Share

Halinghing (SPG)
Halinghing (SPG)
Author: Ensi

Simula

Author: Ensi
last update Huling Na-update: 2025-08-19 11:13:03

IRENE'S POV

May araw talaga na gusto mo na lang sukuan ang lahat.

Napapikit ako nang mariin nang makita ko ang orasan sa bedside table. "Late na naman ako,” bulong ko habang nagsusuot ng sapatos na hindi ko pa nalilinis simula no'ng nilusong ko 'to sa baha last week.

I didn’t even have time to brush my hair properly, isang hilamos lang, konting pulbo, tapos ayun, binuhol ko na lang ang buhok ko sa likod, wala nang pakialam sa itsura.

Wala akong oras para kumain. Kahit tubig, hindi ko na nainom. Basta na lang ako kumaripas palabas ng apartment na inuupahan ko sa ikatlong palapag.

Naalala ko, ilang linggo na rin akong halos hindi nakakabayad ng renta. Si Manang Juliet sa kabilang pinto, panay ang tanong kung may balak pa ba akong bayaran. Sabi ko, “Next week po,” kahit alam kong wala namang darating na milagro sa susunod na linggo.

Pero baka magkaroon ng himala at magpa-bonus ang boss namin pero imposibleng mangyari 'yon.

Let’s not get ahead of ourselves.

Nagmamadali akong bumaba, nakipag-unahan sa ilang dumadaan habang halos madulas ako sa basang hagdan.

Paglabas ng building, sinalubong ako ng polusyong hangin ng Maynila at tirik na araw, yung klase ng init na parang sumisigaw sa’yo, "Maligayang pagbabalik sa impyerno!"

Ilang hakbang pa lang ako palayo sa gate, at doon ko na-realize ang isang malaking problema.

Wala akong pamasahe.

“Oh God!" Natampal ko ang noo. Nasa loob ng bag ko lahat, laptop, notes, resume—kasi lagi akong handang maghanap ng ibang trabaho kapag nasisante na ako, pero ang pitaka ko?

Naiwan sa kusina. Sa ibabaw ng ref.

Napaatras akong parang tanga, balik sa building, balik sa hagdan, balik sa unit ko. Pagbalik ko sa kalsada, late na late na talaga ako.

And in that company, being late is practically a sin.

Sa jeep, pilit akong huminga ng malalim kahit siksikan, literal na sardinas, eh. Pero ang mas malala, pay amoy putok pa. Kamalas-malas nga naman.

Sa bawat red light, lumilingon ako sa relo ko. Clock-in starts at 8:30. It’s already 8:42.

Kinakabahan na ako. Pinapawisan. Hindi ko alam kung dahil sa init, o dahil alam kong masesermonan na naman ako.

Si Tirso Gotiangco. The CEO, creative director, and the golden boy of GT Global. Ang may pinakamaraming award sa buong kasaysayan ng industriya. And the man who hates me for reasons I don’t even understand.

Kapag may mali ako, well, madalas naman akong magkamali pero sinusubukan ko namang itama. Kaso kapag sinisigawan niya ako, nakakapanliit ng pagkatao. Parang ako lagi ang nakikita niya.

“Irene, are you serious?” “This deck is garbage. Redo it.” “Who approved this font choice? Were you drunk?” iyan palagi ang naririnig ko sa kanya.

Kahit tahimik lang ako, kahit gusto ko lang gawin ang trabaho ko, para bang automatic siyang naaalerto kapag ako ang gumawa.

Minsan naiisip ko, bobô ba ako?

Pero eto ang mas weird, kahit gaano siya kabadtrip sa gawa ko, alam ko, siya ang umaayos. Hindi niya sinasabi, but I know. I’ve seen it. I’ve seen the edits. I’ve seen the changes. I’ve seen the work go from garbage to brilliance, because he fixed it.

Pero never niyang sinabi na siya ang gumawa. Never siyang nag-acknowledge. Never rin niyang sinabi sa akin kung bakit niya tinutulungan ang isang tulad kong palpak.

Ewan ko ba sa boss ko na 'yon. Ang labo minsan.

Pagdating ko sa opisina, eksaktong 9:01 a.m. na. Lagot na talaga ako nito.

I swiped my ID in the turnstile, dumiretso sa elevator. Lahat tahimik. Office air is always tense pag late ka.

At pagdating ko sa floor namin, sumalubong ang soundtrack ng keyboard clicks at tahimik na paghinga.

Nilampasan ko ang grupo sa pantry na nagtatawanan ng mahina ngunit no'ng dumaan ako, natahimik sila.

“Oh my God, she’s late again,” bulong no'ng isa.

“Hindi na ako magugulat kung palaging may kaltas ang sahod niya,” dagdag ng isa.

Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin. Sanay naman ako. Laging pinagbubulungan.

Kinuha ko ang mug ko sa drawer at nagtimpla ng instant coffee sa pantry. Kailangan ko ng caffeine pampalakas loob para if ever pagalitan, kayanin ko.

Pagbalik ko sa desk, nakapatong na agad sa table ko ang isang folder na may post-it.

“Deck. Revise. Meeting in 1 hour. —TG”

TG. Tirso Gotiangco. Initials pa lang, nakakakilabot na.

Umupo ako, nilapag ang kape. At sa pagmamadaling ayusin ang mouse, natabig ko ‘yung mug. Diretso sa keyboard. Diretsong tumapon ang mainit-init na kape sa files, desk, at sa kamay ko.

“Shiiît!” bulong ko, at tarantang nagtatanggal ng papel. Pero huli na, basang-basa na.

Sakto namang dumaan si Tirso sa likod ko.

“What the hell happened here?”

Nanigas ako at dahan-dahang lumingon.

Tirso in his lack dress shirt, sleeves rolled up, eyes sharp as always. Nakatitig siya ng mariin sa mesa ko na parang nagkaroon ng crimè scene.

Patay na talaga ako nito!

“I-I spilled coffee,” bulong ko.

“Of course you did.”

Natahimik ako. Gusto ko sanang magpaliwanag at sabihin na hindi ko sinasadya. Pero hindi ko sinabi.

Kasi alam kong kahit ano pang sabihin ko, sarado ang isip niya para makinig.

“Clean that up. Now. And you better have a revised deck in my inbox in 45 minutes. Or I'll punish you."

He didn’t wait for my reply. Nakapamulsa siyang naglakad na para bang nagra-round, tinitingnan kung nagagawa ba ng maayos ang trabaho. Ganun siya ka-strikto na boss.

I cleaned up the mess.

Sinampay ko ang basang printouts sa gilid ng cubicle ko. Tinapunan ako ng tingin ng ilang officemates. Some were disappointed. Some were pitying. Most were indifferent.

And then I opened the deck, revised everything, while my hand stung from the coffee burn, while my stomach growled from not eating, while my chest felt so heavy it might explode.

But I made it.

Nasend ko sa kanya ang bagong file at exactly 9:48 a.m.

At 9:52, tumunog ang slack ko.

Tirso: "Better."

Isang salita lang. Pero pakiramdam ko lumutang ako sa ere.

Why did that word feel like a win?

I looked at his office, glass walls and all. He was staring at his screen, one hand on his chin, unreadable.

Iyong gawa ko ba ang tinitingnan niya? Pero sabi naman niya, "Better" it means, okay na sa kanya.

Pero naisip ko, kahit lagi niya akong pinapagalitan, bakit hanggang ngayon hindi pa rin niya ako tinatanggal sa trabaho?

Napakurap ako at agad na nag-iwas ng tingin nang bigla siyang tumingin sa gawi ko.

Nahuli ba niya akong nakatingin sa kanya?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
❣libbyฐิสาวริฏฐิส❣
Kalmahan mo lng kasi Irene. Heheh! Pag lalo kang natataranta..mas lalong palpak ka. Hahah!
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Halinghing (SPG)   Kabanata 24

    "H-Hindi," tipid kong sagot. "I slept well last night. Paano ako lalabas? Unless sleepwalking, 'di ba?" may bahid ng pagsusungit kong sabi. Tumango siya and saw how he licked his lips. Fvck. So sexy—ano ba 'yan! "Yeah, you're right. You can rest." Lumukot ang noo ko. "Rest na naman? Balak mo ba akong ikulong sa condo mo? Puro rest?" He chuckled as he looked at me. "Bakit? Ayaw mo ba ng mahabang pahinga? Pakiramdam mo kinukulong kita rito? Is that really how you feel? Are you that eager to work?” he asked, as if challenging me. "Do you want pressure? Tambakan ng gawain?" Napakamot ako ng buhok. "Hindi naman sa ganun boss pero... sobra naman yata?" Nagsalubong ang makapal niyang kilay. "Sobra? How, Irene? One day? Sobra na para sa'yo?" Napangiwi ako. "N-Nasanay lang siguro?" "Dahil sa akin?" Aba'y nagtanong pa talaga. Hindi pa ba halata? Halos magkanda-ugaga na ako para lang mameet ang deadline na gusto niya tapos maka-dahil sa akin? Wow ha! Kung tratuhin ako dati parang robot

  • Halinghing (SPG)   Kabanata 23

    Maaga pa lang ay gising na ako. Para akong nakatulog at nanaginip ng isang bagay na hindi ko alam kung totoo ba o guni-guni lang ng isip ko. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin sa balat ko ‘yong init na para bang may yumakap sa akin kagabi. Napaupo ako sa kama, hawak-hawak ang dibdib na mabilis ang tibók. Hindi, hindi, Irene. Imposible. Panaginip lang ‘yon. Siguro dala lang ng cramps at kung ano-anong iniisip mo kagabi. Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko, hindi ko maalis sa isip ang imahe ng katawan niya, ’yong hubàd na katawan na nakita ko kagabi. Napa-iling na lang ako, pinisil ang pisngi ko para matauhan. Bumangon na ako at pagbukas ng pinto, naamoy ko agad ang aroma ng kape. Doon ko lang narealize na gising na pala si Tirso. Narinig ko pa ang lagaslas ng tubig mula sa kusina. “Shiît,” mahinang bulong ko. “Anong sasabihin ko? Good morning? Wala lang? Susungitan ko? Just like the other day? Ahh! Nakakabaliw naman 'to! Act normal, Irene, act normal.” Pagkumbinsi

  • Halinghing (SPG)   Kabanata 22

    Hindi ako mapakali sa kama. Kanina pa ako pagulong-gulong rito. Nanunuyo na rin ang lalamunan ko dahil sa pagka-uhaw. Ang nangyari, lunok laway na lang kesa bumalik ako doon tapos makita ko ulit iyong bagay na 'yon. I didn't know... na may ganun siyang kalaking alaga na itinatago. "My God, Irene! Sleep!" Napahilamos ako ng mukha. "Stop imagining that thing!" pakikipagtalo ko pa sa sarili na parang baliw. "Ugh, bwisit! Ayaw akong patulugin ng bagay na 'yon! Huwag naman sana akong abutin ng umaga nito!" Umikot ako patagilid. Gusto kong pumikit at balikan ang tulog na kanina lang ay parang napakadali, pero ngayon… imposible na. Laging bumabalik sa isip ko ang nakita ko sa sala. Ang katawan niya, ang hugis no'ng bagay na 'yon, at ang ginagawa niya. Napapabalikwas ako, parang may apoy na gumagapang sa balat ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa hiya, sa gulat, o sa ibang bagay na ayaw kong aminin. “Shîit, Irene,” bulong ko, pinagpapalo ang unan. “Why did you even look?!” Sa napati

  • Halinghing (SPG)   Kabanata 21

    Hindi ko namalayan ang oras. Sa sobrang dami ng tinatapos ko sa laptop, hindi ko na na-track ang minuto’t oras na lumipas. Gumuguhit pa rin ang ilaw ng screen sa mukha ko kahit halos pumikit na ang mga mata ko sa sobrang antok. Naririnig ko pa ang mabilis na tunog ng keyboard dahil sa mga final slides na inaayos ko, pero sa huli, tuluyan na akong pumikit at nakatulog na may hawak pang mouse sa kamay. Nagising ako nang bigla kong maramdaman ang bigat sa gilid ko. Dahan-dahan akong dumilat, at halos tumakas ang kaluluwa ko sa nakita. Si Tirso. Nasa tabi ko siya, mahigpit na nakayakap. Hindi lang basta nakahiga, kundi parang ako talaga ang ginawang unan. Ang braso niya, nakapulupot sa baywang ko. Ramdam ko ang bigat, ramdam ko ang init ng katawan niya. Nanlaki ang mga mata ko, at ang unang naisip ko ay kumawala. Pero hindi ko magawa. Napakapit lang ako sa gilid ng kumot, nakatitig sa mukha niyang kalmado. “Shiît…” bulong ko sa sarili, ramdam ang pagbilis ng tibök ng puso ko. Iba s

  • Halinghing (SPG)   Kabanata 20

    Pagmulat ko ng mata, kumunot ang noo ko. Maliwanag na, tanghali na yata. Napabalikwas ako ng bangon nang sumagi sa isip ko kung anong gagawin ngayong araw at kinuha ang phone sa bedside table para tingnan ang oras. “W-What?!” Halos mapasigaw ako. Past nine in the morning na. Dapat nasa opisina na ako ngayon! Late na ako! Biglang sumakit ang ulo ko sa stress. Tumayo ako, hawak ang unan, at lumabas ng kwarto. Pagbukas ng pinto, sumalubong sa akin ang amoy ng lutong pagkain mula sa kusina. At doon ko nakita si Tirso, naka-apron pa, nagluluto ng kung anong sabaw sa malaking kaserola. Sabaw ba? O tinola? “B-Boss?!” tawag ko, bahagyang nanlalaki ang mga mata. “Late na! Presentation ngayon 'di ba? Bakit hindi mo ako ginising?” Akala ko nasa kumpanya na siya at iniwan ako. Hindi ko inasahan na nandito rin siya. Tumitig siya sa akin, nakataas pa ang kilay, halos magsalubong na. “You’re not going to the office today.” Napanganga ako. “Po?! Hindi puwede! May client meeting—” “I already h

  • Halinghing (SPG)   Kabanata 19

    Nakatulog agad ako ng nakatihaya sa kama. Sobrang pagod ng katawan ko pati isip ko to the point na wala na akong mapiga. Pero hindi pa man ako nakakalalim ng tulog, nagising ako dahil sa kakaibang sakit sa puson. “Ugh…” napaungol ako, halos mapakagat sa labi para lang hindi mapasigaw. Ramdam ko ang pamumuo ng pawis ko sa noo kahit malamig ang aircon. Hindi maganda ang pakiramdam, parang pinipiga ang loob ng tiyan ko. Napaupo ako, hawak ang puson. Oh, crap… napatingin ako sa orasan, past 2 a.m. Naalala ko agad kung bakit. Menstruation cramps. At mukhang mas malala ngayon kasi halos hindi ko na kaya. Naglakad ako palabas ng kwarto, pilit kinakaya ang sakit. Hindi ko na alam ang gagawin kundi kumatok sa pinto ni Tirso. Kahit nakakahiya, wala na akong pakialam. Kailangan ko ng tulong. Mahina akong kumatok. “B-Boss…” halos pabulong kong tawag, nanginginig ang boses. “T-Tirso…” Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto, hindi pala nakalock. Muntik pa akong humandusay nang mawalan ako

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status