Home / Romance / Hahamakin Ko ang Lahat / Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 1

Share

Hahamakin Ko ang Lahat
Hahamakin Ko ang Lahat
Author: MIKS DELOSO

Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 1

Author: MIKS DELOSO
last update Huling Na-update: 2025-10-27 05:00:42

“Ma, ayoko! Hindi ko siya mahal!”

Malakas ang boses ni Jason Curry, umalingawngaw sa buong mansyon ng mga Curry.

Napatigil si Pia, ang kanyang ina, habang hawak ang tasa ng kape. Nagtagpo ang tingin nila ni Amor Curry, ang mahigpit na ama ni Jason.

“Jason, hindi mo kailangang mahalin siya,” malamig na sabi ni Amor habang pinapatag ang tono ng boses. “Ang kailangan mo lang… ay pakasalan siya. Si Lorie Philip ang tanging tagapagmana ng Philip Empire. Kapag naganap ang kasal na ‘yan, maliligtas ang kumpanya natin sa pagkalugi.”

Napasinghap si Jason, galit at pagkadismaya ang gumuhit sa kanyang mukha.

“Hindi ako alipin ng negosyo n’yo, Dad! May buhay ako! May minamahal akong iba—si Necy!”

Napalingon si Pia. “Anak, please, huwag mo nang palalain pa. Alam mong gagawin natin ‘to para sa ikabubuti ng pamilya.”

“Pamilya?” mapait ang tawa ni Jason. “O para sa ikabubuti ng bulsa n’yo?”

Isang malakas na hampas sa mesa ang sagot ni Amor. “Isa pa at masasampal kita, Jason! Huwag mong kalilimutan kung sino ang nagpapakain sa’yo!”

Tahimik na tumayo si Jason, nanginginig sa galit. “Hindi ko kailangan ng pera kung kapalit naman niyan ang kalayaan ko.”

Pero sa labas ng pintuan, may dalawang mata ang tahimik na nakikinig—si Necy, ang sekretarya ni Jason. May halong ngiti sa kanyang labi.

"Di ako makakapayag, akin ka lang, Jason," mahinang bulong niya. "Walang pwedeng makakapag-agaw sayo mula sa akin kahit na sinong babae."

Samantala, sa kabilang panig ng siyudad, sa Philip Mansion, nakaupo si Franco Philip sa kanyang study room.

“Franco, bakit ang lalim ng iniisip mo?” tanong ng asawang si Jane, habang inilalapag ang tray ng cookies na gawa ng anak nilang si Lorie.

“May problema sa kompanya,” sagot ni Franco, hindi inaalis ang tingin sa laptop. “May anomalya sa account na hinahawakan ni Amor Curry. May nawawalang walong daang milyong piso.”

Napaawang ang bibig ni Jane. “Si Amor? Pero magkaibigan kayo. Hindi ba’t matagal na kayong magkasosyo?”

“Alam ko,” sagot ni Franco, mariin ang tinig. “Kaya gusto kong makasiguro. Magpapa-imbestiga ako. Hindi ko kayang paniwalaan hangga’t walang ebidensya.”

Sa sandaling iyon ay pumasok si Lorie, may dalang tray ng cookies.

“Mom, Dad! Tikman n’yo ‘to, ako mismo ang nag-bake!” masiglang sabi ng dalaga.

Napangiti si Jane. “Aba, mukhang masarap ‘to ah.”

“Tignan natin kung ganun nga,” biro ni Franco habang kumakagat. “Hmm… masarap. Lorie, kung ganyan lagi luto mo, baka ma-in love na sa’yo si Jason.”

Napangiti si Lorie, namula ang pisngi. “Dad naman… hindi pa nga kami nagkikita ulit, pinipilit n’yo na agad ako.”

Tahimik lang si Jane. Pero sa loob niya, may kaba. Pakiramdam niya, may paparating na unos.

Kinabukasan, maagang pumasok si Franco sa kompanya. Isang tawag mula sa kanyang finance head ang gumising sa kanya.

“Sir, nakuha na po namin ang mga dokumentong nagpapatunay. Si Amor Curry po talaga ang naglipat ng pondo sa offshore account.”

Namilog ang mga mata ni Franco. “Sigurado ka ba?”

“Opo, sir. Lahat po ng ebidensya ay nasa email n’yo na.”

“Salamat. Huwag mo munang ipagsabi kahit kanino,” mariing bilin ni Franco.

Pagkababa ng tawag, napatingin siya sa larawan ng pamilyang Curry sa mesa.

