Nanatili akong tahimik hanggang sa bigla siyang lumiko sa hindi pamilyar na kalsada. Kumunot ang noo ko. Na-alarma ako pero hindi ko pinahalata. Saan siya pupunta? May dadaanan pa ba siya? “Sir… hindi po ito daan pa-uwi sa amin,” mahina kong sabi, pilit pinapakalma ang boses ko. “Relax,” sagot niya nang diretso, hindi inaalis ang tingin sa kalsada. Ilang segundo lang, nakilala ko agad ang pulang bubong na may kislap ng ilaw, Jollibee drive-thru. Napakagat ako ng labi. Akala ko diretso na kami uuwi, pero bakit nandito kami? Tahimik lang siya nang iikot niya ang sasakyan sa drive-thru lane. Hindi ko alam kung anong sasabihin, kaya pinili kong manahimik na lang. Pagdating sa order window, narinig ko ang mababa pero malinaw niyang boses. “One burger steak, one chickenjoy meal, extra rice, fries, palabok, spaghetti… at dalawang sundae.” Dire-diretso niyang binanggit, walang pag-aalangan. Napatingin ako sa kanya. Ang dami. Parang pang-family meal. Nang matapos ang order, ini
Last Updated : 2025-08-28 Read more