamdaman. I’m just glad you’re safe.”
Biglang napangiwi si Franco. “May sumusunod sa atin…” bulong niya.
Tumingin si Jane sa rearview mirror. “Baka naman patrol car lang, hon?”“Hindi. Masyadong malapit.”
Binilisan ni Franco ang takbo. Umangat ang kaba sa dibdib ni Lorie.
“Dad, what’s happening?”“Hold on, sweetheart.”
Isang saglit lang at sumirit ang putok ng baril!
“BANG! BANG! BANG!”“AAAAHHHH!” sigaw ni Lorie.
Binasag ng bala ang salamin sa likod. Napayuko si Jane at niyakap ang anak. “Stay down, baby!”“Shit!” sigaw ni Franco, umiwas sa kaliwa, halos bumangga sa gilid ng bangin.
Isa pang putok, at tumama sa gulong ang bala. “FRANCO!” sigaw ni Jane. “Hold tight!”Walang preno. Walang ilaw.
Ang kotse ay sumadsad sa guardrail, bumulusok sa gilid ng kalsada, paikot na parang laruan. Mga sigaw. Mga basag na salamin. At ang huling nakita ni Lorie ang dugo sa kamay ng kanyang ama, at ang malamlam na mata ng kanyang ina bago tuluyang pumikit ang lahat.Tahimik.
Amoy gasolina. Amoy usok. Nang magkamalay si Lorie, basag ang salamin sa pisngi niya, at may mainit na likido sa noo. “Mom…? Dad?” mahina niyang tawag. “Please… sagutin n’yo ako…”Walang tugon.
Tanging huni ng apoy at tunog ng tumutulong gasolina ang naririnig.“Dad!” sigaw niya, umiiyak. “Please, gumising ka!”
Hinawakan niya ang braso ng ama, malamig. “Mom!” Nanginginig ang tinig niya habang pinipigilan ang pagluha. “Mommy, please, don’t leave me…”Walang sagot.
Hanggang sa isang tunog ng pagputok muli ang umalingawngaw sa paligid. BOOM!Ang kotse ay biglang sumabog.
Tumilapon si Lorie, bumagsak sa damuhan. Ang liwanag ng apoy ay sumabog sa kanyang paningin at kasabay nito, ang biglang pagdilim ng lahat. Tatlong linggo makalipas…Ang ospital ay malamig at tahimik.
Ang puting ilaw sa kisame ay parang mga matang walang emosyon. Nakaupo si Lorie sa kama, balot ng benda sa ulo, at tahimik na nakatingin sa kawalan.“Miss Philip,” sabi ng doktor, mahinahon. “You’re very lucky to be alive. Pero… may kailangan kayong malaman.”
Tumingin si Lorie, nanginginig ang boses. “Ano po ‘yon, Doc?”
“Ang trauma sa inyong ulo… nagdulot ng pansamantalang pagkabulag.”
Parang tinusok ng malamig na kutsilyo ang puso niya.
“B-bulag?”“Hindi permanente,” paliwanag ng doktor. “May posibilidad na bumalik ang paningin ninyo. Pero sa ngayon… kailangan n’yong magpahinga.”
Umiling si Lorie, luhaang nagtanong, “Saan po ang mga magulang ko?”
Tahimik ang doktor. Isang malalim na buntong-hininga lang ang narinig.
“Miss Philip… wala pong nakaligtas sa aksidente kundi kayo.”Napasinghap si Lorie.
Parang biglang tumigil ang oras. Ang bawat tibok ng puso niya ay parang martilyo sa dibdib.“No… no, you’re lying…”
Pinilit niyang bumangon, pero agad siyang inawat ng nurse. “Mam, please, kalma lang po.”“Hindi!” umiiyak na sigaw ni Lorie. “Gusto kong makita ang mga magulang ko!”
Ngunit kahit anong sigaw niya, wala na siyang nakikita kundi dilim. Ang doktor ay humugot ng malalim na buntong-hininga, kasabay ng pagbagsak ng katahimikan sa buong kwarto. “Miss Philip…” Mahina. Mabigat. “…wala pong nakaligtas sa aksidente kundi kayo.”Napasinghap si Lorie, parang biglang nawalan ng hangin.
Ang dibdib niya ay kumirot, parang sinaksak ng libong beses. “No… no, you’re lying…” Inabot niya ang harapan, pilit hinahanap ang kamay ng doktor. “Hindi totoo ‘yan! Hindi sila puwedeng mawala!”Sinubukan niyang bumangon, ngunit agad siyang pinigilan ng nurse.
“Ma’am, kalma lang po”“Hindi!” sigaw niya, paos, luhaang halos hindi na makakita dahil nga wala na siyang makikita.
“Gusto kong makita ang mga magulang ko! Please!”Ngunit ang tanging tumugon sa kanya ay ang katahimikan.
Walang liwanag. Walang anino. Tanging dilim.At sa gitna ng dilim, naririnig niya ang sariling hikbi.
