Irene Ang is just trying to survive in life. Mag-isa sa buhay, walang pamilya, at halos magkanda kuba na sa kakatrabaho para lang hindi siya masigawan o mapagalitan ng boss niyang perfectionist. Pero hindi lang trabaho ang nagpapahirap sa kanya. Pagkatapos ng ilang taon ng pagpapakatanga at pagtitiis, nahuli niya ang kasintahan na may ibang babae. Sa mismong party na siya pa ang nag-organize. Ngunit sa gitna ng gulo ng buhay niya… nariyan siya. Ang boss niyang si Tirso Gotiangco, a CEO. Billionaire. Ruthless. Director. Cold. Calculated. Intimidating. Name it. Isang taong walang pakialam sa nararamdaman ng mga taong nakapaligid sa kanya, basta productive ka, may silbi ka. Kung pumalpak ka, maririnig mo talaga sa kanya ang masasakit na salita. At para sa kanya, si Irene ay isang liability. Mahina. Hindi bagay sa mundong ginagalawan nila. Hindi sila magkasundo. Hindi talaga. Pero sa bawat gabing magkasama sila dahil sa overtime, sa presentations, sa mga elevator na bigla na lang sisikip kapag nandoon sila… may unti-unting nagbabago. Natutong tumayo si Irene para sa sarili niya laban sa mga nambubully sa kanya sa trabaho. At si Tirso? Baka hindi talaga ganun katigas at kadilim ang puso niya. He’s powerful, dangerous, and untouchable. Habang si Irene, sugatan, binabalewala ng iba, at pilit na lang binubuo ang sarili. Until one mistake changes everything. One night. One almost-kiss. One career move that could destroy them both. Nangako si Irene sa sarili niya na hindi na siya muling iibig. Pero paano kung ang lalaking kinaiinisan niya… ang siya ring lalaban nang patayan para protektahan siya? “She’s under my wing now. If you want her gone, you’ll have to go through me first.”
View MoreIRENE'S POV
May araw talaga na gusto mo na lang sukuan ang lahat. Napapikit ako nang mariin nang makita ko ang orasan sa bedside table. "Late na naman ako,” bulong ko habang nagsusuot ng sapatos na hindi ko pa nalilinis simula no'ng nilusong ko 'to sa baha last week. I didn’t even have time to brush my hair properly, isang hilamos lang, konting pulbo, tapos ayun, binuhol ko na lang ang buhok ko sa likod, wala nang pakialam sa itsura. Wala akong oras para kumain. Kahit tubig, hindi ko na nainom. Basta na lang ako kumaripas palabas ng apartment na inuupahan ko sa ikatlong palapag. Naalala ko, ilang linggo na rin akong halos hindi nakakabayad ng renta. Si Manang Juliet sa kabilang pinto, panay ang tanong kung may balak pa ba akong bayaran. Sabi ko, “Next week po,” kahit alam kong wala namang darating na milagro sa susunod na linggo. Pero baka magkaroon ng himala at magpa-bonus ang boss namin pero imposibleng mangyari 'yon. Let’s not get ahead of ourselves. Nagmamadali akong bumaba, nakipag-unahan sa ilang dumadaan habang halos madulas ako sa basang hagdan. Paglabas ng building, sinalubong ako ng polusyong hangin ng Maynila at tirik na araw, yung klase ng init na parang sumisigaw sa’yo, "Maligayang pagbabalik sa impyerno!" Ilang hakbang pa lang ako palayo sa gate, at doon ko na-realize ang isang malaking problema. Wala akong pamasahe. “Oh God!" Natampal ko ang noo. Nasa loob ng bag ko lahat, laptop, notes, resume—kasi lagi akong handang maghanap ng ibang trabaho kapag nasisante na ako, pero ang pitaka ko? Naiwan sa kusina. Sa ibabaw ng ref. Napaatras akong parang tanga, balik sa building, balik sa hagdan, balik sa unit