“Amor…” bulong niya. “Paano mo nagawa ‘to sa akin?”

Sa kabilang banda, sa mansyon ng mga Curry, kinakabahan at hindi mapakali si Amor.

"Sir, nag-imbestiga si Franco!" tarantang sabi ng isa sa mga tauhan niya sa telepono. "Mukhang may nakuha na silang ebidensya."

"Anong sabi ko sa'yo? Burahin mo lahat!" sigaw ni Amor. "Walang bakas na dapat makita nila!"

"Ginawa ko na, sir, pero may na-d******d na silang files bago ko na-delete ang iba."

"Shit!" napasuntok si Amor sa mesa. "Kung mabubuko tayo, tapos tayo!"

Tumalikod siya at tinawagan si Jason.

"Jason! Siguraduhin mong tuloy ang engagement n'yo ni Lorie. Walang atrasan! Kapag natuloy 'yon, kahit anong ebidensya, hindi tayo matitinag."

"Dad..." malamig na tugon ni Jason. "Ano bang kinalaman ni Lorie sa kalokohan mo?"

"Hindi mo kailangang maintindihan, anak. Gawin mo lang."

"Hindi ako tuta mo!" singhal ni Jason. "Hindi ko siya kayang lokohin-"

"Anak, gawin mo 'to para sa pamilya," sabat ni Pia, nanginginig ang tinig. "Para sa atin. Pag wala ka, mawawala lahat."

Tahimik si Jason. Napatingin siya sa litrato ni Necy na nasa kanyang desk.

"Pagkatapos nito..." bulong niya, "tayo pa rin, Necy. Walang makakapigil sa atin."

Linggo ng hapon.

Ang hangin ng Tagaytay ay malamig, ngunit mainit ang tensyong bumalot sa rest house kung saan nagkaharap sina Franco Philip at Amor Curry. Sa tabi ni Franco ay si Lorie, suot ang puting bestida, walang kamalay-malay sa unos na paparating.

“Amor,” bati ni Franco, malamig ngunit magalang. “Kailangan nating mag-usap  tungkol sa kompanya… at sa engagement nina Lorie at Jason.”

Napatawa si Amor, pilit at mapakla. “Pare, bakit parang ang bigat ng tono mo? May problema ba?”

Dahan-dahang tumayo si Franco, nakatitig sa kanya.

“Dahil may napatunayan na ako,” matigas ang boses nito. “Na ikaw… ang dahilan kung bakit nawalan ng pondo ang kumpanya ko.”

Parang natuyuan ng dugo si Amor. “Anong pinagsasabi mo, Franco? Wala akong alam diyan!”

“Wag mo akong gawing tanga, Amor!” Umalingawngaw ang sigaw ni Franco, at muntik nang mahulog ang basong hawak ni Lorie. “May hawak akong ebidensya! Mga dokumento, pirma mo, at mga account na naglilipat ng pera sa offshore bank. Lahat ng pinaghirapan ng Philip Empire nilustay mo!”

Napasinghap si Lorie. “Dad… what’s happening?”

Hindi siya pinansin ni Franco. Ang mga mata niya ay nakatuon lang kay Amor — puno ng galit, sakit, at pagtataksil.

“Tinanong kita noon kung totoo ang pagkakaibigan natin. Pero ngayon alam ko na ang sagot  pera lang pala ang halaga sa’yo.”

Tahimik si Amor, nanginginig ang mga daliri. Pilit niyang pinapakalma ang sarili.

“Pare… hayaan mong ipaliwanag ko”

“Wala ka nang ipapaliwanag!” singhal ni Franco, tumataas ang tinig. “Kanselado na ang engagement nina Lorie at Jason. Hindi ko ibibigay ang anak ko sa anak ng magnanakaw!”

Natigilan si Amor. Unti-unting nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha — mula sa pagkabigla, naging malamig at mapanganib ang mga mata.

“Franco…” bulong niya, mabagal, halos pabulong. “Sigurado ka bang gusto mong kalabanin ako?”

“Wala akong kinatatakutan, Amor,” sagot ni Franco. “Lalo na kung katotohanan ang nasa panig ko.”

Humigpit ang kamao ni Amor. “Hindi mo alam kung anong binubuksan mong pintuan, Franco. Sa mundong ginagalawan natin… ang kabutihan ay madaling lamunin ng kapangyarihan.”

“Kung ‘yan ang mundo mo, Amor,” mariing tugon ni Franco, “hindi ako kabilang doon.”

Nanginginig ang labi ni Lorie. “Dad, let’s go na, please…” bulong niya, hinila ang kamay ng ama.

Ngunit bago sila umalis, lumapit si Amor, dahan-dahan, hanggang halos magdikit ang kanilang mukha.

“Alam mo, Franco,” sabi niya sa malamig na tinig, “minsan, ang sobrang tiwala yan ang pumapatay sa tao.”

Tinitigan siya ni Franco nang diretsahan. “At ang sobrang kasakiman yan ang unti-unting sumisira sa kaluluwa.”

Tahimik silang nagtitigan bago tuluyang lumakad si Franco palayo, kasama si Lorie.

Ngunit sa mga mata ni Amor, may apoy ng galit at pagnanasa sa paghihiganti.

Kinuha niya ang cellphone, nag-dial, at malamig na bulong ang lumabas sa kanyang bibig:

“Gawing aksidente. Siguraduhin mong wala ni isa sa kanila ang makakaligtas.”

Madaling araw.

Tahimik ang daan habang bumabaybay ang itim na kotse ng mga Philip sa kalsadang papunta sa Maynila. Nasa likod si Lorie, nakasandal sa balikat ng kanyang inang si Jane, habang si Franco ang nagmamaneho.

“Hon,” mahinang sabi ni Jane, “baka pagod ka na, ako na lang magmamaneho.”

Umiling si Franco. “Okay lang ako, malapit na tayo.”

Ngumiti siya sa rearview mirror. “Lorie, anak, pag-uwi natin, maghanda ka. We’ll have dinner with our board tomorrow. Gusto kong ipakilala ka bilang acting CEO.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 144

    Ang mga buwan pagkatapos ng kasal ay parang isang malambot na paghupa ng unos na matagal nang humagupit sa buhay ni Lorie. Ang korte ay naglabas ng final judgment noong isang umaga ng Disyembre isang araw na malamig pero puno ng sinag ng araw na sumisilip sa mga bintana ng korte sa Davao. Si Amor Curry ay hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong nang walang posibilidad ng parole, ang mga mata niya ay walang emosyon habang binabasa ang hatol, parang ang lahat ng galit niya ay natunaw na sa loob ng selda. Si Jason ay nakatanggap ng parehong sentensya, ang mukha ay namutla at walang pag-asa nang marinig ang desisyon. Si Pia, na siyang utak ng pagkidnap, ay hinatulan rin ng habambuhay, kasama ng mga kasabwat na natunaw na sa takot nang makita ang ebidensya na hindi na maikakaila: ang mga recording ng tawag, ang CCTV footage mula sa warehouse, ang testimonya ni Necy na naging state witness, at ang mga dokumentong nagpapatunay ng kanilang plano na agawin ang Philip Empire.Nang marinig ni

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 143

    Si Fernan ay gumalaw nang malalim at mabilis, ang mga labi ay nagtagpo sa halik na puno ng pag-ibig. “Lorie… asawa ko… mahal na mahal kita… lalabasan na ako… lalabasan na ako sa’yo… gusto ko punuin ka… gusto ko punuin ang asawa ko…”Si Lorie ay umungol nang malakas, ang katawan ay nanginginig sa climax na sumasabog sa buong katawan niya. “Fernan… mahal… sabay tayo… sabay tayo… punuin mo ako… punuin mo ang asawa mo… ahhh… mahal… mahal na mahal kita… asawa ko…”Ang dalawa ay sabay na umabot sa rurok, ang mga ungol ay sumabog sa kwarto, ang mga katawan ay nanginginig nang sabay, ang init at pag-ibig ay sumasabog sa bawat galaw. Si Lorie ay bumagsak sa dibdib niya nang mahina, ang mga luha ay tumulo sa kaligayahan, ang mga kamay ay nakayakap nang mahigpit.“Fernan… mahal… asawa ko… ang sarap…

