Habang nakaupo si Thalia Briones sa burol ng kanyang ina, nakaitim at tahimik lang siyang umiiyak. Wala siyang ibang kasama kundi ang lungkot at mga alaala. Samantalang ang asawa niya ay nasa isang birthday celebration. Hindi sa kanya kundi para sa first love nito. Gabi ng halakhak, ilaw, at mamahaling alak habang siya'y nagluluksa mag-isa. Pag-uwi niya ay hindi na siya nagsalita. Iniwan lang niya sa mesa ang divorce papers. Saka siya nagdesisyong ipalaglag ang batang nasa sinapupunan at lumayo nang tuluyan. Lumipas ang limang taon. Sa isang exclusive na auction event, isang babae ang lumitaw bilang punong auctioneer. Nakasuot siya ng backless na modern Filipiniana, may slit sa hita, at nakatakip ang mukha ng manipis na puting belo. Tumahimik ang buong hall. Lahat ng mata ay sa kanya lang nakatingin. Sa isang sulok ng silid naman ay nanigas si Isagani Castillo. Matagal na niyang hinahanap ang babaeng iniwan siyang walang paliwanag. Ngayon, nakaharap niya ulit ang isang anino ng nakaraan.
view more"Thalía, magsisimula na ang libing. Hindi pa ba dumarating si Isagani?"
Nakadamit ako ng pangluksa habang nakaluhod sa harap ng burol ng aking mama. Ang apoy mula sa nasusunog na papel ang tanging nagbibigay liwanag sa maputla kong mukha.
Muli akong tumingin sa cellphone kong halos malobat na. Wala pa ring sagot mula kay Isagani.
Simula nang pumanaw si mama, nanatili akong nakabantay sa burol sa loob ng pitong araw. Pitong araw at kahit isang araw ay hindi dumalaw ang asawa kong si Isagani, na tatlong taon ko nang pinakasalan.
Alam kong abala siya sa trabaho. Palagi ko naman siyang nauunawaan.
Pilit kong kinumbinsi ang sarili ko na baka nga abala lang talaga siya sa trabaho.
"Siguro abala lang siya sa trabaho kaya hindi makakapunta."
Basa na rin ng luha ang mukha ko. Sinindihan ko ang huling papel na pera sa kamay ko saka dahan-dahang itmamao ang mabigat kong katawan.
"Simulan na natin ang libing," sabi ko sa paos at putol-putol na tinig
Biglang nagsalita si Tiya Isabel na nasa tabi ko, puno ng panunumbat ang tono,
"Thalía, gaano ba ka-busy si Isagani? Pitong araw nang walang paramdam. Wala man lang respeto sa nanay mo."
Napangisi nang mapait ang pinsan kong si Mutya. "Ma, hindi lang naman sa pamilya ni Thalía ang hindi pinapahalagahan ni Mr. Castillo—pati na rin siya mismo. At siyempre, pati ang batang dinadala niya sa sinapupunan."
Mas lalong bumigat ang loob ko sa mga panunuyang narinig ko. Pilit kong tinatago ang hapdi sa dibdib, at kahit masakit, kinumbinsi ko pa rin ang sarili.
Mabuti naman si Isagani bilang asawa. Hindi niya sinasadya ito. Siguro sobrang busy lang siya sa trabaho niya.
Pero bago pa ako tuluyang makumbinsi, biglang dumating ang realidad na parang isang sampal sa mukha.
Biglang napatili si Mutya habang nakatingin sa cellphone niya.
"Si Mr. Castillo ‘to! Trending siya ngayon, Thalía!"
At sa halatang pananadya, iniabot niya sa akin ang cellphone.
Iniyuko ko ang ulo ko at tiningnan ang cellphone. Isang video ang lumabas—nasa hot search. Na-upload ito kaninang umaga, pero halatang kuha pa kagabi.
Ang pamagat?