ko. Pagbalik ko sa kalsada, late na late na talaga ako. And in that company, being late is practically a sin. Sa jeep, pilit akong huminga ng malalim kahit siksikan, literal na sardinas, eh. Pero ang mas malala, pay amoy putok pa. Kamalas-malas nga naman. Sa bawat red light, lumilingon ako sa relo ko. Clock-in starts at 8:30. It’s already 8:42. Kinakabahan na ako. Pinapawisan. Hindi ko alam kung dahil sa init, o dahil alam kong masesermonan na naman ako. Si Tirso Gotiangco. The CEO, creative director, and the golden boy of GT Global. Ang may pinakamaraming award sa buong kasaysayan ng industriya. And the man who hates me for reasons I don’t even understand. Kapag may mali ako, well, madalas naman akong magkamali pero sinusubukan ko namang itama. Kaso kapag sinisigawan niya ako, nakakapanliit ng pagkatao. Parang ako lagi ang nakikita niya. “Irene, are you serious?” “This deck is garbage. Redo it.” “Who approved this font choice? Were you drunk?” iyan palagi ang naririnig ko sa kanya. Kahit tahimik lang ako, kahit gusto ko lang gawin ang trabaho ko, para bang automatic siyang naaalerto kapag ako ang gumawa. Minsan naiisip ko, bobô ba ako? Pero eto ang mas weird, kahit gaano siya kabadtrip sa gawa ko, alam ko, siya ang umaayos. Hindi niya sinasabi, but I know. I’ve seen it. I’ve seen the edits. I’ve seen the changes. I’ve seen the work go from garbage to brilliance, because he fixed it. Pero never niyang sinabi na siya ang gumawa. Never siyang nag-acknowledge. Never rin niyang sinabi sa akin kung bakit niya tinutulungan ang isang tulad kong palpak. Ewan ko ba sa boss ko na 'yon. Ang labo minsan. Pagdating ko sa opisina, eksaktong 9:01 a.m. na. Lagot na talaga ako nito. I swiped my ID in the turnstile, dumiretso sa elevator. Lahat tahimik. Office air is always tense pag late ka. At pagdating ko sa floor namin, sumalubong ang soundtrack ng keyboard clicks at tahimik na paghinga. Nilampasan ko ang grupo sa pantry na nagtatawanan ng mahina ngunit no'ng dumaan ako, natahimik sila. “Oh my God, she’s late again,” bulong no'ng isa. “Hindi na ako magugulat kung palaging may kaltas ang sahod niya,” dagdag ng isa. Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin. Sanay naman ako. Laging pinagbubulungan. Kinuha ko ang mug ko sa drawer at nagtimpla ng instant coffee sa pantry. Kailangan ko ng caffeine pampalakas loob para if ever pagalitan, kayanin ko. Pagbalik ko sa desk, nakapatong na agad sa table ko ang isang folder na may post-it. “Deck. Revise. Meeting in 1 hour. —TG” TG. Tirso Gotiangco. Initials pa lang, nakakakilabot na. Umupo ako, nilapag ang kape. At sa pagmamadaling ayusin ang mouse, natabig ko ‘yung mug. Diretso sa keyboard. Diretsong tumapon ang mainit-init na kape sa files, desk, at sa kamay ko. “Shiiît!” bulong ko, at tarantang nagtatanggal ng papel. Pero huli na, basang-basa na. Sakto namang dumaan si Tirso sa likod ko. “What the hell happened here?” Nanigas ako at dahan-dahang lumingon. Tirso in his lack dress shirt, sleeves rolled up, eyes sharp as always. Nakatitig siya ng mariin sa mesa ko na parang nagkaroon ng crimè scene. Patay na talaga ako nito! “I-I spilled coffee,” bulong ko. “Of course you did.” Natahimik ako. Gusto ko sanang magpaliwanag at sabihin na hindi ko sinasadya. Pero hindi ko sinabi. Kasi alam kong kahit ano pang sabihin ko, sarado ang isip niya para