Pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na gabi, nagpaalam na ako sa boss ko at nagpasyang umuwi na. Pero pagdating ko sa bus station, doon ko pa lang napagtanto na wala nang bumibyaheng bus kapag ganitong oras. Hatinggabi na.
Umupo ako sa sementadong upuan, yakap ang bag at dumungaw sa kalsada, pinagmamasdan ang mga kotseng dumadaan. Marami pa rin namang tao, ganun din ang nakabukas na mga store, kainan at kung anu-ano pa na makikita sa syudad. Tipikal. Huminga ako ng malalim. Kung sasakay ako ng taxi, mahal ang sisingilin sa akin lalo na kapag gabi. So, baka maglakad na lang ako nito pauwi? At ibili na lang ng ulam itong pamasahe ko? Sumandal ako sa sandalan nitong shed. Pinikit ang mga mata, pilit pagtagpi-tagpi ang mga nangyari ngayong araw, ang panlalait ng mga kasama, ang pagbuhos ng tubig sa restroom, yung tingin ng mga tao sa paligid, at higit sa lahat... yung mga sinabi niya. Yung boss ko. The man who had always seemed so untouchable, so ruthless, pero kanina... iba siya. Napatingala ako. Si Tirso ba talaga 'yong kausap kanina? Bakit parang ibang tao? “Don’t ever say you deserve to be treated like trash again.” Ang bigat ng boses niya, parang tumatak sa utak ko. Hindi ko makalimutan. Muli akong napapikit. Mariin. Gusto kong isipin na wala lang ‘yon, na trabaho lang, na baka nadala lang siya sa sitwasyon. Pero bakit parang hindi? Bakit parang... may iba? Kasabay ng pagkalunod ko sa sariling iniisip, biglang may headlights na tumigil sa harap ko. Isang itim na kotse. Hindi ko na kailangang hulaan kung kanino iyon. Bumaba ang tinted window, at doon ko siya nakita. Ang boss ko. Ang lalaking hindi ko inaasahang makikita pa ngayong oras. Napaupo ako ng tuwid. Anong ginagawa niya rito? “Irene.” Malamig pero klaro ang boses niya. “Get in.” Napakagat-labi ako. “Sir, I—” “Don't make me wait,” putol niya sa akin. “It’s too late. Wala ka nang masasakyan. Get in the car.” Nag-aalangan ako. Nahihiya ako. Alam kong delikado rito sa labas, pero boss ko 'yan, eh. "Irene..." tawag niya ulit, mas malamig, mas mabigat ang boses. May choice pa ba ako? Hindi ko naman kasi talaga kayang maglakad pauwi. Mas malala, baka may makasalubong akong mga lasing sa daan at pagtangkaan pa nila ang buhay ko. Gusto ko pang mabuhay. Dahan-dahan akong tumayo, mahigpit na hinawakan ang strap ng bag, at lumapit sa pinto ng kotse. Binuksan ko iyon at naupo sa passenger seat. Sumalubong sa akin ang pabango ng sasakyan. Amoy panglalaki. Pero ang lamig ng aircon. "Your seatbelt, Irene," paalala niya kaya agad kong sinukbit iyon sa katawan ko. Tahimik lang siya habang nagmamaneho. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya muling nagsalita. “You shouldn’t be out here this late,” sabi niya, hindi nakatingin sa akin. “Anything could’ve happened.” “Wala na pong bus,” mahinang sagot ko. Saka siya naman ang dahilan bakit late na ako ng labas kaya 'di na ako nakaabot. He sighed, pressing his hands against the steering wheel. “You should’ve called someone. A friend. A family member.” Napayuko ako. "Wala na ho akong pamilya, Sir. Wala ring kaibigan." Pagkasabi ko niyon, naramdaman kong tumingin siya sandali sa akin bago ibinalik ang tingin sa kalsada. Hindi ko alam kung naawa ba siya o nag-aalala, pero ramdam kong biglang naging mabigat ang hangin sa loob ng sasakyan. Katahimikan muli ang namayani. “I’ll take you home,” sabi niya sa huli. Walang pag-aalinlangan. It was like a