‘Mr. Isagani ng Castillo Group nagpareserba ng pribadong silid para ipagdiwang ang kaarawan ng tunay niyang minamahal na si Ms. Celeste Salcedo.’
Sa video, napakaliwanag ng langit at puno ng makukulay at nagsasabogang fireworks. Nakaupo si Isagani sa isang upuan, elegante ang ayos at may taglay na awtoridad. Tahimik niyang pinagmamasdan ang babaeng katabi niya, habang ang babae naman ay nakaturo sa fireworks na tila bulaklak sa kalangitan, at ang kanyang ngiti… mas maliwanag pa kaysa sa mga fireworks display sa likod nila.
Ang fireworks ay kahanga-hanga, pero ang mga mata ko… sa likod lang ng lalaking iyon nakatutok.
Alam ko na agad. Sa isang tingin lang, alam kong si Isagani iyon—ang asawa ko.
Kaya pala kagabi, habang nagluluksa ako, habang nag-iisa ako sa burol ng magulang ko… siya pala ay abalang nagdiriwang ng kaarawan ng ibang babae. Nagpa-fireworks pa.
Namutla ako at nanigas ang katawan ko. Walang gumagalaw sa akin. Naging blangko ang isip ko.
Habang patuloy ang pagsabog ng mga fireworks sa video, sabay naman ang malakas at mapang-asar na boses ni Mutya, "Pinsan, ‘di ba sabi mo abala ang asawa mo? Sa tingin ko, sobra nga siyang abala… abala sa pagpareserba ng lugar para sa kaarawan ng ibang babae!"
Napakuyom ako ng palad ko, napuno ang isip ko ng iisang larawan—si Isagani, abalang-abala sa pagpaplano ng engrandeng fireworks para sa ibang babae.
Akala ko, abala lang siya. Akala ko, may dahilan.
Kahit sa gitna ng isa sa pinakamalaking dagok sa buhay ko—ang pagkawala ni mama ay hindi ko siya ginulo. Hindi ako humingi ng tulong. Ako lang ang kumilos sa lahat. Ako lang ang umako ng lahat.
Pitong araw. Ni isang sagot sa tawag, wala. Ni isang kandila, wala. Pero sa fireworks para sa isang babae… may oras siya.
Nakakatawa. Nakakahiya. Nakakadurog.
Ang babae sa video… si Celeste. Ang unang pag-ibig ni Isagani. Ang babaeng totoong mahal niya.
At ako?
Ako lang si Thalía Briones-Castillo ang asawa ni Isagani Castillo sa papel.
‘Yong babaeng pinakasalan niya bilang pasasalamat dahil iniligtas ng mga magulang ko ang buhay niya noon.
Sa loob ng tatlong taon naming pagsasama, alam kong hindi niya ako minahal. Kaya kahit kailan, hindi ko siya inabala sa mga sarili kong problema lalo na’t hindi ako humiling ng kahit ano mula sa kanya.
Si Isagani ay isang cold na tao at mas lalong hindi romantiko. Hindi siya nagdiriwang ng mga okasyon, at ang buong buhay niya ay umiikot lang sa trabaho.
Ngunit ngayon ko lang napagtanto na hindi pala siya ignorante pagdating sa romansa. Ayaw lang talaga niyang maging romantiko para sa akin.
Ang makukulay at magarbong fireworks na pinakawalan niya kagabi para sa ibang babae… ginawa akong pinakamalaking biro.
Napakagat ako sa labi, pilit pinipigilan ang sakit na gustong sumabog sa puso ko. Inilingon ko ang paningin ko mula sa cellphone. Ayaw kong magmukhang kaawa-awa.
Marami pa akong kailangang asikasuhin. Burol pa ng magulang ko. Kailangan kong manatiling matatag.
Pinilit kong yumuko, dinampot ang larawan ni mama at dahan-dahang lumabas ng silid habang binabalewala ang mapanuyang tingin ng mga tao sa paligid.
Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa isip ko na bago tuluyang pumanaw si mama ay gusto pa niyang makita si Isagani.
Noong mga panahong iyon, paulit-ulit ko siyang tinawagan… pero ni minsan, hindi siya sumagot. Marahil, kasama na niya si Celeste noon.
Ang hiling ni mama ay makasama ko si Isagani sa isang masaya at payapang buhay.
Pero… baka hindi ko kayang tuparin 'yon.
Ako lang ang gumawa ng lahat. Mag-isa kong inasikaso ang burol, ang bisita, ang pagkain. At nang makaalis na ang lahat ang mga kamag-anak at kaibigan ay ako’y naiwan sa hapag-kainan, tahimik na nakaupo sa isang silya.
Dumating si Isagani. Huli na. Nakasuot siya ng itim na polo, at gaya ng dati walang emosyon ang gwapo niyang mukha. Ngunit nang tumingin siya sa akin, sa saglit na sandali, nakita ko ang isang bagay na matagal nang nawala sa kanya ang paghingi ng tawad.
Hawak ko ang tiyan ko habang tumingin ako sa kanya. At sa isang iglap, pumutok ang lahat ng hinanakit na kanina ko pa pinipigil.
Huminga ako nang malalim. Nilunok ko ang sakit pwersado, pilit at walang bakas ng emosyon sa mukha ko nang magsalita ko.
"Kakatapos mo lang ba sa trabaho?"
Hindi niya namalayan ang lambot at pagkaputol ng boses ko.
"May meeting kasi kanina," sagot niya na tila wala lang.
"Paano naman ang kagabi? Masaya ba ang kaarawan ng babae mo?" tanong ko, mahina pero malinaw.
Napakunot ang noo ni Isagani. Bago pa siya makasagot ay may dumating na babae mula sa likuran niyana nakapulang bestida at nakasabit sa balikat ang coat ni Isagani.
Lalong bumigat ang pakiramdam ko. Parang biglang lumamig ang paligid.
"Thalía, pasensya ka na," sabi ni Celeste, kunwari'y may malasakit. "Kasama ko si Isagani kagabi. Nagkasakit kasi ang mommy ko ilang araw na ang nakalipas, at natakot siyang mahirapan ako mag-isa. Tinulungan niya akong alagaan siya. Kaya hindi niya nabasa ang mga mensahe mo. Kasalanan ko lahat. Hindi ko sana siya inistorbo."
Habang nagsasalita siya ay unti-unting lumalalim ang kirot sa dibdib ko. Parang may kung anong pait na sumampa sa lalamunan ko.
"Malala ba ang sakit ng iyong ina?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot.
"Hindi naman. Simpleng sipon lang at kaunting lagnat. Halos magaling na rin siya ngayon," sagot niya na tila walang pakialam sa bigat ng sitwasyon.
Parang may biglang tumama sa puso ko. Masakit. Sobrang sakit. Pilit kong kinokontrol ang emosyon ko, pero bumuking ako ng sarili ko dahil namumula na ang mga mata ko, nanginginig na ang mga labi ko.
Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ni Isagani. Alam ko kung kailan siya nahihirapan.
Alam ko ring nung nalaman niyang patay na si mama ay nasa meeting siya. At nang natapos na ang meeting, may nangyari na naman kay Celeste. Sa dami ng abala, nakalimutan na niya ako.
Kahit gano'n, naramdaman ko… may kaunting pagsisisi siya.
Plano sana niyang magsindi ng insenso para kay mama, pero pinigilan ko siya agad.
"Huwag na. Mas mahalaga sa’yo si Celeste kaya samahan mo na siya."
Napatigil siya. Tumahimik at walang imik.
Hindi ko na kaya. Ayoko na ro’n. Tumayo ako kahit hirap na hirap, at naglakad paalis.
Hindi ako umiyak. Hindi ko hahayaang umiyak ako para sa isang taong hindi karapat-dapat sa kahit isang patak ng luha ko.