makinig. “Clean that up. Now. And you better have a revised deck in my inbox in 45 minutes. Or I'll punish you." He didn’t wait for my reply. Nakapamulsa siyang naglakad na para bang nagra-round, tinitingnan kung nagagawa ba ng maayos ang trabaho. Ganun siya ka-strikto na boss. I cleaned up the mess. Sinampay ko ang basang printouts sa gilid ng cubicle ko. Tinapunan ako ng tingin ng ilang officemates. Some were disappointed. Some were pitying. Most were indifferent. And then I opened the deck, revised everything, while my hand stung from the coffee burn, while my stomach growled from not eating, while my chest felt so heavy it might explode. But I made it. Nasend ko sa kanya ang bagong file at exactly 9:48 a.m. At 9:52, tumunog ang slack ko. Tirso: "Better." Isang salita lang. Pero pakiramdam ko lumutang ako sa ere. Why did that word feel like a win? I looked at his office, glass walls and all. He was staring at his screen, one hand on his chin, unreadable. Iyong gawa ko ba ang tinitingnan niya? Pero sabi naman niya, "Better" it means, okay na sa kanya. Pero naisip ko, kahit lagi niya akong pinapagalitan, bakit hanggang ngayon hindi pa rin niya ako tinatanggal sa trabaho? Napakurap ako at agad na nag-iwas ng tingin nang bigla siyang tumingin sa gawi ko. Nahuli ba niya akong nakatingin sa kanya?Pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na gabi, nagpaalam na ako sa boss ko at nagpasyang umuwi na. Pero pagdating ko sa bus station, doon ko pa lang napagtanto na wala nang bumibyaheng bus kapag ganitong oras. Hatinggabi na.Umupo ako sa sementadong upuan, yakap ang bag at dumungaw sa kalsada, pinagmamasdan ang mga kotseng dumadaan. Marami pa rin namang tao, ganun din ang nakabukas na mga store, kainan at kung anu-ano pa na makikita sa syudad. Tipikal.Huminga ako ng malalim. Kung sasakay ako ng taxi, mahal ang sisingilin sa akin lalo na kapag gabi.So, baka maglakad na lang ako nito pauwi? At ibili na lang ng ulam itong pamasahe ko?Sumandal ako sa sandalan nitong shed. Pinikit ang mga mata, pilit pagtagpi-tagpi ang mga nangyari ngayong araw, ang panlalait ng mga kasama, ang pagbuhos ng tubig sa restroom, yung tingin ng mga tao sa paligid, at higit sa lahat... yung mga sinabi niya. Yung boss ko. The man who had always seemed so untouchable, so ruthless, pero kanina... iba siya.Napati
Pagbalik ko sa opisina niya, ramdam ko agad ang panibagong bigat sa dibdib. Ilang oras na akong nilalamig, pagod, at emotionally drained, pero eto na naman ako, bitbit ang laptop ko, hawak ang updated report, ibang files na pinapaayos niya, at pilit nilalakasan ang loob. Panaka-naka akong pumasok, pabilis nang pabilis ang tibôk ng puso. Nakaupo siya sa swivel chair niya, isang kamay nakapatong sa desk, hawak ang phone pero hindi nakatingin doon. Nakatitig siya sa akin. Matalim. Seryoso. Parang inaaral ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa. Napansin ko rin ang bahagyang pagtaas ng kilay niya. “You didn't answer me when you left, Irene. Who did this to you?” tanong niya agad sa mabigat na boses. "I don't tolerate bullying. Speak up." “I— I just tripped, Sir.” I replied, barely above a whisper. Kahit ako, hindi ko makuhang maging matapang. "Nadapa." “Tripped?” Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at lumapit sa gilid ng mesa. “Basang-basa ka dahil nadapa ka? Saan? Sa swimming pool ba?