“Mommy… Daddy… bakit niyo po ako iniwan?”Nanginig ang kanyang mga kamay. Pilit niyang iniunat ang mga ito, hinahanap kahit anong gabay, kahit isang sinag ng pag-asa.
Pero wala. Wala na ang lahat.Ang mga larawang dati’y malinaw sa isip niya ang ngiti ng kanyang ama, ang malambing na haplos ng ina ngayon ay unti-unting naglalaho sa likod ng kadiliman.
Wala siyang mahawakan, wala siyang matakasan.At doon, tuluyang bumigay si Lorie.
Napasigaw siya ng ubod-lakas hindi lang sa sakit ng katawan, kundi sa pagkapunit ng kaluluwa. “Bakit ako pa ang nabuhay?!” Ilang araw makalipas…Tahimik ang pasilyo ng ospital, tanging tunog ng mga hakbang at halimuyak ng mga bulaklak ang pumupuno sa paligid.
Sa bawat sulok, may malamlam na liwanag na tila nakikiramay sa kalungkutan ng mga pader.Tahimik na bumisita si Pia Curry, nakasuot ng kulay abo, may mga perlas na kumikislap sa kanyang leeg simple ngunit elegante.
Bitbit niya ang isang bouquet ng puting rosas, at isang ngiting hindi mo agad mababasa. Ngiti ng isang ina. Ngiti ng isang manlilinlang.Pagbukas ng pinto, naroon si Lorie, nakaupo sa kama, nakaputing hospital gown, at nakabalot ng benda ang ulo.
Ang kanyang mga mata, bagaman nakapikit, ay tila laging naghahanap ng liwanag na hindi niya makita.“Lorie, anak,” malambing na sabi ni Pia, na may halong awa sa boses. “I came as a friend of your mother. My deepest condolences.”
Napangiti si Lorie, mahina, pilit tinatago ang sakit.
“Tita Pia… salamat po. Hindi ko alam kung paano sisimulan ulit ang buhay ko. Parang ang bilis ng lahat…”Umupo si Pia sa gilid ng kama, dahan-dahang nilapat ang kamay sa balikat ni Lorie.
“You’ll get through this, sweetheart. Strong ka katulad ng mommy mo. At nandito kami ni Jason para sa’yo.”Ngumiti si Necy, isang ngiting mapanganib.Dahan-dahan nitong hinaplos ang dibdib ni Jason, marahang pinaikot ang daliri sa balat nito na parang nanunukso.“Sigurado ka ba diyan, Jason?” aniya, mahinang tinig pero may lason. “Baka pag dumating ang oras na ‘yon… hindi mo na siya kayang iwan. Baka matutunan mong mahalin ang babae na dapat mo lang gamitin.”Mariin ang tingin ni Jason, ngunit sa likod ng kanyang mga mata ay may piraso ng pag-aalinlangan.Ngumisi siya, pilit. “Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko, Necy.”Hinawakan niya ang baba nito, at sa isang iglap ay naglapat ang kanilang mga labi—mapusok, marahas, puno ng lihim na kasinungalingan.Sa kabilang silid, si Lorie ay nakahiga pa rin sa dilim.Ang mga luha ay patuloy na dumadaloy sa mga mata niyang hindi na nakakakita.Ang bawat hikbi niya ay parang kaluskos na ayaw pakinggan ng sinuman.Ni hindi niya alam, sa kabila
Huminga nang malalim si Jason. Sa sandaling iyon, parang gusto niyang tumakbo palayo, ngunit imbes ay hinaplos niya ang pisngi ni Necy.“Hindi ako nagsisisi,” aniya. “Pero kung sakaling mabuko tayo… alam mong lahat tayo, luluhod.”Ngumiti si Necy isang ngising demonyo sa balat ng isang anghel.“Hindi tayo mabubuko,” bulong niya. “Si Lorie? Masyadong mabait. Masyadong bulag sa literal at sa emosyon. Kaya mo siyang paikutin kahit kailan mo gusto.”Bago pa makasagot si Jason, biglang hinalikan siya ni Necy mariin, mapusok, parang lason.Ang bawat halik ay sumpa, bawat haplos ay paalala ng kasalanan.Ang kamay ni Necy ay gumapang sa kanyang dibdib, habang ang sigarilyo ay nahulog sa sahig nagliyab ng munting apoy, tulad ng apoy ng kanilang pagkasala.“Necy…” bulong ni Jason, halos mawalan ng boses.“Hmm?” sagot ni Necy, habol-hininga.“Kung malaman ni Lorie ‘to…”“Then let her,” sabi ni Necy, malamig. “Let her break. Let her feel what it’s like to be blind not just by eyes but by lov
Lumingon si Amor, hindi makapaniwala sa narinig.“So you’re both gambling the company’s future for a woman?”Matigas ang kanyang tinig, punô ng pagkadismaya.“Fine, Jason. Pero tandaan mo ‘to — once this plan fails, mawawala sa’yo lahat. Hindi lang ang mana mo, pati ang respeto ko.”Napayuko si Jason, ngunit sa ilalim ng kanyang ngiti ay may bahid ng pagmamataas.“Yes, Dad. Pero hindi ako papalpak. Trust me — I know how to play her.”Samantala, sa sala, patuloy ang mabait na usapan nina Lorie at Necy.“Ang bait mo naman, Necy,” ngiti ni Lorie, habang maingat na humihigop ng gatas na inihanda ng bagong caregiver.“Para kitang kapatid. Salamat ha, kasi kahit di mo ako kilala, inaalagaan mo ako.”Ngumiti si Necy, sabay haplos sa balikat ng dalaga.“Don’t mention it, Miss Lorie. You’re too kind. Minsan nga, naiisip ko… sayang, ang dami pa sanang matututunan sa’yo.”“Sayang?” tanong ni Lorie, inosenteng nakangiti.“Bakit mo naman nasabi ‘yan?”Umiling si Necy, ngiting mapait. “Wala, naisip
Ngunit umiling si Lorie, kahit bulag ito. Ang mga mata nito ay puno ng lungkot at pagkalito.“Jason… bakit lahat sila bigla na lang nawala?”Napasinghap ito, hinaplos ang pisngi ng dalaga. “Minsan, hindi natin alam kung bakit nangyayari ang mga ganito. Pero gusto kong malaman mo, nandito ako. Hindi ka nag-iisa.”“Salamat andiyan kayo lagi di ko ito makakayan mag-isa pinagsukluban ako ng langit at ngayon bulag na ako kahit sa huling sandali hindi ko pa makita mga magulang ko..Salamat hindi kayo umaalis sa paligid ko.”Ngunit bago pa siya makasagot, dumating si Amor.“Jason,” malamig na tawag ng ama, “oras na para umalis.”Tumayo si Lorie, bahagyang yumuko. “Salamat sa pagpunta ninyo, Ninong.”Ngumiti si Amor, ngunit malamig. “Huwag mo na kaming pasalamatan, anak. Simula ngayon, ako na ang tutulong sa’yo. Kami na ang pamilya mo.”At sa kanyang mga mata, kumislap ang isang lihim na hindi pa alam ni Lorie lihim na mag-uugnay sa pagkamatay ng kanyang mga magulang, sa yaman ng Philip, at
Tinitigan siya ng abogado, may alinlangan.“Sigurado ka ba, Miss Philip? Once you sign, the document becomes legally binding.”Tumango siya, kahit hindi makita ang mga matang nanlilimahid sa luha.“Yes. Gusto kong maging matatag… gaya ng itinuro nila sa akin.”At sa mismong sandaling iyon, inilapit ng abogado ang dokumento sa kanya.Hinawakan ni Lorie ang pluma, pinirmahan ang papel hindi alam na iyon ang pirma ng kanyang kapahamakan.Sa gilid ng chapel, nanatiling nakamasid si Pia, nakangiti.“Good girl,” bulong niya sa sarili.Habang si Jason, nakapamaywang, halos hindi maitago ang tagumpay sa mukha.“Soon,” sabi ni Pia, may malamig na ngiti, “magiging Curry ang lahat ng mga ari-arian ng mga Philip.”“At ako,” sagot ni Jason, “ang magiging tagapagmana ng lahat.”Ngunit hindi nila alam may mga matang nagmamasid sa dilim.Sa malayong bahagi ng kapilya, nakatayo si Franco, dating tauhan ng ama ni Lorie.Ang kanyang mga kamao’y nakasuntok, ang panga’y nakatensyon.Tahimik niyang pinan
Ilang oras ang lumipas.Tahimik na nakaupo si Jason sa gilid ng kama ni Lorie, marahang pinupunasan ang gilid ng labi nito matapos kumain.“Mom,” mahinang sabi niya, hindi tumitingin. “About the papers... kailan natin ipapakita sa kanya?”Nakasandal si Pia sa pader, mga braso’y nakatawid, malamig ang tinig.“Soon. Kapag medyo nakabawi na siya. Sa ngayon, we make her feel safe. Gusto kong umasa siya na kami ang pamilya niya.”Tumango si Jason, seryoso ang mukha.“Gagawin ko. Hindi ako titigil hangga’t hawak ko na siya sa palad ko.”Ngumisi si Pia, marahang lumapit at hinawakan ang pisngi ng anak.“Good. Remember, anak pag napaibig at nakuha mo si Lorie,makukuha natin ang lahat ng naiwan ng Philip. She’s the key.”Ngumiti si Jason, puno ng kumpiyansa.“The key... and soon, she’ll open every door I need.”Kinagabihan.Tahimik ang bar sa downtown. Sa madilim na sulok, naroon si Jason kasama ang isang babaeng may mapusok na ganda — si Necy, ang babaeng tunay niyang minamahal.“Jason,” mar