Nakita ko kung paano ako tinitingnan ni Isagani habang paalis ako. Kita sa mga mata niya ay nakita niya ang tiyan kong lumalaki, at ang bawat hakbang kong mabigat. Pero wala akong narinig ni isang salita mula sa kanya.
Si Celeste… konting ubo lang ng magulang niya, tatawag na siya, iiyak.
Ako? Nawalan ako ng magulang. At mag-isa ko itong hinarap. Walang luha. Walang sandigan. Wala siya.
“Saan ka pupunta? Huwag kang lakad nang lakad dahil buntis ka.”
Narinig kong sita ni Isagani sa sarili habang sinusubukang tawagin ako.
Napangiti ako nang mapait. Ah, kaya pala. Alam naman pala niyang buntis ako.
At kahit gano’n, iniwan niya ako. Iniwan niya ang buntis niyang asawa para lang mag-alaga ng magulang ng ibang babae. Wala na akong dapat asahan. Malinaw na ang lahat sa akin.
Hindi niya kami mahal… hindi ako, at lalo nang hindi ang batang ito.
At anong saysay ng isang batang isisilang sa mundong ‘to kung mula sa simula pa lang, hindi siya gusto ng kaniyang ama? Hindi siya minahal?
Tumingin ako sa tiyan ko. Dahan-dahang hinaplos iyon. At doon, habang nakatayo ako sa lobby ng gusali ay nagdesisyon ako. Lalo kong binilisan ang lakad ko. Pagpasok sa elevator ay hindi na ako lumingon pa.
Narinig kong tinig ni Isagani mula sa likod, parang may bara sa lalamunan niya habang sinusundan ako. Pero si Celeste…
"Isagani, malungkot lang si Thalía ngayon. Hayaan mo muna siyang humupa ang emosyon."
Narinig ko ring sumagot siya, malamig pero matalim, "Hindi siya basta malungkot, buntis siya. Puwede siyang mapahamak. Ikaw na muna ang bahala rito."
Nagmadali siyang lumabas para sundan ako pero huli na.
Nang lumabas siya sa labas ng building ay wala na ako.
Sa gitna ng abalang kalsada, habang dumaraan ang mga sasakyan, kinuha ni Isagani ang cellphone niya.
“I-track mo ang cellphone ni Thalía. Hanapin n’yo siya. Ngayon din.”
May bakas ng pagkabalisa sa boses niya, kahit hindi niya aaminin.
Isang oras ang lumipas ay tumawag ang assistant niya.
"Sir… nasa ospital po ang asawa n’yo."
"Anong ginagawa niya ro’n?"
"Para sa aborsyon daw. At isa pa, nagpagawa na rin siya ng kasulatan ng diborsyo sa abogado. Pinirmahan na rin po niya."
Tumigil daw ang mundo ni Isagani. Parang may sumabog sa tainga niya na isang matinis na tunog na paulit-ulit.
Hindi makapaniwala si Isagani sa narinig.