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 142

    Ang honeymoon suite sa Philip Mansion ay parang isang pribadong templo ng pag-ibig na inihanda lamang para sa kanila. Ang malaking kama ay natatakpan ng puting sutla na punda na malambot na parang ulap, ang mga kandila ay nakakalat sa paligid na nagbibigay ng mainit na gintong liwanag na sumasayaw sa mga dingding. Ang mga rosas at orchid ay nakakalat sa sahig at sa bedside table, ang amoy ay matamis at nakakaakit na parang gamot sa pagnanasa. Ang balkonahe ay bahagyang nakabukas, ang malamig na hangin mula sa hardin ay dumarating na puno ng amoy ng mga bulaklak sa labas, ang musika ay mahinang jazz na tumutugtog mula sa speaker perpekto para sa gabi ng bagong kasal na puno ng init at pangako.Si Lorie ay nakatayo sa harap ng malaking salamin, ang puting damit mula sa kasal ay unti-unting nahuhubad na ngayon. Ang sutla ay dumadaloy sa sahig na parang ulap na bumaba, iniiwan ang kanyang katawan na nakahubad na sa mainit na liwanag ng kandila. Ang balat niya ay kumikinang dahil sa pawis

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 141

    Si Lorie ay lumakad sa aisle nang dahan-dahan, ang puting damit ay dumadaloy na parang ulap sa bawat hakbang. Ang tela ay sutla na may intricate lace sa dibdib at mahabang trail na sinusundan ng mga bulaklak na binibitbit ng flower girls. Ang belo ay manipis at mahaba, ang mukha niya ay natatakpan nang bahagya, ngunit ang ngiti ay kita nang malinaw isang ngiti na puno ng kaligayahan, pag-asa, at pagmamahal na hindi na maitago. Ang mga mata niya ay nakatuon kay Fernan na nakatayo sa altar, ang tuxedo ay perpekto sa kanyang katawan, ang buhok ay maayos na na-trim, ang mga mata ay puno ng luha ng pag-ibig nang makita siyang lumalapit.Si Fernan ay hindi na makapaghintay. Ang mga kamay niya ay nanginginig nang bahagya habang nakatingin sa kanya, ang dibdib ay kumabog nang malakas na parang unang beses na nakita niya ito. “Lorie…” bulong niya sa sarili, ang tinig ay puno ng emosyon na halos hindi niya mapigilan. “Ang ganda mo… ang ganda mo talag

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 140

    Ang araw ng pagdischarge ni Fernan ay nagsimula nang may liwanag na sumisilip sa mga kurtina ng recovery room. Ang ospital ay tahimik pa rin sa umaga, ngunit ang kwarto ay puno na ng init ng pag-asa at pagmamahal. Si Fernan ay nakaupo na sa gilid ng kama, ang bandage sa ulo ay mas maliit na ngayon, ang mukha ay hindi na maputla gaya noong una. Ang doktor ay nakangiti habang pinupirmahan ang discharge papers, ang tinig ay puno ng paghanga.“Mr. James, stable na po kayo. Pero kailangan ninyo pa ring magpahinga sa bahay. Walang mabibigat na trabaho, walang stress. At Mrs. James… ingatan ninyo siya. Ang sugat sa ulo ay hindi pa ganap na gumaling. Pero malakas po siya… lalaban siya para sa inyo.”Si Lorie ay ngumiti nang malakas, ang mga mata ay puno ng luha ng kaligayahan habang hinahawakan ang kamay ni Fernan. “Salamat po, Doktor. Salamat sa lahat. Hindi ko na po siya bibitawan. Asawa ko na po siya… at aalagaan ko po siya hanggang sa ganap na gumaling.”Si Fernan ay tumingin sa kanya nan

  • Hahamakin Ko ang Lahat   Hahamakin Ko ang Lahat Chapter 139

    Samantala, sa isang malayong maximum security prison sa labas ng Maynila, ang hangin ay mabigat at malamig na parang yelo na tumutusok sa bawat butas ng balat. Ang mga rehas ay matigas at kalawangin, ang mga dingding ay puno ng mantsa ng dugo, luha, at mga sulat na puno ng galit at panghihinayang. Ang tunog ng mga bakal na pinto na sumasara ay parang walang katapusang hatol, ang bawat hakbang ng mga guwardya ay parang orasan na nagbibilang ng mga araw na walang katapusan. Sa isang maliit na visiting area na may makapal na salamin sa pagitan, dalawang babae ang nakaupo sa magkabilang panig — si Pia Curry at si Necy, ang dating caregiver na naging kasabwat sa lahat ng kasamaan.Si Pia ay nakaupo nang tuwid pero ang mukha ay payat na at maputla, ang mga mata ay pulang-pula sa kakaiyak at kakagising sa gabi. Ang orange na prison uniform ay maluwag sa kanyang payat na katawan, ang mga kamay ay nakaposas sa harap, ang buhok ay magulo at kulubot. Sa kabila ng lahat, ang tingin niya ay puno p

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status