command. “You don’t have to, Sir. I can—” “I said I’ll take you home.” He cut me off with his stern voice. "Babae ka, Irene. Hindi ligtas ang maglakad kapag ganitong oras." Nanahimik na lang ako kesa makipagtalo pa. Tumingin ako sa labas ng bintana habang dinadaanan ang mga poste ng ilaw. Bahagya akong tumingin sa kanya nang bigla itong tumikhim. "Anong magandang kainin ngayon?" tanong niya. "Ah, huwag na po. Busog pa po ako," sagot ko. "I'm just asking. Hindi ko sinabing kakain tayo," agap niya. Bigla akong nanliit sa kahihiyan. Akala ko kasi inaaya niya akong kumain. Nakakahiya! "So, ano nga?" Umayos ako ng upo. "Jollibee po, Sir." Iyon kasi ang paborito kong kainin. "Is that your favorite?" I pursed my lips and nodded. "Opo, Sir." "Tirso, Irene. Wala tayo sa kumpanya." Napalunok ako. Ayaw ba niyang tawagin ko siyang Sir?"H-Hindi," tipid kong sagot. "I slept well last night. Paano ako lalabas? Unless sleepwalking, 'di ba?" may bahid ng pagsusungit kong sabi. Tumango siya and saw how he licked his lips. Fvck. So sexy—ano ba 'yan! "Yeah, you're right. You can rest." Lumukot ang noo ko. "Rest na naman? Balak mo ba akong ikulong sa condo mo? Puro rest?" He chuckled as he looked at me. "Bakit? Ayaw mo ba ng mahabang pahinga? Pakiramdam mo kinukulong kita rito? Is that really how you feel? Are you that eager to work?” he asked, as if challenging me. "Do you want pressure? Tambakan ng gawain?" Napakamot ako ng buhok. "Hindi naman sa ganun boss pero... sobra naman yata?" Nagsalubong ang makapal niyang kilay. "Sobra? How, Irene? One day? Sobra na para sa'yo?" Napangiwi ako. "N-Nasanay lang siguro?" "Dahil sa akin?" Aba'y nagtanong pa talaga. Hindi pa ba halata? Halos magkanda-ugaga na ako para lang mameet ang deadline na gusto niya tapos maka-dahil sa akin? Wow ha! Kung tratuhin ako dati parang robot
Maaga pa lang ay gising na ako. Para akong nakatulog at nanaginip ng isang bagay na hindi ko alam kung totoo ba o guni-guni lang ng isip ko. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin sa balat ko ‘yong init na para bang may yumakap sa akin kagabi. Napaupo ako sa kama, hawak-hawak ang dibdib na mabilis ang tibók. Hindi, hindi, Irene. Imposible. Panaginip lang ‘yon. Siguro dala lang ng cramps at kung ano-anong iniisip mo kagabi. Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko, hindi ko maalis sa isip ang imahe ng katawan niya, ’yong hubàd na katawan na nakita ko kagabi. Napa-iling na lang ako, pinisil ang pisngi ko para matauhan. Bumangon na ako at pagbukas ng pinto, naamoy ko agad ang aroma ng kape. Doon ko lang narealize na gising na pala si Tirso. Narinig ko pa ang lagaslas ng tubig mula sa kusina. “Shiît,” mahinang bulong ko. “Anong sasabihin ko? Good morning? Wala lang? Susungitan ko? Just like the other day? Ahh! Nakakabaliw naman 'to! Act normal, Irene, act normal.” Pagkumbinsi
Hindi ako mapakali sa kama. Kanina pa ako pagulong-gulong rito. Nanunuyo na rin ang lalamunan ko dahil sa pagka-uhaw. Ang nangyari, lunok laway na lang kesa bumalik ako doon tapos makita ko ulit iyong bagay na 'yon. I didn't know... na may ganun siyang kalaking alaga na itinatago. "My God, Irene! Sleep!" Napahilamos ako ng mukha. "Stop imagining that thing!" pakikipagtalo ko pa sa sarili na parang baliw. "Ugh, bwisit! Ayaw akong patulugin ng bagay na 'yon! Huwag naman sana akong abutin ng umaga nito!" Umikot ako patagilid. Gusto kong pumikit at balikan ang tulog na kanina lang ay parang napakadali, pero ngayon… imposible na. Laging bumabalik sa isip ko ang nakita ko sa sala. Ang katawan niya, ang hugis no'ng bagay na 'yon, at ang ginagawa niya. Napapabalikwas ako, parang may apoy na gumagapang sa balat ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa hiya, sa gulat, o sa ibang bagay na ayaw kong aminin. “Shîit, Irene,” bulong ko, pinagpapalo ang unan. “Why did you even look?!” Sa napati
Hindi ko namalayan ang oras. Sa sobrang dami ng tinatapos ko sa laptop, hindi ko na na-track ang minuto’t oras na lumipas. Gumuguhit pa rin ang ilaw ng screen sa mukha ko kahit halos pumikit na ang mga mata ko sa sobrang antok. Naririnig ko pa ang mabilis na tunog ng keyboard dahil sa mga final slides na inaayos ko, pero sa huli, tuluyan na akong pumikit at nakatulog na may hawak pang mouse sa kamay. Nagising ako nang bigla kong maramdaman ang bigat sa gilid ko. Dahan-dahan akong dumilat, at halos tumakas ang kaluluwa ko sa nakita. Si Tirso. Nasa tabi ko siya, mahigpit na nakayakap. Hindi lang basta nakahiga, kundi parang ako talaga ang ginawang unan. Ang braso niya, nakapulupot sa baywang ko. Ramdam ko ang bigat, ramdam ko ang init ng katawan niya. Nanlaki ang mga mata ko, at ang unang naisip ko ay kumawala. Pero hindi ko magawa. Napakapit lang ako sa gilid ng kumot, nakatitig sa mukha niyang kalmado. “Shiît…” bulong ko sa sarili, ramdam ang pagbilis ng tibök ng puso ko. Iba s
Pagmulat ko ng mata, kumunot ang noo ko. Maliwanag na, tanghali na yata. Napabalikwas ako ng bangon nang sumagi sa isip ko kung anong gagawin ngayong araw at kinuha ang phone sa bedside table para tingnan ang oras. “W-What?!” Halos mapasigaw ako. Past nine in the morning na. Dapat nasa opisina na ako ngayon! Late na ako! Biglang sumakit ang ulo ko sa stress. Tumayo ako, hawak ang unan, at lumabas ng kwarto. Pagbukas ng pinto, sumalubong sa akin ang amoy ng lutong pagkain mula sa kusina. At doon ko nakita si Tirso, naka-apron pa, nagluluto ng kung anong sabaw sa malaking kaserola. Sabaw ba? O tinola? “B-Boss?!” tawag ko, bahagyang nanlalaki ang mga mata. “Late na! Presentation ngayon 'di ba? Bakit hindi mo ako ginising?” Akala ko nasa kumpanya na siya at iniwan ako. Hindi ko inasahan na nandito rin siya. Tumitig siya sa akin, nakataas pa ang kilay, halos magsalubong na. “You’re not going to the office today.” Napanganga ako. “Po?! Hindi puwede! May client meeting—” “I already h
Nakatulog agad ako ng nakatihaya sa kama. Sobrang pagod ng katawan ko pati isip ko to the point na wala na akong mapiga. Pero hindi pa man ako nakakalalim ng tulog, nagising ako dahil sa kakaibang sakit sa puson. “Ugh…” napaungol ako, halos mapakagat sa labi para lang hindi mapasigaw. Ramdam ko ang pamumuo ng pawis ko sa noo kahit malamig ang aircon. Hindi maganda ang pakiramdam, parang pinipiga ang loob ng tiyan ko. Napaupo ako, hawak ang puson. Oh, crap… napatingin ako sa orasan, past 2 a.m. Naalala ko agad kung bakit. Menstruation cramps. At mukhang mas malala ngayon kasi halos hindi ko na kaya. Naglakad ako palabas ng kwarto, pilit kinakaya ang sakit. Hindi ko na alam ang gagawin kundi kumatok sa pinto ni Tirso. Kahit nakakahiya, wala na akong pakialam. Kailangan ko ng tulong. Mahina akong kumatok. “B-Boss…” halos pabulong kong tawag, nanginginig ang boses. “T-Tirso…” Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto, hindi pala nakalock. Muntik pa akong humandusay nang mawalan ako