Humugot ako ng malalim na hininga.Ayokong umagawa pansin, ayokong may makakilala sa aki, at lalong hindi ako pwedeng magtagal sa lugar na ito.Bumalik sa lugar nila? Imposible.“Wala akong katumbas na presyo.”Pagkasabi ko no’n, dahan-dahan akong lumihis sa daraanan at naglakad palayo mula kay Isagani.Hindi niya ako pinigilan, pero ramdam kong nakasunod ang mga mata niya sa bawat hakbang ko.May samyong naiwan sa hangin. Hindi pabango, pero pamilyar. At sa kung anong dahilan, hindi matukoy ni Isagani kung saan niya iyon una naamoy.Hindi nakalampas kay Isagani ang kilos ko, ang presensya ko na may kakaibang aura, katulad ng dati.‘Thalía.’ Iyon ang pumasok sa isip ni Isagani.I always appear calm on the outside, but I have a strong will within. I stand firm in my beliefs, and that’s what he always used against me, even back then.Pero ngayon, tila napigtas ang pasensya ng tadhana sa kanilang dalawa. Alam kong napansin niya na ang pagkakapareho namin ni Thalía. Kailangan niyang lumay
Pinitik ni Lucas ang noo ni Isaiah at tiningnan ito na para bang nawalan na ng pag-asa sa kanya.“Lagi namang sinasabi ni Mommy na magbasa ka nang magbasa at bawasan ang paglalaro sa computer, pero palihim ka na namang naglaro, ‘di ba? Isa lang sa pitong salita ang hindi mo naisulat ng maayos tapos dalawa pa ro’n mali ang baybay.”“Kuya naman, huwag mo nang intindihin ang mga detalye,” sagot ni Isaiah habang nakangiti. Pagkatapos niyang magsulat, iginuhit pa niya ang isang pigurang baboy na sobrang abstract ang hitsura.“Hmmph. Tatay na aso,” irap ni Lucas sa kanya.Gusto talaga nilang malaman ng lahat na isa siyang malaking salbahe.Kahit hindi nila siya nakita sa mga nakaraang taon, kilala pa rin nila ang pangalan niya. Minsan nga, nakikita pa nila siya sa TV na masaya kasama ang ibang babae sa kung anu-anong event.Kaya nang una nilang makita si Isagani dito, agad nila siyang nakilala at walang duda.Hindi talaga binabanggit ng Mommy nila si Isagani sa kanila . Karamihan ng alam ni
Limang taon na ang lumipas.Ako na ngayon ang pangunahing auctioneer sa pinakamataas na auction house sa buong Pilipinas.Puno ang maluwang na bulwagan ng mga kilalang personalidad.Nakatayo ako sa auction table, suot ang isang puting dress na hapit sa katawan at may mataas na slit sa hita. Nakasuot ako ng puting lace na belo at nakatali ang mahabang itim kong buhok. Hindi nila lubusang makita ang aking mukha, pero bawat galaw ko ay kaakit-akit sa kanilang paningin.May kumpiyansa akong ipinapakilala ang bawat item sa display stand sa maganda at maayos na paraan, kaya’t sabik silang makipag-bid.Ang malinaw kong mga mata ay tumitingin sa paligid ng entablado habang hawak ko ang gavel. Ako ang may kontrol sa buong sitwasyon.Sa ikalawang palapag, si Isagani ay nakaupo at lumingon nang bahagya."Siya ba ang taong gustong makilala ni Lolo?"Ipinasa ng assistant ang impormasyon. "Opo, Mr. Castillo. Ang pangalan niya ay Salome. Auctioneer siya na nagsimulang lumahok sa mga bidding limang t
"Thalía, magsisimula na ang libing. Hindi pa ba dumarating si Isagani?"Nakadamit ako ng pangluksa habang nakaluhod sa harap ng burol ng aking mama. Ang apoy mula sa nasusunog na papel ang tanging nagbibigay liwanag sa maputla kong mukha.Muli akong tumingin sa cellphone kong halos malobat na. Wala pa ring sagot mula kay Isagani.Simula nang pumanaw si mama, nanatili akong nakabantay sa burol sa loob ng pitong araw. Pitong araw at kahit isang araw ay hindi dumalaw ang asawa kong si Isagani, na tatlong taon ko nang pinakasalan.Alam kong abala siya sa trabaho. Palagi ko naman siyang nauunawaan.Pilit kong kinumbinsi ang sarili ko na baka nga abala lang talaga siya sa trabaho."Siguro abala lang siya sa trabaho kaya hindi makakapunta."Basa na rin ng luha ang mukha ko. Sinindihan ko ang huling papel na pera sa kamay ko saka dahan-dahang itmamao ang mabigat kong katawan."Simulan na natin ang libing," sabi ko sa paos at putol-putol na tinigBiglang nagsalita si Tiya Isabel na nasa tabi k
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments