Maaga pa pero parang hapong-hapo na 'ko. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa hindi ko pag-kain ng almusal o dahil alam kong mapapasabak na naman ako sa isa sa mga client.
Huminga ako ng malalim at napatingin kay Pia nang daanan niya ako. Kagagaling ko lang sa banyo dahil kanina pa ako ihing-ihi tapos nagpalit na rin ng damit para sa meeting mamaya. “Anong ginagawa mo dyan?" taas kilay na tanong ni Pia, seatmate ko sa creative team. Takang tumingin ako sa kanya. "Huh? Bakit?" “Nasa conference room na sila. Nagsimula na raw.” Bahagyang nanlaki ang mga mata ko, hindi na makapagsalita. Nang makabawi, halos magkanda dulas ako sa pagmamadali para kunin ang flash drive sa desk ko. Mabuti na lang talaga at tinapos ko agad ang caption para doon sa campaign ng kliyente kundi lagot na naman ako sa boss kong perfectionist. Hinagod ko muna ang mukha ko para bumwelo. This is it. Client presentation. At ang magpi-present? Ako lang naman. Masaklap, nahuli pa. Sermon talaga ang aabutin ko nito. Bumigat ang paghinga ko habang tinatahak ang conference room. Pinilit kong ituwid ang likod ko kahit halos magwala na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Isang maling slide lang, isang pangit na choice ng word, tapos ang lahat kay Sir Tirso. Pagpasok ko, unang bumungad sa akin ang malamig na tingin ni Sir. Lagi naman. Kailan ba siya ngumiti? Kailan ba naging maaliwalas ang mukha niya? Never. God. Sana maisalba ko 'to, kahit ngayon lang. Sobra akong nap-pressure. Nakatayo si Tirso sa tabi ng screen, nakahalukipkip, naka-itim na long-sleeved shirt at slacks. Walang bahid na pagod ang mukha niya kahit halatang naiinip na. Lahat tahimik. Lahat alerto. Lahat parang takot huminga. Napalunok ako nang bumigat ang tingin niya sa akin. Hindi ko naman kasi alam na darating agad ang client. Akala ko mamaya pa. “You’re late,” panimula niya. Boses pa lang, gusto ko ng umatras at magpasa ng resignation letter nang matapos na 'to, pero naiisip ko kung gaano kalaki 'yong sahod na minsan lang i-offer sa isang kumpanya. “You were supposed to present ten minutes ago.” Tumango ako, pilit iniiwasan ang pag-ikot ng sikmura ko. “I’m sorry po. I’m ready now.” Umupo ang mga kliyente na kanina lang ay may kausap, tatlong babae at isang lalaki na mukhang naiinip na rin kakahintay sa akin. Corporate types. Mga tipong naka-attend na ng twenty meetings this week. Kailangan ko silang gisingin. Kailangan kong bawiin ang nasayang na oras. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, pinindot ko ang remote saka naman lumabas ang unang slide. “Good morning po. I’m Irene, from the creative team. Today, I’ll be presenting a 360 campaign titled ‘Lifetime: A Legacy in Motion’ for your brand’s 18th anniversary.” Tahimik lang sa una hanggang sa may tumikhim. Wala pang limang segundo, nahagip na ng mata kong dahan-dahang binuksan ni Tirso ang laptop. At kahit tahimik lang siya, I could feel it—his judgment. His disapproval. That feeling that he's just waiting for you to mess up. At sa puntong 'to, pinanghinaan na ako ng loob na magpatuloy. Nagsimulang manlamig at manginig ang kamay ko. I could feel the disappointment. “…the campaign centers around three pillars—memory, tradition, and forward movement. Each content asset will highlight a generational story while introducing the rebranded product line...” Pilit kong sinunod ang script ko sa utak, but I could already see it in his face, may mali. Bakit ganun ‘yung font? Bakit hindi aligned ang mga boxes sa slide three? Bakit walang subtitle sa teaser video? Tapos na ang pitch ko nang hindi ko namalayan. Nakakabinging katahimikan ang namayani. At doon na siya tumayo. Tirso’s voice sliced through the silence. “Is this the best you can do?” Napayuko ako. Ramdam ko agad ang mabigat ng tensyon sa loob. Wala ni isang gustong magsalita maski ang mga kliyente. “Sir?” tanong ko sa nanginginig na boses. “The layout’s a mess. The tone of the caption doesn’t match the brand’s voice. The video was… average at best. Honestly, I’ve seen better work from interns.” That hit me hard. Insulto sa gawa ko at siguro tama siya. Mas lalo akong napayuko. Hindi ko pinakita na nasaktan ako. Ngumiti ako, 'yung tipong halos mapunit ang labi ko para lang hindi maiyak. “The timeline was tight,” sagot ko. “I had to revise the copy three times—” “I don’t care about your excuses, Miss Irene,” sansala niya sa akin, walang pag-aalinlangan. “You were given time. You were given feedback. This should’ve been better. If this is the quality of work you continue to deliver, maybe we should rethink your position in the team.” Pia tried to look away when I looked at her. Nakita ko kung paano nag-iwas ng tingin ang iba at mahinang napailing. Nanlumo ako. Pero ang pinakamasakit? Baka ilipat niya ako na ayokong mangyari dahil gusto ko ang ginagawa ko. Lumingon ako sa client at pilit na ngumiti. “We’re open to feedback po. I’ll revise and realign everything. I'm sorry." Tumango lang iyong lalaki, halatang naawa sa akin—sa itsura ko na halos paiyak na. Pagkatapos ng presentation, lumabas ako ng room na parang wala sa sarili. Tahimik akong naglakad pabalik sa desk ko, pero tumigil ako sa pantry. Doon ko na ‘di napigilan. I held on to the edge of the counter, pinikit ang mata, at sinubukang pigilan ang luhang gustong kumawala. Minsan iniisip ko, bakit pa ako nag-s-stay? Tirso has been my tormentor since day one. Hindi siya yung tipong boss na marunong makiramdam. Wala siyang pakialam sa nararamdaman ng iba. He pushes you to the edge, then watches if you’ll fall or fly. Sa kaso ko? Lagi akong bagsak. Hindi ko alam kung galit lang talaga siya sa katulad kong hindi top school graduate. O dahil babae ako. O dahil hindi ako outspoken. Or maybe… I just genuinely svck at this. I hated how much power he had over my confidence. Because honestly… what’s worst is being hated by your boss.Pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na gabi, nagpaalam na ako sa boss ko at nagpasyang umuwi na. Pero pagdating ko sa bus station, doon ko pa lang napagtanto na wala nang bumibyaheng bus kapag ganitong oras. Hatinggabi na.Umupo ako sa sementadong upuan, yakap ang bag at dumungaw sa kalsada, pinagmamasdan ang mga kotseng dumadaan. Marami pa rin namang tao, ganun din ang nakabukas na mga store, kainan at kung anu-ano pa na makikita sa syudad. Tipikal.Huminga ako ng malalim. Kung sasakay ako ng taxi, mahal ang sisingilin sa akin lalo na kapag gabi.So, baka maglakad na lang ako nito pauwi? At ibili na lang ng ulam itong pamasahe ko?Sumandal ako sa sandalan nitong shed. Pinikit ang mga mata, pilit pagtagpi-tagpi ang mga nangyari ngayong araw, ang panlalait ng mga kasama, ang pagbuhos ng tubig sa restroom, yung tingin ng mga tao sa paligid, at higit sa lahat... yung mga sinabi niya. Yung boss ko. The man who had always seemed so untouchable, so ruthless, pero kanina... iba siya.Napati
Pagbalik ko sa opisina niya, ramdam ko agad ang panibagong bigat sa dibdib. Ilang oras na akong nilalamig, pagod, at emotionally drained, pero eto na naman ako, bitbit ang laptop ko, hawak ang updated report, ibang files na pinapaayos niya, at pilit nilalakasan ang loob. Panaka-naka akong pumasok, pabilis nang pabilis ang tibôk ng puso. Nakaupo siya sa swivel chair niya, isang kamay nakapatong sa desk, hawak ang phone pero hindi nakatingin doon. Nakatitig siya sa akin. Matalim. Seryoso. Parang inaaral ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa. Napansin ko rin ang bahagyang pagtaas ng kilay niya. “You didn't answer me when you left, Irene. Who did this to you?” tanong niya agad sa mabigat na boses. "I don't tolerate bullying. Speak up." “I— I just tripped, Sir.” I replied, barely above a whisper. Kahit ako, hindi ko makuhang maging matapang. "Nadapa." “Tripped?” Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at lumapit sa gilid ng mesa. “Basang-basa ka dahil nadapa ka? Saan? Sa swimming pool ba?
Imbes na bumalik ako sa desk ko, mas pinili kong dumiretso sa restroom kesa pakinggan ang bulungan sa opisina. Pagpasok ko sa banyo, mabilis akong lumapit sa sink. Hindi ko na napigilan. Umagos na lang bigla ang luha ko. Hindi ko alam kung mas masakit ‘yung mga sinabi ni Tirso sa meeting, o ‘yung mga bulungan sa labas. Pareho silang mabigat. Pareho silang nakakababa ng pagkatao. Hinawakan ko ang gilid ng sink, pinikit ang mga mata, at huminga ng malalim. “Kayanin mo, Irene. Please. Konting tibay pa,” bulong ko sa sarili. Naramdaman kong bumukas ang pinto sa likod. Tatlong babae. 'Yung madalas na nagtsitsismisan sa pantry. Dali-dali akong pumasok sa isa sa mga cr. “Grabe, no? Parang every week na lang palpak siya.” “Baka nagpapapansin lang kay Tirso.” “Kung ganun ka-kawawa ang performance, kahit pa magpaka-seductive siya, hindi siya papatulan ni Sir Tirso.” Saka sila sabay-sabay na nagtawanan. Napapikit ako at nakuyom ang kamao. Alam kong ako ang pinag-uusapan nila kahit wala
Pagdaan ko sa hallway pabalik sa desk ko, nakarinig ako ng bulungan. “Bakit ba siya palagi ang sinasama sa client pitch? Eh wala naman siyang alam." "Who knows 'di ba? Magaling naman si Pia, ewan ko rin ba kay Sir Tirso." “Grabe, hindi man lang niya na-defend ‘yung concept niya kanina. Cringe.” "Ako 'yong nahiya." I felt so small. Parang kahit anong effort kong magtrabaho araw-araw, palaging may mali na naghahatak sa akin paibaba. Tahimik akong nagpatuloy, hindi na lumingon pa, pilit kinukumbinsi ang sarili na wala lang 'yon. "Irene." Napatingin ako sa tumawag sa akin. Si Marge, sekretarya ni Tirso na nakatayo sa may desk niya. "Ano 'yon?" “Pinapatawag ka ni Sir.” Awtomatikong naglakad ako papunta sa glass office ni Tirso. Dama ko na agad ‘yong tensyon kahit hindi pa ako nakakapasok. Kumatok ako ng tatlong beses dahil 'yon ang isa sa mga rules niya na kailangan sundin. “Come in.” Tahimik akong pumasok sa loob ng opisina niya, bitbit ang clipboard na dala k
Maaga pa pero parang hapong-hapo na 'ko. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa hindi ko pag-kain ng almusal o dahil alam kong mapapasabak na naman ako sa isa sa mga client. Huminga ako ng malalim at napatingin kay Pia nang daanan niya ako. Kagagaling ko lang sa banyo dahil kanina pa ako ihing-ihi tapos nagpalit na rin ng damit para sa meeting mamaya. “Anong ginagawa mo dyan?" taas kilay na tanong ni Pia, seatmate ko sa creative team. Takang tumingin ako sa kanya. "Huh? Bakit?" “Nasa conference room na sila. Nagsimula na raw.” Bahagyang nanlaki ang mga mata ko, hindi na makapagsalita. Nang makabawi, halos magkanda dulas ako sa pagmamadali para kunin ang flash drive sa desk ko. Mabuti na lang talaga at tinapos ko agad ang caption para doon sa campaign ng kliyente kundi lagot na naman ako sa boss kong perfectionist. Hinagod ko muna ang mukha ko para bumwelo. This is it. Client presentation. At ang magpi-present? Ako lang naman. Masaklap, nahuli pa. Sermon talaga ang aabutin
IRENE'S POV May araw talaga na gusto mo na lang sukuan ang lahat. Napapikit ako nang mariin nang makita ko ang orasan sa bedside table. "Late na naman ako,” bulong ko habang nagsusuot ng sapatos na hindi ko pa nalilinis simula no'ng nilusong ko 'to sa baha last week. I didn’t even have time to brush my hair properly, isang hilamos lang, konting pulbo, tapos ayun, binuhol ko na lang ang buhok ko sa likod, wala nang pakialam sa itsura. Wala akong oras para kumain. Kahit tubig, hindi ko na nainom. Basta na lang ako kumaripas palabas ng apartment na inuupahan ko sa ikatlong palapag. Naalala ko, ilang linggo na rin akong halos hindi nakakabayad ng renta. Si Manang Juliet sa kabilang pinto, panay ang tanong kung may balak pa ba akong bayaran. Sabi ko, “Next week po,” kahit alam kong wala namang darating na milagro sa susunod na linggo. Pero baka magkaroon ng himala at magpa-bonus ang boss namin pero imposibleng mangyari 'yon. Let’s not get ahead of ourselves. Nagmamadali ak