Imbes na bumalik ako sa desk ko, mas pinili kong dumiretso sa restroom kesa pakinggan ang bulungan sa opisina. Pagpasok ko sa banyo, mabilis akong lumapit sa sink. Hindi ko na napigilan. Umagos na lang bigla ang luha ko. Hindi ko alam kung mas masakit ‘yung mga sinabi ni Tirso sa meeting, o ‘yung mga bulungan sa labas. Pareho silang mabigat. Pareho silang nakakababa ng pagkatao. Hinawakan ko ang gilid ng sink, pinikit ang mga mata, at huminga ng malalim. “Kayanin mo, Irene. Please. Konting tibay pa,” bulong ko sa sarili. Naramdaman kong bumukas ang pinto sa likod. Tatlong babae. 'Yung madalas na nagtsitsismisan sa pantry. Dali-dali akong pumasok sa isa sa mga cr. “Grabe, no? Parang every week na lang palpak siya.” “Baka nagpapapansin lang kay Tirso.” “Kung ganun ka-kawawa ang performance, kahit pa magpaka-seductive siya, hindi siya papatulan ni Sir Tirso.” Saka sila sabay-sabay na nagtawanan. Napapikit ako at nakuyom ang kamao. Alam kong ako ang pinag-uusapan nila kahit wala
Pagdaan ko sa hallway pabalik sa desk ko, nakarinig ako ng bulungan. “Bakit ba siya palagi ang sinasama sa client pitch? Eh wala naman siyang alam." "Who knows 'di ba? Magaling naman si Pia, ewan ko rin ba kay Sir Tirso." “Grabe, hindi man lang niya na-defend ‘yung concept niya kanina. Cringe.” "Ako 'yong nahiya." I felt so small. Parang kahit anong effort kong magtrabaho araw-araw, palaging may mali na naghahatak sa akin paibaba. Tahimik akong nagpatuloy, hindi na lumingon pa, pilit kinukumbinsi ang sarili na wala lang 'yon. "Irene." Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Marge, sekretarya ni Tirso na nakatayo sa may desk niya. "Ano 'yon?" “Pinapatawag ka ni Sir.” Awtomatikong naglakad ako papunta sa glass office ni Tirso. Dama ko na agad ‘yong tensyon kahit hindi pa ako nakakapasok. Kumatok ako ng tatlong beses dahil 'yon ang isa sa mga rules niya na kailangan sundin. “Come in.” Tahimik akong pumasok sa loob ng opisina niya, bitbit ang clipboard na dala k
Maaga pa pero parang hapong-hapo na 'ko. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa hindi ko pag-kain ng almusal o dahil alam kong mapapasabak na naman ako sa isa sa mga client. Huminga ako ng malalim at napatingin kay Pia nang daanan niya ako. Kagagaling ko lang sa banyo dahil kanina pa ako ihing-ihi tapos nagpalit na rin ng damit para sa meeting mamaya. “Anong ginagawa mo dyan?" taas kilay na tanong ni Pia, seatmate ko sa creative team. Takang tumingin ako sa kanya. "Huh? Bakit?" “Nasa conference room na sila. Nagsimula na raw.” Bahagyang nanlaki ang mga mata ko, hindi na makapagsalita. Nang makabawi, halos magkanda dulas ako sa pagmamadali para kunin ang flash drive sa desk ko. Mabuti na lang talaga at tinapos ko agad ang caption para doon sa campaign ng kliyente kundi lagot na naman ako sa boss kong perfectionist. Hinagod ko muna ang mukha ko para bumwelo. This is it. Client presentation. At ang magpi-present? Ako lang naman. Masaklap, nahuli pa. Sermon talaga ang aabutin
IRENE'S POV May araw talaga na gusto mo na lang sukuan ang lahat. Napapikit ako nang mariin nang makita ko ang orasan sa bedside table. "Late na naman ako,” bulong ko habang nagsusuot ng sapatos na hindi ko pa nalilinis simula no'ng nilusong ko 'to sa baha last week. I didn’t even have time to brush my hair properly, isang hilamos lang, konting pulbo, tapos ayun, binuhol ko na lang ang buhok ko sa likod, wala nang pakialam sa itsura. Wala akong oras para kumain. Kahit tubig, hindi ko na nainom. Basta na lang ako kumaripas palabas ng apartment na inuupahan ko sa ikatlong palapag. Naalala ko, ilang linggo na rin akong halos hindi nakakabayad ng renta. Si Manang Juliet sa kabilang pinto, panay ang tanong kung may balak pa ba akong bayaran. Sabi ko, “Next week po,” kahit alam kong wala namang darating na milagro sa susunod na linggo. Pero baka magkaroon ng himala at magpa-bonus ang boss namin pero imposibleng mangyari 'yon. Let’s not get ahead of ourselves. Nagmamadali ak
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments